Home / Romance / Sweet Disposition / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Sweet Disposition: Chapter 21 - Chapter 30

117 Chapters

Chapter 20

Magsisimula na ang laban, tinawag na ng referee sina Yatco at Zerudo sa gitna para mag-jump ball. Sa paghagis nito ng bola, sabay itong tinalon ng dalawang manlalaro. Mas mataas ang talon ni Yatco kaya siya ang nakatapik ng bola at nakuha naman ito ng team niya. Dali-dali iyong diniribol ni Mr. #7 patungo sa kampo ng kalaban. Agad naman siyang hinarangan ni Zerudo kaya agad niya iyong ipinasa sa kasama niyang naghihintay sa may kaliwa. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng CBA team para hindi maka-score ang CoA.Ilang sandali lang, biglang sumugod papasok sa loob 'yung ka-team ni Yatco at inihagis ito sa ring nang walang pag-aalinlangan. Medyo alanganin ang puwesto niya ng pinag-shoot-an kaya ang lahat ay naghihintay kung papaspk ba 'to or hindi. Sa kasamaang palad, dumaplis lang ito sa may ring.Nagulat ako nang biglang may tumalon nang mataas at kinuha 'yung bola sa ere. Iba talaga si Yatco, mataas talaga siyang tumalon kaya hindi siya nahirapang kuhanin 'yung bola."Wahhh! Yat
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Chapter 21

Para akong binatuta nang paulit-ulit dahil sa pangyayari. Kay sakit isipin na may girlfriend na si Zerudo at wala na talaga akong pag-asa sa kaniya. Sa tuwing tinitingnan ko sila, umiiyak ang aking puso at labis na naghihinagpis. "Tara na, alis na tayo," pagyaya ni Gela.Gusto ko na rin sanang umalis para hindi ko na sila makitang naglalampungan pero may parte rin sa puso ko na ayaw ko pa. Tapos na ang awarding ceremony at pinupunsasan naman ngayon no'ng babae 'yung tumatagaktak na pawis ni Zerudo sa mukha."Huwag mo na silang panuorin, mas lalo ka lang masasaktan," komento ni Osang.Nalulungkot ako na naiinggit, parang gusto kong manakit. Hindi naman tamang magselos ako pero valid naman 'yung feelings ko. 'Yon nga lang, wala akong karapatan dahil wala namang namamagitan sa 'min ni Zerudo. Baka nga puwing lang ako sa paningin niya."Kung hahayaan mo lang ang sarili mo na ganiyan, hindi mawawala ang panibugho sa 'yong puso," turan pa ni Gela.Tama sila, ako lang din naman ang nagpapal
last updateLast Updated : 2022-05-11
Read more

Chapter 22

Pagkarating ni Mama galing palengke ay agad ko siyang tinulungan para asikasuhin 'yung kaniyang lulutuin. Nagsaing na rin ako sa rice cooker para mas mapabilis ang pagluluto. Habang abala si Mama sa pagpuputol ng karne, ako naman ay nagbabalat ng patatas at carrots. Matapos 'yon, hiniwa ko na rin ang mga 'to. "Ayan, may nakalimutan pala akong bilhin. Juness, bili ka nga saglit ng liver spread sa may kanto," ani Mama."Sige po," tugon.Bilang masunuring anak, sinunod ko naman siya agad. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko 'yung anak ng kapitbahay namin na naglalaro ng luto-lutuan. "Mimi, gusto mo bang maging chef paglaki mo?" bungad ko."Opo," tugon niya na wari mo'y hinahalo ang mga pinirasong dahon sa kaniyang lutuan."Wow, nice naman. Balang araw ay magiging magaling ka rin na chef," saad ko pa habang pinipisil ang pisngi niyang kay tambok."Salamat po."Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na 'ko sa may tindahan sa kanto. Medyo marami 'yung taong bumibili kaya nag
last updateLast Updated : 2022-05-12
Read more

Chapter 23

Lumabas na ng bahay si Ate para hintayin ang pagdating ni Kuya Benj. Bumaba na rin dito sa sala si Januarius na wari mo'y napakabait na bata. Pinagpagan pa ang mga sofa para daw malinis at walang alikabok."Ayan, pagdating ni Kuya Benj ay sisipsip ka na naman," sambit ko pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa."S'yempre, kailangan nating magpalakas," aniya habang taas-baba ang magkabilang kilay."Asus, kung alam lang namin, sa susunod magpapabili ka lang kung ano-ano," turan ko."Gano'n talaga, palakasan lang kay Kuya Benj," sambit niya sabay dila sa 'kin.Ilang saglit pa, dumating na si Ate kasama si Kuya Benj. Ipinakilala niya sa amin 'yung jowa bilang formality na rin siguro. "Juness, Januarius, heto nga pala si Benj, boyfriend ko," sambit ni Ate."Hello sa inyo," anito."Hello po," turan ko."Nice to meet you po, Kuya," magiliw na sambit ni Januarius.Matapos 'yon, agad niyang iniabot sa amin ang dala niyang donut na animo'y pasalubong. Siyang-siya ako dahil glazed donut siya based
last updateLast Updated : 2022-05-13
Read more

Chapter 24

Pagkakita ko kina Osang at Gela ay agad kong ikinuwento sa kanila si Angelica."Sigurado ka ba talaga sa kaniya, girl? Bakit parang feeling ko hindi palagay ang isip ko base sa kuwento mo?" saad ni Gela.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumabas sa bibig ni Gela. Wala naman akong nakitang mali kay Angelica. Nice person naman siya and magkakilala na kami noong bata pa kami. "Okay naman siya sa 'kin. Palagay ang loob ko sa kaniya noong nag-uusap kami. Hindi ko naman siya nakitaan ng masamang motibo," tugon ko."May point naman si Gela. Parang ang bilis lang talaga ng pangyayari. Biruin mo, 'yung matagal mo ng kilala ay bigla kayong pinaglandas ng pagkakataon... puwedeng destiny talaga na magtagpo kayo ulit," ani Osang."True, kung kapalaran nga talaga na magtagpo ang aming landas, baka siya na talaga ang susi para maging close kami ni Zerudo," masaya kong sambit."If yes, good for you," ani Osang."Masaya ako para sa 'yo kung magkagayon man. Nagkamali nga lang siguro ako, hindi naman
last updateLast Updated : 2022-05-14
Read more

Chapter 25

"Hi, guys, nice to meet you," turan ko."Nixe to meet you too," sambit no'ng lalaki kanina at nakipag-shake hands sa 'kin."Pamilyar ka sa 'kin. Ikaw ba 'yung babaeng nagtitinda ng pastillas?" untag ni Zerudo."Ah, oo, ako nga 'yung nagbenta sa 'yo no'ng nakaraan," shy type kong sambit.Hindi ko in-expect na matatandaan niya na ako ang nagtitinda no'ng pastillas at yema. Hindi niya ba natatandaan na ako 'yung cheer sa kaniya no'ng basketball finals? Pero kahit na gano'n, kinikilig pa rin ako sa kaloob-looban ko."Bakit ka nagtitinda ng pastillas?" pagsingit ni Angelica dulot ng kuryosidad."Tinutulungan niya kasi 'yung kaibigan niya para sa pag-aaral nito," sagot ni Zerudo.Na-shock ako no'ng marinig ko 'yon. Hindi talaga ako makapaniwala na matatandaan niya 'yon. Ayaw kong mag-assume pero... tumatak kaya ako sa isipan niya no'ng panahon na 'yon."Yep, tama siya. That time tinutulungan ko 'yung kaibigan kong maubos 'yung kaniyang paninda," saad ko."Siya 'yung kaibigan na tinutukoy ko
last updateLast Updated : 2022-05-15
Read more

Chapter 26

Hindi kami nagkasabay ni Angelica ngayon sa sakayan ng jeep. Baka napaaga ang pasok ko kaysa sa kaniya. Hindi ko pala naitanong kung bumalik na sila sa dati nilang tahanan. Or puwede rin may kakilala siyang taga rito at nakitulog lamang siya. Pagkarating sa unibersidad, agad akong tumungo sa ilalim ng punong mangga dito sa may building namin. Habang inaantay ko ang dalawa kong kaibigan, may bigla namang nagtakip ng aking mga mata.Base sa amoy niya, matapang ang kaniyang pabango kaya tiyak na lalaki siya. Mukhang malalaki rin ang kaniyang daliri. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung sino siya."Sino ka?" tanong ko."Hulaan mo," aniya habang nakangisi.Hindi na ako nagdalawang isip at hinawakan ko na ang kaniyang kamay para matanggal ito sa aking mga mata. "Yieee, hinawakan niya ang kamay ko," pambubuska niya.Hindi na ako natutuwa sa kaniya kaya sa sobrang inis ko, buong puwersa kong tinggal ang mga kamay niya at saka ko siya hinarap."Anong kalokohan ba 'to, ha? At sino ka
last updateLast Updated : 2022-05-16
Read more

Chapter 27

Pauwi na sana kami ngunit hindi namin inaasahan na makikita namin si Mr. Maskels na naglalakad sa 'di kalayuan."Uy, sabi ni Ana umuwi na si Tyron? Mukhang ngayon pa lang siya uuwi," sambit ni Osang."Oo nga, e. Mukhang nagkamali siya. Ngayon pa lang yata uuwi si Tyron," saad ko."Alam n'yo, girls... curious talaga ako kay Tyron kasi sobrang mysterious niya. Parang gusto ko siyang sundan. Ano sa tingin ninyo?" sangguni ni Gela.Sa totoo lang, lahat naman kami ay nahihiwagaan sa kaniya. Bukod sa pagsasayaw, gusto rin naming malaman kung ano pa ang pinagkakaabalahan niya. Sabi nga ni Ana, hindi siya palakaibigan na tao. Saka pansin din namin 'yon na lagi lang siyang mag-isa sa tuwing nakikita namin. Wala nga yata siyang barkada ni isa."Sinabi mo pa. Bet ko nga rin 'yang ideya mo. Wala naman tayong assignment or quiz bukas. Puwedeng-puwede natin siyang sundan," saad ko."I-push natin 'yan. Let's go!" segunda ni Osang.Nag-ayos lang kami ng aming sarili at pasimple naming sinundan si Tyr
last updateLast Updated : 2022-05-17
Read more

Chapter 28

Nag-text si Angelica sa 'kin kanina, gusto niya raw kaming maka-bonding na magkakaibigan. Excited naman ako dahil dati sa chinese garter lang kami nagkaka-bonding. After so many years, hindi ko inaasahan na magtatagpo ulit kami at magiging magkaibigan. Agad ko itong ipinaalam kina Osang at Gela."Girls, gusto raw tayong maka-bonding ni Angelica mamaya," turan ko."Wow, seryoso ba? Feeling ko, ang sosyal niya, e," komento ni Gela."Hindi naman siguro siya mahirap pakisamahan. Saka siya naman ang nag-aya, kung saan man niya tayo yayain, e 'di go," sambit ni Osang.'Yung datingan ni Angelica, mukha nga siyang mayaman na may pagka-spoiled brat. Pero sa tingin ko kaya niyang makisama kahit na kanino. Hindi naman siya 'yung sossy na maarte, feeling ko nga, may pagka-squammy rin siya minsan."Mabait naman siya kapag panatag ang loob ko sa kaniya. Go ba kayo?" ani ko."Magkakasama naman tayong tatlo kaya sige ako," saad ni Gela."Push natin 'yan, sayang ang libre kapag nagkataon," wika ni Osa
last updateLast Updated : 2022-05-18
Read more

Chapter 29

Sabado na ngayon, heto na 'yung araw na pinaka hinihintay ko. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama dahil nagkaroon sila ng biglaang outing ng mga ka-officemate niya sa Pangasinan. Bukas pa ng gabi ang uwi nila.Nag-text naman sa 'kin si Angelica kahapon para i-remind ako na huwag mawawala sa party niya bukas. S'yempre, ako pa ba ang mawawala, e heto na 'yung pagkakataon na hinihintay ko. Hindi ko 'to palalampasin kahit anuman ang mangyari.Wala namang nakalagay na specific na susuotin sa invitation. Nakalagay lang doon na wear anything you want. Hindi ko pa napag-iisipan kung ano ang susuotin ko. Nakakahiya naman kung mag-pants and t-shirt lang ako.Tumungo ako sa may cabinet ko para magkalkal ng damit. Makalipas ang ilang saglit, may napili na akong suotin. Black sando na spaghetti strap, papatungan ko siya ng white long sleeves at saka maong shorts naman na pambaba. Nagdadalawang-isip pa ako no'ng una kung rubber shoes or flat shoes ang susuotin ko. Kung flat shoes naman kasi, b
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status