Pagkakita ko kina Osang at Gela ay agad kong ikinuwento sa kanila si Angelica."Sigurado ka ba talaga sa kaniya, girl? Bakit parang feeling ko hindi palagay ang isip ko base sa kuwento mo?" saad ni Gela.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumabas sa bibig ni Gela. Wala naman akong nakitang mali kay Angelica. Nice person naman siya and magkakilala na kami noong bata pa kami. "Okay naman siya sa 'kin. Palagay ang loob ko sa kaniya noong nag-uusap kami. Hindi ko naman siya nakitaan ng masamang motibo," tugon ko."May point naman si Gela. Parang ang bilis lang talaga ng pangyayari. Biruin mo, 'yung matagal mo ng kilala ay bigla kayong pinaglandas ng pagkakataon... puwedeng destiny talaga na magtagpo kayo ulit," ani Osang."True, kung kapalaran nga talaga na magtagpo ang aming landas, baka siya na talaga ang susi para maging close kami ni Zerudo," masaya kong sambit."If yes, good for you," ani Osang."Masaya ako para sa 'yo kung magkagayon man. Nagkamali nga lang siguro ako, hindi naman
"Hi, guys, nice to meet you," turan ko."Nixe to meet you too," sambit no'ng lalaki kanina at nakipag-shake hands sa 'kin."Pamilyar ka sa 'kin. Ikaw ba 'yung babaeng nagtitinda ng pastillas?" untag ni Zerudo."Ah, oo, ako nga 'yung nagbenta sa 'yo no'ng nakaraan," shy type kong sambit.Hindi ko in-expect na matatandaan niya na ako ang nagtitinda no'ng pastillas at yema. Hindi niya ba natatandaan na ako 'yung cheer sa kaniya no'ng basketball finals? Pero kahit na gano'n, kinikilig pa rin ako sa kaloob-looban ko."Bakit ka nagtitinda ng pastillas?" pagsingit ni Angelica dulot ng kuryosidad."Tinutulungan niya kasi 'yung kaibigan niya para sa pag-aaral nito," sagot ni Zerudo.Na-shock ako no'ng marinig ko 'yon. Hindi talaga ako makapaniwala na matatandaan niya 'yon. Ayaw kong mag-assume pero... tumatak kaya ako sa isipan niya no'ng panahon na 'yon."Yep, tama siya. That time tinutulungan ko 'yung kaibigan kong maubos 'yung kaniyang paninda," saad ko."Siya 'yung kaibigan na tinutukoy ko
Hindi kami nagkasabay ni Angelica ngayon sa sakayan ng jeep. Baka napaaga ang pasok ko kaysa sa kaniya. Hindi ko pala naitanong kung bumalik na sila sa dati nilang tahanan. Or puwede rin may kakilala siyang taga rito at nakitulog lamang siya. Pagkarating sa unibersidad, agad akong tumungo sa ilalim ng punong mangga dito sa may building namin. Habang inaantay ko ang dalawa kong kaibigan, may bigla namang nagtakip ng aking mga mata.Base sa amoy niya, matapang ang kaniyang pabango kaya tiyak na lalaki siya. Mukhang malalaki rin ang kaniyang daliri. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung sino siya."Sino ka?" tanong ko."Hulaan mo," aniya habang nakangisi.Hindi na ako nagdalawang isip at hinawakan ko na ang kaniyang kamay para matanggal ito sa aking mga mata. "Yieee, hinawakan niya ang kamay ko," pambubuska niya.Hindi na ako natutuwa sa kaniya kaya sa sobrang inis ko, buong puwersa kong tinggal ang mga kamay niya at saka ko siya hinarap."Anong kalokohan ba 'to, ha? At sino ka
Pauwi na sana kami ngunit hindi namin inaasahan na makikita namin si Mr. Maskels na naglalakad sa 'di kalayuan."Uy, sabi ni Ana umuwi na si Tyron? Mukhang ngayon pa lang siya uuwi," sambit ni Osang."Oo nga, e. Mukhang nagkamali siya. Ngayon pa lang yata uuwi si Tyron," saad ko."Alam n'yo, girls... curious talaga ako kay Tyron kasi sobrang mysterious niya. Parang gusto ko siyang sundan. Ano sa tingin ninyo?" sangguni ni Gela.Sa totoo lang, lahat naman kami ay nahihiwagaan sa kaniya. Bukod sa pagsasayaw, gusto rin naming malaman kung ano pa ang pinagkakaabalahan niya. Sabi nga ni Ana, hindi siya palakaibigan na tao. Saka pansin din namin 'yon na lagi lang siyang mag-isa sa tuwing nakikita namin. Wala nga yata siyang barkada ni isa."Sinabi mo pa. Bet ko nga rin 'yang ideya mo. Wala naman tayong assignment or quiz bukas. Puwedeng-puwede natin siyang sundan," saad ko."I-push natin 'yan. Let's go!" segunda ni Osang.Nag-ayos lang kami ng aming sarili at pasimple naming sinundan si Tyr
Nag-text si Angelica sa 'kin kanina, gusto niya raw kaming maka-bonding na magkakaibigan. Excited naman ako dahil dati sa chinese garter lang kami nagkaka-bonding. After so many years, hindi ko inaasahan na magtatagpo ulit kami at magiging magkaibigan. Agad ko itong ipinaalam kina Osang at Gela."Girls, gusto raw tayong maka-bonding ni Angelica mamaya," turan ko."Wow, seryoso ba? Feeling ko, ang sosyal niya, e," komento ni Gela."Hindi naman siguro siya mahirap pakisamahan. Saka siya naman ang nag-aya, kung saan man niya tayo yayain, e 'di go," sambit ni Osang.'Yung datingan ni Angelica, mukha nga siyang mayaman na may pagka-spoiled brat. Pero sa tingin ko kaya niyang makisama kahit na kanino. Hindi naman siya 'yung sossy na maarte, feeling ko nga, may pagka-squammy rin siya minsan."Mabait naman siya kapag panatag ang loob ko sa kaniya. Go ba kayo?" ani ko."Magkakasama naman tayong tatlo kaya sige ako," saad ni Gela."Push natin 'yan, sayang ang libre kapag nagkataon," wika ni Osa
Sabado na ngayon, heto na 'yung araw na pinaka hinihintay ko. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama dahil nagkaroon sila ng biglaang outing ng mga ka-officemate niya sa Pangasinan. Bukas pa ng gabi ang uwi nila.Nag-text naman sa 'kin si Angelica kahapon para i-remind ako na huwag mawawala sa party niya bukas. S'yempre, ako pa ba ang mawawala, e heto na 'yung pagkakataon na hinihintay ko. Hindi ko 'to palalampasin kahit anuman ang mangyari.Wala namang nakalagay na specific na susuotin sa invitation. Nakalagay lang doon na wear anything you want. Hindi ko pa napag-iisipan kung ano ang susuotin ko. Nakakahiya naman kung mag-pants and t-shirt lang ako.Tumungo ako sa may cabinet ko para magkalkal ng damit. Makalipas ang ilang saglit, may napili na akong suotin. Black sando na spaghetti strap, papatungan ko siya ng white long sleeves at saka maong shorts naman na pambaba. Nagdadalawang-isip pa ako no'ng una kung rubber shoes or flat shoes ang susuotin ko. Kung flat shoes naman kasi, b
Pagkabukas ni Angelica ng pinto, isang lalaki ang iniluwa nito. Laking pasasalamat ko at hindi siya si Zerudo. Nakahinga na ulit ako nang maluwag matapos kong mapabuntong-hininga. Pagkapasok nito ay ipinakilala siya sa 'min ni Angelica."Guys, this is Charles, friend ko rin," pakilala ni Angelica. Ngumiti naman sa 'min 'yung lalaki."Hello," sambit naming lahat."Nice to meet you," anito.Naupo na siya after no'n. Hindi naman siya nalalayo sa puwesto ko kaya siniyasat ko muna siya nang maigi. Kanina habang nakatayo siya, parang nasa 5' 8 ang height niya. Mistiso siya at may pagka-chinito. Masasabi kong guwapo naman siya, hindi lang siya pasok sa taste ko, mas bet ni Osang ang mga kagaya niya kaya palihim ko siyang nilitratuhan saka ko sinend ang picture niya sa gc.Osang: Grabe, ang fafabol naman niyan. Kung nakasama siguro ako sa party, nagkasala na 'ko kay Yatco.Natawa ako nang slight nang i-chat niya 'yon. Hindi rin kasi papahuli 'tong si Osang pagdating sa awrahan.Me: Hindi nama
"Mabuti naman at nakapunta ka," aniya.Iyon pa lang ang sinabi niya pero feeling namumula na 'ko. Nasa point na naman ako ng pag-a-assume na ine-expect niya talaga akong dumalo sa party na 'to. Feeling ko, important ako sa kaniya. Ang assuming ko masyado pero nang dahil doon, na-mo-motivate ako."Oo naman, sayang ang pagkakataon. Saka nakakahiya naman kay Angelica na hindi ako pupunta gayon pa't ngayon nga lang ulit kami nagkatagpo," sambit ko. Kahit hindi naman talaga patungkol kay Angelica ang rason ko, 'yon na lang ang ginawa kong dahilan. Nakakahiya naman sa kaniya kung sasabihin kong siya ang tunay na dahilan kaya ako narito. Akala ko nga nabuburo na ako rito kanina dahil wala akong kausap. Mabuti na lang at hindi nagkagayon dahil nakilala ko rin kahit papaano 'yung iba."O siya, mamaya na lang tayo mag-usap," saad niya. Isang ngiti naman ang pinakawalan niya matapos 'yon. "Sure," turan ko. Umalis na muna siya para makihalubilo sa iba. Mukhang kakilala niya rin ang lahat ng nan
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa