Share

Chapter 2

Author: littlexclara
last update Last Updated: 2021-10-07 20:16:02

Pagkauwi ko ng bahay ay agad na sumalubong sa pintuan si Lance sa akin.

"Where have you been? Why didn't you answer my calls, huh?” tanong nito. Medyo madilim na rin kasi sa labas at deadbat na yung phone ko kaya hindi ako maka-sagot sa mga tawag nya.

"I was looking for a job and my phone run out of battery, that's why I can't answer your phone calls," wika ko sa kaniya at nilampasan ito.

"So you're looking for a job at late night? Do you know what time is it?" Tanong niya kaya napatingin ako sa wall clock.

"Hmm... It's 9:50 pm, is not that late."

"Where did you really go?"

"Why are you asking? It's non of your business after all," mahinahon kong sabi.

"I'm not done talking to you." Mahigpit ako nitong hinawakan sa braso at hinila papalapit sa kaniya. Sa sobrang lapit ko rito ay naamoy ko ang alak na ininom niya sa bawat paghinga nito.

Dahan-dahan niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin hudyat na hahalikan ako nito kaya pilit akong umiiwas, ngunit hindi ako masyadong makagalaw gawa ng mahigpit niyang pagka hawak sa aking kanang braso at bewang.

"Lance, you're drunk. You don't know what are you doing, just let me go back to my room, please." Pilit na nagpu-pumiglas ako rito.

"I know what I'm doing Shai and I want you, right now." Aniya at hinablot niya ang bag ko at hinagis iyon sa sofa rito sa sala, nakakuha naman ako ng t'yempo para nakawala rito.

Hindi na ako pinigilan nito at napaupo nalang siya sa isang couch, kaya kinuha ko na ang bag ko at umakyat na ako ng hagdan papunta sa aking kuwarto.

Damn that jerk.

KINABUKASAN agad kong inalis sa pagkaka charge ang phone kong buong gabi nang naka charge at binuksan ito, bumungad sa akin ang mensahe mula sa hindi kilalang numero.

[Congratulation Ms Garcia, you're hired. This is Terrence Ramirez, the President of RM company and I want you to come in my office by tomorrow 10 o'clock in the morning, so we can discuss about the contract for the magazine.] Nakasaad sa kaniyang mensahe na sinend niya ng 11 pm kagabi.

Yes, I'm hired!

Mabilis akong naligo at nag ayos bago ako bumaba papuntang hapag-kainan para mag agahan, naabutan ko naman sa baba si Lance na nakaupo na sa hapag-kainan habang kumakain ng niluto n'yang agahan.

"May lakad ka?" tanong niya, napansin siguro nito na naka-bihis ako ng pormal.

"Yeah, natanggap ako sa trabaho kaya pinapapunta nila ako sa kumpanya," masaya kong saad rito.

"Oh that's nice, ito nagluto ako, mag breakfast ka muna," wika niya at napatuon naman ang aking pansin sa mga niluto n’ya.

I didn't expect na marunong siyang magluto, ngayon ko lang kasi siyang nakitang nagluto for breakfast, usually sa office kasi siya nag be-breakfast at nag order lang kami ng food dahil hindi ako gano'n karunong mag luto.

"How is it?" tanong nito nang tikman ko ang kaniyang niluto.

"Masarap siya, marunong ka palang mag luto?"

"Hindi naman, natutunan ko lang 'yan kay Cindy ipinagluluto niya kasi ako minsan."

Habang kumakain kami ay napansin kong naka-suot lang ito ng pantulog niyang pair of silk pajamas at mukhang hindi ito papasok sa opisina.

"Wala kang pasok ngayon?" takang tanong ko.

"Nag leave muna ako ng isang araw para maimpake ko na ang mga gamit ko at nang makalipat na ako sa condo ko," wika niya habang kumakain pa ito. "Siya nga pala pumunta ka nalang sa office ko bukas para pirmahan yung annulment paper kasi darating si attorney doon dala yung annulment paper at puno pa yung schedule ko for tomorrow kaya hindi ko na siya maidadaan dito sayo," wika niya pa.

"Oh okay, sige mauna na ako baka ma-traffic pa ako," sambit ko pagkatapos kong uminom ng tubig at mag mouth wash.

Lagpas na sa 10 o'clock ng makarating ako sa kumpanya kaya nagmadali na akong pumasok rito at nagtanong kung saang floor ang office ng president.

Pagkarating ko ng 21th floor naglakad ako sa bandang kaliwa at sa dulo nito ay ang opisina ng presidente, kumatok ako rito ng tatlong beses at pinapasok na niya ako.

"Sorry Sir, I'm late," paghingi ko ng paumanhin rito.

"Nah, it's okay kakatapos lang din naman ng meeting ko. Maupo ka muna, do you want coffee or tea?"

"Kahit ano nalang, Sir." Tugon ko sa kanya at naupo ako sa isang single couch.

"Okay let's have some coffee, by the way just call me Terrence instead of Sir," wika niya habang nagtitimpla ito ng kape. "So Ms Garcia, I want you to know that we're targeting to publish the magazine by next month. I have a 3 years of contract here na gusto kong i-offer sayo, at once na pirmahan mo siya magsisimula na ang photoshoots as soon as possible." Pagpapaliwanag niya pagkatapos nitong inilapag sa mesa sa aking harapan ang tinimpla niyang kape kasama ng naka portfolio na kontrata.

"Take a look at the contract first and kung meron kang complain p'wede naman natin siyang pag-usapan."

Kinuha ko sa lamesa ang kontrata at binasa iyon, base rito sa kontrata pagkatapos ma publish ng magazine ay patuloy pa rin nila akong bibigyan ng project, maaari ko rin akong mag renewal ng kontrata once na ma expired ito.

"Uhmm Sir—I mean Terrence about on how you paid your models, it's 100 to 200 dollars per hour, is not that too much fo a beginner?" tanong ko.

"You're not a beginner after all, minimum palang yan at p'wede pa siyang tumaas depende sa project, example ngayong araw nasa trabaho ka ng limang oras kaya mata-transfer sa bank acc mo ang 500 to 1000 dollars sa araw na iyon," seryoso nitong sabi.

"Also, we can provide your needs like condo or car but it's under the company's property and specially, we will assure to keep your other personal information privately for your safety of course."

"Oh okay, that's nice."

"So, are you agree with the contract?" tanong niya at nakatingin ito ng deretyo sa 'kin habang malawak ang kaniyang pagkakangiti.

"Definitely yes, it's not that bad for a new comers." Inilapag ko ang kontrata sa mesa.

"Okay, now let's sign the contract," wika naman niya at pumirma kaming parehas sa kontrata.

"Congratulation Ms Garcia, you're now part of our company." Wika niya at tumayo ito upang makipag kamay kaya tumayo rin ako at nakipag kamay rito, ilang sandali pa ay may kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kaniyang opisina.

"Come in." Wika niya at pumasok ang sekretarya niyang si Trisha.

"Sir, Mr. Galvez wants to talk to you." Anito at ipinapasa niya rito kay Terrence ang telepono.

"Why is he calling you?" mahinang tanong ni Terrence kay Trisha at tinakpan pa nito ang telepono para hindi sila marinig ng nasa kabilang linya.

"I don't know Sir, he said he's calling you for so many times but you didn't answer your phone. Sir, he's kinda moody when he call me I think he lost his temper while trying to call you," pabulong din sabi ng kaniyang sekretarya.

"Shit! I'm dead now," mahinang sabi niya at mukhang nag-aalangan itong sagutin ang telepono.

Bumaling ito sa akin. "Shai, sorry hindi kita maililibot sa kumpanya, sasamahan ka nalang ni Trisha."

“It's okay," wika ko at tumango rito.

"Trish ikaw ng bahala sa kaniya." Pinatayan niya ng tawag yung sa kabilang linya at ibinalik niya kay Trisha ang cellphone nito.

"This way, Ms Garcia." Lumabas kami ng office ni Terrence, habang naglalakad kami sa hallway ay itinuturo at ipinapaliwanag niya kung anong klasing mga department or office ang nadadaanan naming dalawa.

"Congrats again Ms Garcia," bati niya sa akin.

"Thank you. Call me Shai, instead."

"Okay, Shai. so we're here at the publishing department and on your left side is the office of our PD manager."

"Isn't it too small to be the publishing department?"

"Not really, dahil hinati ng kumpanya sa tatlo ang publishing department isa sa 3rd floor at sa 11th floor, itong nasa 21th floor ang ay ang pangatlo." Naglakad ito papasok sa department kaya sumunod ako.

"Halos kalahati ng 20th floor ay binubuo ng photoshoot area, kaya matapos ang photoshoot ay ipinapasa nila kay Sir Terrence ang mga nakuhang larawan para sa confirmation ng mga larawang ilalagay sa magazine, then ipapadala na ang mga ito sa publishing department at dito sila mag-eedit at mag pi-print ng sample," Paliwanag niya habang nagtitingin-tingin ako sa paligid. "Then yung na print na samples ipadadala nila sa wearhouse at doon sila mag pi-print ng maraming copy ng magazines," wika niya pa.

"Ang laki pala talaga ng kumpanya nila," manghang sabi ko.

"Yup, may chika ako sayo, alam mo bang yung tumatawag kay sir ay ang cousin niyang CEO ng isang malaking investment company na board member pa nitong kumpanya, for the first time siya mismo ang may gustong mag invest to our president's new project," mahina nitong sabi sa akin, halos pabulong na nga.

"Kung sabagay sino ba namang hindi gugustuhing mag invest sa ganito klasing project, sigurado malaki ang makukuha niyang income." Sabi ko habang patuloy kami sa aming paglalakad rito sa loob ng publishing department.

"He's famous all over the world girl, maraming kumpanya mula sa labas ng bansa ang pumupunta sa kaniya para alukin siyang mag invest for their company's business," wika niya at bakas sa kaniyang pagsasalita ang pagkamangha sa naturang CEO.

"Ang tagal ko rin kasing nawala sa field kaya wala akong masyadong alam sa mga bagong kumpanya."

"Ang mabuti pa pumunta nalang tayo sa rooftop, mag papa-serve nalang ako ng food doon, then ipapakilala ko sayo ang ilan sa mga posibleng maging sponsors at investors sa project niyo ni Sir Terrence." Tumango ako.

Pagka upo namin sa table for two sa may rooftop ay may inilabas itong portfolio at ipinakita iyon sa akin. "For sure kilala mo ito, the president of SMAgency."

"Yeah, I knew him."

"Madalas ay mga model niya ang kinukuha ng company para sa mga magazines cover pero this past few months bumaba ang bilang ng sales ng magazine na ipinapadala sa ibang bansa. Marahil ay hindi na ito mabili sa mga tao dahil paulit-ulit nalang ang mga model na nakikita nila sa mga magazine," bakas sa boses nito ang pagkadismaya.

"Kaya ba nag-hire ang kumpanya ng mga bagong models?"

"Anong mga? Girl, ikaw lang ang kaisa-isang na hired na model. Grabe rin yang alindog mo ha to the point na si Sir mismo ang nag message at nakipag meeting sayo," intriga pa niya.

"Ngayon ko lang din siya nakitang nag timpla ng kape para sa ka-meeting niya. Hindi na ako magtataka kung sa makalawa ay ligawan kana no'n."

"Nako wag ka ngang ma-issue, mabait lang talaga siguro si Terrence."

"Correction, mabait sayo pero sa iba hindi, isipin mo 'yon sa tagal ko nang umattend ng mga meetings with other business personnel siya palang ang nakita kong business man na mukhang tangang ang lawak ng ngiti habang nag d-discuss." Tumawa ito ng malakas

"Ikaw ah! pinapanood mo pala kami mula kanina."

"Hoy! nasa tapat lang ng office ni Sir Terrence ang office ko at ni Sir Khael, pareho pang salamin ang harapan kaya hindi malabong pinagmamasdan din niya kayo."

"Sir Khael?" Takang tanong ko.

"Si Khael Ramirez ang vice president, nakababatang kapatid ni Sir Terrence. 28 na si Sir Terrence at ka edad ko naman si Khael na 25," wika niya at bumaling ito sa kalangitan.

"Sulit ang hirap na maging sekretarya ng dalawang boss na mala greek god, ang yummy girl, makalaglag panty ang datingan buti nalang mahigpit garter ng panty ko." Para akong mabubulunan sa sarili kong laway ng dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ang dami mong alam," sambit ko rito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga pantasya niya eh.

"Ako pa, 16 palang ako ng mag trabaho na ako rito. Mga magulang nila ang nagpa-aral sa 'kin hanggang makatapos ako ng company secretary, ang swerte ko nga sa kanila."

"So, you're very close to their family, how come na ang formal mo pa rin makipagsalita sa kanila?"

"Sa trabaho lang pero pagdating sa mansion ay kuya, tita at tito ang gusto nilang itawag ko sa kanila. Ikaw? mag kuwento ka naman," aniya, hindi siya mahirap pakitunguhan at panatag naman ang loob ko sa kaniyang mag kuwento tungkol sa akin.

"Pangalawa ako sa mga anak ng may-ari ng EXGC Empire."

Related chapters

  • Falling for you   Chapter 3

    "EXGC? Si Mr. Garcia, yung kumpanyang may-ari sa libo-libong condo units at penthouse?" "Yeah," simple kong sagot. "Ang yaman mo pala." Manghang sabi niya kaya't nginitian ko nalang siya. "I'm actually not, I badly wanna be a model since then but my dad wants me to study medicine, to become a doctor or an interior designer that's why I run away from home when SMAgency offered me to do modeling when I was 15 years old and I don't even know if my parents still remember me, I was like a Disney princess who left her tower just to chase her dream." "Your own Modern version of Rapunzel, huh." "I think so." "Ang lungkot naman ng buhay mo, buti nalang may asawa kang dadamay sayo." "Nah hindi naman kami close no'n besides tapos na ang 2 years marriage contract namin." "Hala! bakit may 2 years marriage contract?" Gulat nitong tanong . "Let us say that we're just using each other." Simple kong sabi rito ngunit kita ko ang pag kunot ng kaniyang

    Last Updated : 2021-10-07
  • Falling for you   Chapter 4

    Terrence Ramirez POV"Couz, napag usapan na natin 'to diba? kung gusto mo ako nalang ang pupunta dyan sa office mo." Sabi ko sa kausap ko sa telepono. Sakit talaga sa ulo itong pinsan kong ito, ang hirap makipag-areglo sa kaniya. Siya ang may gustong mag-invest sa bago kong project tapos ngayon binabawi niya. [Hindi ako mag-iinvest sayo kung ganiyan ka ka-independent sa trabaho, mas inaatupag mo yang pambababae mo kaysa sagutin ang tawag ko, tawag ng investor sa project mo.] Wala ito sa mood habang nakikipag usap sa akin mula a telepono. "Sino namang nagsabi sa 'yong namba-babae ako? Ikaw nga itong maraming babae." Aba loko 'to ah may, tama yata 'to sa utak. [Tumawag ako kay Khael kanina, busy ka daw sa babae mo at binabaan na lang ako bigla.] Crush yata ako nito eh... "Gago! Ka meeting ko yung bagong model, pano ka mag-iinvest kung wala naman tayong model." Ano ba klasing business man ito magulo pa siya sa pubic hair. [Let's dis

    Last Updated : 2021-10-08
  • Falling for you   Chapter 5

    KINABUKASAN nagising ako sa ingay mula sa pintuan ng aking kwarto dahil may kung sinong kumakatok ng malakas roon, nakatulugan ko yung TV kagabi kaya bukas pa ito hanggang ngayon at wala namang papasok rito sa kwarto ko upang patayin ito dahil naka lock ang aking pinto. Bumangon ako at pinatay ang TV at saka hinablot ko ang aking puting v neck t-shirt na nakapatong lang sa aking single couch at isinuot ito bago lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Terrence at mukhang aalis na ito para pumasok ng opisina. "Kanina pa ako katok ng katok rito, ba't ba naka lock ang pintuan mo?" Naiinis nitong tanong. "Baka gapangin ako," simple kong sabi, medyo inaantok pa ako keaga-aga istorbo 'to. "Loko walang gagapang sayo rito." Aniya at iniabot nito sa akin ang isang envelop ng invitation. "Ikaw na munang mag attend d'yan, busy ako ngayon." Kinuha ko iyon at bumalik sa loob ng aking kuwarto at inilapag ang invitation sa aking coffee t

    Last Updated : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 6

    pagkarating sa bahay ko ay mabilis akong umakyat sa aking kuwarto at inilapag ang aking bag sa kama, naghanap ako ng masusuot kong dress para sa bidding at nakita ko ang luxury black long dress na shoulder straps at long back. Kinuha ko 'to kasama ng glittery pouch at heels na ka terno nito, sa pagkakatanda ko ay nabili ko ito sa isang famous designer pero never ko pa s'yang nasuot. Mabilis lang akong nag shower at at isinuot ang aking dress pagkatapos ay nag lagay lang ako ng light make up at nag plantiya lang ako ng buhok. Umupo ako sa dulo ng aking kama upang isuot ang aking heels at kinuha ko sa aking dalang sling bag kanina ang phone ko at cash and credit cards kasama na rin ang isang powdered foundation at inilipat ko ang mga iyon sa aking pouch. Paglabas ko ng bahay ay ini lock ko ang front door, dumeretyo ako sa garage at sumakay ng kotse ngunit sa hindi inaasahan ay paubos na pala ang gasolina nito at ilang metro nalang ang makakaya nitong takbuhin.

    Last Updated : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 7

    Pagkatapos kong mag breakfast ay mabilis lang ako nag take ng shower then nagtungo ako sa sala upang manood ng telebisyon. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll sa social media ko. Matagal tagal rin akong nag scroll hanggang sa isang nanamang viral photo ang pumukaw sa pansin ko. "Mr. Galvez's dating someone?" Nakasulat sa itaas ng letrato. Ang letratong iyon ay nahagip sa bandang likuran ni Levi sa interview photo niya, konti lang ang pinapasok na reporter sa club kaya siguro noong pagkatapos kong tinalikuran ito at sumakay sa kotse ni Xander ay nakita siya ng mga reporter at interview ito dahilan para mahagip kami ng mga camera. "Ang bilis nga namang kumalat ng chismis," sambitb ko sa sarili ko habang nakatuon ang aking pansin sa bilang ng mga nag share at comment. Mabuti nalang ay hindi kita ang mukha ko sa letrato dahil kakatalikod ako at siguradong wala namang makakakilala sa akin dahil hindi lang naman ako ang naka cora dress sa bidding kagabi.

    Last Updated : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 8

    Maya't maya pa ay nakarating na ako sa kumpanya, nagkasabay pa kami ni Khael sa elevator kaya't magkasabay lang kaming nakarating sa may meeting room. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ni Trisha. "So let's start?" Ika naman ni Terrence na nakatayo sa may harapan at ready nang ipresent ang kaniyang project. Naging mabilis lang ang pag prisinta nito at agree naman kaming lahat sa kaniyang mga plano. "Yesterday I had a meeting with our business partners and we decided to have a modeling event after the publishing of the magazine, they requested Ms Garcia and Ms Lee to have a runway wearing the some of their new designed dresses." "Also I would like to inform you all, specially you Ms Garcia that Miss Lee have already signed a contract with us that's why she will be part of our project." Aniya at isinara na nito ang kaniyang laptop. "That's all, meeting dismissed y'all may go back to your work, Ms Garcia, Trisha, and Khael maiwan kayo." Nanatili ako sa

    Last Updated : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 9

    Trisha Caballero POV"Congratulation bunso, may engineer Andrea caballero na kami!" Masaya kong bungad sa mga ito pagdarating na pagdarating namin ni Khael sa bahay"Congratulation 'din sayo ate kase hindi ako makakatapos ng civil engineer kung hindi mo kinumbinsi noon sila mama na ito ang kursong gusto kong kuhanin sa kolehiyo, naalala ko nga sila mama noon na ayaw akong pakuhanin ng engineer eh ngayon sobra pa sa pasobra ni rebisco yung suporta," natatawang sabi nito."Special child ka raw kasi." "Hoy grabe! Kaka uwi mo lang namumuro ka na ah!" Aniya.Bigla s'yang napatigil sa kakatawa at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita n'yang papasok ng bahay si Khael habang bit-bit nito ang mga kinuha niyang regalo sa likod ng kotse na ipinadala nila tito at kuya Terrence para sakaniya at sa magulang ko. "Woah! Totoo ba itong nakikita ko o nananaginip lang ako? Naliligaw ba itong gwapong anghel sa bahay natin?" Namamanghang sabi nito."Tanga siya si Kha

    Last Updated : 2022-03-17
  • Falling for you   Chapter 10

    Mag-aalas sais na ng gabi nang matapos kami sa photoshoot, kaya hinihintay ko nalang si Terrence dito sa may parking lot dahil siya ang maghahatid sa akin sa bahay.Hindi ko kasi dala ang kotse ko dahil maagang dumaan sa bahay kaninang umaga si Terrence para sunduin ako kaya siya na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi.Naglakad lakad muna ako dahil umakyat pa sa opisina si Terrence upang kunin ang mga naiwan nitong mga gamit nang sumagi na naman sa aking isipan si Xander."Magkakilala sila ni Elijah?" Tanong ko sa aking sarili.Habang tinitignan ko silang dalawang nag-uusap kanina ay masasabi mong malapit talaga sila sa isa't isa.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya, bakit nagustuhan ko sya samantalang alam ko sa sarili kong malabong magustuhan niya rin ako.Gaya nga ng sabi sa akin ni Terrence, he's a high profile business man and I can't just hangout with him.Huminga ako ng malalim at aktong maglal

    Last Updated : 2022-03-17

Latest chapter

  • Falling for you   Special Chapter III

    Shainahiah Garcia-Galvez's Point Of ViewNasa office ako at nagtatrabaho kasama si Cassandra dito sa EXGC nang pinuntahan ako ni Lian dito."Ang hard working naman ng magandang mommy ko na 'yan." Pangbobola niya sa akin pagkapasok niya palang ng pinto.May kailangan 'to e, ramdam ko."Anong kailangan mo?""May cash ka ba d'yan, mom?" Malambing niyang tanong.Sinasabi ko na nga ba't manghihingi na naman ito ng pera."Bakit? Anong gagawin mo sa pera?""Kasi naman, mom, naubos ko na yung binigay na allowance sa akin ni dad this month." Wika niya habang napapakamit ito sa kaniyang batok."Sobra-sobra na nga yung binigay ng dad mo. Patapos pa lang ang buwan kaya sa next week pa lang ang next allowance mo.""Eh kasi may iniisponsoran ako ng kape.""Aba sponsor ka na ng kape ngayon?" Pang-aasar ko sa kaniya."Yung crush ko kasi, mom, mahilig sa kape 'tsaka kailangan niya rin 'yon kapag nag re-review siya.""Sino ba 'yang crush mo na 'yan? Bakit hindi mo ipakilala sa amin.""Saka na, kapag gi

  • Falling for you   Special Chapter II

    Levi Garcia's Point Of View"Kid, I think you lost.""Ano po kid? Hindi na po ako bata, malapit na po akong mag 23," wika ng batang babaeng pumasok sa loob ng opisina ko."Talaga lang ha. So what are you doing here in my office?" Tanong ko na may pagka sarkastikong tono."Ako po ang inasign ni Miss Karla na magiging temporary secretary niyo habang wala pa po siyang na ha-hire na bago. Andrea Caballero po ang pangalan ko, sir," paliwanag niya.Andrea, andrea... Naalala ko na iyong bagong hire na engineer sa engineer department. Dalawa o tatlong araw pa lang yata siyang nagta-trabaho rito."The new one in engineer department?" Tanong ko sa kaniya.Tumango siya at humarap muli sa akin. "Opo, ako nga po," sagot nito sa akin.Malapad ang ngiti niya sa kaniyang mga labi at masasabi kong gusto niya ang kaniyang ginagawa o trabaho."Ipag timpal mo ako ng kape. Black coffee with no sugar." Una kong utos sa kaniya.Pumunta siya sa mini kitchen ko dito sa loob ng aking opisina at pinanood ko siy

  • Falling for you   Special Chapter I

    Xander Lin Galvez's Point Of View"Austin, come here!" Excited kong tawag kaya Austin dahil may gusto akong ipakitang letrato sa kaniya."Ano 'yon daddy?" Takang tanong niya habang kinukusot nito ang kaniyang mata.Inantok na siguro siya kakanood ng cartoons sa tv."Take a look at her, she is so beautiful isn't it?" Tanong ko sa kaniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ng harap-harapan at malapitan ang aking dating idolong modelo, si Miss Shai Garcia."Yeah, she's definitely beautiful but I don't know her. Sino ba siya, daddy?""My high school crush. She is a model a super famous one and I really adore her. Alam mo ba Austin, kanina nakausap ko siya ng malapitan ang kaso lang ay galit na gakit siya kasi munyikan ko na siyang masagasaan.""What did you do? You almost hit her by your car?!" Gulat na gulat nitong sabi."Yeah, hindi ko kasi siya napansing patawid ng daan kasi naman ay medyk madilim doon sa bandang iyon kaya ayon muntikan ko na siyang masagasaan noong papunta ak

  • Falling for you   Epilogue

    "Papa, hindi ba po may gaganaping runway event sa EXGC, puwede po ba akong sumama?" Masigla kong tanong kay Dad.Gusto kong manood nung runway sa personal, sa tv lang kasi ako nakakanood no'n."Hindi puwede si kuya Levi mo ang isasama ko, yayain mo na lang ang mom mo sa mall." Sagot ni papa at nilampasan lang ako nito.Minsan ay napapaisip ako kung mahal ba talaga ako ni Dad o hindi. Kapag simpleng event o kahit may trabaho siya sa opisina ay isinasama niya ako, minsan ay sinusundo niya pa ako sa school tapos didiretyo kami sa EXGC Empire, pero kapag mga runway events na hindi na niya ako isinasama."Ahiah, Next time isasama ka rin ni Dad." Lumapit sa akin si kuya Levi at tinapiktapik niya ang aking balikat."Lagi na lang next time. . ." Sambit ko at nagtungo na lang ako sa aking kuwarto upang manood ng tv.----------Graduating ako ng junior high school noong sumali ako sa pageant sa school ngunit walang kaalam-alam sina Mom and Dad.Tanging si kuya Levi lang may alam na sumali ako a

  • Falling for you   Chapter 27

    "Miks, akin na muna si Cassandra, paki dala na lang muna ito sa HR at pagkatapos ay pumunta ka sa engineer department at mag in-charge ka ng bibisita sa site ngayong araw." Kinuha ko mula kay miks si Cassandra upang magawa na niya ang inutos ko."Good afternoon po sir." Bati niya kay Xander noong makasalubong niya ito sa pintuan ng opisina ko.Hindi na mapatahan ni Dianna at ng yaya si Cleo sa pag-iyak kaya umalis na si Lance upang asikasuhin si Cleo. Malapit si Lance sa mga bata kaya napapatahan niya ang mga ito kaagad parang si Cassandra, gustong gusto ni Cassandra si Lance ay nag be-behave siya kapag kasama niya ito."Such a cutie, Kalvin." Halos panggigilan ni Xander si Kalvin sa kacutan nito.Kahapon pa niya kasama ang bata, kung hindi niya ito karga ay nakikipaglaro naman siya rito sa sahig."Baba ka muna. Go, play with Cassandra." Ibinaba niya si Kalvin kaya't ibinaba ko na rin si Cassandra upang makapaglaro ang dalawa.Muli konv hinarap ang aking laptop kasabag ng paglapit nam

  • Falling for you   Chapter 26

    "Daddy, napapa wiwi na ako!" Malakas na sabi ni Austin."Tara samahan kita sa cr." Wika ni Xander at sinamahan niya si Austin sa public comfort room dito sa amusement park.Naiwan kaming nakatayo ni Cassandra dito aa parking lot malapit sa kotse ni Xander. Pauwi na rin kami kasi kami dahil tulog na si Cassandra at inaantok na rin si Austin kanina.Biglang tumunog ng malakas ang aking telepono sa aking bag kung kaya't napalayo ako ng kaunti kay Cassandra upang hindi ito magising. Kinuha ko ang telepono sa aking sling bag at sinagot ang tawag mula kay Levi."Oh?"[Nandito ako sa bahay mo kasama ko si Kalvin, Nasaan kayo?] Tanong niya mula sa kabilang linya."Nasa amusement park pa kami pero pauwi na rin kami, bakit?"[Aalis kami ni Andrea bukas, may trabaho kami sa ibang lugar kaya iiwan ko muna sa 'yo si Kalvin ng dalawang araw,] wika niya na siyang ikinagulat ko."Ha?! May trabaho ako bukas, ipapabantay ko lang mga si Cassandra sa secretary ko." [Dalawang araw lang naman 'tsaka hindi

  • Falling for you   Chapter 25

    Kasalukuyan akong nasa tapat ng bahay ni shainahiah habang hinihintay pag buksan ang gate matapos kong mag doorbell ng dalawang beses.Pagbukas ng gate ay sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Lance habang karga-karga niya ang aking anak."Oh anong ginagawa mo rito?" Kunot-noo niyang tanong.Fine-feel na ng gago ang anak ko. Akala mo naman siya nagpaka pagod sa paggawa kay Cassandra."Cassandra anak, dito karga ka ni daddy." Ipinuwesto ko ang aking kamay upang kunin si Cassandra pero niyakap lang niya si Lance imbes na sumama sa akin."Pumasok ka na nagluluto si Shai sa loob, pakisara mo na lang ang gate." Sambit ni Lance at naglakad na ito papasok sa loob ng bahay.Hindi porque siya ang kasama ng mag-ina ko ay wala na akong karapatan. Ayos lang 'yan Xander asungot lang 'yan at ikaw pa rin naman ang mahal ni Shainahiah."Shai, yung lalaki mo dumalaw!" Malakas na sabi ni Lance pagkapasok namin sa bahay.Bumaling sa akin ni Lance kung kaya't ginantihan ko siya ng masamang tingin."Anong

  • Falling for you   Chapter 24

    Lance Rivera POV"Lance anong magandang dress para kay baby Cassy, pink or red?" Tanong sa akin ni Dianna habang busy ito sa pagpili ng bestida para kay Cassandra, habang ako naman ay hawak-hawak si Cassandra sa kamay upang hindi ito malayo sa amin."Red, puro pink na ang damit niya, maiba naman dapat," wika ko kasabay ng pag kuha ko sa damit na kulay pula.Pag baling ko sa gawi ni Cassandra ay nawawala na ito. Hindi ko namalayan nabitawan ko pala siya kanina, malikot pa naman ang batang iyon hindi lang diretso ang lakad niya, kung 'di tumatakbo na rin ito."Dianna, si Cassandra nawawala!" natataranta kong sabi kasabay ng paghahanap ko rito sa kung saan. Panigurado akong hindi pa ito nakakalayo."Ano?! Paanong nawala?" Gulat niyang sabi at binitawan niya ang mga dala nito at naghanap sa paligid."Nabitawan ko. Sabi ko kasi sayo kunin muna natin yung stroller niya bago tayo pumunta rito." "Hanapin mo! Mapapatay tayo ni Ate pag hindi natin nahanap si Cassandra," wika niya.Naghiwalay k

  • Falling for you   Chapter 23

    Shainahiah Garcia POV"Are you sure doon ka muna mag s-stay? Baka gusto mo ng kasama puwede naman ako." Wika ni Lance habang naglalakad kami papuntang garahe."No need, kaya ko naman."Nginitian ko ito."Hays... pa hug nga. Magsabi kalang kapag kailangan mo ng kasama," aniya, yumakap ito sa akin at gano'n din ako. "Owemji! Ang sarap naman ng hug mo Shainahiah, puwedeng pa kiss narin?" "Tigilan mo ako," sambit ko at bahagya itong binatukan. "Mami-miss kita wife este ex-wife," aniya at napasimangot ito.Ngayon ko nakita na ganito pala siya ka kulit. Ang cute niya, at ang saya niyang kasama, napaisip tuloy ako bigla sa sinabi sa akin ni Levi kanina. I think I should go with them to US, I will miss him pero mas mapapadali ang pagpapagamot ko roon."One week lang naman akong mag stay do'n," wika ko na ikina-bilog ng kaniyang mga mata."Sasama ka na saamin ni tito sa US?" Gulat na tanong nito at tumango naman ako.Tumawa ito at ginulo ang aking buhok. "Mas matagal pala tayong magkakasama

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status