Share

Kabanata 8

Bakit naman ako matutulog sa iisang kuwarto kasama si Arden?

“H-Hindi, ah!”

Ikakasal kami, oo, pero sa tingin ko ay hindi naman namin kailangang magsama sa iisang kuwarto. That would be awkward for the both of us, sigurado ako.

Tumango si Arden sa akin at umiwas ng tingin. Ibinaling niya ang atensyon sa loob ng buong kuwarto.

“Saan mo gusto?”

“Nasaan ang mga gamit ko?”

“Sa kuwarto sa tabi ng kuwarto ni Aeon.”

Dali-dali akong tumayo sa kama at lumabas ng master bedroom. Nasa isang regular room ang mga gamit ko, tanda na 'yon naman talaga ang kuwartong nakalaan para sa akin kaya dapat lang na ro'n ako manatili.

Agad akong pumasok doon at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Naramdaman ko ang pagsilip ni Arden sa loob ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sandali lang 'yon at agad ding umalis ang lalaki.

Ilang mga damit ko lang muna ang nilabas at inayos ko. Nang dumating ang alas sais ay pinuntahan ko ang anak ko sa kuwarto niya.

Hayon, abala pa rin si Aeon sa paglalaro. Binabawi yata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status