Leana’s POV
“Huy, ate. Sigurado ka ba sa gagawin mo?” nag-aalangan na tanong sa akin ni Chance.
“Oo. Bakit?”
“Gagamitin mo 'yung tao para lang realistic ang maisulat mo sa novel mo?” kunot na kunot ang noong aniya.
“Anong masama roon?”
“Aray!” Napasigaw ako dahil sa biglaan niyang pagbatok sa akin.
“Tanga ka, ate. Paano kapag na attach sa 'yo 'yung tao tapos bigla kang lalayo? Ang gagawin mo?”
“Kung mangyayari 'yun, makaka-move on din 'yun panigurado.”
Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ng kapatid ko.
“Alam mo naman siguro 'yung pakiramdam ng nagagamit diba ate? Naranasan mo 'yun ng paulit ulit kaya alam mo kung gaano kasakit. Tapos gagawin mo 'yung kinaayawan mo sa ibang tao?”
Natigilan ako dahil tama ang sinabi niya.
“Mas malala naman 'yung ginawa nila sa akin,” nag-iiwas ng tingin na sagot ko.
“Oo, mas malala pero ate naman… Inuulit mo lang 'yung ginawa sa 'yo nung mga dating naging kaibigan mo. Anong ginawa nila? Diba nakipag-kaibigan sila sayo tapos nung nakuha na nila ang gusto nila, iniwan ka nila sa ere? Tapos gagawin mo 'yun kay kuya Nico? Tss.”
Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan niya lang ako.
“Bakit mo pinapaalala hayop ka? Sinabi ko ng kahit anong mangyari eh huwag mong ipaalala!”
Ibinaon ko na ang mga iyon sa hukay pero 'yung sakit, bumabalik pa rin kapag naaalala ko. Tinuring ko silang kaibigan pero ginamit lang pala nila ako. Ginamit para lang tumaas ang grado, ginamit para mapalapit sa isang kaibigan ko at kapag okay sila, sabay silang aalis. Walang natitira. Laging ganon ang nangyayari.
“Pinapaalala ko sa 'yo dahil ayokong maging katulad mo sila na manggagamit!”
“Hindi ko naman papaabutin hanggang sa punto na maa-attach na siya sa akin ng husto.”
“Aba, talaga? Paano kapag madaling ma-attach 'yung tao?”
Napatingin ako sa kanya at napangiwi.
“Sus! Ang cold kaya ni Nico! Imposibleng madali siyang ma attach.”
Nagkibit balikat siya.
“Sabi mo eh, bahala ka.”
“Ewan ko ba sa 'yo ate. Red flag mo 'yan eh.”
“Hoy! Grabe naman sa red flag! Minsan ko lang naman ginagawa 'yun eh!”
“Minsan? Talaga? Sampung tao na ang ginamit mo ate! At para 'yun lahat sa novel mo,” sarkatiskong aniya.
Napanguso ako dahil sa hiya. Eh sa gusto ko lang naman masulat ang mga characters ko ng maayos! Tsaka, ginagawa ko 'yun para may bago akong experience at baka maging inspiration pa 'yun para sa mga susunod na librong susulatin ko.
“Alam mo kasi Chance, simula nung mahanap ko ang passion ko, handa kong gawin ang lahat para lang mag improve. 'Yun nga lang, gusto ko ng experiences pero paano? Hindi naman tayo mayaman,” inis na saad ko.
“Ang swerte mo naman. Sana all nahanap na ang passion.”
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa nahimigan kong lungkot sa boses niya.
“Grade 10 ka na next year. Anong kukunin mong strand?”
“Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam kung anong gusto kong gawin sa buhay.”
Nalukot ang mukha ko.
“May ganon ba?” takang tanong ko.
“Syempre hindi mo maiintindihan dahil kahit noon, planado mo lahat. Maswerte ka dahil hindi ka nai-stress kakaisip kung anong gusto mong gawin sa buhay.”
Anong hindi nai-stress? Labag nga sa loob ko ang kursong kukunin ko eh. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang nursing. Takot ako sa dugo eh!
“Wala ka pang naiisip? Kahit isa?” tanong ko at umiling naman siya.
“Gusto ko lang maging masaya sa buhay. Alam mo 'yun ate? Gets mo na siguro. Gusto kong maging masaya pero hindi ko naman alam kung anong gusto kong gawin sa buhay kaya paano ako magiging masaya?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
“So hindi ka masaya ngayon?!”
“Ano ba! Ang ingay mo! Masaya ako pero hindi 'yung masayang masaya. Gets mo ba? Sa tingin ko kasi ay makakamit ko ang tunay na kahulugan ng kasiyahan kapag naging adult ako.” Kumindat siya at nandiri naman ako.
“Kung ganon, edi mag-aral ka na lang muna ng mabuti ngayon. May dalawang taon ka pa para mag-decide.”
“Matalino ako ate. Huwag kang mag-alala.”
“Putangina!” Sigaw ko at bumulalas naman siya ng tawa.
Patalon akong humiga sa kama niya kahit pa katabi lang naman niyon ang kama ko. Iisang kwarto lang kami ng kapatid ko pero may sariling kama. Sina mama naman, sa ibang kwarto.
Pinanood ko ang kapatid ko na nakatalikod sa akin at nakaupo lang sa harapan ng computer niya at abala sa paglalaro. 'Yan ang hilig niya, online games.
Dahil boring, tumayo ako at nagpunta sa tabi niya at nanood sa ginagawa niya.
“Hoy. Ako rin.”
“Huwag ka nga! Hindi ka marunong!”
“Edi turuan mo ko, tanga!”
Binatukan ko siya.
“Gawin mo assignment ko,” aniya.
“Math?” tanong ko at tumango siya.
“Ha! Easy para sa akin 'yan brother.”
“Ang yabang mo ah! Porke’t magaling sa math 'to.”
“Eh anong magagawa mo? Eh sa bobo ka sa math eh!” ganti ko.
“Gifted kid ka kasi. Ewan ko ba, nung umulan ng katalinuhan at talents, hindi ka lang naligo! Nag-swimming pa!”
“Syempre. Ako pa,” pagyayabang ko.
“Pero pagdating sa best friend...wala,” bumalalas siya ng tawa at hinila ko naman ang buhok niya.
“Gago ka ah! Porke’t loyal ang mga kaibigan mo!”
“Hindi ka magkakaroon ng loyal na kaibigan ate! Malabo!”
“Gago! Tanggalin ko 'yang saksakan ng computer mo.”
“Huwag na pala. Sorry.” Natatawang aniya.
Tanginang bata 'to…
“Gusto mo ng kaibigan pero ayaw ma attach. Parang tanga.”
“Kaysa naman ikaw diba! Gustong magka girlfriend, torpe naman!”
“Pakyu ate!”
“Pakyu ka rin!”Ganito kaming magkapatid. Hindi kami sweet. Puro asaran lang at pambwi-bwisit. Pero mahal ko 'tong hayop na 'to.
Yuck!
Hindi man ako sweet sa kanya, aba putangina walang pwedeng manakit sa kapatid ko. Alam kong lalaki siya at mas magaling mag handle ng sariling problema pero nandito ako para pagaanin ang loob niya kapag iiyak man siya.
Siya lang ata ang taong ayokong iwan. Pamilya ko. 'Yun lang. Sila lang ang mga taong mahalaga sa akin ngayon.
Napangiti ako at agad kong binatukan ang kapatid kong hindi pa rin tapos sa nilalaro niya.
“Ano na naman ate!”
Nanalalambing lang ako, tanga.
“Akala ko ba tuturuan mo 'ko! Ang tagal!”
“Maghintay ka kasi! Atat to eh.”
“Gawin ko muna assignment mo habang naghihintay.”
Tumango siya.
“Nasa bag ko. Kalkalin mo na lang.”
Umupo ako sa kama niya at binuksan ang bag niya. Nagulat pa ako dahil ang ayos ng mga gamit niya. Isa isa kong binuklat ang mga notebook niya at napatango tango pa dahil natutuwa ako dahil sa maayos at malinis na notes niya.
May barkada siya pero hindi niya pa rin napapabayaan ang pag-aaral niya. Ayos ah.
Isa isa kong tinignan ang mga questions sa notebook niya at agad namang sinulatan iyon dahil alam ko na ang lesson nila. Naaral ko na 'to last year at mabuti na lang at hindi ko pa nakakalimutan.
Kahit maingay siya, sinubukan kong mag concentrate. Masaya ako habang ginagawa ang mga equations sa notebook niya. Mahilig ako sa math dahil nae-enjoy ko ang pagso-solve ng mga numbers pero syempre, walang makakatalo sa mga language subjects. Favorite ko ang mga iyon. Lalo na ang mga essays.
“Hoy! Tapos na!” Sigaw ko.
“Naks. Salamat ate.”
“Ako na dyan. Turuan mo ako. 'Yun ang bayad mo.”
“Sure.”
Kinuha niya ang notebook at pinasadan iyon ng tingin.
“Hindi ka man lang ata nahirapan sa pag solve.”
“Kalma, ako lang to- Aray ko! Hayop ka!” Sigaw ko nang batukan niya ako.
At dahil pinangako niyang tuturuan niya ako, 'yun nga ang ginawa niya. Ako naman ay laging namumura dahil iba iba raw ang ginagawa ko.
“Aba, ang bastos naman 'tong kalaro mo,” inis na saad ko.
“Hayaan mo na. Maraming ganyan sa online gaming. Sanay na ako dyan.”
Sumama ang mukha ko.
“Pwes. Ako hindi,” saad ko.
“Open mic ka gusto mo?”
“Hindi. Makikinig lang ako.”
Ngumisi siya.
“Gusto mo ng matinding verbal bullying? Sure ka?” tanong niya.
“Subukan lang nila.”
“Bahala ka.”
At dahil sadyang hindi pa ako masyadong marunong, totoo nga 'yung sinabi ni Chance na makakatangap ako ng verbal bullying. Puro mga lalaki at akala naman nila ay ako na pinakabobong nilalang kung makapanlait.
Hindi na ako nakatiis at nag open mic na ako.
“Tangina niyo ah. Tunog aso na nga kayo, ampapangit pa ng mga salitang nanggagaling sa mga bibig niyo.”
Natahimik silang lahat.
“Huy, ate.” Kalabit sa akin ni Chance.
“Babae pala pre! Sorry, miss.”
Umikot ang mga mata ko dahil sa biglaan nilang pagiging maamo.
“Magaling ka. Konting practice pa.”
“Tss. Wow ah? Porke’t nalaman niyong babae ako?”
“Joke lang 'yung kanina. Anong pangalan mo sa f******k? Add kita.”
Ngumiwi ako.
“Mas gusto kong maging anonymous.”
Agad kong narinig ang mga tawanan nila.
“Single ka?”
“Wala kang pake. By the way, patapos na ang game. Goodbye mga tae.”
Pagkatapos na pagkatapos ng laro, agad kong nilapag ang earphones niya at napangiwi.
“Ang hilig mong makipag-away ate. Iba ka.”
Inirapan ko lang siya.
“Leana! Chance!”
Sabay kaming napalingon sa may pintuan dahil sa boses ni mama mula sa labas. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin kaya rinig na rinig ang sigaw niya kahit saang sulok ka pa magpunta.
“Bakit po?” sabay na sigaw namin pabalik.
“Tara at kumain na tayo!”
Nagkatinginan kami ni Chance at agad na nagpaunahan sa paglabas. Habang tumatakbo ay tinulak ko siya para ako ang maunang makarating sa lamesa.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong hinabol ang hininga ko at inasar siya gamit ang mga tingin.
“Nanunulak ka eh!”
“Wala akong pake! Basta, nauna ako.”“Itong mga 'to talaga, oo. Mga binata at dalaga na kayo pero kung magbangayan kayo, para pa rin kayong mga bata." Naiiling na sabi ni mama.
“Nahawa lang naman ako kay Chance, ma. Isip bata kasi siya.”
“Papa oh! Si ate!”
Natawa ako.
“Sus! May pasumbong sumbong ka pa. Wala 'to.”
“Mama, alam mo ba si ate. Nakipag-away sa kalaro ko sa PC kanina.”
“Leana?”
Agad akong napanguso dahil sa biglaang pag strikto ng boses ni mama.
“Eh mama, binu-bully nga kasi nila ako kanina kaya pumatol ako.”
“Pero hinayaan mo na lang sana 'no? Kasalanan mo talaga 'to mahal!” Bulyaw ni mama kay papa.
“Bakit na naman ako?!” naguguluhang ani papa at natawa naman ako.
“Kung bakit kasi tinuruan mo 'yang anak mo kung paano ipagtanggol ang sarili niya! 'Yan tuloy, marunong makipag-away!”
“Aba, dapat lang na ipagtanggol niya sarili niya. Walang mali roon.”
Napangisi ako kay mama dahil sa pagkampi sa akin ni papa.
“Mag-ama talaga kayo.”
Habang kumakain ay hindi nawala ang lagi naming ginagawa. Ang kwentuhan. Dahil busy kaming magkapatid sa school, busy din sina mama sa trabaho kaya sa hapag kainan lang kami nagkakaroon ng quality time together.
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi sa buong oras na kumakain kami. Masaya at mapagmahal ang pamilya ko. Hindi sila toxic at understanding sila kaya kailangan man wala akong naging issue pagdating sa pamilya ko. Pinalaki nila kaming magkapatid sa maayos at hindi toxic na paraan.
Hindi man ako kuntento sa buhay ko ngayon, kuntento naman ako sa pamilya ko. Ma swerte ako na sila ang naging pamilya ko. Kaya naman ay pinapangako ko sa sarili ko na ipaparanas ko sa kanila ang buhay na deserve nila.
Tinignan ko ang parents ko at halatang-halata na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Kasal na sila for 16 years pero umaasta pa rin sila na para bang teenagers na magkasintahan. Tila hindi sila nagsasawa sa isa’t-isa.
Pagkatapos kumain ay agad akong nagpunta sa labas dahil may gagawin pa akong mga gawaing bahay. Maglalaba ako at si Chance naman ay maglilinis sa loob at labas ng bahay. Pupunta naman sa trabaho sina mama at papa.
“Chance!”
“Ano?!”
“Kulang 'yung sabon! Bumili ka nga sa tindahan dali!”
Nagpunta siya sa kinaroroonan ko na nakakunot ang noo habang may hawak hawak na walis.
“Ate naman eh! Akin na 'yung pera!” nagrereklamong aniya pero susundin niya pa rin ang utos ko dahil kung hindi ay malilintikan siya.
“Kunin mo sa wallet ko. Huwag sa wallet na nasa drawer nina mama.”
Nakasimangot pa siyang tumango.
“Hoy! Huwag kang sumimangot. Papayagan kitang gumala kasama mga kaibigan mo ngayon.”
Agad siyang natigilan at napalingon.
“Talaga?!”
“Oo! Ako na ang magluluto ng lunch at maghuhugas dahil may gala ka pa.”
“Ikaw ba talaga 'yan?”
“Babawiin ko na ba?!”
“Hindi! Eto na, bibili na ako.”
Natawa ako.
Ilang sandali pa ay bumalik siya hawak hawak ang perang pambibili niya ng sabon.
“Ano?” tanong ko.
“ I love you ate.”
Naks naman kapatid.
“I love you too.”
Nagkatitigan pa kami.
“Yuck!” sabay naming sigaw.
Natatawa akong tumayo para sana habulin siya pero kumaripas na siya ng takbo palayo.
Damn, I really love my family.
Nico’s POV I wish I could go back to the times when everything was equal when it comes to me and my siblings. I wish I could go back to the times when I was still not aware of everything. Now that I grew up, I saw the toxicity of my family. It was full of competition. It’s not just the pressure that it gives me but it also makes me question my worth in this family. I want to be a kid again. Tahimik lang akong kumakain kasama ang pamilya ko at tulad ng nakasanayan, nagku-kwento ang mga kapatid ko sa parents namin tungkol sa mga achievements nila. Ang dami nilang achievements samantalang ako, wala man lang akong maipagmamayabang. “Ikaw, Nico. How’s school?” Napalingon ako kay mommy na nagsalita. “School is fine, ma. I’m doing great.” “Are you sure kuya?” Agad na kumunot ang noo ko dahil sa komento ng nakababatang kapatid ko. He’s a year younger than me. Nilingon ko siya at nandon na naman ang mga tingin niyang tila ba sinasabihan ako na walang silbi. Hindi ko siya sinagot at na
Leana’s POV Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay ding umasim ang mukha dahil sa mga magulang namin. Paano ba kasi? Napaka PDA. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero…. Hindi ako komportable sa nakikita ko! Ang awkward kaya! Respeto sa mga single! “Ate, tara na,” yaya niya sa akin. “Teka lang. Magpaalam pa tayo.” Pinadyak niya ang paa niya hudyat na naiinis na siya. “Huwag na! Eh paano ba ‘yan, para silang gagawa ng panibagong kapatid!” Nanlaki ang mga mata ko hinampas siya. “Gago, ang lakas ng boses mo.” Tumawa siya at napangiti naman ako habang nagpipigil ng tawa. Naiiling kong kinuha ang cellphone ko at nag-text kay mama na mauuna na kami. “Tara na ate… nandidiri ako!” Pabulong na sigaw niya. Binatukan ko siya at hinatak na siya para hindi na siya magreklamo. “Ma! Pa! Una na kami!” Sigaw ko at naglakad kami palabas ng bahay para sumakay ng tricycle. Habang nasa tricycle kami ay palihim kong tinignan si Chance. Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura n
Nico’s POV “Nicolo!” She’s using that damn nickname again! I hate it. I said, my name is Nico! Just Nico! "What?” inis na tanong ko. Ayaw ko namang pagtaasan siya ng boses dahil baka masaktan ko ang loob niya. Mukha pa naman siyang masaya. “Wala akong activity sa club namin ngayon. Gusto mong tumambay?” Uuwi na ako eh pero gusto ko rin namang tumambay muna kasama ‘tong maingay na stupid na ‘to. “Where?” “Sa field. Gusto mo?” “Ang layo.” “What? Hindi ‘yan. Ang tamad mong maglakad ah. Halika na! Ano ‘yan, mag-isa ka rito sa classroom? Ang lonely nun.” “Why can’t we just stay here?” angal ko. “Alam mo, hindi ka pa ba pagod kakaupo buong maghapon sa chair mo? Tara na!” Hinatak niya ako patayo. Why am I letting her do this to me in the first place? I can just shove her away! Stupid me. What if I get attached to this girl? “Mainit doon Leana.” “Upo tayo sa ilalim ng puno.” Ang dami niyang naiisip na paraan. Wala akong nagawa kundi tumayo at isukbit ang bag ko sa likuran k
Leana’s POV Please, someone, come comfort me. Napayakap ako sa sarili ko habang pinipigilan ang sarili ko mula sa paghikbi. Narito ako sa medyo madilim na parte ng eskinita para walang makakita sa pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay napakawalang silbi kong anak. Pakiramdam ko ay panganay nga ako pero wala naman akong maitulong kina mama. Kanina lang ay pinanood ko na naman kung paano mag-usap sina mama at papa at pera na naman ang problema. Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nila. Nasasaktan ako ng sobra. Gustong-gusto kong sumigaw pero anong magagawa ng pagsigaw ko? May lalabas bang pera mula sa malakas na sigaw ko? Wala. Mauubos lang ang boses ko. Pagod ako mula sa pagtu-tutor at galing sa eskwelahan tapos ‘yun ang madadatnan ko sa bahay. Grabe naman ang realidad. Masyado kang mapanakit. Ano bang gagawin ko para may maitulong man lang ako? Maghahanap ba ako ng trabaho? Pero ano naman? Paano ko sasabihin kina mama na gusto ko silang tulungan? Gusto kong magmadali. Gusto kong mak
Leana’s POV “Leana, wala akong balak makipagkaibigan sa 'yo okay?” Ang bugnutin niya talaga simula pa kaninang umaga. “Mukha kang stressed kaya nilapitan kita. I’m just trying to cheer you up.” Nalukot ang mukha niya at padabog na sumandal sa upuan niya. Muli ay kaming dalawa lang ang nandito dahil ayaw niyang bumaba para mag-recess. Hindi naman ako gutom kaya nanatili na rin ako rito. “Hindi ako natutuwa,” saad niya. “Should I give up?” Aasarin ko lang sana siya mula sa sinabi kong iyon pero natigilan ako dahil sa lungkot at inis na nakita ko sa mukha niya. “Yes, you should.” Hala! Hindi ko sinasadya! Nang-aasar lang ako! Bakit ang lungkot bigla ng boses niya? “Nagbibiro lang ako eh.” Ngumiti ako ng tipid. “I don’t have the time for that kind of joke.” “Ang seryoso mo talaga ‘no? Nagbibiro lang ako! Ngumiti ka na ha? Ano ba kasi ang problema mo?” Umiling lang siya at nilabas ang cellphone niya. Hinigit ko iyon mula sa kamay niya at nanlalaki naman ang mga mata niya na ti
Leana’s POV Habang nakaupo sa isang bench kasama si Nico, hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko pagkatapos kong sabihin kung paano ko nakikita ang paligid. Ang ganda lang kasi na lahat ng nakikita ko ay parang napakakulay. Napakaganda. Ganon din ba si Nico? Naiintidihan niya kaya ang ibig kong sabihin? “Is that why you’re always happy? Because you see the world as a happy place?” Napalingon ako dahil sa tanong niya. “Hindi naman sa ganon. Meron ‘yung mga times na parang walang kulay ang paligid lalo na kapag may mga problema ako o malungkot. Noon, oo tinuturing ko talaga na happy place ang mundo pero unti-unti kong nakikita ang realidad eh. Alam mo ‘yun? ‘Yung parang mas lumalaki ka tapos nakikita mo na hindi pala kasing saya at payapa ng tulad ng iniisip mo noong bata ka pa.” Tumango siya. “Noon, para talagang kumikinang lahat sa paningin ko. Ngayon naman, hindi na masyado. Ewan ko ba. Hindi na tulad ng dati pero makulay pa rin sa paningin ko ang paligid. Nagpapasal
Nico’s POV “She’s really something.” Bulong ko sa sarili ko habang pinapanood si Leana na pinapagtanggol ang sarili niya mula sa dalawang lalaking bullies. Hindi ko na siya kailangang tulungan. Kaya na niya ‘yan. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang galit sa mukha niya at parang gusto niyang manakit. Maganda na hindi niya hinahayaan ang sarili niya na maapi ng kahit na sino. Mabait siya eh pero hindi siya ‘yung klase ng tao na magagamit dahil sa kabaitan na taglay niya. Her personality screams toughness and independence. Sumandal ako sa pader at pinanood lang sila kahit pa wala akong naririnig. Dito na lang muna ako dahil baka may mangyari pa sa kanya lalo pa at mukhang pikon na pikon na ang mga dalawang bullies na nasa harapan niya. Napatingin ako sa kamay ng isa sa kanila at nakakuyom na iyon kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Don’t you dare hit her! “Bakit? Anong mali sa ginagawa kong pagtu-tutor? Atleast hindi ako palamunin na tulad niyo!” Eto talaga, walang inaatra
Leana’s POV “Ate, hindi ka pa matutulog?” Napalingon ako dahil sa tanong ni Chance. Umiling ako at umupo mula sa pagkakahiga. “Hindi ko ba lalayuan si Nico? Sa tingin mo?” Agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Close na ba kayo?” Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. “Ewan ko eh. Cold kasi siya kaya hindi ko masabi.” “Alam mo ate, hindi mo alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Malay mo na-attach na ‘yun sa 'yo,” saad niya na naging dahilan upang mapasinghal ako. “Imposible ‘yan! Ang sungit sungit kaya nun.” “Kung gusto mo siyang kaibiganin edi gawin mo. Anong masama ‘ron?” Napanguso ako. “Ano? Nakuha mo na ba ‘yung kailangan mo sa kanya? Lalayo ka na?” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipagkakaila na malaking tulong ang paglapit ko sa kanya. “Oo.” Agad siyang suminghal. “Lalayo ka na ‘no? Ang bastos mo ate.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Grabe ka! Nag-iisip nga ako kung kakaibiganin ko siya o hindi.” “Tanungin mo kasi ‘yang sa
Nico’s POV If there’s one thing that I learned throughout the years that have gone by, that is time will lessen the pain. Back then, I thought I couldn’t escape the darkness that I was trapped in when she died. I was wrong. No matter how much pain I experienced throughout those years of attempting to heal, I eventually did. I moved on. I didn’t even notice it. I just knew that as many years passed, the pain I would feel every time I woke up in the morning felt weaker and weaker. The voices in my head that consumed me for a long time faded like bubbles. I didn’t know I would be able to move on. My family was correct when they said that what happened is not the end of the world. It’s not the end for me as long as I’m alive. As long as I wake up because every day has something new to offer. I felt like I was going to be trapped for the rest of my life but I found the escape. Being in pain makes you think that you’re hopeless. It makes you think that the world is against you. Being
Nico’s POV “Nico.” I groaned as I felt my brother’s hands on my shoulders. He’s trying his best to wake me up. “What?” “Today is the funeral, Nico. You need to get up and get ready.” Today is the funeral? That was fast. I was just fighting with my father in the hospital to give me ten more minutes before they take Leana away from me and today is now the funeral? This is unbelievable. And for the first time after a while, I hated how time flies fast. Before this entire thing happened, I used to wish every single night for time to fly fast because I wanted to spend another day with Leana. “Do I have to go?” I opened my eyes and shoved him away from me. I sat and my back felt like it was going to break anytime soon. “Of course, you have to go. Don’t you want to say goodbye?” “It’s not like she’s going to hear me.” “Nico, please. You haven’t gone at the wake for once. You’re her best friend. You should be there.” I hated that my breathing started to get heavy again. “But…” “B
Michael’s POV Naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na pag-iyak. Agad kong nahimigan na boses ni iyon ni Rose kaya itinalukbong ko na lamang ang blanket sa buong katawan ko. It looks like she just had another bad dream. I can’t blame her for that. I mean, she’s a kid. At dahil alam ko sa sarili kong maikli pa lang ang tulog ko, agad na nanakit ang ulo ko sa ingay ng pag-iyak niya. Napakatinis ng boses niya na akala mo ay tinutusok ang tenga mo dahil doon. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog sa pag-aakalang titigil din siya ngunit hindi iyon nangyari. Padabog akong bumangon at naglakad papunta sa kwarto niya. “Rose, people are sleeping…” I tried my best to remain calm. Kumunot ang noo ko nang may marinig akong mga boses sa loob kaya naman ay binuksan ko iyon at bumungad sa paningin ko sina tita at dad. “What’s going on?” I asked as I approached them. “Bigla na lang siyang gumising at umiyak.” Tinitigan ko si Rose at napangiwi sa itsura niya. Namumula ang mukha niya at sa tin
Nico's POV “Where do you want us to go this time?” I asked her while she was busy staring at nothingness, probably thinking where to go. “Baka gusto mo na huwag na tayo lumabas. Sure ka na okay lang sa ‘yo?” I nodded as she stared at me with doubt. “It’s okay.” “Hindi ka pa nawawalan ng gana?” “Why would I?” I smiled at her to assure her that it doesn’t matter. I have to assure her that I really am enjoying this. “If you’re worried that I might be forcing myself when I really don’t want to go out, you’re wrong. I recharge my energy every night, Leana.” “Sure?” “Yes.” Nagkibit balikat siya ngunit napangiti lang din ng malapad sa huli. “Gusto kong pumunta sa garden- huwag na pala. Ihuli na lang natin ‘yun.” “We have a few more days before our classes resume. Take your time.” Leana had been going out a lot these days. She barely settles in their house now, especially in the afternoon. For the past few days, I’ve been going out with her just to go to the places we once went
Leana's POV Bigla akong nagising kaya naman ay agad kong kinapa ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas dose pa lang ng madaling araw at ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Nakakaramdam ako ng mga pagpitik sa ulo ko at napakasakit nun. Senyales na hindi pa matagal simula nung nakatulog ako. Bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko nang pumasok na naman sa isip ko ang nakita ko sa mall nung araw na iyon. Nandon muli 'yung kakaibang sakit na tulad ng naramdaman ko sa araw din na iyon. Parang nadadaganan ang dibdib ko sa sobrang bigat nito at tila mahirap din tuloy huminga. Umupo ako sa kama at kumunot ang noo dahil sa dami ng sakit na naramdaman ko sa katawan. Sakit sa ulo dahil wala na naman akong ginawa kundi ang umiyak, sakit sa likuran dahil sa buong oras na nakahiga ako ay yakap yakap lang ang sarili, hapdi sa mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko ay nasaktan ako sa nakita ko nung araw na iyon. Hindi ko maint
Leana’s POV “Anong gagawin mo sa loob ng two weeks na walang pasok Nico?” Nakangiting tanong ko. Hindi na kaya pang itago ang excitement na nararamdaman. “You look so happy.” “Sino bang hindi sasaya sa sem break?” Nakangiti niyang isinara ang notebook na binabasa niya at sumandal sa upuan niya. “I’ll focus on working on our song. I want you to listen to it as soon as possible.” “Hihintayin ko ‘yan!” “I know you’ll not be going anywhere but… wait for it or else-” “Or else what?” hamon ko. “I’ll get upset.” Napabulalas ako ng tawa at agad namang nalukot ang mukha niya. “I’m serious.” “Oo na. Tsaka saan naman ako pupunta diba?” “I don’t know. I just want to tell you.” “Huwag kang mag-alala dahil kahit nasa binggit na ako ng kamatayan, hihintayin ko ‘yan.” Ngumiti ako ng tipid. Natigilan siya at napatitig sa akin na para bang inoobserba kung seryoso ba ako o hindi. “I thought you were scared of that word.” “I saw death with my own eyes, Nico.” Naitikom niya ang bibig niya
Leana’s POV “Rose dali! Pumwesto ka na!” Napailing na lang kami dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Michael sa kapatid niya. “Teka lang kuya!” Nilingon ako ni Michael at binigyan ng nagpapaumanhin na tingin kaya nginitian ko siya at tinanguan. Okay lang naman sa akin na magtagal dito sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Rose. “Hindi ka nangangalay dyan ate?” “Bakit naman ako mangangalay? Nakatayo lang naman ako tapos may hawak na camera.” Natatawang saad ko. Napalingon ako kay mama at tito na tahimik lang na pinapanood kami mula sa kinatatayuan nila. Nakasuot si mama ng dress at si tito naman ay suot suot pa ang suit niya na ginamit niya mula sa trabaho. Si Michael naman as usual ay nakasukbit na naman sa leeg niya ang headphones niya. Hindi niya ito mabitawan at laging sinasabi na parte raw ng pagkatao niya ‘yun. “I’m done!” Napalingon kaming lahat sa hagdan dahil sa sigaw na iyon ni Rose. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko siya na naka dress at ang cute cute niya!
Leana’s POV “Leana-” “Papasok na po ako.” Tinalikuran ko si mama at dere-deretsong naglakad palabas ng bahay. Natigilan ako sa paglalakad at hindi ko inaasahang nandon na ang sasakyan at bukas na rin ang pintuan. Bumungad sa paningin ko sina Michael at Rose na prenteng nakaupo sa loob. Muli akong tumingin sa likuran ko at nandon si mama at binibigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin. Masama ang loob na pumasok ako sa sasakyan at agad na isinara ang pinto upang sa ganon ay hindi na niya ako makita. “Wala kang naiwan sa loob Leana?” “Wala po tito.” Nakita ko ang pagtango niya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. “Saan kayo pupunta?” tanong ko sa magkapatid. “Wala lang. Gusto lang namin makita school mo.” Nakangiting saad ni Rose. Napangiti ako at tumango na lamang bago sumandal sa upuan at idinapo ang paningin sa labas. Ayoko sanang mag-away na naman kami ni mama. Ngayong nakaraang buwan na nga lang kami hindi nag-aaway tapos ngayon ay hindi ko pa siya pinatapos sa sasabih
Leana’s POV Bakit pakiramdam ko ‘yung mga tao sa paligid ko ay nagpatuloy na sa buhay samantalang ako ay nandito pa rin at hindi alam kung paano makipagsabayan ulit. Pakiramdam ko ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo para sa iba ngunit sa akin ay tumigil na. Para sa akin ay tumigil na ang mundo ko simula nung nawala sa amin si Chance. Hindi ko maintindihan kung saan pa ako kumakapit. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ko pang tanggapin na wala na talaga siya at kailangan kong magpatuloy sa buhay. Kahit gusto kong itigil na lang ang lahat at huwag nang gumalaw pa, hindi ko magawa dahil buhay pa ako at mayroong nakakakita sa akin. At kapag ginawa ko ang nais ko, mag-aalala sila. Masasaktan ko na naman sila kaya wala akong choice kundi panoorin sila at gayahin kung paano sila umasta. Para na lang akong nagpapaanod sa agos ng buhay. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon mula sa pagkakadapang ito. At ayokong idamay ang mga tao sa palig