No one can separate a two person who's destined to be together, even how many times they broke up they're surely end-up falling for each other.
View MoreShainahiah Garcia-Galvez's Point Of ViewNasa office ako at nagtatrabaho kasama si Cassandra dito sa EXGC nang pinuntahan ako ni Lian dito."Ang hard working naman ng magandang mommy ko na 'yan." Pangbobola niya sa akin pagkapasok niya palang ng pinto.May kailangan 'to e, ramdam ko."Anong kailangan mo?""May cash ka ba d'yan, mom?" Malambing niyang tanong.Sinasabi ko na nga ba't manghihingi na naman ito ng pera."Bakit? Anong gagawin mo sa pera?""Kasi naman, mom, naubos ko na yung binigay na allowance sa akin ni dad this month." Wika niya habang napapakamit ito sa kaniyang batok."Sobra-sobra na nga yung binigay ng dad mo. Patapos pa lang ang buwan kaya sa next week pa lang ang next allowance mo.""Eh kasi may iniisponsoran ako ng kape.""Aba sponsor ka na ng kape ngayon?" Pang-aasar ko sa kaniya."Yung crush ko kasi, mom, mahilig sa kape 'tsaka kailangan niya rin 'yon kapag nag re-review siya.""Sino ba 'yang crush mo na 'yan? Bakit hindi mo ipakilala sa amin.""Saka na, kapag gi
Levi Garcia's Point Of View"Kid, I think you lost.""Ano po kid? Hindi na po ako bata, malapit na po akong mag 23," wika ng batang babaeng pumasok sa loob ng opisina ko."Talaga lang ha. So what are you doing here in my office?" Tanong ko na may pagka sarkastikong tono."Ako po ang inasign ni Miss Karla na magiging temporary secretary niyo habang wala pa po siyang na ha-hire na bago. Andrea Caballero po ang pangalan ko, sir," paliwanag niya.Andrea, andrea... Naalala ko na iyong bagong hire na engineer sa engineer department. Dalawa o tatlong araw pa lang yata siyang nagta-trabaho rito."The new one in engineer department?" Tanong ko sa kaniya.Tumango siya at humarap muli sa akin. "Opo, ako nga po," sagot nito sa akin.Malapad ang ngiti niya sa kaniyang mga labi at masasabi kong gusto niya ang kaniyang ginagawa o trabaho."Ipag timpal mo ako ng kape. Black coffee with no sugar." Una kong utos sa kaniya.Pumunta siya sa mini kitchen ko dito sa loob ng aking opisina at pinanood ko siy
Xander Lin Galvez's Point Of View"Austin, come here!" Excited kong tawag kaya Austin dahil may gusto akong ipakitang letrato sa kaniya."Ano 'yon daddy?" Takang tanong niya habang kinukusot nito ang kaniyang mata.Inantok na siguro siya kakanood ng cartoons sa tv."Take a look at her, she is so beautiful isn't it?" Tanong ko sa kaniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ng harap-harapan at malapitan ang aking dating idolong modelo, si Miss Shai Garcia."Yeah, she's definitely beautiful but I don't know her. Sino ba siya, daddy?""My high school crush. She is a model a super famous one and I really adore her. Alam mo ba Austin, kanina nakausap ko siya ng malapitan ang kaso lang ay galit na gakit siya kasi munyikan ko na siyang masagasaan.""What did you do? You almost hit her by your car?!" Gulat na gulat nitong sabi."Yeah, hindi ko kasi siya napansing patawid ng daan kasi naman ay medyk madilim doon sa bandang iyon kaya ayon muntikan ko na siyang masagasaan noong papunta ak
"Papa, hindi ba po may gaganaping runway event sa EXGC, puwede po ba akong sumama?" Masigla kong tanong kay Dad.Gusto kong manood nung runway sa personal, sa tv lang kasi ako nakakanood no'n."Hindi puwede si kuya Levi mo ang isasama ko, yayain mo na lang ang mom mo sa mall." Sagot ni papa at nilampasan lang ako nito.Minsan ay napapaisip ako kung mahal ba talaga ako ni Dad o hindi. Kapag simpleng event o kahit may trabaho siya sa opisina ay isinasama niya ako, minsan ay sinusundo niya pa ako sa school tapos didiretyo kami sa EXGC Empire, pero kapag mga runway events na hindi na niya ako isinasama."Ahiah, Next time isasama ka rin ni Dad." Lumapit sa akin si kuya Levi at tinapiktapik niya ang aking balikat."Lagi na lang next time. . ." Sambit ko at nagtungo na lang ako sa aking kuwarto upang manood ng tv.----------Graduating ako ng junior high school noong sumali ako sa pageant sa school ngunit walang kaalam-alam sina Mom and Dad.Tanging si kuya Levi lang may alam na sumali ako a
"Miks, akin na muna si Cassandra, paki dala na lang muna ito sa HR at pagkatapos ay pumunta ka sa engineer department at mag in-charge ka ng bibisita sa site ngayong araw." Kinuha ko mula kay miks si Cassandra upang magawa na niya ang inutos ko."Good afternoon po sir." Bati niya kay Xander noong makasalubong niya ito sa pintuan ng opisina ko.Hindi na mapatahan ni Dianna at ng yaya si Cleo sa pag-iyak kaya umalis na si Lance upang asikasuhin si Cleo. Malapit si Lance sa mga bata kaya napapatahan niya ang mga ito kaagad parang si Cassandra, gustong gusto ni Cassandra si Lance ay nag be-behave siya kapag kasama niya ito."Such a cutie, Kalvin." Halos panggigilan ni Xander si Kalvin sa kacutan nito.Kahapon pa niya kasama ang bata, kung hindi niya ito karga ay nakikipaglaro naman siya rito sa sahig."Baba ka muna. Go, play with Cassandra." Ibinaba niya si Kalvin kaya't ibinaba ko na rin si Cassandra upang makapaglaro ang dalawa.Muli konv hinarap ang aking laptop kasabag ng paglapit nam
"Daddy, napapa wiwi na ako!" Malakas na sabi ni Austin."Tara samahan kita sa cr." Wika ni Xander at sinamahan niya si Austin sa public comfort room dito sa amusement park.Naiwan kaming nakatayo ni Cassandra dito aa parking lot malapit sa kotse ni Xander. Pauwi na rin kami kasi kami dahil tulog na si Cassandra at inaantok na rin si Austin kanina.Biglang tumunog ng malakas ang aking telepono sa aking bag kung kaya't napalayo ako ng kaunti kay Cassandra upang hindi ito magising. Kinuha ko ang telepono sa aking sling bag at sinagot ang tawag mula kay Levi."Oh?"[Nandito ako sa bahay mo kasama ko si Kalvin, Nasaan kayo?] Tanong niya mula sa kabilang linya."Nasa amusement park pa kami pero pauwi na rin kami, bakit?"[Aalis kami ni Andrea bukas, may trabaho kami sa ibang lugar kaya iiwan ko muna sa 'yo si Kalvin ng dalawang araw,] wika niya na siyang ikinagulat ko."Ha?! May trabaho ako bukas, ipapabantay ko lang mga si Cassandra sa secretary ko." [Dalawang araw lang naman 'tsaka hindi
Kasalukuyan akong nasa tapat ng bahay ni shainahiah habang hinihintay pag buksan ang gate matapos kong mag doorbell ng dalawang beses.Pagbukas ng gate ay sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Lance habang karga-karga niya ang aking anak."Oh anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo niyang tanong.Fine-feel na ng gago ang anak ko. Akala mo naman siya nagpaka pagod sa paggawa kay Cassandra."Cassandra anak, dito karga ka ni daddy." Ipinuwesto ko ang aking kamay upang kunin si Cassandra pero niyakap lang niya si Lance imbes na sumama sa akin."Pumasok ka na nagluluto si Shai sa loob, pakisara mo na lang ang gate." Sambit ni Lance at naglakad na ito papasok sa loob ng bahay.Hindi porque siya ang kasama ng mag-ina ko ay wala na akong karapatan. Ayos lang 'yan Xander asungot lang 'yan at ikaw pa rin naman ang mahal ni Shainahiah."Shai, yung lalaki mo dumalaw!" Malakas na sabi ni Lance pagkapasok namin sa bahay.Bumaling sa akin ni Lance kung kaya't ginantihan ko siya ng masamang tingin."Anong
Lance Rivera POV"Lance anong magandang dress para kay baby Cassy, pink or red?" Tanong sa akin ni Dianna habang busy ito sa pagpili ng bestida para kay Cassandra, habang ako naman ay hawak-hawak si Cassandra sa kamay upang hindi ito malayo sa amin."Red, puro pink na ang damit niya, maiba naman dapat," wika ko kasabay ng pag kuha ko sa damit na kulay pula.Pag baling ko sa gawi ni Cassandra ay nawawala na ito. Hindi ko namalayan nabitawan ko pala siya kanina, malikot pa naman ang batang iyon hindi lang diretso ang lakad niya, kung 'di tumatakbo na rin ito."Dianna, si Cassandra nawawala!" natataranta kong sabi kasabay ng paghahanap ko rito sa kung saan. Panigurado akong hindi pa ito nakakalayo."Ano?! Paanong nawala?" Gulat niyang sabi at binitawan niya ang mga dala nito at naghanap sa paligid."Nabitawan ko. Sabi ko kasi sayo kunin muna natin yung stroller niya bago tayo pumunta rito." "Hanapin mo! Mapapatay tayo ni Ate pag hindi natin nahanap si Cassandra," wika niya.Naghiwalay k
Shainahiah Garcia POV"Are you sure doon ka muna mag s-stay? Baka gusto mo ng kasama puwede naman ako." Wika ni Lance habang naglalakad kami papuntang garahe."No need, kaya ko naman."Nginitian ko ito."Hays... pa hug nga. Magsabi kalang kapag kailangan mo ng kasama," aniya, yumakap ito sa akin at gano'n din ako. "Owemji! Ang sarap naman ng hug mo Shainahiah, puwedeng pa kiss narin?" "Tigilan mo ako," sambit ko at bahagya itong binatukan. "Mami-miss kita wife este ex-wife," aniya at napasimangot ito.Ngayon ko nakita na ganito pala siya ka kulit. Ang cute niya, at ang saya niyang kasama, napaisip tuloy ako bigla sa sinabi sa akin ni Levi kanina. I think I should go with them to US, I will miss him pero mas mapapadali ang pagpapagamot ko roon."One week lang naman akong mag stay do'n," wika ko na ikina-bilog ng kaniyang mga mata."Sasama ka na saamin ni tito sa US?" Gulat na tanong nito at tumango naman ako.Tumawa ito at ginulo ang aking buhok. "Mas matagal pala tayong magkakasama
"Maaga kabang uuwi mamayang gabi?" Tanong ko sa aking asawa habang inaayos ko ang kaniyang neck tie. "Bakit mo natanong?" tanong niya. Madalas kasi ay hindi ko na itinatanong dahil late na s'yang umuwi. "Wala lang, gusto sana kitang ipagluto ng dinner," sambit ko. Hindi talaga ako marunong magluto at alam niya iyon, ngunit sisikapin kong ipagluto siya bilang pasa-salamat. Huling buwan na 'to ng pagsasama namin at mag-a-annulment na kami ng kasal. Kinailangan niya lang naman magpakasal sa 'kin para makuha niya ang kaniyang mana sa kanilang pamilya. Wala talaga sa plano ko ang magpakasal dahil ni wala naman akong naging boyfriend. I start doing modeling in a well known modeling agency when I was 15 years old at habang nagta-tagal ay mas lalo akong nagiging kilala hindi lang sa ating bansa kung 'di pati na rin sa ibang bansa. Pero nung may napa-sikat na bago at mas batang modelo ang agency ko 3 years ago, when I was 23 turning to 24 years old hindi na nila...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments