Arabella Fae De Jesus ay kinasal kay Hendrix Leviste, upang maputol ang kamalasan sa buhay ni Hendrix. Ngunit sa paglipas ng panahon lahat yata ng kamalasan sa buhay ni Hendrix ay naipasa sa kanya. Naging impyerno ang buhay niya nang maikasal silang dalawa. Lalo pa't hindi lang sila dalawa sa pagsasamang iyon kundi Tatlo. Nagtiis siya sa lahat ng pananakit at pang-alipusta sa kanya dahil mahal niya si Hendrix. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis?
View MoreNagtungo si Arabella at Khalid sa front desk. Karga-karga niya si Khalid dahil biglang itong nagreklamo na napagod daw ito sa kakatakbo para hanapin siya kanina. Wala namang problema kay Arabella kaya kinarga niya agad si Khalid.“Miss,” tawag ni Arabella sa babaeng naka-assign sa front desk.Ngumiti ang babae kay Arabella, “Yes, Ma’am. How may I help you?”“Itong bata kasi Miss, nawawala. Tinakbuhan niya raw iyong kasama niya na nagpunta dito sa mall. Baka pwede namang pa-page—”“Mommy!” Wika ni Khalid at nagsusumiksik sa leeg ni Arabella. “Shh,” Saway ni Arabella at muling tumingin sa babae. Kunot ang noo ng babae at nagdududa ang mga tingin kay Arabella, “Ma’am, kung anak niyo po ‘yan h’wag niyo naman pong ikahiya. Hindi iyong magpupunta pa kayo rito. Kung may balak kayong iwanan ang bata dito, paalala ko lang po may CCTV camer’as po sa bawat sulok ng mall. Kaya matutukoy at matutukoy pa rin kayi kapag iniwanan niyo iyang bata.”“What?” Litong-litong wika ni Arabella. “What are y
Bukas makakalabas na sa hospital si Hendrix at imbes na magbantay si Arabella sa hospital ay nilayasan niya ito matapos siyang ihatid ng family driver ng mga Leviste. Hindi maatim ni Arabella na pumirmi sa isang silid kasama si Hendrix. Naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Sisi tungkol sa kagaguhan nito. Sa tuwing tumitingin siya rito ay naninikip ang dibdib niya sa galit. Hindi na naman binubulabog ni Lara Leviste si Arabella. Kaya medyo tahimik ang buhay niya. Wala ring Abegail na nambwibwisit sa kanya. Tahimik ito at hindi na muling dumalaw pa kay Hendrix. Hinihintay na muna ni Arabella na makauwi si Hendirx sa bahay nila saka niya isasagawa ang plano niya. Sa ngayon ay mananahimik rin siya oara hindi magduda ang mag-ina. “Uy, Fae!” Bati sa kanya ni Sisi, kasalukuyan itong naglilinis sa foodcourt. Natanggap na kasi ito sa inaaplyan nitong trabaho bilang janitress. Kinawayan ni Arabella si Sisi, may hilahila itong mop. Magaan pakiramdam ni Arabella kay Sisi, mukhang maganda a
“Abegail…” May banta sa tono ng pananalita ni Hendrix na pinagtataka ni Abegail. “Drix…” Malungkot na sambit Abegail. Sila na lang dalawa ang naiwan sa silid ni Hendrix nang mag-walk out si Arabella. Ito ang unang beses na nakita ni Abegail si Hendrix makalipas ang halos isang buwan na pagkakahospital nito. Madalas kasing si Mrs. Leviste ang nagbabantay kay Hendrix kaya hindi niya ito madalaw. May binayaran pang janitres si Abegail para lang magmanman kung sino ang madalas na nagbabantay kay Hendrix. Dumalang ang pagbabantay ni Lara Leviste kay Hendrix nang maaksidente ang asawa nito. Nang malaman nga iyon ni Abegail ay natuwa siya dahil mabilis ang ganti ng karma kay Gabriel Leviste matapos siya nitong sampalin at ipahiya. Sa tingin ni Abegail ay kumakampi sa kanya ang tadhana. “I didn’t like the way you disrespected my wife,” dismayadong sambit ni Hendrix.Umawang ang labi ni Abegail sa gulat, “I-I didn’t mean it that way, Drix. Alam mong hindi ko kayang mamahiya o mang-insulto
“Bakit ngayon ka lang?” Mahinahon na bungad ni Hendrix kay Arabella nang makapasok siya sa silid. “D’yan lang sa tabi-tabi,” Walang kabuhya-buhay na sagot ni Arabella. Matapos makausap ni Arabella si Sisi ay nagpaalam ito dahil may iba pa itong interview sa pinag-applyan nito. Dahil nga naaawa rin si Arabella rito ay binigyan niya ito ng tatlong libo. Maliit mang halaga iyon pero makakatulog rin sa gastusin nito habang wala pang trabaho. Umupo si Arabella sa mahabang sofa at kinuha ang mumurahing smart phone niya. Pansin niya ang titig ni Hendrix ngunit hindi niya binigyang pansin iyon. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa naging buhay niya. At namumula pa rin ang mga mata at ilong niya dahil sa kaiiyak kanina. Siguro nga minahal niya si Hendrix kaya siya nanatili sa tabi nito kahit pa sukdulan na ang sakit na pinaparanas sa kanya nito. At siguro rin ay kailangan na kailangan niya ng pera para sa Lola Mamay niya, iyon ang pinaka tugmang rason na naisip niya. Kasi kung hin
Pinagmasdan ni Arabella na papakin ng babae ang order niyang fries at spaghetti. Maingay ang bawat pagnguya nito at sa ilang subo lang ay ubos na agad ang pagkain. Pinunasan nito ang labi nito gamit ang table napkin matapos ubusin rin ang pineapple juice na in-order ni Arabella. “Yun lang ba, order mo?” “Oo,” sagot ni Arabella. “Akala ko may iba pa,” Hilaw na ngumisi ito. “Gutom ka pa ba?” Arabella asked politely. “Medyo, pero ayos na ‘no ka ba. Nakakahiya na sa ‘yo,” Humagikgik pa ito. “Pasensya ka na, ha? Gutom talaga ako kasi naglakad lang papunta dito sa mall. Mamaya pa iyong interview ko bilang janitress.”Doon lang napansin ni Arabella ang brown envelop na nasa mesa. Nakaramdam agad ng awa si Arabella para rito. Alam niya kasi ang pakiramdam ng walang-wala. At lalong lalo na ang walang mapaghihiraman ng pera. “Dami kasing requirements, eh. Medyo malaki-laki na iyong utang ko sa requirements pa lamang. Ubos agad iyong tatlong libong hiniram ko. Kaya ayun, naglakad na lang
Umalis si Arabella sa hospital at naglakad-lakad lamang siya hanggang sa makarating siya sa pinaka malapit na mall. Wala siyang balak harapin si Hendrix lalo pa’t pinal na ang desisyon niyang hiwalayan ito. Sapat na siguro ang ilang taon na pagiging mag-asawa nilang dalawa. At panahon na upang unahin ni Arabella ang kaniyang sarili. Nagtungo siya sa ATM machine upang subukan tignan kung may laman ba ang ATM cards niya. Iyong kaniya mismo, hindi iyong binigay sa kanya ng biyenan niya.Susubukan niya ring alamin kung anong pin nito. Nang isa lang niya ang ATM card niya ay sinubukan niya agad ang birthday ng Lola Mamay niya. At tugma nga iyon!She immediately checked the balance and to her surprise may laman naman ang account niya kahit papaano. It was around Two hundreds fifty thousand pesos, kung siguro para sa mayayaman ay maliit na halaga na iyon pero para kay Arabella ay sapat na iyon para magbagong buhay.Nag-withdraw siya ng maliit na halaga upang makabili lang ng mumurahing sma
Hindi mawala-wala sa isipan ni Arabella ang huling sinabi ni Abegail sa kanya. Paulit-ulit na tumatatak sa isipan ni Arabella ang salitang kriminal. Mukha ba siyang kriminal? Oo, pumatol siya sa mga panunuya ni Abegail ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ni Arabella ang manakit ng tao lalong lalo na ang pumatay. Masyadong makasalanan iyon.Naglakad-lakad muna siya sa garden area ng hospital kung saan may mga pasyente rin doon na tumatambay. Ito ang lugar kung saan siya nakita ni Khalid. ‘Kumusta na kaya ang batang ‘yun? Namimiss ko bigla si Khalid.’ Namiss ni Arabella ang kakulitan ni Khalid at ang pagiging malambing nito sa kanya. Umupo si Maya doon sa sulok at tumunganga lang. Mas gugustuhin niya pang tumunganga sa labas kaysa tumunganga sa silid ni Hendrix at nandun ang inaanak ni Satanas na si Abegail. Humingang malalim si Arabella. Iniisip niyang mabuti kung paano siya makakapag-umpisa. Hindi naman pwedeng habang-buhay siyang umasa sa mga ito. Isa pa, nakapagpasya na
“Drix!” Awtomatikong napalingon ang mag-asawa sa pintuan. Tulak-tulak ng guard ang wheelchair ni Abegail. Napaupo agad si Arabella. Dumapo ang mata ni Arabella kay Hendrix na walang ka emo-emosyon. Habang si Abegail naman ay maluha-luha. Nilingon ni Abegail ang tauhan niya, “Bilisan mo ang pagtulak please.” Nakangiti ito pero ramdam ni Arabella ang gigil sa mga salitang binibitawan nito. Tumayo si Arabella upang bigan ng privacy ang dalawa. Baka magmukha lang siyang thirdwheel kapag nanatili pa doon. At wala siyang balak makinig sa mga palitan nila ng mga salita. At ang panghuling rason ay ayaw niyang makasama si Abegail sa iisang lugar. “Where do you think you’re going?” Dahan-dahan na napatingin si Arabella kay Hendrix. Matalim ang titig sa kanya ni Hendrix. Tinuro ni Arabella ang sarili niya, “Ako ba ang kinakausap mo?” Hendrix glared at him, “Sitdown, Wife. I can’t talk with Abegail if you’re leaving.” “Huh?” Gustong mairap ni Arabella. Mukha ba siyang nakikipagbiruan kay
Kung paguluhan lang ng buhay ang usapan. Wala na yatang mas gugulo pa sa buhay ni Arabella. Naaksidente siya tapos magigising siyang walang maalala. Tapos ang asawa rin niya ay may amnesia rin. Ano pa ang gagawin nilang mag-asawa? Kung pareho naman silang walang maalala? “Come sit beside me, Wife.” Pag-uulit pa ni Hendrix. Luming-linga si Arabella nang makitang wala na roon ang biyenan niyang babae ay mas kinabahan si Arabella. Tinuro niya ang sarili niya. “A-Ako?” Nabubulol na aniya. Hendrix forehead creased, “May iba pa ba akong asawa?”Napalunok si Arabella sa narinig. She’s thinking whether to take a step or not. Nangangapa siya kung paano ba dapat siya kumilos sa harapan ni Hendrix. Pero paano nga ba siya kumilos noon sa harapan nito? Mahinhin ba siya? Magaslaw? Maldita o ano? “Ayaw mo bang lumapit?” “Ah…” Humugot ng hininga si Arabella. “P-pwede? I mean… Kailangan ba?” Napapikit si Arabella hindi na malaman kung ano ang sasabihin. Hindi na nga niya maintindihan ang mga sa
“De Jesus, Arabella Fae. Ito ang araw na pinakahihintay mo. Laya ka na!” anunsyo ng BJMP officer.“Congrats Fae!” bati sa kanya ng mga kasamahan niya sa selda.“Salamat,” sensirong wika niya.Ang masikip at maruming seldang ito ay ang naging tahanan niya sa loob ng halos isang taon. At ang mga narito ay itinuturing na niyang kaibigan. Sa mata ng ibang tao ay marumi at nakakatakot sila dahil suot nila ang kulay kahel na kamiseta.“Baka makalimutan mo na kami, ah!” pagbibiro ni Leila sa kanya at niyakap siya.“Paano kita makakalimutan kung sa bawat pikit ko mukha mo ang nakikita ko?” biro niya pabalik.“Fae, ha! H’wag mo rin kaming kalimutan!” sigaw ni Anna na nakaupo sa ibabaw ng kamang gawa sa kahoy.Ngumiti siya at tinignan isa-isa, “Hindi ko kayo makakalimutan, pangako ‘yan.”Paano niya makakalimutan ang mga taong mas naging pamilya niya pa kaysa sa sarili niyang pamilya. Bago pa tumulo ang luha niya ay tumingala siya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na umiiyak. Sino ba naman ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments