"Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo.
"Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius.
"Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate.
"Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius.
"Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila.
"Pati ba naman ikaw, Ate Juness? Hayst, sabi na nga ba't walang kakampi sa 'kin," giit niya sabay tayo sa kaniyang kinauupuan.
Kilala ko 'yung kapatid ko na 'yan, ni minsan hindi 'yan nasangkot sa away ng mga kabataan dito. Hindi ko pa alam ang tunay na nangyari kaya hindi namin dapat siya dikdikin. Nilapitan ko na lang siya at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Magpahinga ka na, Januarius. Mag-usap na lang kayo ni Mama bukas," wika ko.
Hindi na nangialam pa si Ate Aprilyn. Tahimik na bumalik ang aking kapatid sa kaniyang silid.
Naupo naman ako sa may sofa para makapagpahinga. Tumabi naman sa 'kin si Ate.
"Nasaan pala si Mama?" turan ko.
"Nandoon na sa kuwarto, maaga siyang natulog. Pagod siya sa trabaho kaya hindi ka na nahintay," ani Ate.
Napabuntong-hininga ako nang malalim. Simula nang mawala si Papa, si Mama na talaga ang naging punong abala. Mabuti na lang at nagtatrabaho na si Ate kaya may katuwang pa rin si Mama sa mga gastusin dito sa bahay.
Ilang saglit pa, si Ate ay nag-abala pang ipaghain ako ng makakain. Tiyak namang kumain na sila dahil malapit ng mag-alas nuwebe. 'Di ko naman dala ang kaldero para hintayin pa nila 'ko.
Tumungo na 'ko sa may lamesa at nadatnan ko ro'n ang mainit-init pang nilagang baboy. Hindi lang 'yon, may pahabol pa siyang leche flan.
"Alam kong na-miss mo rin ang leche flan kaya bumili na 'ko sa katrabaho ko. Buti nga tatlo isang daan 'yung benta niya kaya nakabili ako ng tatlo. Naubos ko na sa office 'yung isa kaya naiuwi ko pa 'yung dalawa," pahayag ni Ate.
"Aww, ang sweet naman ng Ate ko. Isang matamis na panghimagas para sa pinaka-sweet na Ate sa buong mundo..." sambit ko sabay yakap sa kaniya.
Iyon ang nakatutuwa kay Ate, pagdating sa pamilya, hindi niya kami tinitipid. Bilib ako sa kaniya dahil nasa lugar naman ang pagiging kuripot niya. Alam na alam niya kung paano i-budget ang pera.
"Sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga," sabay turo sa ulam na nakahain.
"Huwag kang mag-alala, Ate, makapagtatapos ako ng pag-aaral. Balang araw, makakatulong na 'ko sa inyo ni Mama," ani ko.
"Alam namin 'yon at may tiwala kami sa 'yo. Mag-aral ka lang nang mabuti para makamit mo lahat ng pangarap mo. O siya, tama na ang drama. Baka lumamig pa ang pagkain," saad niya.
Isang ngiti ang ibinigay ko kay Ate bago siya tumungo sa loob ng kaniyang silid. Pagkaupo ko, nagdasal na muna ako bago kumain.
"Salamat po Panginoon sa mga biyayang ipinagkalokb n'yo sa amin. I-bless n'yo po ang mga 'to at ang mga taong nag-provide nito. Selyuhan mo po ito ng iyong banal na dugo at magsilbing kalakasan ang kagalingan sa 'min. Amen."
Agad kong tinira 'yung mainit-init na sabaw. Nagbigay ginhawa ito sa aking tiyan matapos ko itong higupin. Habang kumakain, unti-unting nag-flashback sa isip ko 'yung mga nangyari kanina. Si Mr. Maskel, napagalitan kami ng prof, sa gymnasium, at si Mr. Zerudo.
Maliwanag naman para sa akin na crush lang talaga namin si Mr. Maskels dahil cute siya. Natutuwa lang kami sa kaniya kaya mistulan kaming mga fan girls na magkakaibigan. Ang ikinakabahala ko, alam kong crush ko na rin si Mr. Zerudo pero sa tuwing nakikita ko siya, bumibilis bigla ang tibok ng puso ko.
Ang weird nga, unang beses ko pa lang siya nakakatagpo pero feeling ko, siya na ulit ang lalaking bibihag sa 'king puso. Hindi ako fan ng mga love at sight thingy pero parang gano'n ang nangyari sa 'kin ngayon. Mahal ko na ba talaga siya agad? Parang ang bilis pero 'yon kasi ang idinidikta ng aking puso.
Ang damdamin ko para sa kaniya ay parang isang nilagang baboy na kinakain ko ngayon, mainit-init pa. Lalamig din siguro kapag hindi ko na siya nakita. Parang taba rin ng baboy, nagmamantika. Pinagpapawisan ako nang malagkit kapag iniisip ko siya. Napadukot tuloy ako sa aking bulsa para kuhanin ang aking panyo. Unti-unti na 'kong pinagpapawisan, e.
Habang pinupunasan ko ang aking pawis sa aking mukha, napadako ang aking tingin sa may repolyo. Repolyo, oo, ubod siya ng guwapo pero ang sustansya niya ba'y masasalo ko? Nang maisip ko 'yon, biglang dumumi ang aking isipan kaya kinatukan ko nang kaunti ang aking ulo.
Kumuha ako ng pechay at inilagay ko 'to sa aking pinggan. Pechay, isang masustansyang gulay ngunit kinikilig ang aking kipay kapag siya ang laman ng aking nininilay-nilay. Bastos na utak talaga 'to, pero totoo naman. Hindi na lang tuwing iihi ako kikiligin.
Huli kong kinain 'yung patatas. Patatas, pamparami ng gatas. Pagtingin niya ba'y patas base sa iyong ipinamamalas? Nang dahil dito, napaisip akong lalo. Oo nga naman, hindi naman ako sigurado kung magugustuhan niya rin ako. Paano kung ako lang pala ang umaariba? Saang patutungo ang pagmamahal ko sa kaniya?
Lalong lumalalim ang pag-iisip ko kaya minabuti ko na lang na kumain ng minatamis. Leche flan, para sa damdaming inilaan. Umindayog sa kilig dulot ng tamis, isantabi ang paghihinagpis. Kakaiba rin pala ang dulot nito sa aking isipan at damdamin kaya mas mainam nga siguro na huwag na muna akong mag-isip-isip ng kung ano-ano. Ang mahalaga, kiligin dulot ng ligaya.
Pagkatapos kong kumain, iniligpit ko na ang aking pinagkainan at naghugas na rin ako ng pinggan.
---
Kagaya ng nakagawian, nagkita-kita kaming tatlong sa ilalim ng punong mangga bago ang una naming klase.
"Prends, ang sarap ng tulog ko kagabi. Napaginipan ko si Yatco! Niyaya niya raw akong makipag-date!" naghuhuramentdaong sambit ni Osang.
"Ayan, sa sobrang pag-iisip mo 'yan sa kaniya kaya napaginipan mo siya," saad ko.
"Sabi nila, kapag napaginipan mo raw 'yung taong 'yon ay dahil iniisip ka rin niya. Mukhang hindi na 'ko maniniwala sa sabi-sabi na 'yon. Ni hindi ka nga kakilala ni Yatco," pahayag naman ni Gela.
"Ay wow, kakaiba talaga si Gela. Hindi ko pa naman nabanggit sa 'yo si Yatco, kilala mo na agad siya," ani ko.
"S'yempre, may pakpak ang balita. Salamat kay Rosanna at updated ako lagi," aniya sabay pakawala ng isang kindat.
"Basta ako, masaya ako, period! Try ulit nating dumaan mamaya sa gym, baka matyempuhan nating nagpa-practice ulit sila ro'n," mungkahi ni Osang.
Wala namang masama kung magbabaka-sakali kaming tumingin do'n mamaya. Ang mahalaga, sinubukan namin. Gusto ko rin namang masilayan si Mr. Zerudo kaya go ako r'yan.
"Oo naman, hindi naman ako papayag na kayo lang ang may inspirasyon," saad ni Gela.
"Kapag wala kang nakita, ipapaubaya na namin sa 'yo si Mr. Maskels," ani Osang na wari mo'y tinutuya si Gela.
"True," pagsang-ayon ko kay Osang.
"Naku, no. Lugi ako, dapat may crush din akong basketball player. Hindi ako papakabog sa inyo, 'no," litaniya ni Gela.
Nagtawanan na lang kaming tatlo matapos no'n. Makalipas ang ilang saglit, pumunta na kami sa aming silid dahil malapit ng magsimula ang klase.
---
Miyerkules na ngayon, nabigo kaming makita 'yung dahilan ng ipinunta namin sa may gymnasium. Sad to say, mga nag-p-P.E. ng folk dance 'yung nadatnan namin do'n kaya laking panghihinayang talaga namin. Umuwi kaming malungkot.
Speaking of physical education, aerobics nga pala ang P.E. namin kaya sayaw to the left, sayaw to the right ang peg namin. Hindi naman ako kagalingang sumayaw pero kinakaya ko naman. Natatawa na lang ako kay Osang dahil ang tigas ng katawan. Para siyang buteteng inasinan sa tuwing sumasayaw. Si Gela, forte niya 'yon. Nakatutuwa nga dahil may swag talaga kapag sumayaw siya.
Nakatambay lang kami ngayon sa room namin dahil maagang nag-dismiss 'yung aming prof. Paghahanda na rin daw dahil midterm exams na next week. Kaniya-kaniyang agenda ang mga kaklase ko. Nagkumpulan na rin kaming tatlo.
"Guys, ano na ang ganap natin? Walang pasok bukas saka sa Friday," bungad ni Osang.
"Kung may balak kayong gumala, pass na muna 'ko. Alam n'yo namang nagtitipid ako," ani Gela.
"Puwede namang gumala nang 'di gumagastos masyado. Punta tayo sa mall bukas, palamig lang. Then, window shopping at kain lang sa may labas, mga tuhog-tuhog, okay na 'yon. Mahaba-haba ang bakasyon kaya bago tayo magpakasubasob sa pag-re-review, mag-enjoy muna tayo," suhestiyon ko.
"Ay, truly. Huwag muna tayong magpaka-stress. Mas okay kung bukas na tayo gumala para may three days preparation tayo sa pag-re-review. Keri ba?" sambit ni Osang.
"Ahmm..." Halatang nagdadalawang-isip pa si Gela.
"Kami bahala sa 'yo, Gela. Tutulungan ka naming magtinda bukas sa mall. Tiyak, maraming bibili ro'n," turan ko.
Biglang pumasok sa alaala ko 'yung isang babae na nagtitinda ng mga kutkutin sa mall habang nag-iikot-ikot kami na pamilya. Wala namang masama ro'n, isa pa, nakapasyal na kami, nakatulong pa kami kay Gela.
"Hala, gagawin n'yo talaga 'yon?" sambit ni Gela na wari mo'y maluha-luha.
"Oo naman, ano pa't nagkaroon ka ng kaibigan na makapal ang mukha, aber?" ani Osang.
Nagtawanan na lang kaming tatlo. Sa aming tatlo, si Osang ang may pinaka malakas na self-confidence. Kahit sino naman ay kaya niyang kausapin nang hindi nahihiya. Mahiyain din naman ako pero depende sa sitwasyon.
"O siya, sige. Go na 'ko, kasama ko naman kayo," pagpayag ni Gela.
Napapalakpak kaming dalawa ni Osang dahil once in a blue moon lang din kami makapasyal na kumpleto talaga. Kadalasan kasi, dito lang sa loob ng school o kaya sa may park ng kapitolyo kami namamasyal o tumatambay.
"Sana naman, makita na natin 'yung ating mga inspirasyon mamaya para ganahan naman tayo sa pag-re-review," pag-iiba ni Osang ng topic.
"Hoping, kung puwede... pumunta tayo sa building nila," ani ko. Nagulat ako dahil sa bibig ko pa mismo nagmula ang mga katagang 'yon.
"Excited much?" wika ni Gela.
"Yieee, na-miss niya si Zerudo..." pambubuska ni Osang.
"Oo naman," pag-amin ko. "Hindi dapat tayo umuwing luhaan ngayong araw," dugtong ko pa.
"Gusto ko 'yung determinasyon mo na 'yan, Madam," ani Osang na may halong pang-aalaska.
"I-push natin 'yan," sambit ni Gela.
Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya."Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda."Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna."Mark our words," turan ni Osang.Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.
Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to.Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman."Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang."Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig."Shhh, moment ko 'to," saad ko.Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n
Maaga akong nagising ngayon, 5:30am pa lang ay bumaba na 'ko patungo sa kusina para maghanda ng aming almusal. Mamayang 8am pa ang pasok nina Ate at Mama. Si Januarius, 7am naman ang pasok. Pagkabukas ko sa ref, hotdog at tocino na lang ang laman ng freezer. Sinuri ko na rin 'yung container namin na lalagyan ng pagkain at may nadatnan naman ako roong tuyo at dilis kaya kinuha ko na. Mayroon pa namang natirang kanin kagabi kaya napagpasyahan kong isangag na lamang 'yon.'Yung hotdog ang kinuha ko sa ref, hindi ko na isinama 'yung tocino para may ulam pa kami sa susunod na araw. Medyo bet ko ngayon 'yung parang chowfan style kaya nagsimula na 'kong magluto.Sa isang pan, doon ko ipinirito 'yung dilis saka tuyo. Masarap 'yung malutong-lutong kaya tinusta ko 'yung dilis. Saktong prito lang naman ang ginawa ko sa tuyo. Sa isang kawali naman, doon ko niluto 'yung hotdog. Hiniwa ko ito nang maliliit dahil ihahalo ko nga ito sa sinangag. Ipinirito ko lang saglit 'yung hotdog para hindi masu
Pagkarating ko sa aking silid, agad ko namang tiningnan kung ano ang puwede kong suotin. Gusto ko sana 'yung simple lang pero may dating naman kahit papaano. Habang iniisa-isa ko 'to, nakaisip na ako ng ideya.White t-shirt ang napili kong pang itaas tapos kulay itim na pants na medyo fitted 'yung pambaba ko. Sa tingin ko mas bagay rito 'yung rubber shoes kaysa doll shoes kaya naman 'yung itim kong nike ang napili ko. Mas okay rin 'yon dahil maglalakad-lakad nga pala kami sa mall kaya hindi masasaktan masyado ang paa ko compare sa doll shoes. Sling bag na lang din ang naidip kong dalhin para wala akong bitbit masyado.Nang maayos ko na 'yung susuotin ko, bumana na ako agad patungo sa kusina para hugasan 'yung mga pinagkainan namin. Medyo nakapagpahinga naman na ang mga kamay ko kaya wala nang pangamba pagdating sa pasma. Habang inaayos ko ang mga hugasin, kinuha ko 'yung cellphone ko para magpatugtog. Habit ko na rin naman ang makinig ng musika sa tuwing may ginagawa ako.Habang sinas
Nagpatuloy ako sa pag-iikot at namataan ko naman 'yung isang grupo ng magkakabarkada. Apat sila na mga babae na wari mo'y mga rakista kung pumorma."Hello po, pasensiya na po sa abala. Nagtitinda po ako ng yema at pastillas bilang tulong financial sa pag-aaral ng aking kaibigan. Twenty five pesos po ang isang supot, nawa'y makabili kayo," turan ko sabay pakita sa kanila ng itinitinda ko.No'ng una, naaangasan ako sa kanila. Ang cool kasi ng datingan nila dahil 'yung usual na makikita mong anyo nila ay naka-all black then naka-boots ng mataas at naka-eyeliner nang makapal. Medyo intimidating din ang impression nila pero naglakas-loob talaga akong lapitan sila."Wow, paborito ko 'yang yema. Bigyan mo ako ng dalawa," sambit no'ng tila lider nila na maikli ang buhok."Mukhang masarap nga 'yang pastillas. Dalawa na rin sa 'kin," saad no'ng mahaba 'yung buhok."Ako naman yema rin," wika naman no'ng isa."Pasensiya na pero hindi ako mahilig sa matamis pero bibigyan na lang kita ng bente bila
Bago kami mag-ikot-ikot, kumain na muna kami ng tanghalian sa Jollibee. Dahil medyo napagod kami, naparami kami ng order. Si Gela, um-order ng one-piece chicken na may rice at spaghetti na ala carte. Si Osang naman, two-piece chicken with rice at nag-order din siya ng soup. Ako naman, 'yung combo meal ang in-order ko. One-piece chicken na may rice at spaghetti at burger steak. Ako yata ang pinaka nagutom sa amin. After no'n, nagsimula kaming pumunta sa mga store. Tamang tingin-tingin lang ng mga damit. Sa aming pag-iikot, marami rin kaming nakitang magagandang damit. 'Yon nga lang, libo ang presyo kaya hindi namin afford. Mayroon din namang hundred lang ang presyo pero tipid-tipid muna ang peg namin. Window shopping lang talaga kami.Pagdating naman sa bag section, marami ring magaganda. Nagustuhan ko ro'n 'yung maliit na sling bag na wari mo'y coin purse lang yata ang kakasya dahil sa sobrang kipot ng loob. Naging bet ko rin 'yung back pack na animo'y pang anime character 'yung dati
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa foundation week pero excited ako. Balita ko kasi maraming event na ganap dito sa loob ng unibersidad. 'Di lang 'yon, parang battle of colleges din pala. Ang inaabangan ko talaga ay 'yung laban sa basketball, nangangati na akong makita si Zerudo habang naglalaro."Girl, nag-chat sa gc 'yung president natin, wala raw tayong klase sa mga subject natin ngayong araw, mag-attendance lang daw tayo," maligalig na sambit ni Osang habang tangan-tangan 'yung kaniyang cellphone. Nandito kami ngayon sa mini park sa loob ng school at hinihintay namin si Gela."Truly ba? Oh em, makakapaglibot tayo!" masaya kong sabi. "Winner talaga tayo ngayong araw. Puwede pa tayong pumunta sa iba't ibang college para mag-explore," nakangiting sambit niya pa."At huwag mong kalilimutan, kailangan nating manuod ng basketball at subaybayan ang laro ng mga bet natin," ani ko sabay kindat."Ano pala ang sched ng laro? May ideya ka?" tanong ko."Sorry, girl. Hindi ko rin alam, e. M
Pagkatapos naming kumain at dumiretso na kami sa gymnasium."Hindi mo pa rin ba itatago 'yang hawak mong bulaklak?" tanong ko kay Osang habang binabagtas namin ang daan patungo sa gym."Mamaya na siguro," aniya. Sa tuwing may nadadaanan kaming estudyante, lagi namin napapansin na nakatingin sila sa amin. Maski kami ay nagtataka, hindi rin namin alam kung bakit e wala naman kaming dumi sa aming mukha. Masyado ba kaming head turner kaya pukulan nila kami ng pansin?"Napapansin n'yo rim ba 'yung napapansin ko? Lagi tayong pinagtitinginan ng mga estudyanteng nadaraanan natin?" tanong ko sa kanila."Hays, baka nagagandahan lang sila sa 'kin kaya gano'n," saad ni Osang."Ayan, nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko," wika ko.Napaisip din bigla si Gela. "Baka dahil sa hawak na bulaklak ni Osang? Baka alam nilang galing 'yung bulaklak sa event kanina?" aniya."Ay, shocks! Nakakahiya nga! Baka iniisip nilang nanuod tayo kanina? Oh em!" saad ko. Dali-daling itinago ni Osang 'yung bulak
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa