Sweet Disposition

Sweet Disposition

last updateLast Updated : 2022-08-30
By:  risingservant  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
117Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan na aking nadarama matapos niya akong anyayahan sa kanilang tahanan. Ito na ang simula ng aking pangarap para maabot siya; para lubos ko pa siyang makilala.---Noon pa man, hindi ko maiwasan ang pagtangi sa kaniya. Nang makita ko pa lang siya na tumatakbo at nagdidribol ng bola, napukaw niya agad ang aking pansin. Magaling siyang manlalaro sapagkat na-shoot niya agad ang bola. Hindi ko maiwasang hindi mapatigagal nang maglandas ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng aking puso, gusto kong kalmahin ang aking sarili ngunit ayaw tumahimik sa pagsilakbo ng aking damdamin. Siya na, siya na nga yata talaga...Para akong punong natuod sa aking kinatatayuan nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti na namutawi sa kaniyang labi. Kasabay pa no'n, isang kindat ang kaniyang pinakawalan patungo sa aking direksyon."Para sa akin ba ang kindat na 'yon?" tanong ko sa aking isipan. Gusto kong magtatalon

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
risingservant
Nakakakilig talaga!
2022-07-10 23:51:26
1
117 Chapters

Prologue

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan na aking nadarama matapos niya akong anyayahan sa kanilang tahanan. Ito na ang simula ng aking pangarap para maabot siya; para lubos ko pa siyang makilala. --- Noon pa man, hindi ko maiwasan ang pagtangi sa kaniya. Nang makita ko pa lang siya na tumatakbo at nagdidribol ng bola, napukaw niya agad ang aking pansin. Magaling siyang manlalaro sapagkat na-shoot niya agad ang bola. Hindi ko maiwasang hindi mapatigagal nang maglandas ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng aking puso, gusto kong kalmahin ang aking sarili ngunit ayaw tumahimik sa pagsilakbo ng aking damdamin. Siya na, siya na nga yata talaga...Para akong punong natuod sa aking kinatatayuan nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti na namutawi sa kaniyang labi. Kasabay pa no'n, isang kindat ang kaniyang pinakawalan patungo sa aking direksyon."Para sa akin ba ang kindat na 'yon?" tanong ko sa aking isipan. Gusto kong magtatalon
Read more

Chapter 1

Masaya akong naghuhugas ng pinggan sa kusina habang nakikinig sa magandang himig ng isang musika mula sa radyo. Hindi ko inalintana ang makulimlim na panahon kaya pakanta-kanta pa 'ko. Mahilig akong kumanta kahit na hindi ako nabiyayaan ng talento pagdating dito. Napatigil akong bigla sa pagkanta dahil naalala ko 'yung g'wapong lalaki kanina sa may bukana ng simbahan. "Juness, masyado ka yatang masaya ngayon?" bungad ni Ate Aprilyn, ang nakatatanda kong kapatid."Naku Ate, ang g'wapo kasi kanina no'ng lalaki ro'n sa may simbahan. Alam mo naman, bihirang makakita ng g'wapo rito sa atin," turan ko. Hindi matanggal ang aking ngiti sa labi sa tuwing nakikita ko ang maamong nitong mukha sa aking imahinasyon.Lumapit sa akin si Ate at kumuha ng isang baso mula sa aking nahugasan at siya'y tumungo sa may ref upang punan ito ng malamig na tubig. "Hindi naman masamang mamangha ka sa isang g'wapong nilalang pero dapat kontrolado
Read more

Chapter 2

Hinding-hindi ko malilimutan ang unang lalaking bumihag sa aking puso. Ipinaramdam niya sa akin kung paano lilipad at sasabay sa saliw ng dagundong na namumutawi sa aking puso.Napaka-memorable ng una kong pag-ibig sapagkat dito ko rin naramdaman kung paano kiligin nang wagas. Sa mga munting bagay na ginagawa niya para mapasaya ako, rehistradong-rehistrado iyon sa utak ko. Pinatunayan niya rin sa akin na hindi kailangan ng mga materyal na bagay para mapasaya mo ang isang tao. Sakto lang din naman ang antas ng kaniyang pamilya sa buhay, hindi mahirap at hindi mayaman. Sa kabila ng lahat ng sayang itinanim niya sa pinakamatabang bahagi ng aking puso, ay siya ring pait sa pagkakapunla upang ito'y dumugo. --- "Babe, akalain mo 'yon, tatagal tayo ng tatlong buwan..." bungad ko kay Martin habang nakasakay kami sa ferris wheel. Madilim ang kalangitan ngunit laganap at kumukutikutitap ang
Read more

Chapter 3

Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online. --- Inabot din ako ng kalahating mnuto sa pagbabasa ng maikling kuwento. Ilang saglit pa, napa-awts na lamang ako.Bakit gano'n ang nabasa ko? Ang sakit naman nito sa puso. Mabuti na lang at hindi dumating sa punto na nagtangka akong kitilin ang sarili kong buhay.Salamat sa pamilya kong umagapay sa akin noong nalugmok ako. Hindi
Read more

Chapter 4

Pagkarating namin sa dorm ni Gela, agad naman niyang ipinahiram sa akin 'yung kinakailangan ko. Matapos iyon, naupo na muna kami sa higaan niya at nagkuwentuhan.Apat sila rito sa isang kuwarto. Dalawang double deck ang matatagpuan sa silid na higaan nila, sakto lang para sa kanilang apat 'yung kuwarto't hindi naman masikip. Wala 'yung tatlo niyang kasama rito, marahil ay may klase pa."Mga bes, naalala n'yo pa ba noong first day of school natin?" bungad ni Rosanna pagkasampa sa higaan. Sumandal siya sa pader at niyakap ang stuff toy ni Gela na tweety bird."Oo naman, iyon ang araw na naging magkakaibigan tayo," saad ko. Tinanggal ko ang bag ko't sumampa na rin do'n."Hindi lang iyon, 'yon din ang araw na kung saan ay pare-pareho tayong naligaw at ibang silid ang napuntahan kaya na-late tayo sa unang klase natin," gunita ni Gela. Tumabi siya sa amin habang may hinahalungkat sa loob ng bag niya.Naalala ko na naman ang
Read more

Chapter 5

Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi. Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase. Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila. Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat. Hinding
Read more

Chapter 6

Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin. "Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila. Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards. "Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa. Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila. "Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang. Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may
Read more

Chapter 7

Pawis na pawis kami nang makarating kami sa aming classroom. Buti na lang at wala pa 'yung prof namin. "Guys, inamag na 'ko kahihintay sa inyo kanina sa ilalim ng punong mangga. Akala ko hindi na kayo papasok kaya nauna na 'ko sa inyo rito. Ano bang nangyari at mistulang pagod na pagod kayo? Saan kayo nanggaling?" bungad ni Gela sa harapan namin habang nakapameywang pa. Kinuha ko na muna saglit ang aking panyo sa may bulsa at saka pinunasan ang mga tumatagaktak kong pawis sa mukha't leeg. Hindi pa nga tapos ang huling klase, pagod na pagod na 'ko. Nakakahiya sa prof namin saka sa mga kaklase ko na ang dugyot kong tingnan. "Sorry, Gela. Galing kasi kami sa gymnasium kanina. Hindi namin namalayan ni Rosanna 'yung oras kaya para kaming hinabol ng limang aso kung makatakbo patungo rito," sagot ko. "Ops, hindi lang 'yon. Bago kami tumungo sa gym, stalker mode kami kanina kay Mr. Maskels kaso naudlot 'yung
Read more

Chapter 8

"Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo.  "Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius. "Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate. "Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius. "Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila. "Pati ba naman i
Read more

Chapter 9

Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya. "Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.  Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda. "Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna. "Mark our words," turan ni Osang. Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.  
Read more
DMCA.com Protection Status