Share

Kabanata 11

Ako naman ngayon ang gutom!

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Hindi kasi ako kumain kagabi para sana sabayan si Arden sa pagkain. Hindi ko naman alam na uuwi pala ang lalaki na nakakain na.

Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, sumabay na lang sana ako sa dinner namin kagabi. Kaya ko lang naman sinadyang hindi kumain ay para gumawa ng paraan upang makausap ko si Arden.

Sana pala ay hindi ko na lang ginawa!

Paggising ko ay diretso agad ako sa kusina. Masiyadong maaga ang gising ko dahil wala pa si Nanay Lina. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader sa kusina, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga.

Masiyadong maaga para magluto ako ng umagahan kaya naman sliced bread with nutella na lang muna ang kinain ko. Halos maubos ko na ang isang plastic ng tinapay nang biglang may pumasok sa kusina.

I was shocked when I saw Arden. Mukhang hindi rin inaasahan ng lalaki na makikita niya ako sa kusina nang ganito kaaga.

“Good morning, Iyana.”

“G-Good morning.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status