Share

Chapter 6

Author: risingservant
last update Last Updated: 2022-04-15 13:11:16

Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin.

"Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila.

Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards.

"Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa.

Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila.

"Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang.

Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may kahati, dapat ikaw lang, wala nang iba.

"Marami naman talaga ro'n. Ang issue lang, kung gaano sila kagaling maglaro ng bola, gano'n din silang kagaling paglaruan ang mga babae," turan ko.

"Ay, hugot 'yan? Kung sabagay, may point ka. Pero hindi naman lahat gano'n, 'no. Suwertihan na lang siguro..." tugon niya.

Ilang sandali pa, napagtanto kong sinusundan namin si Mr. Maskels. "Oh em, medyo nakakalayo na siya! Bilisan natin baka hindi natin siya maabutan!"

"Ang dami mo pa kasing litaniya kanina. Gorabels!" ani Osang.

Nagkukumahog kaming nagtatakbo sa hallway para mahabol namin si Mr. Maskels. Ilang saglit pa, napahinto kami nang bumungad sa harapan namin ang isang professor.

"Girls, hindi na kayo bata. Huwag kayong tumakbo sa hallway. Umakto kayo base sa edad n'yo. At saka respeto na rin sa mga nagkaklase, kumakalasing 'yung mga yabag n'yo dahil sa pagtakbo..." sermon niya sa amin.

Napayuko na lamang kami ni Osang dahil sa hiya. "Pasensiya na po, Sir, hindi na po mauulit," turan ko.

"Dapat lang, o siya, maglakad na kayo nang marahan," aniya. Pagkasabi niya no'n, naglakad na kami ni Osang palayo. Medyo nakakahiya dahil nakatingin sa amin 'yung mga estudyante niya. Para bang inuusig nila kami sa kanilang isipan.

"Nakita mo ba 'yung isang babae sa may bintana? Nakataas pa 'yung kanang kilay habang pinapagalitan tayo ng prof nila?" bungad ni Osang nang makalayo-layo kami.

"Ay talaga ba? Nilalait na siguro tayo no'n sa isipan niya. Nakita ko lang 'yung ibang estudyante na nakadungaw sa bintana habang papaalis na tayo," saad ko.

"Truely, kung nagdilim lang talaga 'yung paningin ko, baka ibinuhos ko na sa mukha no'n 'yung hawak kong inumin. Akala mo kung sino, puno naman ng pulbos ang mukha," giit niya.

Napatawa ako nang paimpit. "Grabe ka talaga, Osang. Lahat napapansin mo, kawawa 'yung mga nilalait mo araw-araw sa iyong isipan," sambit ko.

"Buti nga sa isipan ko lang 'yon ginagawa at nakokontrol ko pa ang bibig ko minsan. Naku, tiyak na marami akong kaaway kapag naging maboka ako masyado," aniya sabay hagalpak ng tama.

Habang nagtatawanan kami, naalala ko ang purpose ng pagpunta namin dito. "Syaks! Si Mr. Maskels!" mahina kong sambit.

"OMG! Hindi na natin alam kung nasaan siya! Tsk, kasalanan talaga 'to no'ng prof!" pagprotesta ni Osang.

Nanghinayang din ako dahil nabigo kami sa unang misyon. Kung alam lang namin kung saan 'yung classroom niya, tiyak na araw-araw kaming may pupuntahang inspirasyon. Pero gano'n talaga, hindi nilaan na masundan namin siya nang lubusan. Marami pa namang pagkakataon, hindi kami dapat sumuko.

---

Malungkot naming kinakain ang mga binili namin habang naglalakad sa daan. Medyo nakakawalan din pala ng gana, 'yon na kasi 'yon... nasayang lang namin ang pagkakataon.

"Alam mo, hindi tayo dapat maging malungkot, e. Maraming rason para sumaya!" ani Osang habang nagninilay-nilay.

"Kagaya ng?" mapanuri kong tanong.

"Heto, o..." saad niya sabay turo sa may gymnasium.

Umariba bigla sa aking isang 'yung mga babae kanina. Mukhang marami nga kaming mapupulot na inspirasyon sa loob ng gym. Ang tanong, handa nga ba ako?

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Osang na hintayin ang sagot. Kusa na niya akong hinila papasok sa loob. Pagkapasok namin, marami ring mga tao sa bleachers na nakaantabay sa mga maglalaro. Mukhang mag-uumpisa pa lang kaya sakto lang ang dating namin.

Hindi na akong nag-abalang magpalinga-linga para humanap ng mauupuan. Mukhang may nakita na si Osang kaya nagpatianod na lamang ako nang ako'y kaniyang hilahin.

Naupo kami sa may bandang gitna. Sa may kabilang bleachers, nakita ko 'yung mga babae na nakasalubong namin kanina. Todo hiyaw sila para suportahan 'yung #14 na nakasulat sa hawak nilang colored paper.

"Ay, pak! Hotness overload 'yung #14, girl! Walang tapon!" komento ni Osang.

Daig niya talaga 'ko, agad niyang nakita 'yung guy na sinusuportahan ng mga fan girls niya rito sa 'di kalayuan. In fairness, hot naman talaga 'yung matapos ko siyang suriin. 

Base sa kaniyang uniform, mula siya sa College of Architecture. Chinito hot guy, maganda ang pangangatawan at mukhang batak sa work out, medyo maputi rin siya. Kung height naman ang tatanungin, siguro nasa 5'10 siya. Kaya pala marami rin ang mga nahuhumaling sa kaniyang babae, jowable naman talaga. 

Wow, bakit ba ang daming fafabols sa CoA? 'Yung mga ka-team niya, malalakas din ang dating. Mukhang mapapatambay talaga kami nito madalas sa College of Architecture.

"Panalo nga si #14, 9/10 siya sa 'kin," turan ko.

"Ay grabe naman, almost perfect na nga siya. 10/10 ako sa kaniya," ani Osang.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang laro. Tinuran ng announcer na practice game lang pala 'to ng CoA at CBA. Tumungo na sa gitna ang dalawang manlalaro para sa jump ball. Si #14 'yung isa at si #22 naman 'yung sa College of Business Administration. Napukaw niya agad ang atensyon ko. Ang lakas ng dating niya sa 'kin.

Nang ihagis ng referee 'yung bola, nahampas ito ni #22 at napunta sa CBA ang bola. Namangha ako dahil ang taas niyang tumalon. Sa kaniyang pagtakbo, nakita ko ang apelyido niya sa likod ng kaniyang jersey. Zerudo #22, nagningning bigla ang aking mga mata. Pangalan na lang niya ang kailangan kong malaman!

"Juness, mukhang Team CBA ka, ah. Basta ako, Team CoA. Okay nang magkalaban ang team na sinusuportahan natin. At least, magkaiba tayo ng inspirasyon," saad ni Osang. 

"True. Nabuhayan talaga ang mga ugat ko sa katawan. Tama ka, sa gym nga natin mapupulot ang kalagayahan..." saad ko sabay apir kay Osang.

Mr. Zerudo, kung susuriin ko siya, maganda rin ang hubog ng kaniyang pangangatawan. 'Yung mga mata niya, mapungay tumingin. Lamang din siya ng height kay #14 kaya sa tingin ko, 5' 11 siya. Medyo moreno siya kaya kakaiba rin ang dating niya. Nagustuhan ko rin ang hairstyle niya na medyo nakatiwarik.

"Girl, 9.5/10 lang sa 'kin si Mr. #22, mas bet ko talaga 'yung may kaputian at chinito," turan ni Osang. 

"I know, kaya nga todo support ka sa #14. Basta ako, 10/10 ako kay #22, iba 'yung dating niya sa 'kin, e, basta, hindi ko ma-explain pero... ang lakas ng appeal niya," saad ko.

Biglang naghiyawan ang mga tao dito sa side namin matapos ma-i-shoot ni #11 'yung bola. Ang unang puntos ay napunta sa CBA team. Napapalakpak na lamang ako. Nang mapunta na ang bola sa kalab, todo hiyaw naman itong si Osang para suportah si #14.

"Huwag mong pakakawalan ang bola! I-shoot mo 'yan para sa 'kin!" pagpalahaw niya ng sigaw.

Ilang sandali pa, si #22 na ang nagbabantay kay #14 kaya medyo hirap siyang i-shoot ang bola dahil ang higpit na pagbabantay sa kaniya. Ilang saglit pa, natapik ni Zerudo ang bola kaya napunta ito sa team niya.

Napatayo akong bigla sa aking kinauupan dahil sa tuwa. Nang ipasa ni #3 kay Zerudo ang bola, mas lalo akong na-excite at tila ba pumapalakpak ang aking mga tainga. Amaze na amaze ako sa kaniya habang dinidribol niya ang bola. Walang ano-ano'y huminto siya sa mga 3-points shot area at saka inihagis ang bola. 

Parang nag-slow motion siya sa aking paningin nang kaniyang pakawalan ang bola. Dahan-dahan siya lumalapag sa sahig habang patuloy sa pag-ikot ang bola patungo sa ring.

"Ahhh!" umalingawngaw ang hiyawan dito sa loob ng gymnasium matapos ma-shoot ng bola. Tumatalon ang puso ko dulot ng kaligayan dahil feeling ko para sa akin ang shoot na 'yon. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang pakiramdam ko'y nagtama ang aming mga mata.

Napatigagal ako dito sa aking kinatatayuan dahil binuhay niyang muli ang natutulog kong puso. Inspirasyon lang naman like mga crush 'yung rason kaya tumungo kami rito sa gym pero parang pag-ibig yata ang matatagpuan ko. Oo, hindi naman ako mahilig sa mga basketball player dahil babaero ang karamihan sa kanila. Sana, hindi gano'n si #22.

Sa pagpapatuloy ng laban, hindi naman nagpahuli ang team CoA dahil ginagalingan din ni #14. Kung ako todo hiyaw at palakpak ang ginagawa, si Osang, higit pa ro'n ang ginagawa. Tila ba mapuputol ang kaniyang litid sa sobrang pagtili.

First quarter pa lang pero dikdikan talaga ang laban. Walang gustong magpatalo, practice game pa lang pero parang totoo na 'yung laban na pinapanood namin. Hindi malayong maglaban sa finals ang dalawang team na 'to sa foundation week.

Mayamaya, na-shot ulit si Zerudo kaya tuwang-tuwa siya. Ngayon ko lang nasaksihan ang magandang ngiti na namumutawi sa kaniyang labi. Ang banayad ng dating nito sa aking kaibuturan. Tila ba nakakita ako ng ngiti ng isang anghel.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, isang hampas sa aking braso ang aking natamo mula kay Osang.

"Syaks! Girl, five minutes na lang, ma-le-late na tayo sa klase!" untag niya.

Pareho kaming nataranta kaya nagkukumahog kaming bumaba sa bleachers palabas ng gym. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mr. Zerudo, alam kong hindi pa 'to ang huli naming pagkikita. Naniniwala akong kaya nilang ipanalo ang practice game.

"Magkikita tayo ulit, hindi ito ang una't huling pagkakataon," sambit ko bago kami tuluyang makalabas sa loob ng gym.

Related chapters

  • Sweet Disposition   Chapter 7

    Pawis na pawis kami nang makarating kami sa aming classroom. Buti na lang at wala pa 'yung prof namin."Guys, inamag na 'ko kahihintay sa inyo kanina sa ilalim ng punong mangga. Akala ko hindi na kayo papasok kaya nauna na 'ko sa inyo rito. Ano bang nangyari at mistulang pagod na pagod kayo? Saan kayo nanggaling?" bungad ni Gela sa harapan namin habang nakapameywang pa.Kinuha ko na muna saglit ang aking panyo sa may bulsa at saka pinunasan ang mga tumatagaktak kong pawis sa mukha't leeg. Hindi pa nga tapos ang huling klase, pagod na pagod na 'ko. Nakakahiya sa prof namin saka sa mga kaklase ko na ang dugyot kong tingnan."Sorry, Gela. Galing kasi kami sa gymnasium kanina. Hindi namin namalayan ni Rosanna 'yung oras kaya para kaming hinabol ng limang aso kung makatakbo patungo rito," sagot ko."Ops, hindi lang 'yon. Bago kami tumungo sa gym, stalker mode kami kanina kay Mr. Maskels kaso naudlot 'yung

    Last Updated : 2022-04-16
  • Sweet Disposition   Chapter 8

    "Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko.Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo."Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius."Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate."Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius."Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila."Pati ba naman i

    Last Updated : 2022-04-17
  • Sweet Disposition   Chapter 9

    Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya."Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda."Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna."Mark our words," turan ni Osang.Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.

    Last Updated : 2022-04-18
  • Sweet Disposition   Chapter 10

    Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to.Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman."Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang."Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig."Shhh, moment ko 'to," saad ko.Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n

    Last Updated : 2022-04-19
  • Sweet Disposition   Chapter 11

    Maaga akong nagising ngayon, 5:30am pa lang ay bumaba na 'ko patungo sa kusina para maghanda ng aming almusal. Mamayang 8am pa ang pasok nina Ate at Mama. Si Januarius, 7am naman ang pasok. Pagkabukas ko sa ref, hotdog at tocino na lang ang laman ng freezer. Sinuri ko na rin 'yung container namin na lalagyan ng pagkain at may nadatnan naman ako roong tuyo at dilis kaya kinuha ko na. Mayroon pa namang natirang kanin kagabi kaya napagpasyahan kong isangag na lamang 'yon.'Yung hotdog ang kinuha ko sa ref, hindi ko na isinama 'yung tocino para may ulam pa kami sa susunod na araw. Medyo bet ko ngayon 'yung parang chowfan style kaya nagsimula na 'kong magluto.Sa isang pan, doon ko ipinirito 'yung dilis saka tuyo. Masarap 'yung malutong-lutong kaya tinusta ko 'yung dilis. Saktong prito lang naman ang ginawa ko sa tuyo. Sa isang kawali naman, doon ko niluto 'yung hotdog. Hiniwa ko ito nang maliliit dahil ihahalo ko nga ito sa sinangag. Ipinirito ko lang saglit 'yung hotdog para hindi masu

    Last Updated : 2022-05-01
  • Sweet Disposition   Chapter 12

    Pagkarating ko sa aking silid, agad ko namang tiningnan kung ano ang puwede kong suotin. Gusto ko sana 'yung simple lang pero may dating naman kahit papaano. Habang iniisa-isa ko 'to, nakaisip na ako ng ideya.White t-shirt ang napili kong pang itaas tapos kulay itim na pants na medyo fitted 'yung pambaba ko. Sa tingin ko mas bagay rito 'yung rubber shoes kaysa doll shoes kaya naman 'yung itim kong nike ang napili ko. Mas okay rin 'yon dahil maglalakad-lakad nga pala kami sa mall kaya hindi masasaktan masyado ang paa ko compare sa doll shoes. Sling bag na lang din ang naidip kong dalhin para wala akong bitbit masyado.Nang maayos ko na 'yung susuotin ko, bumana na ako agad patungo sa kusina para hugasan 'yung mga pinagkainan namin. Medyo nakapagpahinga naman na ang mga kamay ko kaya wala nang pangamba pagdating sa pasma. Habang inaayos ko ang mga hugasin, kinuha ko 'yung cellphone ko para magpatugtog. Habit ko na rin naman ang makinig ng musika sa tuwing may ginagawa ako.Habang sinas

    Last Updated : 2022-05-02
  • Sweet Disposition   Chapter 13

    Nagpatuloy ako sa pag-iikot at namataan ko naman 'yung isang grupo ng magkakabarkada. Apat sila na mga babae na wari mo'y mga rakista kung pumorma."Hello po, pasensiya na po sa abala. Nagtitinda po ako ng yema at pastillas bilang tulong financial sa pag-aaral ng aking kaibigan. Twenty five pesos po ang isang supot, nawa'y makabili kayo," turan ko sabay pakita sa kanila ng itinitinda ko.No'ng una, naaangasan ako sa kanila. Ang cool kasi ng datingan nila dahil 'yung usual na makikita mong anyo nila ay naka-all black then naka-boots ng mataas at naka-eyeliner nang makapal. Medyo intimidating din ang impression nila pero naglakas-loob talaga akong lapitan sila."Wow, paborito ko 'yang yema. Bigyan mo ako ng dalawa," sambit no'ng tila lider nila na maikli ang buhok."Mukhang masarap nga 'yang pastillas. Dalawa na rin sa 'kin," saad no'ng mahaba 'yung buhok."Ako naman yema rin," wika naman no'ng isa."Pasensiya na pero hindi ako mahilig sa matamis pero bibigyan na lang kita ng bente bila

    Last Updated : 2022-05-03
  • Sweet Disposition   Chapter 14

    Bago kami mag-ikot-ikot, kumain na muna kami ng tanghalian sa Jollibee. Dahil medyo napagod kami, naparami kami ng order. Si Gela, um-order ng one-piece chicken na may rice at spaghetti na ala carte. Si Osang naman, two-piece chicken with rice at nag-order din siya ng soup. Ako naman, 'yung combo meal ang in-order ko. One-piece chicken na may rice at spaghetti at burger steak. Ako yata ang pinaka nagutom sa amin. After no'n, nagsimula kaming pumunta sa mga store. Tamang tingin-tingin lang ng mga damit. Sa aming pag-iikot, marami rin kaming nakitang magagandang damit. 'Yon nga lang, libo ang presyo kaya hindi namin afford. Mayroon din namang hundred lang ang presyo pero tipid-tipid muna ang peg namin. Window shopping lang talaga kami.Pagdating naman sa bag section, marami ring magaganda. Nagustuhan ko ro'n 'yung maliit na sling bag na wari mo'y coin purse lang yata ang kakasya dahil sa sobrang kipot ng loob. Naging bet ko rin 'yung back pack na animo'y pang anime character 'yung dati

    Last Updated : 2022-05-04

Latest chapter

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

  • Sweet Disposition   Chapter 110

    Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi

  • Sweet Disposition   Chapter 109

    Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U

  • Sweet Disposition   Chapter 108

    Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa

DMCA.com Protection Status