Share

Kabanata 7

“Do you want it cash or through bank?”

“Cash, hijo. Wala akong bangko.”

Hindi na ako nakasingit nang mag-usap sina Aling Mildred at Arden. Ang babae na rin mismo ang nagsabi sa lalaki ng tungkol sa utang ko. Nakaramdam ako ng hiya habang nakatayo sa tabi ni Arden at nakikinig sa kanilang usapan.

Nilabas ni Arden ang wallet niya. Binuksan niya 'yon at hindi ko nabilang kung ilang cards meron ang lalaki. Bumunot siya ng isa sa mga 'yon at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya na lumapit.

“There's a bank five minutes away from here. Please withdraw one hundred thousand pesos and give it to her.”

Lumingon si Arden kay Aling Mildred na mukhang nagulat. Mukhang hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng halos apat na taon ay mababayaran na ang utang ko sa kaniya kasama ang pinatong niyang interes, sinobrahan pa nga ni Arden.

“You may come with him, Aling Mildred.”

Walang sinayang na oras si Aling Mildred. Agad siyang umalis kasama ang tauhan ni Arden. Kagat ko ang ibabang labi ko habang pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status