Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi. Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase. Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila. Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat. Hinding
Last Updated : 2022-04-03 Read more