Masaya si Tajana na ilang araw pa ang natitirang oras niya para makapaglibot sa syudad. Mas gusto niya ang buhay doon at mas gusto niya na mabuhay siya ng hindi kailangan limitahan ang sarili niya. Mahigpit ang Campoverde sa pamilya. Ang gusto ni Don Ismael ay ang maging perpekto ang pamilyang meron sila. Kaya nga para sa kanya ay isang kahihiyan si Alicia. Hindi rin naman gustong bumalik nito sa probinsya nila. Umiikot na ang mundo niya sa syudad. At hinayaan niya rin na si Tajana ay mapunta sa pamilya niya. Para kay Alicia, nasira na ang kanyang pinangarap na buhay simula ng iwan siya ni Flavio.
"Mukhang marami kang oras ngayon at nandito ka ulit." puna ni Zoe kay Tajana na umiinom ngayon ng isa sa mga paborito niyang cocktail sa bar kung nasaan sila.
"Walang bantay ngayon." sagot naman ni Tajana matapos niyang ibaba ang kanyang iniinom. Ngumisi siya sa babaeng kasama niya ngayon. Nabibighani naman lalo si Zoe habang tinitingnan ang mukha ni Tajana. Wala itong ginagawa pero naaakit siya lalo dito. Para bang mahirap para sa kanya ang makalimutan ang gandang meron ito.
Inilapit ni Zoe ang kanyang mukha kay Tajana para halikan ito sa pisngi. Dahil madalas naman niya iyong ginagawa ay binaliawala lang ni Tajana. Ngunit tumatagal ito kaya medyo napalayo siya kay Zoe.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Zoe. Hinawakan niya ang baywang nito at sinubukang halikan siya sa labi. Ngumisi si Tajana kaya hindi na naituloy ni Zoe ang halikan siya.
Ang mukha ni Tajana ngayon ay mukhang bigo at natatawa dahil sa ginagawa ni Zoe.
"Anong problema Jana?" Uminom muna ito ng cocktail bago sumagot sa tanong.
"I don't like kissing on the lips, baka hindi mo ako malimutan." nakangising sabi ni Tajana habang nakatingin sa mga mata ni Zoe.
"Baka ikaw ang hindi makakalimot sa'kin." tatawa-tawa namang sagot ni Zoe pero hindi natinag ang ngisi ni Tajana.
"Don't kiss me on my lips kung ayaw mong maghiwalay tayo." may pagbabanta nitong sabi ng hindi nakatingin sa kausap niya. Sa mga salita lang na 'yon ni Tajana ay natakot na si Zoe kaya naman hindi na niya inulit. Masyado ang pagkabighani niya sa dalaga kaya hindi niya gustong suwayin ang gusto nito. Hindi siya papayag na mawala si Tajana sa kanya.
Sa gitna ng mga taong nagsasayawan ay nakisaya rin ang dalawa. They are dancing like this is the most happy moment they have in their lives. Kitang-kita ang kaligayahan sa mga mata at ngiti ni Tajana. She's free in this place. She's being herself. No rules, no eyes on her. At lahat ng ginagawa niya mali man o tama ay walang magsasabi nito sa kanya.
Nang mas lumakas ang tunog sa loob ay mas lalong dumami ang mga taong nagpunta sa gitna ng lugar para sumayaw. Kung hindi ka sanay sa ganitong lugar ay hindi mo maiintindihan kung bakit masaya ang kanilang mga ngiti at mukhang hindi sila napapagod sa pakikipagsayaw. Ilang mga grupo din ang nakisama sa sayawan kaya naman nakita ni Tajana na nahihiwalay na siya kay Zoe pero ngumiti lang siya. Iyon ang gusto niya.
Kahit na magkarelasyon sila ni Zoe ay gusto pa rin ni Tajana na gawin ang gusto niya sa gabing ito. May isang lalaking sumayaw sa likod ni Tajana at ramdam niya ang pagdikit nito sa kanya na tila ba'y gusto siyang akitin para angkinin ngayon. Umangat ang labi ni Tajana pero hindi pa rin niya hinaharap ang lalaki. Itinuloy lang rin niya ang pagsayaw. Ang naiisip niya ngayon ay naaawa siya sa lalaki dahil alam niyang mababaliw lang iyon sa sobrang ganda niya pero hindi siya makukuha nito.
"Hi." narinig niyang bati ng lalaki mula sa likod niya at naramdaman niya pa ang hininga nito sa kanyang tenga. Mas lalong napangisi ang dalaga.
"Hi din." maiksing sagot niya na para bang walang pakialam sa lalaki.
"I'm Terrence and you are?" pagpapakilala nito. Dinig na dinig niya ang malalim na boses nito kaya hindi na siya nagdalawang-isip na harapin pa ang lalaki.
"Jana." sagot niya ng makaharap siya dito. Napaawang ang bibig ng lalaki ng makita si Tajana. Hindi siya makapaniwala sa gandang taglay nito. Para bang kahit na lagi niyang masilayan ang dalaga ay hinding-hindi siya magsasawang tingnan ito.
"You're very beautiful." namamangha nitong sabi ng may ngiti sa kanyang labi at pareho silang napatigil sa pagsayaw. Nakatitig lang sila sa mata ng isa't isa. Hinawakan ni Terrence si Tajana sa kanyang bewang para ilapit sa kanya. Mas tinitigan niya ng mabuti ang dalaga.
Ang mga mata naman ni Tajana ay naglakbay sa pagtingin sa lalaking nasa harap niya. Makapal at medyo salubong ang kilay nito, napakatangos ng ilong, ang labi nito ay mapupula at ang mga mata niya ang pinakagusto ni Tajana, para itong nang-aakit kapag nakatingin sa iyo. Sobrang ganda ng mga mata niya kapag tumingin, para bang kahit anong iutos niya ay susunod ka sa kanya dahil nakakaakit talaga ito.
Hindi alam ni Tajana kung anong nangyayari sa kanya pero sobrang init ng pakiramdam niya ngayon. At labag sa kanyang gawain sa syudad ang pumatol sa dalawang tao para maging kasintahan niya. Gustuhin niya mang gawin iyon pero dapat siyang makipaghiwalay muna kay Zoe. Ayaw niya ng komplikadong lokohan sa relasyon, kapag nakakaramdam na siya ng pagkakagusto sa ibang tao ay hinihiwalayan na niya ang kasintahan niya.
Halos maubos na ang oras nila sa tinginan na iyon kaya naman hindi na napigilan ni Terrence ang bumaba ang tingin niya sa labi nito. Unti-unti siyang lumapit at hinalikan ito. Hindi gumalaw si Tajana, hinayaan niya lang na halikan siya ng lalaking ito. Iyon ang gusto niya ngayon. She wants him. Dinama niya ang marahan na paghalik ng lalaki bago humalik ito pabalik.
"JANA!" Halos mapalundag si Tajana sa malakas na sigaw ni Zoe. Hinila agad siya nito palayo sa lalaki.
Tinapunan ng malulutong na mura ni Zoe ang lalaki ng mailayo si Tajana dito. Pero hindi iyon pinansin ng lalaki, nakatingin pa rin siya sa napakagandang babaeng nakilala niya. Nakalayo na ito sa kanya pero ang mga mata niya ay nakatingin pa rin dito hanggang sa hindi na niya ito tuluyang makita.
"Anong nangyayari sayo Jana? Sinabi mo sa'kin na hindi ka nakikipaghalikan sa labi! Ano 'yong nakita ko?!" galit na galit nitong sigaw.
Ngumisi si Tajana. Para bang hindi niya maintindihan kung anong mali sa ginawa niya.
"Nahilo lang ako. Bigla na lang nangyari." Nagpatuloy siyang maglakad. Hindi na niya pinansin pa ang hitsura ngayon ni Zoe.
"Do you love me?" tanong ni Zoe ng magpunta na siya sa harap nito.
"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo na 'yan?" Umangat ang labi ni Tajana. Hindi nakakilos agad si Zoe dahil sa tanong nito sa kanya. Inisip niya na ayaw niyang mawala si Tajana sa kanya.
"Forget it. Halika na." sagot nito bago humawak sa bewang ni Tajana para alalayan siya papuntang kotse.
"Gusto mo bang matulog sa bahay?" tanong ni Zoe ng makapasok na sila sa kotse ni Tajana. Siya ngayon ang magmamaneho nito dahil mukhang iba ang naging tama ng alak sa kasintahan niya.
"Kung wala kang gagawin sa'kin ay ayos lang. Pero alam kong hindi mo mapipigilan. Sa hotel ako matutulog." sagot ni Tajana habang hinihilot pa ang sentido niya. Hindi na pinilit ni Zoe ang gusto niya. Nakinig lang siya dito. Ayaw niyang magsawa sa kanya ito kaya hindi siya susuway sa gusto ng dalaga.
Sinamahan lang niya sa hotel si Tajana at nang makapag-check in na ito ay iniwan na niya dahil hindi rin gusto ng dalaga na hayaan siya sa loob ng kwarto. Alam niyang hindi napipigilan ng mga tao kapag nakikita siyang tulog. Alam niyang may gagawin ito sa kanya.
Hilo pa rin si Tajana matapos niyang makatulog ng ilang oras pero pinilit niyang dumilat para kumuha ng tubig dahil parang natutuyo ang kanyang lalamunan.
Medyo nagising siya ng marinig niya ang maingay na boses sa kanyang pintuan. Mukhang may nagpupumilit na pumasok dito. Napaangat ang labi niya habang napapailing ng maisip na baka si Zoe iyon. Pakiramdam niya ay may pinainom sa kanya ang babaeng 'yon kaya naman sobrang nag-iinit ang katawan niya. Malakas din ang tolerance niya sa alak kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam niya ngayon.
Binuksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang napakaguwapong lalaki, nakakaakit ang mga mata nito. Nagulat siya ng mapagtantong may nagbukas ng pintuan.
"Jana?" gulat nitong sabi. Iniisip niya kung paano iyon nakapasok sa kanyang kwarto.
"Terrence." nakangising banggit ni Tajana sa pangalan nito. Naramdaman na naman niya ang init sa katawan niya ng magkatinginan sila.
"What are you doing in my room?" tanong ng lalaki.
"This is my room." sabay halukipkip ni Tajana. Tiningnan muli ni Terrence ang card na hawak niya.
"Oh shit. Mali pala ang pagtingin ko sa number." sagot niya matapos makita iyon. Bumalik na ang tingin niya kay Tajana.
"I'll go to my room now. Sorry." nakangiti niyang paalam.
Bumuntong hininga si Tajana. May kakaiba talaga siyang nararamdaman ngayon lalo na kapag tinitingnan siya ng lalaking ito.
"I don't mind sharing my room with you." imik ng dalaga na nagpahinto sa paglalakad ni Terrence. Ibinalik niya ang tingin niya dito. Kumurba naman ang isang ngiti sa labi ni Tajana. This man wants him too.
Lumapit muli si Terrence at hinawakan niya muli ang bewang ni Tajana para mailapit ito sa kanya.
"You'll regret this. You're drunk." nakangising sabi ng lalaki bago nagbigay ng maiinit na halik dito.
Walang maintindihan si Tajana sa nangyayari. Siya ba ito? Bakit hinahayaan niya ang lalaking ito na lumapit sa kanya?
Ang mga mata nito ay nakakaakit, napapasunod niya ako.
Nang magising si Tajana sa kwarto ay wala na siyang suot na mga damit. Napaupo agad siya at pilit inalala ang mga nangyari. Hindi niya matanggap ang mga alaalang bumabalik sa kanyang isipan. Pinayagan niya ang lalaking 'yon. Hinawakan siya nito, hinalikan at may nangyari sa kanila.Litong-lito ang isip ni Tajana. Nang marinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo sa loob ng kwarto ay nagmadali na siyang magbihis. Alam niyang nasa loob pa ang lalaking 'yon. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Gusto niyang takasan na lang ito. Lasing lang siya. Wala siya sa sarili niya ng mangyari ang lahat ng 'yon.Kahit na masakit ang ulo niya dahil sa alak at pagod pa rin ang katawan ay pinilit niya pa rin na magmaneho. Ayaw niyang makita ang lalaking 'yon.Nang makadating siya sa kanilang
"Umayos ka Catalina."may inis na sabi ni Eloisa sa kanyang anak.Nakasimangot si Catalina habang sinusukatan siya ng isang sikat na designer."Ano ba 'to ma? Hindi ko kailangan ng bagong damit. At bakit pa po ako magpapasukat?""Hindi ka talaga nag-iisip. Ang bisita natin ay ang mga Vallejos. Siguraduhin mong makukuha mo ang loob ng anak ni Simon. Ang importante sa'kin ay 'yong bunso niyang anak."Lalong napasimangot si Catalina dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Ayaw niya sa mga gano'ng usapan. Gusto niyang siya ang magdesisyon kung sino ang nararapat para sa kanya."Thank you Ricky."masayang pasasalama
Sa maluwang na mansyon ng Campoverde ay abala ang mga taga-pagluto at kasambahay. Lahat ay nagmamadali habang pinagbubutihan din ang kanilang ginagawa. Mahigpit ang bilin ni Don Ismael sa mga ito na hindi dapat sila makagawa ng pagkakamali. Dahil ito ay napakaimportanteng panauhin para sa kanya."Ayusin ninyo ang trabaho.""Bilisan ang kilos.""Ang mga kubyertos ay iayos na sa tabi ng mga plato."Ang pamilya naman ng Campoverde ay abala rin sa kanilang pag-aayos."Narinig mo naman ang mga bilin ko Catalina. 'Wag mong kalimutang umayos. Kilala mo ako, alam mo kung anong kaya kong gawin kapag hindi ka sumunod." Hindi na umimik pa si Catalina sa kanyang ina. Para sa kanya ay magiging mahaba ang araw na ito kaya ayaw niyang pagurin ang sarili niya sa pakikipagtalo.Sa kabilang silid naman ay
Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala.Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.
"Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga
Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?"balik tanong niya sa'kin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala."nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?"natatawang sabi
Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin? Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha. Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa
Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon."Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak."Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia."Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito."Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc.""Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya."Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi."Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"Sa unang t
Nakarating si Terrence sa bahay ni Elisse para ihatid ang dalaga."Thank you so much Terrence for staying by myside." sabi ni Elisse bago pa man siya makababa ng sasakyan nito.Ngumiti si Terrence kay Elisse bago sumagot dito."Lagi mong tatandaan na para na tayong isang pamilya Elisse. You're like a sister to me. Kaya lagi akong nandito para sayo."Nakaramdam ng lungkot si Elisse sa kanyang puso dahil sa sinabi ng binata. Alam niyang magkaiba ang nararamdaman nila sa isa't isa pero hirap pa rin siyang masanay sa katotohanang iyon.Itinago ni Elisse ang lungkot na kanyang naramdaman, ngumiti lang siya sa binata."Lets have some dinner in my house first." aya niya."Uhh..." Tumingin si Terrence sa kanyang relo. Ngunit hinarangan iyon ni Elisse ng kanyang kamay."Com'on Terrence, hindi mo ba ko pagbibigyan? Wala akong kasamang mag-dinner." pagpupumilit ni Elisse.Bumuntong hininga si Terrence ng makita niya ang pagmamakaawa ni Elisse sa pamamagitan ng mga tingin nito."Fine... Pero mad
Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana."Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak. "Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito."Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito."Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw."Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa."Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa."Ako na dito Ma.""Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama
Hindi makapaniwala si Alicia sa mga nangyayari ngayon. Sinaksak siya ni Tajana. Bakit kailangang gawin ito sa kanya ng sarili niyang anak?Hingal na hingal si Alicia ng tuluyan siyang magising sa nakakakilabot na panaginip niya. Tumutulo na rin ang pawis niya na nasa kanyang noo.Alam niyang hindi maganda ang lahat ng mga panaginip niya tuwing kasama niya si Tajana. Naiisip niya ngayon na baka isa itong babala sa kanya."Bakit madalas gabi kang pumupunta sa trabaho mo? Minsan naman gabing-gabi na wala ka pa?""Ma, madami akong ginagawa sa bago kong trabaho. Kailangan hindi ako mareklamo kahit anong oras ang shift ko.""Bakit hindi mo na lang hayaan na tulungan ka ni Terrence?"Napahinto si Tajana sa pag-aayos ng gamit niya sa kanyang bag dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tumingin siya kay Alicia."Bakit kailangan kong dumepende sa kanya? Kaya ko ang sarili ko.""Gabi na-""Tama na ang usapan na 'to. Hindi lang naman ito ang mga gabi na nasa labas ako. Noong panahon na hindi pa tayo nagki
Nang makalapit si Alicia sa kwarto ni Tajana ay dama niya ang mabigat na pagkabog ng kanyang puso. Napalulon pa siya ng ilang ulit dahil sa kabang nararamdaman niya. Hiling niya na sana nagkakamali siya sa kanyang naiisip ngayon."Tajana." tawag niya sa dalagang nakaupo at nakatingin sa salamin. Hindi agad ito humarap sa kanya kaya naman mas kinabahan pa siya."Ta-"Pinigilan ni Alicia ang pagkagulat niya ng humarap sa kanya ang anak niya."Mama." nakangiting bati ni Tajana."Para po ba sa'kin 'yan?" tanong nito ng mapatingin siya sa platong hawak ng kanyang ina.Nanatili ang tingin ni Alicia kay Tajana na tila binabasa niya ito.Kinuha ni Tajana ang plato at tinikman ang dessert na ginawa ng kanyang ina."Ang sarap nito ah. Mukhang may talent po kayo sa paggawa ng desserts." masayang mungkahi ni Tajana.Hindi makagalaw si Alicia sa kanyang kinakatayuan. Ang mga mata niya ay nanatili sa kanyang anak. Tatanungin niya ba ito kung sinong kausap nito kanina? O magpapanggap ba siya na wala
Nang makaalis si Elisse ay napunta na ang buong atensyon ni Terrence kay Tajana. Nakatahimik lang ang dalaga at hindi umiimik."Tajana... I'm sorry about Elisse." mahinahon na sabi ni Terrence na medyo nag-aalangan pang umimik."Totoo ba ang sinabi niya?" medyo mahinang tanong ni Tajana. "That's my choice."Umangat ang tingin ni Tajana kay Terrence at direkta din itong tumingin sa kanya pabalik."Bakit mo kailangang piliin ako? Pamilya mo si Ginoong Simon. Isa pa, pangarap mo ang mga 'yon, para makatulong ka sa pamilya mo.""Hindi naman ibig sabihin na nahinto ako sa mga plano ko, hindi ko na pwedeng magawa o maituloy.""Terrence, aalis na lang ako dito. Tama lahat ng sinabi ni Elisse. Ako lang naman ang natutulungan mo. Ako, wala akong nagagawa para sayo.""Hindi 'yan totoo.""Ano pa ba ang gusto mong sabihin ngayon? Gagawa ka na naman ng rason para hindi ko makitang pabigat lang ako sa buhay mo?""Kahit kailan hindi ko inisip 'yan. At kahit kailan hindi ko makikitang pabigat ka sa'
Mas naging malapit si Terrence at Tajana matapos ng pangyayari. Ngayon ay masaya si Terrence na makitang nakangiti si Tajana habang magkasama sila."Anong gusto mong gawin ngayon?""Huh? Kahit ano.""Hindi ba naghahanap ka pala ng trabaho?""Paano mo nalaman?""Nag-apply ka do'n sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko iyong papel mo kaya nalaman ko din na nandito ka. Noong una nga hindi ako makapaniwala.""Ahh gano'n ba?" Yumuko si Tajana na tila nalungkot ng maalala niya na matapos nga ang insidente sa pagitan nila ni Zoe noon ay wala na siyang maalala sa ilang nangyari dahil ang alter niya ang kumikilos."Kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahon na 'yon?""Huh?" medyo napatawa si Terrence bago muling umimik kay Tajana. Ibinaba niya ang ilang dokumento na kanina ay hawak niya habang nakaharap sa kanyang laptop."Nagi-guilty ka na ba dahil sa mga ginawa mo no'n sa'kin?""Anong ibig mong sabihin? Sinaktan kita?""Bakit ganyan kang magtanong? Para namang hindi i
Lumipas pa ang dalawang araw bago tuluyang nagkamalay si Tajana. Sobra namang napanataga ang loob ni Terrence ng makitang maayos na ang dalaga.Samantalang si Zoe naman ay naunang nagkamalay kaysa kay Tajana. Nakauwi na ito kaya naman wala na din si Calvin sa ospital. Hindi rin naman nakakausap ni Terrence ngayon ang kanyang kapatid kaya naisip na lang niya na baka abala ito sa mga naiwang trabaho sa negosyo nila.Nakamasid pa rin si Doc Via ng mabuti habang tinitingnan si Tajana. Minsan na siyang naloko ng alter nito kaya mas nag-iingat siya ngayon. Hindi niya pa ito makausap dahil gusto muna niyang siguraduhin na si Tajana talaga ang makakarinig ng sasabihin niya hindi ang kanyang alter."Maiwan ko muna kayo dito. May kailangan lang akong bilhin na ilang gamot." paalam ni Terrence kaya naman naiwan si Doc Via at Tajana sa kwarto.Hindi mapakali si Tajana sa bawat pagtingin sa kanya ni Doc Via para siyang kriminal na kinikilatis ngayon."U-Uhmm may problema po ba?" tanong ni Tajana.
Parehong hindi pa nagigising si Tajana at Zoe. Kaya naman nagbabantay pa rin ang dalawang magkapatid sa kanila. Samantalang si Doc Via naman ay binibisita ang ilan pa niyang pasyente.Kasalukuyang nagbabantay pa rin si Terrence sa loob ng kwarto ni Tajana. Hindi niya magawang iwan ang dalaga dahil sa pag-aalala niya."Terrence, ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit ka? You should take care of yourself.""I'm fine, Elisse. Hindi ko kayang iwan si Tajana dito."Hindi maiwasan ni Elisse na mainis dahil sa mga sagot ni Terrence."Ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka muna at ayusin mo ang sarili mo.""May trabaho ka--""Okey lang na wala ako do'n ngayon. Please, go home for now." patuloy na pakiusap ni Elisse."Hindi rin magugustuhan ni Tajana na makita kang nagpapabaya sa sarili mo dahil sa kanya."Nakumbinsi naman ni Elisse na umuwi muna si Terrence kaya naman siya muna ang pumalit sa binata.Pagkaalis ni Terrence ay tiningnan agad ni Elisse ang mukha ni Tajana."I hate you." sab