Share

Kabanata 10

“We cooked chicken adobo with pineapples. Meron pa sa kusina.”

“I'm too tired to eat, Iyana.”

Maging sa boses ng lalaki ay halata ang pagod. Mabibigat ang hakbang niya paakyat sa hagdan hanggang sa maabutan niya ako.

“Matutulog na ako. Matulog ka na rin, Iyana.”

Inunahan na akong umakyat ni Arden sa taas. Napailing na lang ako habang papunta sa sarili kong kuwarto. Hindi ko naman siya pipilitin kung gano'n. Sayang lang dahil gusto ko sana siyang makausap.

Kinabukasan, nagising ulit ako nang hindi na naabutan pa si Arden. Gaya kahapon ay naabutan ko ulit si Nanay Lina sa kusina.

Sa araw na 'to, ako ang nagluluto habang si Nanay Lina naman ay nag-aayos ng mga groceries na pinamili ni Tatay Rico. Noong dumating kami rito ay walang kalaman-laman ang kusina, ngunit halos dalawang araw pa lang kami rito ay punong-puno na ito.

“Maaga na ako pumunta rito pero hindi ko pa rin siya naabutan. Napanis din ang itinira nating ulam kagabi para sa kaniya. Hindi ba 'yon kumain, hija?”

Umiling ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status