Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

last updateHuling Na-update : 2024-11-03
By:  aeonia  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
19Mga Kabanata
337views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Simula

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan. I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko. Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell. Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal. Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Ka

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Mairisian
Recommended! 🫶
2024-08-04 18:32:26
1
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thank you author for a beautiful story
2024-07-26 21:18:14
1
19 Kabanata

Simula

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan. I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko. Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell. Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal. Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Ka
Magbasa pa

Kabanata 1

“That's just divorce papers, Iyana. Gaano ba kahirap sa 'yo ang pumirma?!” Napasinghap ako sa takot dahil sa galit at malakas na sigaw ng lalaki. Ang namumuong luha sa mga mata ko ay tuluyang kumawala habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. “M-Mahirap, Bryant. Mahirap k-kasi mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako, 'di ba?” Tumawa siya. “Hindi mo pa rin ba nakukuha hanggang ngayon? Paulit-ulit na lang, Iyana! Hindi na kita mahal!” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Nawala na, Iyana. Hindi na kita mahal.” Paulit-ulit. Diin na diin. Tila wala lang sa kaniya na sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal. Tila wala lang sa kaniya na paulit-ulit akong nadudurog sa harapan niya dahil sa mga sinasabi niya. “P-Paano?” Bakit ang bilis naman yata? Parang kahapon lang noong inaya niya akong magpakasal. Parang kahapon lang noong sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako sa harap ng altar. Anong nangyari? Bakit ang bilis? “S-Simula noong nakilala ko si Elyse . . .”
Magbasa pa

Kabanata 2

It has been years. Hindi ako nagsisising pinakawalan ko ang marangyang buhay ko sa puder ng mga Gromeo upang umuwi rito sa probinsya kung nasaan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Pagkatapos ng ilang taon na wala ako rito, hindi nagbago ang pagmamahal sa akin ng nag-iisang kapatid ko. “Kung buhay lang sila nanay at tatay hanggang ngayon, sigurado akong susugod ang mga 'yon sa magaling na Bryant na 'yon. Si tatay? Tututukan niya talaga ng itak ang lalaking 'yon!” Umiling ako sa sinabi ni Karl habang pinapalitan ng diaper ang anak kong titig na titig sa akin. Marahan kong pinisil ang pisngi ng anak ko dahil sa gigil. “Sinong pogi?” “Ako.” Napairap ako sa pagsingit ng kapatid ko. “Siyempre, ang baby Aeon ko!” Mula sa kusina, napasilip tuloy si Karl sa anak ko habang hawak-hawak ang tasa ng kape na katitimpla niya lang. Bumuntong-hininga siya. “Pogi nga ang pamangkin ko. Sayang lang Ate Iyana at hindi mo naging kamukha. Ganiyan ba ang mukha ng tatay niya?” Dahan
Magbasa pa

Kabanata 3

“K-Kailangang operahan ang anak ko dahil may namuong dugo sa utak niya pagkatapos ng aksidente . . .” Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot kay Arden ang envelope na naglalaman ng medical records ng anak ko na hindi manlang nagawang tapunan ng tingin ni Elyse kanina. “B-Baka hindi ka naniniwala—” “Where is your son?” Hindi na ako pinatapos pa na magsalita ni Arden. Agad niya akong pinasakay sa kotse niya at pinatakbo 'yon palayo sa mansyon. Bumilis ang pagpapatakbo ng lalaki pagkatapos kong ibigay ang address ng ospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang anak ko. Tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko noong mga oras na 'yon at nakahinga ako nang maluwag. Alam kong tutulungan ako ni Arden dahil sa kasunduan namin. Maooperahan na ang anak ko. “You should've told me you have a son, Iyana.” May diin at seryoso ang pagkakasabi niyon ni Arden habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho. “Hindi sana kita hinayaang umalis noon.” Bakas ang panghihinayang at pagsis
Magbasa pa

Kabanata 4

May pagkakahawig si Arden at Bryant kaya malamang ay hindi imposibleng maging kamukha rin ng anak ko si Arden. Dugong Gromeo ang nananalaytay sa anak ko. Agad akong umiling sa tanong ng kapatid ko. “Kapatid ni Bryant si Arden. Hindi siya ang ama ni Aeon.” Nalukot ang mukha ng lalaki. “Bakit siya ang tumutulong sa anak mo, Ate Iyana? Hindi ba dapat yung magaling niyang tatay? Nasaan ba ang lalaking 'yon? Bakit hindi niya manlang magawang panagutan ang anak niya?” Hindi ako agad nakapagsalita. Bakas ang galit sa boses ni Karl. Nabahala ako na baka totohanin niya talaga ang banta niya na ipapakulam niya si Bryant sa oras na malaman niya ang dahilan. Bago pa man muling makapagtanong si Karl ay maingat na bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang mga paper bag galing sa isang kilalang fast food chain. Agad kaming tumayo ni Karl. Tutulungan ko sana ang lalaki sa mga bitbit niya pero hindi niya ako hinayaan. Nakita ko kung paano tumingin si Karl kay Arden na tila s
Magbasa pa

Kabanata 5

'Yon ang oras na hindi pa ako handang harapin. 'Yon ang unang pagkakataon na nagtanong si Aeon tungkol sa kaniyang ama. I wasn't ready to answer his question. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o magsisinungaling ako at gagawa ng ibang kuwento. Bata ang anak ko, hindi ko siya mapipigilan sa pagtatanong ng mga bagay na tungkol sa kaniyang ama. Alam ko na sa paglaki niya, maghahanap at maghahanap siya ng isang ama. Ngunit, hindi ko alam kung maiintindihan niya ba kapag sinabi ko ang totoo dahil . . . napakabata niya pa. My lips parted but no words came out from my mouth. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa anak ko na tila naghihintay ng sagot mula sa akin. Pareho kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang tray na naglalaman ng pagkain, ilang prutas, at tubig. “D-Daddy!” Napalingon ako sa anak ko. Lumiwanag ang mga mata ni Aeon nang makita si Arden. My son even raised his left arm to reach for him. Pagk
Magbasa pa

Kabanata 6

Ang mga bagay na kaakibat ng pagpapakasal ko kay Arden ay hindi ko naisip noong tinanong ko siya tungkol sa alok niya sa akin dati. Ang tanging pumasok sa isip ko ay gagamitin niya ako upang makuha ang kumpanya. Hindi ko agad naisip ang malalalim na kapalit ng desisyon ko. Hindi lang ako ang bibitbit ng apilyedo niya kundi pati ang anak ko. Sampung araw ang itinagal ni Aeon sa ospital bago siya tuluyang ma-discharge. Sa loob ng sampung araw na 'yon, kasama ko si Arden sa pagbabantay. Parang wala ngang naging silbi ang pag-book niya ng hotel dahil dalawang beses lang siyang natulog doon. Sa mga sumunod na araw, sa hospital na siya natulog kasama ko. Ang dahilan ng lalaki, hindi raw siya makatulog sa hotel. Isa pa, mabilis na na-attach ang anak ko sa kaniya. Paanong hindi kung hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa anak ko na hindi niya tunay na ama si Arden. Ang dahilan? Pinigilan ako ng lalaki. “Aeon is too young for a heartbreak. Hindi rin maganda ang lagay ng bata nga
Magbasa pa

Kabanata 7

“Do you want it cash or through bank?” “Cash, hijo. Wala akong banko.” Hindi na ako nakasingit nang mag-usap sina Aling Mildred at Arden. Mukhang narinig ng lalaki ang malakas na pagsingil ng babae kanina mula sa gate. Nakaramdam ako ng hiya habang nakatayo sa tabi ni Arden at nakikinig sa kanilang usapan. Nilabas ni Arden ang wallet niya. Binuksan niya 'yon at hindi ko nabilang kung ilang cards meron ang lalaki. Bumunot siya ng isa sa mga 'yon at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya na lumapit. “There's a bank five minutes away from here. Please withdraw one hundred thousand pesos and give it to her.” Lumingon si Arden kay Aling Mildred na mukhang nagulat. Mukhang hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng halos apat na taon ay mababayaran na ang utang ko sa kaniya kasama ang pinatong niyang interes, sinobrahan pa nga ni Arden. “You may come with him, Aling Mildred.” Walang sinayang na oras si Aling Mildred. Agad siyang umalis kasama ang tauhan ni Arden. Kagat ko ang ibabang l
Magbasa pa

Kabanata 8

Bakit naman ako matutulog sa iisang kuwarto kasama si Arden? “Hindi, ah!” Ikakasal kami, oo, pero sa tingin ko ay hindi naman namin kailangang magsama sa iisang kuwarto. That would be awkward for the both of us, sigurado ako. Tumango si Arden sa akin at umiwas ng tingin. Binaling niya muli ang atensyon sa loob ng buong kuwarto. “Saan mo gusto?” “Nasaan ang mga gamit ko?” “Sa kuwarto sa tabi ng kuwarto ni Aeon.” Dali-dali akong tumayo sa kama at lumabas ng master bedroom. Nasa isang regular room ang mga gamit ko, tanda na 'yon naman talaga ang kuwartong nakalaan para sa akin kaya dapat lang na ro'n ako manatili. Agad akong pumasok doon at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Naramdaman ko ang pagsilip ni Arden sa loob ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sandali lang 'yon at agad ding umalis ang lalaki. Ilang mga damit ko lang muna ang nilabas at inayos ko. Nang dumating ang alas sais ay pinuntahan ko ang anak ko sa kuwarto niya. Hayon, abala pa rin si Aeon sa paglalaro. Bin
Magbasa pa

Kabanata 9

Wala naman akong balak umatras. Alam ko naman na kailangan ko siyang bayaran. Nakuha ko na ang gusto ko mula sa kaniya, kaya dapat makuha niya rin ang gusto niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Arden, tila wala nang balak pa ang antok na dalawin ako. Gusto ko pa siyang tanungin. Gusto ko pang makausap ang lalaki tungkol sa bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko, ngunit hindi sapat ang lakas ng loob ko noong kaharap ko pa siya kaya ako na mismo ang nagpaalam na matutulog na. Gusto niya akong maging handa emotionally and physically para sa kasal namin. Ibig sabihin ba niyon ay . . . Napapikit ako at napalunok dahil sa kaba. I shouldn't be thinking about it at this point of time. Kinabukasan, nagising ako na wala na si Arden. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko nang iwanan ko siya sa kuwarto niya. Bumaba ako at nagulat nang pagpasok ko sa kusina ay may babae nang nagluluto ro'n. Base sa hitsura ay nasa early 50's na siguro siya. Agad itong ngumiti nang makita ako
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status