Share

Chapter 4

Author: risingservant
last update Last Updated: 2022-01-13 23:21:32

Pagkarating namin sa dorm ni Gela, agad naman niyang ipinahiram sa akin 'yung kinakailangan ko. Matapos iyon, naupo na muna kami sa higaan niya at nagkuwentuhan.

Apat sila rito sa isang kuwarto. Dalawang double deck ang matatagpuan sa silid na higaan nila, sakto lang para sa kanilang apat 'yung kuwarto't hindi naman masikip. Wala 'yung tatlo niyang kasama rito, marahil ay may klase pa.

"Mga bes, naalala n'yo pa ba noong first day of school natin?" bungad ni Rosanna pagkasampa sa higaan. Sumandal siya sa pader at niyakap ang stuff toy ni Gela na tweety bird.

"Oo naman, iyon ang araw na naging magkakaibigan tayo," saad ko. Tinanggal ko ang bag ko't sumampa na rin do'n.

"Hindi lang iyon, 'yon din ang araw na kung saan ay pare-pareho tayong naligaw at ibang silid ang napuntahan kaya na-late tayo sa unang klase natin," gunita ni Gela. Tumabi siya sa amin habang may hinahalungkat sa loob ng bag niya.

Naalala ko na naman ang unang araw na nakilala ko sila...

---

Palinga-linga ako sa paligid habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan sa aking harapan. Limang minuto na lang ang natitira pero wala pa 'yung prof namin, nakasarado pa ang aming silid kaya nakatayo lang ako sa harapan ng bukana nito.

Madali lang naman mawari kung old student na o freshmen ang isang mag-aaral. 'Yung mga dati ng mag-aaral sa Unibersidad, required silang pumasok ng nakauniporme kahit na sa unang araw pa lang habang kaming mga bago pa lang ay okay lang na naka-civilian.

"Hay naku, lagkit na lagkit na ako rito pero wala pa rin ang prof namin. Hihintayin ko pa yatang tumirik ang mata ko bago siya dumating," litaniya ng isang babae sa 'di kalayuan.

Nakahalukipkip siya at nakasandal sa may pasilyo habang nagpapaypay. Tila ba init na init siya dahil tagaktak na ang kaniyang pawis.

Hindi ko alam kung lalapitan ko siya pero mukha namang magiging kaklase ko siya. Inoobserbahan ko siya at mukha naman siyang mabait. Sampung minuto na ang lumipas pero wala pa rin ang prof namin. Dahil do'n, naglakas-loob na akong lapitan 'yung babae kanina.

"Hello, sa tingin ko'y magkaklase tayo. Juness nga pala," bungad ko sa babae pagkalapit ko. Inilahad ko ang aking kanang kamay para makipag-shake hands. Nakatingin lang siya sa akin at tila ba sinisipat ako mula ulo hanggang paa.

"Nice, hindi na 'ko mag-isa. Rosanna nga pala," aniya habang nakangiti sa akin. Aabutin na sana niya ang kamay ko kaso may tumulong pawis sa kaniyang mukha kaya naman pinunasan niya muna iyon gamit ang kaniyang kamay bago nakipag-shake hands sa akin.

Napangiwi ako halos dahil kumapit sa kamay ko ang lagkit ng kaniyang pawis. Hindi ko na lang ipinakita iyon sa kaniya.

"Yellow plain t-shirt, fit na pants at puting doll shoes... puwede na," sambit ni Rosanna matapos akong inspeksyunin muli.

"Salamat," ani ko. Ako naman ang sunod na kumilatis sa kaniya. 

"Puting polo shirt, kaki na pants, puting rubber shoes at puting clip sa kaniyang buhok... not bad," saad ko.

"Iyan ang gusto ko sa isang kaibigan, kayang makipagsabayan sa trip ko. Tingin ko, magkakasundo tayo," aniya sabay apir sa akin. Hindi ko in-expect na ganoon ang itutugon niya sa akin.

"Haba ng buhok mo, girl. Malapit nang umabot sa beywang mo," dugtong pa niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Oo nga, e," tugon ko. Hinawakan ko rin ang kaniyang buhok na hindi lalagpas sa kaniyang balikat.

"Ang lambot ng buhok mo. Ano ang shampoo mo?" tanong ko matapos ko iyong haplusin.

"Huwag kang maingay, a? Conditioner lang ang gamit ko riyan," wika niya sabay hawi sa kaniyang buhok.

"Naks naman this girl..." mahina kong sabi.

"Excuse me, puwedeng magtanong?" pagsingit ng isang babae. Nagkatinginan kaming bigla ni Rosanna at sa isang iglap lang, ininspeksyon namin nang sabay ang babae.

Naka-blouse na pang matanda ang style, maluwag ang pantalon, nakaitim na rubber shoes, naka-pig tail ang kaniyang buhok at mayroong suot na salamin sa mata. Sa isip-isip ko, mukhang makaluma si Ate girl...

"Sige, tanong lang," sagot agad ni Rosanna. Batid kong nagpipigil na siya ng tawa.

"Naligaw kasi ako. Tatanong ko lang sana kung tapos na ang klase riyan sa Room 207?" aniya.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa dumarating ang prof," tugon ko.

"Hay salamat..." sambit niya at tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Kamukatmukat, biglang humagalpak ng tawa si Rosanna sa hindi namin malaman na dahilan. Napatingin kaming bigla sa kaniya ng babaeng mukhang kaklase rin namin.

"Ano’ng nakakatawa, Miss?" nagugulumihanang tanong ng babae.

"Ikaw kasi, e. Pinapatawa mo ako..." sagot nito. Pinandilatan ko bigla ng mata si Rosanna dahil baka ma-offend 'yung babae.

"Ha? Hindi naman ako nagpapatawa, a?" Napakunot na ng noo ang babae. Baka mainis ito kapag sinabi ni Rosanna ang kaniyang rason.

"Ang ibig kong sabihin, ikaw mismo ang nakakatawa. Ang baduy mo kayang tingnan," litaniya ni Rosanna.

Syaks, tinamaan na talaga ng lintek. Baka umiyak pa ang babae dahil sa tinuran nito. Kailangan kong rumisponde.

"A, Miss... pasensya ka na sa bunganga niyan. Ganiyan talaga iyan, e..." palusot ko.

"Naku, wala iyon. Sanay naman na ako. Oo nga pala, may ibinebenta akong yema rito limampiso lang ang isa," alok niya sa amin sabay labas ng yema sa loob ng kaniyang bag.

"Ay panalo iyan. Pabili ako ng apat," ani Rosanna sabay abot ng bente pesos dito.

"Sige, apat din ako." Nag-abot din ako ng bente sa kaniya.

"At dahil buena mano kayo, may libre kayong tig-isa…" maligaya nitong sambit.

"Hmmm... ang sarap naman nito. Ikaw ang gumawa?" tanong ni Rosanna. Agad niyang nilantakan ang yema pagkakuha.

"Yes, pandagdag sa pantustos ko sa aking pag-aaral. Alam n'yo naman, kailangang magsipag sa buhay," paliwanag niya.

"Napakahuwaran mo namang mag-aaral," segunda ko.

"Kailangan, e. Marami akong pangarap sa buhay. Mabuti nga't nakapasok akong iskolar sa Unibersidad na 'to, malaking tulong iyon para mapag-aral ako ng mga magulang ko," pahayag niya.

"Nakakatuwa ka naman, mukhang magkakasundo-sundo tayong tatlo. Isang madaldal at dalahirang kagaya ko, isang go with the flow lang na kagaya ni Juness at isang masipag at huwarang estudyante na katulad mo... ano nga pala ang pangalan mo?" pambibitin ni Rosanna.

"Gelyka Liwanag, puwede n'yo akong tawaging Gela," nakangiti nitong sambit.

"Rosanna Mangubat, you can call me Rosanna or Rose," anito.

"Asus, pinabango pa ang pangalan. Ano ka, humahalimuyak? E pawisin ka nga... Rosanna na lang," supla ni Gela kaya nagtawanan kami.

"Aba, pasmado rin pala ang bunganga mo. Oo na," giit ni Rosanna habang medyo pumapadyak sa sahig.

"Huwag ninyong kalilimutan, Juness Pilapil... nang 'di kayo mabagabag, Juness na lang," pagsingit ko.

"Uy, ang kyot naman ng pangalan mo," segunda ni Gela.

"Mas bet ko ang apelyido mo," ani Rosanna na humahagikgik sabay apir pa kay Gela.

"Ganiyanan na, a..." malumanay kong sambit na kunwari'y nakasibangot.

"Huwag kang mag-alala, love ka namin," pampalubag-loob ni Rosanna sabay yakap sa akin. Nakiyakap na rin si Gela kaya nagyakapan kaming tatlo rito sa hallway habang nagbubungisngisan.

Napatigil kaming bigla dahil sa tila ba may nasamid sa aming likuran. Nagulat kaming tatlo dahil may lalaking prof na harapan namin.

"Girls, hindi rito ang room ng mga freshmen. Kung naliligaw kayo, tumungo kayo ro'n sa may bagong building sa may likod ng College of Nursing, hindi 'yung dito kaya nag-iingay. Nakakaabala kayo sa mga nagkaklase," pahayag nito.

"Pasensya na po," sambit naming tatlo at nagmamadaling umalis.

Hindi namin maiwasang hindi maghagikgikan habang bumababa ng hagdan dahil papanot-panot na si Sir.

Pagdating namin sa aming silid-aralan, pumipirma na ng registration form 'yung prof namin. Mahigit isang oras na kaming late pero pumasok pa rin kami.

---

"Tama kayo riyan pero may iba pa. Iba ang chika ko sa inyo ngayon. Naaalala n'yo pa ba si Mr. Maskels?" ani Rosanna.

"Oo naman," sabay naming sagot ni Gela.

Mayamaya, may inilabas na pastillas si Gela sa kaniyang bag.

"Bente pesos iyan, tig-sampu kayo," litaniya ni Gela.

Agad naman namin iyong nilantakan ni Rosanna. Tulong na rin namin iyon kay Gela kaya madalas kaming bumili ng paninda niya. 

"Ano nga pala ang mayroon kay Mr. Maskels?" saad ko habang ngumunguya ng pastillas.

"Syaks talaga mga bes, nakasabay ko siyang pumasok sa gate kanina. Ang bango-bango niya grabe! Para akong bubuyog na gusto siyang dapuan, e," kuwento ni Osang na tila ba damang-dama pa ang pagkukuwento.

"Ang suwerte mo naman," wika ni Gela.

"Hindi lang iyon, nalaman ko ring Architecture ang kurso niya! Syaks, bagay na bagay kami..." dagdag pa ni Rosanna.

"Oy oy oy, anong kami? Bagay siya sa ating tatlo. Future Architect at Future Engineer, syaks talaga! Heaven..." saad ko na tila ba pinagpapantasyahan si Mr. Maskels habang kilig na kilig.

Para kaming timang na tatlo habang naglalaway sa kakaisip kay Mr. Maskels na sobrang hot. Kailangan na yata naming bumisita sa building nila...

Related chapters

  • Sweet Disposition   Chapter 5

    Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi.Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase.Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila.Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat.Hinding

    Last Updated : 2022-04-03
  • Sweet Disposition   Chapter 6

    Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin."Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila.Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards."Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa.Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila."Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang.Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may

    Last Updated : 2022-04-15
  • Sweet Disposition   Chapter 7

    Pawis na pawis kami nang makarating kami sa aming classroom. Buti na lang at wala pa 'yung prof namin."Guys, inamag na 'ko kahihintay sa inyo kanina sa ilalim ng punong mangga. Akala ko hindi na kayo papasok kaya nauna na 'ko sa inyo rito. Ano bang nangyari at mistulang pagod na pagod kayo? Saan kayo nanggaling?" bungad ni Gela sa harapan namin habang nakapameywang pa.Kinuha ko na muna saglit ang aking panyo sa may bulsa at saka pinunasan ang mga tumatagaktak kong pawis sa mukha't leeg. Hindi pa nga tapos ang huling klase, pagod na pagod na 'ko. Nakakahiya sa prof namin saka sa mga kaklase ko na ang dugyot kong tingnan."Sorry, Gela. Galing kasi kami sa gymnasium kanina. Hindi namin namalayan ni Rosanna 'yung oras kaya para kaming hinabol ng limang aso kung makatakbo patungo rito," sagot ko."Ops, hindi lang 'yon. Bago kami tumungo sa gym, stalker mode kami kanina kay Mr. Maskels kaso naudlot 'yung

    Last Updated : 2022-04-16
  • Sweet Disposition   Chapter 8

    "Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko.Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo."Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius."Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate."Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius."Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila."Pati ba naman i

    Last Updated : 2022-04-17
  • Sweet Disposition   Chapter 9

    Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya."Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda."Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna."Mark our words," turan ni Osang.Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.

    Last Updated : 2022-04-18
  • Sweet Disposition   Chapter 10

    Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to.Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman."Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang."Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig."Shhh, moment ko 'to," saad ko.Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n

    Last Updated : 2022-04-19
  • Sweet Disposition   Chapter 11

    Maaga akong nagising ngayon, 5:30am pa lang ay bumaba na 'ko patungo sa kusina para maghanda ng aming almusal. Mamayang 8am pa ang pasok nina Ate at Mama. Si Januarius, 7am naman ang pasok. Pagkabukas ko sa ref, hotdog at tocino na lang ang laman ng freezer. Sinuri ko na rin 'yung container namin na lalagyan ng pagkain at may nadatnan naman ako roong tuyo at dilis kaya kinuha ko na. Mayroon pa namang natirang kanin kagabi kaya napagpasyahan kong isangag na lamang 'yon.'Yung hotdog ang kinuha ko sa ref, hindi ko na isinama 'yung tocino para may ulam pa kami sa susunod na araw. Medyo bet ko ngayon 'yung parang chowfan style kaya nagsimula na 'kong magluto.Sa isang pan, doon ko ipinirito 'yung dilis saka tuyo. Masarap 'yung malutong-lutong kaya tinusta ko 'yung dilis. Saktong prito lang naman ang ginawa ko sa tuyo. Sa isang kawali naman, doon ko niluto 'yung hotdog. Hiniwa ko ito nang maliliit dahil ihahalo ko nga ito sa sinangag. Ipinirito ko lang saglit 'yung hotdog para hindi masu

    Last Updated : 2022-05-01
  • Sweet Disposition   Chapter 12

    Pagkarating ko sa aking silid, agad ko namang tiningnan kung ano ang puwede kong suotin. Gusto ko sana 'yung simple lang pero may dating naman kahit papaano. Habang iniisa-isa ko 'to, nakaisip na ako ng ideya.White t-shirt ang napili kong pang itaas tapos kulay itim na pants na medyo fitted 'yung pambaba ko. Sa tingin ko mas bagay rito 'yung rubber shoes kaysa doll shoes kaya naman 'yung itim kong nike ang napili ko. Mas okay rin 'yon dahil maglalakad-lakad nga pala kami sa mall kaya hindi masasaktan masyado ang paa ko compare sa doll shoes. Sling bag na lang din ang naidip kong dalhin para wala akong bitbit masyado.Nang maayos ko na 'yung susuotin ko, bumana na ako agad patungo sa kusina para hugasan 'yung mga pinagkainan namin. Medyo nakapagpahinga naman na ang mga kamay ko kaya wala nang pangamba pagdating sa pasma. Habang inaayos ko ang mga hugasin, kinuha ko 'yung cellphone ko para magpatugtog. Habit ko na rin naman ang makinig ng musika sa tuwing may ginagawa ako.Habang sinas

    Last Updated : 2022-05-02

Latest chapter

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

  • Sweet Disposition   Chapter 110

    Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi

  • Sweet Disposition   Chapter 109

    Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U

  • Sweet Disposition   Chapter 108

    Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status