Share

Kabanata 3

Author: TaigaHopeRainbow
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nang magising si Tajana sa kwarto ay wala na siyang suot na mga damit. Napaupo agad siya at pilit inalala ang mga nangyari. Hindi niya matanggap ang mga alaalang bumabalik sa kanyang isipan. Pinayagan niya ang lalaking 'yon. Hinawakan siya nito, hinalikan at may nangyari sa kanila.

Litong-lito ang isip ni Tajana. Nang marinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo sa loob ng kwarto ay nagmadali na siyang magbihis. Alam niyang nasa loob pa ang lalaking 'yon.  Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Gusto niyang takasan na lang ito. Lasing lang siya. Wala siya sa sarili niya ng mangyari ang lahat ng 'yon.

Kahit na masakit ang ulo niya dahil sa alak at pagod pa rin ang katawan ay pinilit niya pa rin na magmaneho. Ayaw niyang makita ang lalaking 'yon.

Nang makadating siya sa kanilang tahanan ay tila hinihingal pa siya. Wala namang nakakita sa kanya sa kakaibang kasuotan niya dahil nagpalit muna siya sa kanyang kotse.

"Tajana?" narinig niyang tawag sa kanya ng kaibigan na si Nicolas.

Nagising ang dalaga sa malalim niyang iniisip ng tawagin siya nito. Tumingin siya dito. Napagtanto niyang may ipinapaliwanag ito tungkol sa plantasyon nila ng kape.

"Ah. Sorry. Pwedeng ipaliwanag mo ulit itong sumunod na sinasabi mo?" sabay turo ni Tajana sa pangalawang pahina sa mga papel na hawak niya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Nicolas.

"Hindi. May inisip lang ako sa mga nabasa ko tungkol sa plantasyon. Medyo nawala ang focus ko sa sinasabi mo."

"Mukhang matagal mawawala sila Don Ismael. 'Wag mong pagurin ang sarili mo."

"Ayos lang ako, Nico. At gusto kong makatulong kay lolo. Hindi ako pagod." sabay ngiti ni Tajana.

Kinalimutan ng dalaga ang mga nangyari sa kanila ni Terrence. Alam niyang kakaiba ang isip ng mga taga-syudad kumpara sa probinsya. Isang gabi lang ang nangyari na 'yon. Isang gabi ng pagkakamali niya at kasiyahan lang iyon sa isang lalaki.

Inabala niya ang sarili sa pagbisita sa kanilang plantasyon.

"Hija!" masayang tawag ng isang boses.

Nakita niya si Simon na naglalakad na ngayon patungo sa kanya. Malapit dito ang pastulan ng mga alagang hayop ng Vallejos.

"Kumusta po Ginoong Simon?" bati ng dalaga ng makalapit ito.

"Ayos naman ako. Ikaw hija?"

"Maayos rin naman po." nakangiting sagot nito.

"Nasaan si Don Ismael?"

"Lumilibot po siya ngayon sa ilang plantasyon at lupain sa ibang lugar."

"Talagang masipag pa rin ang iyong lolo sa negosyo." humahalakhak nitong sabi.

"May inihanda pa lang salu-salo si Ginoong Ismael para sa'min. Kaya isasama ko ang aking mga anak."

Nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Walang nabanggit sa kanya ang kanyang lolo. Pagdating sa mga desisyon nito ay siya ang unang sinasabihan. Ngayon lang ito nangyari.

"Tumawag po si lolo sa inyo?"

"Hindi. Ang tiyahin mo ang tumawag."

Ngayon pa lang ay nalinawan na si Tajana sa kung anong gustong mangyari ng kanyang tiyahin. Kinukuha niya ang tiwala ng mga Vallejos para makuha ang atensyon ng kanyang lolo. Alam naman niyang siya ang madalas pinapaboran nito kaya alam niya din ang pagkainis sa kanya ng tiyahin.

"Gusto ko ngang ipakilala sayo ang anak ko. Sigurado akong bagay kayo." masayang sabi ni Simon.

Ngiti lang ang naisagot ng dalaga. Hindi niya pa nararanasan ang magmahal ng totoo sa isang relasyon. Hindi niya rin alam kung kailan siya magiging handa para rito.

Inilibot ni Tajana si Simon sa kanilang plantasyon. Tila nalilibang naman ito. Ang negosyo ng Campoverde ay nakatuon lamang sa mga tanim samantalang ang Vallejos ay nag-aalaga din ng mga hayop. Kung nanatili lamang ang Vallejos sa probinsyang ito ay siguradong sila ay mas kinikilalang pinakamayaman sa lugar. Ngunit dahil ang Campoverde ang may pinakamalaking plantasyon dito ay sila ang tanyag na apelyido na pinakamayaman. Ang ilang taniman ng Vallejos ay wala sa probinsyang ito dahil sa mahilig maglibot si Simon sa iba't ibang lugar para bumili ng mga lupa at sakahan.

Nakarating ng mas maaga sa inaasahan ni Tajana sila Don Ismael. Napagtanto na niyang dahil iyon sa paghahanda para sa mga Vallejos.

"Maayos ba ang mga tanim natin?" tanong ng matanda kay Tajana habang nasa hapag-kainan na sila ngayon.

"Maganda po ang tubo ng mga tanim at magagaling ang mga trabahador sa pag-aalalaga. Bumisita po ako kahapon sa plantasyon ng kape."

"Magaling. Magandang balita 'yan. Sana ay mas madalas na malago rin ang tanim."

"Bibisita po ba ang mga Vallejos nitong linggo?"

Nagtatakang tumigil sa paghigop ng sabaw ang matanda at bumaling ang tingin kay Tajana.

"Ang mga Vallejos?"

"Nakita ko po si Ginoong Simon at nabanggit lang niya ang pagbisita."

"Papa, nagkausap kami ni Simon." masayang singit naman ng tiyahin sa usapan.

Napatingin si Jaime dito maging ang matanda habang si Catalina naman ay nawawalan na ng ganang kumain. Inabala lang ni Tajana ang sarili sa paggalaw ng pagkain niya kahit na nakikinig pa rin siya sa usapan.

"Hindi mo ito sinabi sa'kin agad, Eloisa. Paano kayo nagkausap ni Simon?" nagtatakang tanong ng matanda. Alam niya na may pagkatuso ang manugang niya.

Kinabahan bigla si Eloisa pero mas nangibabaw ang pagiging kalmado niya dahil konting mali lang niya ay alam niyang magagalit ang matanda. Hindi gusto nito na pinangungunahan siya.

"Siya pala ang bisita natin na sinasabi mo?"

Tahimik ang lahat habang nakikinig sa usapan.

"Nagkausap po kami ni Simon ng dalawin niya nga kayo. Nagkapalitan po kami ng numero. Gusto sana naming sorpresahin kayo ngayong linggo sa pagbisita nila. Alam din kasi niya na gusto niyo pong makilala ang kanyang mga anak." pagsisinungalin nito. Pinangunahan niya talaga ang matanda at siya lang ang nagplano sa pagbisita.

Si Tajana lang ang hindi naniwala sa mga sinasabi ng kanyang tiyahin.

"Ganoon ba?" Tumawa ang matanda dahil sa saya at nakalimutan ang kakaibang ugali ni Eloisa. Bumaling ang tingin niya sa kanyang mga apo.

"Tajana at Catalina. Ayusin ninyo ang inyong sarili sa pagbisita nila dito. Siguraduhin ninyong mabibighani sa inyo ang mga anak ni Simon. Sigurado ako na magaling sa negosyo at mababait ang kanyang mga anak. Isang karangalan iyon para sa pamilya natin kung ang mapapakasalan niyo ay isang Vallejos."

Nakangisi lang si Eloisa na parang planado niya na ang lahat ng susunod na mangyayari.

Nang maabutan ni Eloisa sa hardin si Tajana na nag-iisa at humihigop ng tsaa ay hindi ito nagdalawang-isip na lumapit.

Nawalan na agad ng gana si Tajana ng mahagip sa kanyang paningin ang tiyahin.

"Mukhang hindi ka yata makatulog."

"Nagpapaantok na po ako, tiya. Gusto ko lang uminom muna ng tsaa. Gusto niyo rin po ba?" alok ng dalaga.

"Hindi na kailangan. May gusto lang akong hingin na pabor sayo."

Huminto ang dalaga sa pag-inom ng tsaa at tumingin sa tiyahin niyang ngayon ay nakaupo na sa upuan na kaharap niya.

"Ano po 'yon?"

"Sa pagdating ng Vallejos dito. Kasama niya ang dalawang anak niya. Nalaman kong hiwalay si Simon sa una niyang asawa."

Nanatili ang mata ni Tajana sa kanyang tiyahin kahit na huminto ito saglit sa pagsasalita.

"Wala akong pakialam kung gustuhin mo ang panganay niyang anak. Pero ang bunso ay para kay Catalina. Kaya gusto kong hayaan mo ang lalaking 'yon sa kanya kahit na anong mangyari."

Tipid na ngumiti si Tajana.

"Tiya, hindi ko pa po kilala ang mga Vallejos. At wala pa sa isip ko ang magpakasal."

"Alam kong pipiliin ni papa para sayo ang bunsong iyon. Kaya gusto ko na tulungan mo ang pinsan mo. Mahal mo naman si Catalina bilang kapatid 'di ba?"

Totoo naman ang sinabi ng tiyahin niya. Ang lalaking nasa maayos ang pamilya ang pipiliin ng kanyang lolo para sa kanya. At totoo rin na mahalaga sa kanya ang pinsan niya.

"Masyado po kayong seryoso tiya."

"'Wag mo akong daanin sa paligoy-ligoy na usapan, Tajana. Kung gusto mo ay ibibigay ko sayo ang address ni Alicia bilang kapalit."

Naging seryoso ang tingin ni Tajana na para bang nalaman ng kanyang tiyahin kung paano siya mapapasunod. Ayaw ng kanyang lolo na hanapin niya ang kanyang ina. Pero nag-aalala siya rito. Mahal niya ang ina niya, hindi niya ito gustong mapabayaan.

"Ano Tajana? Sabihin mo sa'kin ang desisyon mo ngayon."

"Wala rin naman pong mawawala sa'kin. Hindi ko gusto ang magpakasal. Wala din po akong pakialam sa mga Vallejos."

"Magaling kung gano'n. Ngayon ay nagkakaintindihan na tayo."

"Kailan niyo po ibibigay sa'kin ang... address?"

May tuwa at lungkot sa pakiramdam ni Tajana ngayon. Gusto niyang makita ang kanyang ina. Pero ang kanyang lolo ay ilang beses na siyang nahuli sa pagpapahanap sa kanyang ina. Pinagbawalan siya nito at sinabing itatakwil siya kapag nakipagkita pa siya kay Alicia o kahit kay Flavio.

Umangat ang labi ni Eloisa na para bang wagi na siya ngayon.

"Ibibigay ko sayo ang address na 'yon kapag naikasal na si Catalina sa anak ni Simon."

"Paano po ako makakasigurado?"

Tumawa ang tiyahin niya.

"Tuso ako, pero pagdating sa ganitong pag-uusap. Kung ibinigay ng tao ang gusto ko ay ibibigay ko rin ang gusto niya."

Ngumiti si Eloisa.

"Kaya kung gusto mong mapadali ito. Pwede mo rin tulungan si Catalina para magkagusto agad sa kanya ang anak ni Simon."

Related chapters

  • Secrets of Tajana   Kabanata 4

    "Umayos ka Catalina."may inis na sabi ni Eloisa sa kanyang anak.Nakasimangot si Catalina habang sinusukatan siya ng isang sikat na designer."Ano ba 'to ma? Hindi ko kailangan ng bagong damit. At bakit pa po ako magpapasukat?""Hindi ka talaga nag-iisip. Ang bisita natin ay ang mga Vallejos. Siguraduhin mong makukuha mo ang loob ng anak ni Simon. Ang importante sa'kin ay 'yong bunso niyang anak."Lalong napasimangot si Catalina dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Ayaw niya sa mga gano'ng usapan. Gusto niyang siya ang magdesisyon kung sino ang nararapat para sa kanya."Thank you Ricky."masayang pasasalama

  • Secrets of Tajana   Kabanata 5

    Sa maluwang na mansyon ng Campoverde ay abala ang mga taga-pagluto at kasambahay. Lahat ay nagmamadali habang pinagbubutihan din ang kanilang ginagawa. Mahigpit ang bilin ni Don Ismael sa mga ito na hindi dapat sila makagawa ng pagkakamali. Dahil ito ay napakaimportanteng panauhin para sa kanya."Ayusin ninyo ang trabaho.""Bilisan ang kilos.""Ang mga kubyertos ay iayos na sa tabi ng mga plato."Ang pamilya naman ng Campoverde ay abala rin sa kanilang pag-aayos."Narinig mo naman ang mga bilin ko Catalina. 'Wag mong kalimutang umayos. Kilala mo ako, alam mo kung anong kaya kong gawin kapag hindi ka sumunod." Hindi na umimik pa si Catalina sa kanyang ina. Para sa kanya ay magiging mahaba ang araw na ito kaya ayaw niyang pagurin ang sarili niya sa pakikipagtalo.Sa kabilang silid naman ay

  • Secrets of Tajana   Kabanata 6

    Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala.Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.

  • Secrets of Tajana   Kabanata 7

    "Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga

  • Secrets of Tajana   Kabanata 8

    Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?"balik tanong niya sa'kin.

  • Secrets of Tajana   Kabanata 9

    "Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala."nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?"natatawang sabi

  • Secrets of Tajana   Kabanata 10

    Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin? Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha. Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa

  • Secrets of Tajana   Kabanata 11

    Nakahanda na ang pamilya ng Campoverde para sa pagsakay sa barko. Ngayon ay idinadala na rin papasok sa kani-kanilang mga kwarto ang kanilang mga gamit."Ismael."masayang bati ng isang matandang mukhang kasing edad lang din ni Don Ismael. Yumakap ito sa kanya kaya naman ganoon rin ang ginawa ng matanda."Fred. Masaya akong nagkita mulit tayo."masayang sabi ni Don Ismael bago sila magbitaw sa pagbating yakap."Mabuti nga at hindi ka nakatuon gaano sa negosyo mo. Noong araw ay talagang hindi kita maimbitahan dahil sa abot ang bantay mo sa negosyo."tatawa-tawang sabi ni Fred."Nakaraan na 'yon. Ang mahalaga ay nandito na ako ngayon."Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Don Ismael."Kasama mo pala ang iyong pamilya."puna ni Fred ng lumipat ang tingin niya sa kasama n

Latest chapter

  • Secrets of Tajana   Kabanata 48

    Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon."Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak."Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia."Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito."Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc.""Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya."Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"Sa unang t

  • Secrets of Tajana   Kabanata 47

    Nakarating si Terrence sa bahay ni Elisse para ihatid ang dalaga."Thank you so much Terrence for staying by myside." sabi ni Elisse bago pa man siya makababa ng sasakyan nito.Ngumiti si Terrence kay Elisse bago sumagot dito."Lagi mong tatandaan na para na tayong isang pamilya Elisse. You're like a sister to me. Kaya lagi akong nandito para sayo."Nakaramdam ng lungkot si Elisse sa kanyang puso dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang magkaiba ang nararamdaman nila sa isa't isa pero hirap pa rin siyang masanay sa katotohanang iyon.Itinago ni Elisse ang lungkot na kanyang naramdaman, ngumiti lang siya sa binata."Lets have some dinner in my house first." aya niya."Uhh..." Tumingin si Terrence sa kanyang relo. Ngunit hinarangan iyon ni Elisse ng kanyang kamay."Com'on Terrence, hindi mo ba ko pagbibigyan? Wala akong kasamang mag-dinner." pagpupumilit ni Elisse.Bumuntong hininga si Terrence ng makita niya ang pagmamakaawa ni Elisse sa pamamagitan ng mga tingin nito."Fine... Pero mad

  • Secrets of Tajana   Kabanata 46

    Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak. "Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito."Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito."Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw."Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa."Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa."Ako na dito Ma.""Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama

  • Secrets of Tajana   Kabanata 45

    Hindi makapaniwala si Alicia sa mga nangyayari ngayon. Sinaksak siya ni Tajana. Bakit kailangang gawin ito sa kanya ng sarili niyang anak?Hingal na hingal si Alicia ng tuluyan siyang magising sa nakakakilabot na panaginip niya. Tumutulo na rin ang pawis niya na nasa kanyang noo.Alam niyang hindi maganda ang lahat ng mga panaginip niya tuwing kasama niya si Tajana. Naiisip niya ngayon na baka isa itong babala sa kanya."Bakit madalas gabi kang pumupunta sa trabaho mo? Minsan naman gabing-gabi na wala ka pa?""Ma, madami akong ginagawa sa bago kong trabaho. Kailangan hindi ako mareklamo kahit anong oras ang shift ko.""Bakit hindi mo na lang hayaan na tulungan ka ni Terrence?"Napahinto si Tajana sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin siya kay Alicia."Bakit kailangan kong dumepende sa kanya? Kaya ko ang sarili ko.""Gabi na-""Tama na ang usapan na 'to. Hindi lang naman ito ang mga gabi na nasa labas ako. Noong panahon na hindi pa tayo nagki

  • Secrets of Tajana   Kabanata 44

    Nang makalapit si Alicia sa kwarto ni Tajana ay dama niya ang mabigat na pagkabog ng kanyang puso. Napalulon pa siya ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman niya. Hiling niya na sana nagkakamali siya sa kanyang naiisip ngayon."Tajana." tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatingin sa salamin. Hindi agad ito humarap sa kanya kaya naman mas kinabahan pa siya."Ta-"Pinigilan ni Alicia ang pagkagulat niya ng humarap sa kanya ang anak niya."Mama." nakangiting bati ni Tajana."Para po ba sa'kin 'yan?" tanong nito ng mapatingin siya sa platong hawak ng kanyang ina.Nanatili ang tingin ni Alicia kay Tajana na tila binabasa niya ito.Kinuha ni Tajana ang plato at tinikman ang dessert na ginawa ng kanyang ina."Ang sarap nito ah. Mukhang may talent po kayo sa paggawa ng desserts." masayang mungkahi ni Tajana.Hindi makagalaw si Alicia sa kanyang kinakatayuan. Ang mga mata niya ay nanatili sa kanyang anak. Tatanungin niya ba ito kung sinong kausap nito kanina? O magpapanggap ba siya na wala

  • Secrets of Tajana   Kabanata 43

    Nang makaalis si Elisse ay napunta na ang buong atensyon ni Terrence kay Tajana. Nakatahimik lang ang dalaga at hindi umiimik."Tajana... I'm sorry about Elisse." mahinahon na sabi ni Terrence na medyo nag-aalangan pang umimik."Totoo ba ang sinabi niya?" medyo mahinang tanong ni Tajana. "That's my choice."Umangat ang tingin ni Tajana kay Terrence at direkta din itong tumingin sa kanya pabalik."Bakit mo kailangang piliin ako? Pamilya mo si Ginoong Simon. Isa pa, pangarap mo ang mga 'yon, para makatulong ka sa pamilya mo.""Hindi naman ibig sabihin na nahinto ako sa mga plano ko, hindi ko na pwedeng magawa o maituloy.""Terrence, aalis na lang ako dito. Tama lahat ng sinabi ni Elisse. Ako lang naman ang natutulungan mo. Ako, wala akong nagagawa para sayo.""Hindi 'yan totoo.""Ano pa ba ang gusto mong sabihin ngayon? Gagawa ka na naman ng rason para hindi ko makitang pabigat lang ako sa buhay mo?""Kahit kailan hindi ko inisip 'yan. At kahit kailan hindi ko makikitang pabigat ka sa'

  • Secrets of Tajana   Kabanata 42

    Mas naging malapit si Terrence at Tajana matapos ng pangyayari. Ngayon ay masaya si Terrence na makitang nakangiti si Tajana habang magkasama sila."Anong gusto mong gawin ngayon?""Huh? Kahit ano.""Hindi ba naghahanap ka pala ng trabaho?""Paano mo nalaman?""Nag-apply ka do'n sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko iyong papel mo kaya nalaman ko din na nandito ka. Noong una nga hindi ako makapaniwala.""Ahh gano'n ba?" Yumuko si Tajana na tila nalungkot ng maalala niya na matapos nga ang insidente sa pagitan nila ni Zoe noon ay wala na siyang maalala sa ilang nangyari dahil ang alter niya ang kumikilos."Kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahon na 'yon?""Huh?" medyo napatawa si Terrence bago muling umimik kay Tajana. Ibinaba niya ang ilang dokumento na kanina ay hawak niya habang nakaharap sa kanyang laptop."Nagi-guilty ka na ba dahil sa mga ginawa mo no'n sa'kin?""Anong ibig mong sabihin? Sinaktan kita?""Bakit ganyan kang magtanong? Para namang hindi i

  • Secrets of Tajana   Kabanata 41

    Lumipas pa ang dalawang araw bago tuluyang nagkamalay si Tajana. Sobra namang napanataga ang loob ni Terrence ng makitang maayos na ang dalaga.Samantalang si Zoe naman ay naunang nagkamalay kaysa kay Tajana. Nakauwi na ito kaya naman wala na din si Calvin sa ospital. Hindi rin naman nakakausap ni Terrence ngayon ang kanyang kapatid kaya naisip na lang niya na baka abala ito sa mga naiwang trabaho sa negosyo nila.Nakamasid pa rin si Doc Via ng mabuti habang tinitingnan si Tajana. Minsan na siyang naloko ng alter nito kaya mas nag-iingat siya ngayon. Hindi niya pa ito makausap dahil gusto muna niyang siguraduhin na si Tajana talaga ang makakarinig ng sasabihin niya hindi ang kanyang alter."Maiwan ko muna kayo dito. May kailangan lang akong bilhin na ilang gamot." paalam ni Terrence kaya naman naiwan si Doc Via at Tajana sa kwarto.Hindi mapakali si Tajana sa bawat pagtingin sa kanya ni Doc Via para siyang kriminal na kinikilatis ngayon."U-Uhmm may problema po ba?" tanong ni Tajana.

  • Secrets of Tajana   Kabanata 40

    Parehong hindi pa nagigising si Tajana at Zoe. Kaya naman nagbabantay pa rin ang dalawang magkapatid sa kanila. Samantalang si Doc Via naman ay binibisita ang ilan pa niyang pasyente.Kasalukuyang nagbabantay pa rin si Terrence sa loob ng kwarto ni Tajana. Hindi niya magawang iwan ang dalaga dahil sa pag-aalala niya."Terrence, ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit ka? You should take care of yourself.""I'm fine, Elisse. Hindi ko kayang iwan si Tajana dito."Hindi maiwasan ni Elisse na mainis dahil sa mga sagot ni Terrence."Ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka muna at ayusin mo ang sarili mo.""May trabaho ka--""Okey lang na wala ako do'n ngayon. Please, go home for now." patuloy na pakiusap ni Elisse."Hindi rin magugustuhan ni Tajana na makita kang nagpapabaya sa sarili mo dahil sa kanya."Nakumbinsi naman ni Elisse na umuwi muna si Terrence kaya naman siya muna ang pumalit sa binata.Pagkaalis ni Terrence ay tiningnan agad ni Elisse ang mukha ni Tajana."I hate you." sab

DMCA.com Protection Status