Beranda / Romance / Sweet Disposition / Bab 11 - Bab 20

Semua Bab Sweet Disposition: Bab 11 - Bab 20

117 Bab

Chapter 10

Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to. Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman.  "Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang. "Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig. "Shhh, moment ko 'to," saad ko. Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-04-19
Baca selengkapnya

Chapter 11

Maaga akong nagising ngayon, 5:30am pa lang ay bumaba na 'ko patungo sa kusina para maghanda ng aming almusal. Mamayang 8am pa ang pasok nina Ate at Mama. Si Januarius, 7am naman ang pasok. Pagkabukas ko sa ref, hotdog at tocino na lang ang laman ng freezer. Sinuri ko na rin 'yung container namin na lalagyan ng pagkain at may nadatnan naman ako roong tuyo at dilis kaya kinuha ko na. Mayroon pa namang natirang kanin kagabi kaya napagpasyahan kong isangag na lamang 'yon.'Yung hotdog ang kinuha ko sa ref, hindi ko na isinama 'yung tocino para may ulam pa kami sa susunod na araw. Medyo bet ko ngayon 'yung parang chowfan style kaya nagsimula na 'kong magluto.Sa isang pan, doon ko ipinirito 'yung dilis saka tuyo. Masarap 'yung malutong-lutong kaya tinusta ko 'yung dilis. Saktong prito lang naman ang ginawa ko sa tuyo. Sa isang kawali naman, doon ko niluto 'yung hotdog. Hiniwa ko ito nang maliliit dahil ihahalo ko nga ito sa sinangag. Ipinirito ko lang saglit 'yung hotdog para hindi masu
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-01
Baca selengkapnya

Chapter 12

Pagkarating ko sa aking silid, agad ko namang tiningnan kung ano ang puwede kong suotin. Gusto ko sana 'yung simple lang pero may dating naman kahit papaano. Habang iniisa-isa ko 'to, nakaisip na ako ng ideya.White t-shirt ang napili kong pang itaas tapos kulay itim na pants na medyo fitted 'yung pambaba ko. Sa tingin ko mas bagay rito 'yung rubber shoes kaysa doll shoes kaya naman 'yung itim kong nike ang napili ko. Mas okay rin 'yon dahil maglalakad-lakad nga pala kami sa mall kaya hindi masasaktan masyado ang paa ko compare sa doll shoes. Sling bag na lang din ang naidip kong dalhin para wala akong bitbit masyado.Nang maayos ko na 'yung susuotin ko, bumana na ako agad patungo sa kusina para hugasan 'yung mga pinagkainan namin. Medyo nakapagpahinga naman na ang mga kamay ko kaya wala nang pangamba pagdating sa pasma. Habang inaayos ko ang mga hugasin, kinuha ko 'yung cellphone ko para magpatugtog. Habit ko na rin naman ang makinig ng musika sa tuwing may ginagawa ako.Habang sinas
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-02
Baca selengkapnya

Chapter 13

Nagpatuloy ako sa pag-iikot at namataan ko naman 'yung isang grupo ng magkakabarkada. Apat sila na mga babae na wari mo'y mga rakista kung pumorma."Hello po, pasensiya na po sa abala. Nagtitinda po ako ng yema at pastillas bilang tulong financial sa pag-aaral ng aking kaibigan. Twenty five pesos po ang isang supot, nawa'y makabili kayo," turan ko sabay pakita sa kanila ng itinitinda ko.No'ng una, naaangasan ako sa kanila. Ang cool kasi ng datingan nila dahil 'yung usual na makikita mong anyo nila ay naka-all black then naka-boots ng mataas at naka-eyeliner nang makapal. Medyo intimidating din ang impression nila pero naglakas-loob talaga akong lapitan sila."Wow, paborito ko 'yang yema. Bigyan mo ako ng dalawa," sambit no'ng tila lider nila na maikli ang buhok."Mukhang masarap nga 'yang pastillas. Dalawa na rin sa 'kin," saad no'ng mahaba 'yung buhok."Ako naman yema rin," wika naman no'ng isa."Pasensiya na pero hindi ako mahilig sa matamis pero bibigyan na lang kita ng bente bila
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-03
Baca selengkapnya

Chapter 14

Bago kami mag-ikot-ikot, kumain na muna kami ng tanghalian sa Jollibee. Dahil medyo napagod kami, naparami kami ng order. Si Gela, um-order ng one-piece chicken na may rice at spaghetti na ala carte. Si Osang naman, two-piece chicken with rice at nag-order din siya ng soup. Ako naman, 'yung combo meal ang in-order ko. One-piece chicken na may rice at spaghetti at burger steak. Ako yata ang pinaka nagutom sa amin. After no'n, nagsimula kaming pumunta sa mga store. Tamang tingin-tingin lang ng mga damit. Sa aming pag-iikot, marami rin kaming nakitang magagandang damit. 'Yon nga lang, libo ang presyo kaya hindi namin afford. Mayroon din namang hundred lang ang presyo pero tipid-tipid muna ang peg namin. Window shopping lang talaga kami.Pagdating naman sa bag section, marami ring magaganda. Nagustuhan ko ro'n 'yung maliit na sling bag na wari mo'y coin purse lang yata ang kakasya dahil sa sobrang kipot ng loob. Naging bet ko rin 'yung back pack na animo'y pang anime character 'yung dati
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-04
Baca selengkapnya

Chapter 15

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa foundation week pero excited ako. Balita ko kasi maraming event na ganap dito sa loob ng unibersidad. 'Di lang 'yon, parang battle of colleges din pala. Ang inaabangan ko talaga ay 'yung laban sa basketball, nangangati na akong makita si Zerudo habang naglalaro."Girl, nag-chat sa gc 'yung president natin, wala raw tayong klase sa mga subject natin ngayong araw, mag-attendance lang daw tayo," maligalig na sambit ni Osang habang tangan-tangan 'yung kaniyang cellphone. Nandito kami ngayon sa mini park sa loob ng school at hinihintay namin si Gela."Truly ba? Oh em, makakapaglibot tayo!" masaya kong sabi. "Winner talaga tayo ngayong araw. Puwede pa tayong pumunta sa iba't ibang college para mag-explore," nakangiting sambit niya pa."At huwag mong kalilimutan, kailangan nating manuod ng basketball at subaybayan ang laro ng mga bet natin," ani ko sabay kindat."Ano pala ang sched ng laro? May ideya ka?" tanong ko."Sorry, girl. Hindi ko rin alam, e. M
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-05
Baca selengkapnya

Chapter 16

Pagkatapos naming kumain at dumiretso na kami sa gymnasium."Hindi mo pa rin ba itatago 'yang hawak mong bulaklak?" tanong ko kay Osang habang binabagtas namin ang daan patungo sa gym."Mamaya na siguro," aniya. Sa tuwing may nadadaanan kaming estudyante, lagi namin napapansin na nakatingin sila sa amin. Maski kami ay nagtataka, hindi rin namin alam kung bakit e wala naman kaming dumi sa aming mukha. Masyado ba kaming head turner kaya pukulan nila kami ng pansin?"Napapansin n'yo rim ba 'yung napapansin ko? Lagi tayong pinagtitinginan ng mga estudyanteng nadaraanan natin?" tanong ko sa kanila."Hays, baka nagagandahan lang sila sa 'kin kaya gano'n," saad ni Osang."Ayan, nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko," wika ko.Napaisip din bigla si Gela. "Baka dahil sa hawak na bulaklak ni Osang? Baka alam nilang galing 'yung bulaklak sa event kanina?" aniya."Ay, shocks! Nakakahiya nga! Baka iniisip nilang nanuod tayo kanina? Oh em!" saad ko. Dali-daling itinago ni Osang 'yung bulak
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-06
Baca selengkapnya

Chapter 17

Ikatlong araw na, kagaya no'ng mga nakakaraan, nagpatuloy kami sa pag-che-check ng aming midterm exams. Wala si Gela dahil abala siya para sa dance competition niya mamaya. Kami lang ni Osang ang nandito sa klase na magkasangga. About sa art 'yung subject namin at more on memorization talaga ang exam namin dito. Identification, fill in the blanks, multiple choice, true or false, at essay 'yung naging type ng exam namin. Hindi ako masyadong magaling sa pagkakabisa kaya alam kong hindi gano'n kataas ang score ko pero naniniwala pa rin ako na pasado dahil nag-review naman ako.After namin ma-check-an, walang mintis, si Gela ang nakakuha ng pinaka mataas na score. Out of 100, naka 95 siya. Si Osang ay magaling din sa memorization kaya nakakuha siya ng 91 na marka. Ako naman, pasado pa rin; 75 naman ang passing score at 82 ang score ko. Ako ang pinaka mababa sa aming tatlo pero kebs lang. Hindi naman kami nagpapataasan, ang mahalaga ay nakakapasa. Nagtutulungan kami para maiangat ang baw
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-07
Baca selengkapnya

Chapter 18

Nang matapos makapag-perform ng lahat, nagkaroon na muna ng five minutes break para ma-compute 'yung score ng mga hurado. Nanawagan naman 'yung announcer kung sino ang gustong magpamalas ng galing sa pagsayaw at naghanap siya ng limang volunteer.Sa limang 'yon, lahat sila ay pinaakyat sa stage at isa-isa silang nagpakilala. Kumbaga, katuwaan lang at lahat sila ay pinag-sample ng simple moves. Mayroong nagbudots, sumayaw ng spaghetti pababa, at ilang mga sikat na dance moves sa Tiktok. Mayamaya, pinag-showdown silang lima. Todo hataw naman sila ni isa ay walang gustong magpatalo.Hindi ko kinaya 'yung isang babae dahil masyadong malambot ang kaniyang buto. Para siyang nag-a-akrobat sa kaniyang ginagawa. Hindi rin nagpakabog 'yung beklat at tumalon siya sa may baba ng stage at saka nag-split. Naghiyawan ang mga tao dahil sa kaba. Matapos 'yon, dumagundong muli ang ingay sa loob ng venue.Isa-isa ng nagsipagbalikan sa stage 'yung limang kalahok. Sabi ng announcer, ang may pinaka malakas
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-08
Baca selengkapnya

Chapter 19

Ngayon na ang huling araw ng foundation week. Halos lahat naman ng booth ng bawat colleges ay na-explore na namin. Karamihan sa mga sports event, ngayon ang finals. Pero ang pinaka inaabangan talaga ng lahat ay 'yung laban sa basketball. Maski ako, hindi na ako mapakali kung sino ang team na mananalo. S'yempre, ang manok ko ay 'yon pa rin. Sa sobrang excited ko, nagdala ako ng kartolina at pentel pen. Sa pamamagitan no'n, maipapakita ko kay Zerudo ang suporta ko sa kaniya at sa kaniyang grupo. Hindi man niya ako lubusang kilala, at least, I did my part.Nandito ako ngayon sa ilalim ng punong mangga, hinihintay kong dumating sina Gela at Osang. Sa sobrang excited ko kasing pumasok ngayong araw, inagahan ko pa lalo ang pagpasok. Dalawang subject lang naman kami ngayong araw. First subject namin ay 8am kaya 7am pa lang, nandito na 'ko sa school. Hindi ko na nga napanood ang laban nina Zerudo kahapon kaya kailangan kong bumawi ngayon. So ayon na nga, medyo tinamad yata ang prof namin ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-09
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
12
DMCA.com Protection Status