“We cooked chicken adobo with pineapples. Meron pa sa kusina.” “I'm too tired to eat, Iyana.” Maging sa boses ng lalaki ay halata ang pagod. Mabibigat ang hakbang niya paakyat sa hagdan hanggang sa maabutan niya ako.“Matutulog na ako. Matulog ka na rin, Iyana.”Inunahan na akong umakyat ni Arden sa taas. Napailing na lang ako habang papunta sa sarili kong kuwarto. Hindi ko naman siya pipilitin kung gano'n. Sayang lang dahil gusto ko sana siyang makausap. Kinabukasan, nagising ulit ako nang hindi na naabutan pa si Arden. Gaya kahapon ay naabutan ko ulit si Nanay Lina sa kusina. Sa araw na 'to, ako ang nagluluto habang si Nanay Lina naman ay nag-aayos ng mga groceries na pinamili ni Tatay Rico. Noong dumating kami rito ay walang kalaman-laman ang kusina, ngunit halos dalawang araw pa lang kami rito ay punong-puno na ito. “Maaga na ako pumunta rito pero hindi ko pa rin siya naabutan. Napanis din ang itinira nating ulam kagabi para sa kaniya. Hindi ba 'yon kumain, hija?”Umiling ako
Ako naman ngayon ang gutom! Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Hindi kasi ako kumain kagabi para sana sabayan si Arden sa pagkain. Hindi ko naman alam na uuwi pala ang lalaki na nakakain na.Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, sumabay na lang sana ako sa dinner namin kagabi. Kaya ko lang naman sinadyang hindi kumain ay para gumawa ng paraan upang makausap ko si Arden.Sana pala ay hindi ko na lang ginawa!Paggising ko ay diretso agad ako sa kusina. Masiyadong maaga ang gising ko dahil wala pa si Nanay Lina. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader sa kusina, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga.Masiyadong maaga para magluto ako ng umagahan kaya naman sliced bread with nutella na lang muna ang kinain ko. Halos maubos ko na ang isang plastic ng tinapay nang biglang may pumasok sa kusina.I was shocked when I saw Arden. Mukhang hindi rin inaasahan ng lalaki na makikita niya ako sa kusina nang ganito kaaga.“Good morning, Iyana.”“G-Good morning.
“I am here to drop some documents for Arden.”Nakagat ko ang ibabang labi ko. He spoke so casual na parang kahapon lang ang huling pagkikita naming dalawa.“Wala si Arden dito, Rion.”“Can you give these to him for me instead?”Inabot ng lalaki sa akin ang isang black na folder na agad ko namang tinanggap.Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Iyana. That's all. I'll go ahead.”Sigurado akong halata na sa mga mata ko na naluluha ako. Hindi ko inakalang magkikita pa kami ulit. He was my only bestfriend.“Engineer Rion Axibal, para ka namang others!”Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko mula sa pagbagsak. Dahil doon ay bahagyang napatawa ang lalaki. Humagulgol na ako nang tuluyan na siyang lumapit sa akin upang yakapin ako.I knew it. Inaasar niya lang talaga ako! “A-Akala ko, hindi mo na ako kilala!”“Girl, I missed you.” “I missed you too!”Humiwalay kami sa yakap sa isa't isa. Rion wiped the tears on my face gently using his thumbs. “I can't belive I didn't see you for fours year
“Oh, no. Don't think about divorce, Iyana. Tingin mo ba papakawalan ka pa ni Arden?”Rion's words left me hanging in the air. Sa loob lamang ng ilang oras, ang kalmado kong isipan ay nagulo. Parang may bagyo sa loob ng utak ko at hindi ako mapakali.Umalis ang lalaki pagkatapos makuntento sa aming pag-uusap. Nangako naman siyang babalik sa tuwing wala siyang gagawin sa trabaho.It felt nice talking to him again. Masaya akong nakausap ko ulit ang nag-iisa kong kaibigan, pero ginulo niya ang utak ko!Maaga kaming nagluto ni Nanay Lina kaya maaga rin ang pagkain nila ng dinner. Dahil doon ay maaga ko ring napatulog ang anak ko. Agad din akong naligo at bumaba sa sala. It was exactly five minutes after nine o'clock pm when the door swung open. Niluwa niyon si Arden na ang mga mata ay agad akong hinanap. “Good evening.” He looked better than the first night he came from work. Mukhang hindi masiyadong pagod ngayon ang lalaki. Agad akong tumayo. “Ipapainit ko na 'yong ulam. Hinintayin ki
Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib ko nang malinaw ang mga bagay sa pagitan namin ni Arden.“Let's be casual to each other, then.”Huminto ako sa paglalakad nang marating ko na ang pinto ng kuwarto ni Aeon kung saan ako matutulog. Arden stopped walking too. Humarap ako sa lalaki at sumandal sa pinto.“Ayaw ko ng awkwardness, Arden. Masaya ako kasi gusto mong tumayong ama sa anak ko at sa mga tulong na ibinigay mo sa amin. I'm very thankful for that kaya sana, maayos din ang lahat sa pagitan nating dalawa.”Tumango si Arden. Sumandal din siya sa pader na kaharap ko.“I want you to be open to me. Sabihin mo sa akin ang mga gumugulo sa 'yo para alam ko kung ano ang gagawin ko. Don't hesitate to open up things to me.”Ngumiti ako. Dahil sa pag-uusap namin ng lalaki ngayong gabi, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.“Dapat gano'n ka rin sa akin, Arden. Sabihin mo rin sa akin ang mga naiisip mo. Let's be open about our feelings— I mean, sigurado ka ba talaga na wala kang nagugustu
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan. I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko. Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell. Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal. Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Kailan
“That's just divorce papers, Iyana. Gaano ba kahirap sa 'yo ang pumirma?!” Napasinghap ako sa takot dahil sa galit at malakas na sigaw ng lalaki. Ang namumuong luha sa mga mata ko ay tuluyang kumawala habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. “M-Mahirap, Bryant. Mahirap k-kasi mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako, 'di ba?”Tumawa siya. “Hindi mo pa rin ba nakukuha hanggang ngayon? Paulit-ulit na lang, Iyana! Hindi na kita mahal!” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Nawala na, Iyana. Hindi na kita mahal.”Paulit-ulit. Diin na diin. Tila wala lang sa kaniya na sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal. Tila wala lang sa kaniya na paulit-ulit akong nadudurog sa harapan niya dahil sa mga sinasabi niya. “P-Paano?”Bakit ang bilis naman yata? Parang kahapon lang noong inaya niya akong magpakasal. Parang kahapon lang noong sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako sa harap ng altar at sa harap ng mga taong mahahalaga sa amin.Anong nangyari? Bakit ang bilis?“S-Simu
It has been years. Hindi ako nagsisising pinakawalan ko ang marangyang buhay ko sa puder ng mga Gromeo upang umuwi rito sa probinsya kung nasaan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Pagkatapos ng ilang taon na wala ako rito, hindi nagbago ang pagmamahal sa akin ng nag-iisang kapatid ko. “Kung buhay lang sila nanay at tatay hanggang ngayon, sigurado akong susugod ang mga 'yon sa magaling na Bryant na 'yon. Si tatay? Tututukan niya talaga ng itak ang lalaking 'yon!” Umiling ako sa sinabi ni Karl habang pinapalitan ng diaper ang anak kong titig na titig sa akin. Marahan kong pinisil ang pisngi ng anak ko dahil sa gigil. “Sinong pogi?” “Ako.” Napairap ako sa pagsingit ng kapatid ko. “Siyempre, ang baby Aeon ko!” Mula sa kusina, napasilip tuloy si Karl sa anak ko habang hawak-hawak ang tasa ng kape na katitimpla niya lang. Bumuntong-hininga siya. “Pogi nga ang pamangkin ko. Sayang lang Ate Iyana at hindi mo naging kamukha. Ganiyan ba ang mukha ng tatay niya?” Dahan-dahan ak