Share

Falling for you
Falling for you
Author: littlexclara

Chapter 1

Author: littlexclara
last update Huling Na-update: 2021-10-07 17:07:52

"Maaga kabang uuwi mamayang gabi?" Tanong ko sa aking asawa habang inaayos ko ang kaniyang neck tie.

"Bakit mo natanong?" tanong niya. Madalas kasi ay hindi ko na itinatanong dahil late na s'yang umuwi.

"Wala lang, gusto sana kitang ipagluto ng dinner," sambit ko. Hindi talaga ako marunong magluto at alam niya iyon, ngunit sisikapin kong ipagluto siya bilang pasa-salamat.

Huling buwan na 'to ng pagsasama namin at mag-a-annulment na kami ng kasal. Kinailangan niya lang naman magpakasal sa 'kin para makuha niya ang kaniyang mana sa kanilang pamilya. Wala talaga sa plano ko ang magpakasal dahil ni wala naman akong naging boyfriend.

I start doing modeling in a well known modeling agency when I was 15 years old at habang nagta-tagal ay mas lalo akong nagiging kilala hindi lang sa ating bansa kung 'di pati na rin sa ibang bansa.

Pero nung may napa-sikat na bago at mas batang modelo ang agency ko 3 years ago, when I was 23 turning to 24 years old hindi na nila ako binigyan pa ng projects, hanggang sa karamihan sa mga aking taga suporta ay nawala kaya't nag terminate na ng kontrata ang agency sa akin.

At that time I started running out of money that's why I don't have a choice but to sell my house and cars. Isang kotse lang ang natira sa akin at ginamit kong pang-gastos ang perang nakuha ko sa pag benta ko sa aking bahay para bumili ng isang condo unit.

Although galing ako sa mayamang pamilya, hindi ako nag abalang humingi ng tulong pinansyal o sabihin kung ano ang kalagayan ko sa aking mga magulang, dahil simula nung umalis ako ng bahay at mas piniling mag model kaysa sa gusto nilang ako'y makapagtapos ng doctor ay parang ipinamukha nila sa akin na wala na akong pamilyang babalikan pa.

Until I meet Lance Rivera in a cafe shop. Sinabi niya ay matagal na niya akong hinahangaan at nalaman niya sa mga natitira kong taga-suporta kung ano ang nagiging kalagayan ko nung oras na iyon.

Inalok niya ako ng isang kasunduan kung saan ikakasal kami at magiging asawa ko lamang sya sa loob ng dalawang taon upang makuha niya ang mana niya mula sa kanilang pamilya.

Pagkatapos ng dalawang taon ay makakatanggap ako ng 10million at maiiwan sa akin ang titulo ng bahay at lupang tinitirhan namin ni Lance, kaya't hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanggap ko na ang kaniyang alok.

Sa loob ng mahigit isang taong pagkatapos naming ikasal ay wala naman masyadong nag-bago sa kilos niya, we're just minding our own businesses besides hindi ko naman siya naka-kasama buong maghapon dahil gabi lang siya umuuwi galing opisina then maaga rin siyang aalis.

Pero tutal ilang araw na lang ay pipirma na kami ng annulment paper. Gusto ko siyang asikasuhin at ipag-luto bilang pasasalamat sa kaniyang pagtulong sa 'kin noong nawalan ako ng trabaho.

"How about... ipagdala nalang kita ng lunch sa office mo mamaya," sambit ko rito.

"Huwag na, may pupuntahan kaming client ni Cindy ngayon at sa restaurant nalang kami kakain." Muntik ko nang makalimutan na araw araw pala silang magkasama ng girlfriend niyang si Cindy

"Okay," wika ko kasabay ng pag alis nito.

Sa pag lipas ng oras ay paulit-ulit na lamang ang ginagawa ko rito sa loob ng bahay, mag aayos ng mga gamit dito sa sala tapos maglalakad ulit ng pabalik-balik habang nakatuon ang paningin ko sa 'king telepono

I don't have a friend to chat or call, that's why I prefer going to bar because most of the people there wants to talk to me, drink with me.

Maya-maya pa habang pumipili ako ng isusuot kong damit papuntang bar ay tumunog ang aking telepono hudyat na may nag message sa akin, at pagka-tingin ko rito ay napag-alaman ko na ang nakaba-batang kapatid ko na babae ang nagpadala sa 'kin ng mensahe.

[Ate Shainahiah si Dianna ito, ate matagal na kitang hindi nakikita at hindi ka rin nag re-reply sa mga message ko, kumusta ka na?] Nakasulat sa unang mensahe nya.

[Ate Shai 17th birthday ko nga pala ngayon, sana ngayon magkita ulit tayo 11 years kanang hindi umuuwi miss na kita, mag reply ka please...] Nakasulat sa kaniyang mensahe. I really miss her either at gusto ko na siyang makita, pero malabo namang magkita kami dahil naka-bantay sila Mom sa kaniya.

[Ate Shai may isesend akong address ng isang park, hihintayin kita doon sana pumunta ka.] Message niya pa at may isinend nga siyang address ng park. Tinignan ko iyon at napagtanto kong malapit lang ito rito.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta 'ba ako o hindi, tutal aalis din naman ako p'wede naman siguro akong dumaan at pagmasdan nalang siya mula sa malayo, baka mapapagalitan siya kapag nalaman nila mom na nakipag-kita ito sa akin kaya mas mabuti nang hindi niya ako makita.

Pagkatapos kong mag palit ng damit at mag ayos, isinukbit ko na ang sling bag ko sa aking balikat at mabilis kong ipinaandar ang kotse upang maka-alis na ako ng bahay.

Nang makarating na ako sa park na sinasabi niya ay bumaba ako sa kotse at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench chair habang naghihintay, pumwesto ako sa may mga halaman hindi kalayuan sa kinau-upuan nito at doon ko siya pinagmasdan.

Makalipas nag ilang minuto, aalis na sana ako ng may nakabanggaan akong isang lalaki. Biglang tumibok ng napakabilis ang aking puso ng maamoy ko ang pamilyar nitong pabango.

"You okay? How you doing, Ahiah?" Pangkumusta niya. Pagkaharap ko ay napagtanto kong siya pala ang sikat na engineer na si Levi Gracia, my elder brother.

Mabilis akong naglakad upang lampasan ito, ngunit sumunod siya at hinigit ako sa braso upang iharap sa kaniya.

"You don't want to meet her?" tanong niya, wala na akong magawa kung hindi ang sagutin siya dahil hawak niya ang aking braso kaya hindi ako makaalis.

"No."

"What are you so afraid of?"

"Can you just let me go?" Pagpupumiglas ko.

"Give me one reason to let you go."

"Wanna know my reason? Okay, I'll tell you. I'm no longer your sister Mr. Levi Garcia. So, please let me go." Lakas loob kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa aking braso at sumakay na ako sa aking kotse upang umalis.

A weeks later...

the day after tomorrow will be the last day of me being a married woman. Finally, I can continue my career, I can do whatever I want.

Paniguradong hindi na ako tatanggapin ng agency'ng minsan ko ng pinasukan. Puwede akong mag apply sa ibang company pero hindi magiging madali iyon kumpara sa dating sila ang lumalapit sa akin.

Lance said that I can start looking for a job, pero hindi niya man lang inisip na paano ako matatanggap sa mga modeling agencies or magazines company kung kasal ako. Base sa experience ko mga single ang tinatanggap nila, it means walang boyfriend at higit sa lahat asawa.

Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa tumataas ang posisyon niya sa kanilang kumpanya.

"Next! Ms Shainahiah Garcia?" Tawag sa akin ng Secretary ng pinag-aplayan kong magazines company. Naghahanap kasi sila ng mga model's for their magazines cover.

"Yes?"

"Come with me," wika niya at sumunod ako rito papuntang interview hall.

"Have a sit, Ms Garcia," sabi ng isang interviewer. Apat silang nakaupo sa harapan ko sa pagitan ng medyo may kahabaang lamesa. Tatlong lalaki at isang babae.

"Introduction yourself," wika ng isang lalaking nasa 40's siguro ang edad.

"Good morning Ma'am and Sir, I'm Shainahiah Garcia, 26 years old, 5'8 height and I have 7 years experience in modeling," pagpa-pakilala ko

"That's it?"

"Yeah? May nakalintaan po ba akong information?"

"Okay na 'yon." binuksan niya ang iniabot na portfolio ng secretarya na naglalaman ng bio-data ko at iba pang requirements for the interview.

"A former super model of SMAgency, Miss Shainahiah Garcia or also known has Shai Garcia. You're so famous in modeling before. I bet a lot of company wants to work with you, how come you're here for an interview?" tanong nito at ipinasa niya ang portfolio ko sa katabi niyang medyo kasing edad ko lang.

"I didn't expect that 3 years ago was the last day I walked in a stage as a model, but now I wanna start my career and-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pinahinto ako nung isang interviewer na ka mukhang edad ko lamang.

"Enough! let me ask you. You're once become a super model right? So you probably know the rule in modeling," medyo may pagka sarkastiko niyang sabi.

"Yes," sagot ko.

"Then get out, we're not hiring a married model. Trisha, call the next applicant," mahinahon pero sarkastiko niyang sabi.

"But Mr. President, she's the last one." So siya pala ang president ng kumpanyang ito.

"Just give me a chance. I can explain about the marriage." Pakikiusap ko at sumandal naman ang presidente ng kumpanya sa kaniyang upuan habang pinaglalaruan nito ang kaniyang ballpen.

"Explain then."

"My husband is already filed an annulment and 2 days from now we will sign the annulment paper, then we're done and also we don't have kids," wika ko. Tumayo ito mula sa kaniyang kinau-upuan upang umalis na rito sa loob ng interview hall.

"I hope you give me a chance," pahabol ko pang sabi.

"You may go now, just wait for my messege," wika at medyo nawala na ang pagka sarkastiko nito.

Umalis ito kasama ang isa pang lalaking interviewer kanina na medyo kasing edad niya lang din, samantalang napangiti naman ako habang inaayos ko ang dala kong gamit.

"Goodluck Ms Garcia," wika naman nung interviewer na may edad na bago siya umalis at kasunod naman nito ang secretary na si Trisha.

"You're lucky Ms Garcia sa dalawang daan na aplikanteng pumunta rito ikaw ang nag-iisang napili ni Sir. The magazine kasi was his project given by his father, the Chairman, kaya sigurado akong mag me-message na 'yon sayo mamayang gabi. By the way goodluck nalang sayo, Miss Garcia."

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Trisha tapos may pa goodluck pa yung dalawa, hindi naman halimaw yung boss nila para i-goodluck ako na para bang nanglalapa ng tao itong si President.

Kaugnay na kabanata

  • Falling for you   Chapter 2

    Pagkauwi ko ng bahay ay agad na sumalubong sa pintuan si Lance sa akin. "Where have you been? Why didn't you answer my calls, huh?” tanong nito. Medyo madilim na rin kasi sa labas at deadbat na yung phone ko kaya hindi ako maka-sagot sa mga tawag nya. "I was looking for a job and my phone run out of battery, that's why I can't answer your phone calls," wika ko sa kaniya at nilampasan ito. "So you're looking for a job at late night? Do you know what time is it?" Tanong niya kaya napatingin ako sa wall clock. "Hmm... It's 9:50 pm, is not that late." "Where did you really go?" "Why are you asking? It's non of your business after all," mahinahon kong sabi. "I'm not done talking to you." Mahigpit ako nitong hinawakan sa braso at hinila papalapit sa kaniya. Sa sobrang lapit ko rito ay naamoy ko ang alak na ininom niya sa bawat paghinga nito. Dahan-dahan niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin hudyat na hahalikan ako nito kaya pilit akong u

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • Falling for you   Chapter 3

    "EXGC? Si Mr. Garcia, yung kumpanyang may-ari sa libo-libong condo units at penthouse?" "Yeah," simple kong sagot. "Ang yaman mo pala." Manghang sabi niya kaya't nginitian ko nalang siya. "I'm actually not, I badly wanna be a model since then but my dad wants me to study medicine, to become a doctor or an interior designer that's why I run away from home when SMAgency offered me to do modeling when I was 15 years old and I don't even know if my parents still remember me, I was like a Disney princess who left her tower just to chase her dream." "Your own Modern version of Rapunzel, huh." "I think so." "Ang lungkot naman ng buhay mo, buti nalang may asawa kang dadamay sayo." "Nah hindi naman kami close no'n besides tapos na ang 2 years marriage contract namin." "Hala! bakit may 2 years marriage contract?" Gulat nitong tanong . "Let us say that we're just using each other." Simple kong sabi rito ngunit kita ko ang pag kunot ng kaniyang

    Huling Na-update : 2021-10-07
  • Falling for you   Chapter 4

    Terrence Ramirez POV"Couz, napag usapan na natin 'to diba? kung gusto mo ako nalang ang pupunta dyan sa office mo." Sabi ko sa kausap ko sa telepono. Sakit talaga sa ulo itong pinsan kong ito, ang hirap makipag-areglo sa kaniya. Siya ang may gustong mag-invest sa bago kong project tapos ngayon binabawi niya. [Hindi ako mag-iinvest sayo kung ganiyan ka ka-independent sa trabaho, mas inaatupag mo yang pambababae mo kaysa sagutin ang tawag ko, tawag ng investor sa project mo.] Wala ito sa mood habang nakikipag usap sa akin mula a telepono. "Sino namang nagsabi sa 'yong namba-babae ako? Ikaw nga itong maraming babae." Aba loko 'to ah may, tama yata 'to sa utak. [Tumawag ako kay Khael kanina, busy ka daw sa babae mo at binabaan na lang ako bigla.] Crush yata ako nito eh... "Gago! Ka meeting ko yung bagong model, pano ka mag-iinvest kung wala naman tayong model." Ano ba klasing business man ito magulo pa siya sa pubic hair. [Let's dis

    Huling Na-update : 2021-10-08
  • Falling for you   Chapter 5

    KINABUKASAN nagising ako sa ingay mula sa pintuan ng aking kwarto dahil may kung sinong kumakatok ng malakas roon, nakatulugan ko yung TV kagabi kaya bukas pa ito hanggang ngayon at wala namang papasok rito sa kwarto ko upang patayin ito dahil naka lock ang aking pinto. Bumangon ako at pinatay ang TV at saka hinablot ko ang aking puting v neck t-shirt na nakapatong lang sa aking single couch at isinuot ito bago lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Terrence at mukhang aalis na ito para pumasok ng opisina. "Kanina pa ako katok ng katok rito, ba't ba naka lock ang pintuan mo?" Naiinis nitong tanong. "Baka gapangin ako," simple kong sabi, medyo inaantok pa ako keaga-aga istorbo 'to. "Loko walang gagapang sayo rito." Aniya at iniabot nito sa akin ang isang envelop ng invitation. "Ikaw na munang mag attend d'yan, busy ako ngayon." Kinuha ko iyon at bumalik sa loob ng aking kuwarto at inilapag ang invitation sa aking coffee t

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 6

    pagkarating sa bahay ko ay mabilis akong umakyat sa aking kuwarto at inilapag ang aking bag sa kama, naghanap ako ng masusuot kong dress para sa bidding at nakita ko ang luxury black long dress na shoulder straps at long back. Kinuha ko 'to kasama ng glittery pouch at heels na ka terno nito, sa pagkakatanda ko ay nabili ko ito sa isang famous designer pero never ko pa s'yang nasuot. Mabilis lang akong nag shower at at isinuot ang aking dress pagkatapos ay nag lagay lang ako ng light make up at nag plantiya lang ako ng buhok. Umupo ako sa dulo ng aking kama upang isuot ang aking heels at kinuha ko sa aking dalang sling bag kanina ang phone ko at cash and credit cards kasama na rin ang isang powdered foundation at inilipat ko ang mga iyon sa aking pouch. Paglabas ko ng bahay ay ini lock ko ang front door, dumeretyo ako sa garage at sumakay ng kotse ngunit sa hindi inaasahan ay paubos na pala ang gasolina nito at ilang metro nalang ang makakaya nitong takbuhin.

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 7

    Pagkatapos kong mag breakfast ay mabilis lang ako nag take ng shower then nagtungo ako sa sala upang manood ng telebisyon. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll sa social media ko. Matagal tagal rin akong nag scroll hanggang sa isang nanamang viral photo ang pumukaw sa pansin ko. "Mr. Galvez's dating someone?" Nakasulat sa itaas ng letrato. Ang letratong iyon ay nahagip sa bandang likuran ni Levi sa interview photo niya, konti lang ang pinapasok na reporter sa club kaya siguro noong pagkatapos kong tinalikuran ito at sumakay sa kotse ni Xander ay nakita siya ng mga reporter at interview ito dahilan para mahagip kami ng mga camera. "Ang bilis nga namang kumalat ng chismis," sambitb ko sa sarili ko habang nakatuon ang aking pansin sa bilang ng mga nag share at comment. Mabuti nalang ay hindi kita ang mukha ko sa letrato dahil kakatalikod ako at siguradong wala namang makakakilala sa akin dahil hindi lang naman ako ang naka cora dress sa bidding kagabi.

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 8

    Maya't maya pa ay nakarating na ako sa kumpanya, nagkasabay pa kami ni Khael sa elevator kaya't magkasabay lang kaming nakarating sa may meeting room. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ni Trisha. "So let's start?" Ika naman ni Terrence na nakatayo sa may harapan at ready nang ipresent ang kaniyang project. Naging mabilis lang ang pag prisinta nito at agree naman kaming lahat sa kaniyang mga plano. "Yesterday I had a meeting with our business partners and we decided to have a modeling event after the publishing of the magazine, they requested Ms Garcia and Ms Lee to have a runway wearing the some of their new designed dresses." "Also I would like to inform you all, specially you Ms Garcia that Miss Lee have already signed a contract with us that's why she will be part of our project." Aniya at isinara na nito ang kaniyang laptop. "That's all, meeting dismissed y'all may go back to your work, Ms Garcia, Trisha, and Khael maiwan kayo." Nanatili ako sa

    Huling Na-update : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 9

    Trisha Caballero POV"Congratulation bunso, may engineer Andrea caballero na kami!" Masaya kong bungad sa mga ito pagdarating na pagdarating namin ni Khael sa bahay"Congratulation 'din sayo ate kase hindi ako makakatapos ng civil engineer kung hindi mo kinumbinsi noon sila mama na ito ang kursong gusto kong kuhanin sa kolehiyo, naalala ko nga sila mama noon na ayaw akong pakuhanin ng engineer eh ngayon sobra pa sa pasobra ni rebisco yung suporta," natatawang sabi nito."Special child ka raw kasi." "Hoy grabe! Kaka uwi mo lang namumuro ka na ah!" Aniya.Bigla s'yang napatigil sa kakatawa at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita n'yang papasok ng bahay si Khael habang bit-bit nito ang mga kinuha niyang regalo sa likod ng kotse na ipinadala nila tito at kuya Terrence para sakaniya at sa magulang ko. "Woah! Totoo ba itong nakikita ko o nananaginip lang ako? Naliligaw ba itong gwapong anghel sa bahay natin?" Namamanghang sabi nito."Tanga siya si Kha

    Huling Na-update : 2022-03-17

Pinakabagong kabanata

  • Falling for you   Special Chapter III

    Shainahiah Garcia-Galvez's Point Of ViewNasa office ako at nagtatrabaho kasama si Cassandra dito sa EXGC nang pinuntahan ako ni Lian dito."Ang hard working naman ng magandang mommy ko na 'yan." Pangbobola niya sa akin pagkapasok niya palang ng pinto.May kailangan 'to e, ramdam ko."Anong kailangan mo?""May cash ka ba d'yan, mom?" Malambing niyang tanong.Sinasabi ko na nga ba't manghihingi na naman ito ng pera."Bakit? Anong gagawin mo sa pera?""Kasi naman, mom, naubos ko na yung binigay na allowance sa akin ni dad this month." Wika niya habang napapakamit ito sa kaniyang batok."Sobra-sobra na nga yung binigay ng dad mo. Patapos pa lang ang buwan kaya sa next week pa lang ang next allowance mo.""Eh kasi may iniisponsoran ako ng kape.""Aba sponsor ka na ng kape ngayon?" Pang-aasar ko sa kaniya."Yung crush ko kasi, mom, mahilig sa kape 'tsaka kailangan niya rin 'yon kapag nag re-review siya.""Sino ba 'yang crush mo na 'yan? Bakit hindi mo ipakilala sa amin.""Saka na, kapag gi

  • Falling for you   Special Chapter II

    Levi Garcia's Point Of View"Kid, I think you lost.""Ano po kid? Hindi na po ako bata, malapit na po akong mag 23," wika ng batang babaeng pumasok sa loob ng opisina ko."Talaga lang ha. So what are you doing here in my office?" Tanong ko na may pagka sarkastikong tono."Ako po ang inasign ni Miss Karla na magiging temporary secretary niyo habang wala pa po siyang na ha-hire na bago. Andrea Caballero po ang pangalan ko, sir," paliwanag niya.Andrea, andrea... Naalala ko na iyong bagong hire na engineer sa engineer department. Dalawa o tatlong araw pa lang yata siyang nagta-trabaho rito."The new one in engineer department?" Tanong ko sa kaniya.Tumango siya at humarap muli sa akin. "Opo, ako nga po," sagot nito sa akin.Malapad ang ngiti niya sa kaniyang mga labi at masasabi kong gusto niya ang kaniyang ginagawa o trabaho."Ipag timpal mo ako ng kape. Black coffee with no sugar." Una kong utos sa kaniya.Pumunta siya sa mini kitchen ko dito sa loob ng aking opisina at pinanood ko siy

  • Falling for you   Special Chapter I

    Xander Lin Galvez's Point Of View"Austin, come here!" Excited kong tawag kaya Austin dahil may gusto akong ipakitang letrato sa kaniya."Ano 'yon daddy?" Takang tanong niya habang kinukusot nito ang kaniyang mata.Inantok na siguro siya kakanood ng cartoons sa tv."Take a look at her, she is so beautiful isn't it?" Tanong ko sa kaniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ng harap-harapan at malapitan ang aking dating idolong modelo, si Miss Shai Garcia."Yeah, she's definitely beautiful but I don't know her. Sino ba siya, daddy?""My high school crush. She is a model a super famous one and I really adore her. Alam mo ba Austin, kanina nakausap ko siya ng malapitan ang kaso lang ay galit na gakit siya kasi munyikan ko na siyang masagasaan.""What did you do? You almost hit her by your car?!" Gulat na gulat nitong sabi."Yeah, hindi ko kasi siya napansing patawid ng daan kasi naman ay medyk madilim doon sa bandang iyon kaya ayon muntikan ko na siyang masagasaan noong papunta ak

  • Falling for you   Epilogue

    "Papa, hindi ba po may gaganaping runway event sa EXGC, puwede po ba akong sumama?" Masigla kong tanong kay Dad.Gusto kong manood nung runway sa personal, sa tv lang kasi ako nakakanood no'n."Hindi puwede si kuya Levi mo ang isasama ko, yayain mo na lang ang mom mo sa mall." Sagot ni papa at nilampasan lang ako nito.Minsan ay napapaisip ako kung mahal ba talaga ako ni Dad o hindi. Kapag simpleng event o kahit may trabaho siya sa opisina ay isinasama niya ako, minsan ay sinusundo niya pa ako sa school tapos didiretyo kami sa EXGC Empire, pero kapag mga runway events na hindi na niya ako isinasama."Ahiah, Next time isasama ka rin ni Dad." Lumapit sa akin si kuya Levi at tinapiktapik niya ang aking balikat."Lagi na lang next time. . ." Sambit ko at nagtungo na lang ako sa aking kuwarto upang manood ng tv.----------Graduating ako ng junior high school noong sumali ako sa pageant sa school ngunit walang kaalam-alam sina Mom and Dad.Tanging si kuya Levi lang may alam na sumali ako a

  • Falling for you   Chapter 27

    "Miks, akin na muna si Cassandra, paki dala na lang muna ito sa HR at pagkatapos ay pumunta ka sa engineer department at mag in-charge ka ng bibisita sa site ngayong araw." Kinuha ko mula kay miks si Cassandra upang magawa na niya ang inutos ko."Good afternoon po sir." Bati niya kay Xander noong makasalubong niya ito sa pintuan ng opisina ko.Hindi na mapatahan ni Dianna at ng yaya si Cleo sa pag-iyak kaya umalis na si Lance upang asikasuhin si Cleo. Malapit si Lance sa mga bata kaya napapatahan niya ang mga ito kaagad parang si Cassandra, gustong gusto ni Cassandra si Lance ay nag be-behave siya kapag kasama niya ito."Such a cutie, Kalvin." Halos panggigilan ni Xander si Kalvin sa kacutan nito.Kahapon pa niya kasama ang bata, kung hindi niya ito karga ay nakikipaglaro naman siya rito sa sahig."Baba ka muna. Go, play with Cassandra." Ibinaba niya si Kalvin kaya't ibinaba ko na rin si Cassandra upang makapaglaro ang dalawa.Muli konv hinarap ang aking laptop kasabag ng paglapit nam

  • Falling for you   Chapter 26

    "Daddy, napapa wiwi na ako!" Malakas na sabi ni Austin."Tara samahan kita sa cr." Wika ni Xander at sinamahan niya si Austin sa public comfort room dito sa amusement park.Naiwan kaming nakatayo ni Cassandra dito aa parking lot malapit sa kotse ni Xander. Pauwi na rin kami kasi kami dahil tulog na si Cassandra at inaantok na rin si Austin kanina.Biglang tumunog ng malakas ang aking telepono sa aking bag kung kaya't napalayo ako ng kaunti kay Cassandra upang hindi ito magising. Kinuha ko ang telepono sa aking sling bag at sinagot ang tawag mula kay Levi."Oh?"[Nandito ako sa bahay mo kasama ko si Kalvin, Nasaan kayo?] Tanong niya mula sa kabilang linya."Nasa amusement park pa kami pero pauwi na rin kami, bakit?"[Aalis kami ni Andrea bukas, may trabaho kami sa ibang lugar kaya iiwan ko muna sa 'yo si Kalvin ng dalawang araw,] wika niya na siyang ikinagulat ko."Ha?! May trabaho ako bukas, ipapabantay ko lang mga si Cassandra sa secretary ko." [Dalawang araw lang naman 'tsaka hindi

  • Falling for you   Chapter 25

    Kasalukuyan akong nasa tapat ng bahay ni shainahiah habang hinihintay pag buksan ang gate matapos kong mag doorbell ng dalawang beses.Pagbukas ng gate ay sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Lance habang karga-karga niya ang aking anak."Oh anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo niyang tanong.Fine-feel na ng gago ang anak ko. Akala mo naman siya nagpaka pagod sa paggawa kay Cassandra."Cassandra anak, dito karga ka ni daddy." Ipinuwesto ko ang aking kamay upang kunin si Cassandra pero niyakap lang niya si Lance imbes na sumama sa akin."Pumasok ka na nagluluto si Shai sa loob, pakisara mo na lang ang gate." Sambit ni Lance at naglakad na ito papasok sa loob ng bahay.Hindi porque siya ang kasama ng mag-ina ko ay wala na akong karapatan. Ayos lang 'yan Xander asungot lang 'yan at ikaw pa rin naman ang mahal ni Shainahiah."Shai, yung lalaki mo dumalaw!" Malakas na sabi ni Lance pagkapasok namin sa bahay.Bumaling sa akin ni Lance kung kaya't ginantihan ko siya ng masamang tingin."Anong

  • Falling for you   Chapter 24

    Lance Rivera POV"Lance anong magandang dress para kay baby Cassy, pink or red?" Tanong sa akin ni Dianna habang busy ito sa pagpili ng bestida para kay Cassandra, habang ako naman ay hawak-hawak si Cassandra sa kamay upang hindi ito malayo sa amin."Red, puro pink na ang damit niya, maiba naman dapat," wika ko kasabay ng pag kuha ko sa damit na kulay pula.Pag baling ko sa gawi ni Cassandra ay nawawala na ito. Hindi ko namalayan nabitawan ko pala siya kanina, malikot pa naman ang batang iyon hindi lang diretso ang lakad niya, kung 'di tumatakbo na rin ito."Dianna, si Cassandra nawawala!" natataranta kong sabi kasabay ng paghahanap ko rito sa kung saan. Panigurado akong hindi pa ito nakakalayo."Ano?! Paanong nawala?" Gulat niyang sabi at binitawan niya ang mga dala nito at naghanap sa paligid."Nabitawan ko. Sabi ko kasi sayo kunin muna natin yung stroller niya bago tayo pumunta rito." "Hanapin mo! Mapapatay tayo ni Ate pag hindi natin nahanap si Cassandra," wika niya.Naghiwalay k

  • Falling for you   Chapter 23

    Shainahiah Garcia POV"Are you sure doon ka muna mag s-stay? Baka gusto mo ng kasama puwede naman ako." Wika ni Lance habang naglalakad kami papuntang garahe."No need, kaya ko naman."Nginitian ko ito."Hays... pa hug nga. Magsabi kalang kapag kailangan mo ng kasama," aniya, yumakap ito sa akin at gano'n din ako. "Owemji! Ang sarap naman ng hug mo Shainahiah, puwedeng pa kiss narin?" "Tigilan mo ako," sambit ko at bahagya itong binatukan. "Mami-miss kita wife este ex-wife," aniya at napasimangot ito.Ngayon ko nakita na ganito pala siya ka kulit. Ang cute niya, at ang saya niyang kasama, napaisip tuloy ako bigla sa sinabi sa akin ni Levi kanina. I think I should go with them to US, I will miss him pero mas mapapadali ang pagpapagamot ko roon."One week lang naman akong mag stay do'n," wika ko na ikina-bilog ng kaniyang mga mata."Sasama ka na saamin ni tito sa US?" Gulat na tanong nito at tumango naman ako.Tumawa ito at ginulo ang aking buhok. "Mas matagal pala tayong magkakasama

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status