“Do you want it cash or through bank?”“Cash, hijo. Wala akong bangko.”Hindi na ako nakasingit nang mag-usap sina Aling Mildred at Arden. Ang babae na rin mismo ang nagsabi sa lalaki ng tungkol sa utang ko. Nakaramdam ako ng hiya habang nakatayo sa tabi ni Arden at nakikinig sa kanilang usapan.Nilabas ni Arden ang wallet niya. Binuksan niya 'yon at hindi ko nabilang kung ilang cards meron ang lalaki. Bumunot siya ng isa sa mga 'yon at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya na lumapit.“There's a bank five minutes away from here. Please withdraw one hundred thousand pesos and give it to her.”Lumingon si Arden kay Aling Mildred na mukhang nagulat. Mukhang hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng halos apat na taon ay mababayaran na ang utang ko sa kaniya kasama ang pinatong niyang interes, sinobrahan pa nga ni Arden. “You may come with him, Aling Mildred.” Walang sinayang na oras si Aling Mildred. Agad siyang umalis kasama ang tauhan ni Arden. Kagat ko ang ibabang labi ko habang pin
Bakit naman ako matutulog sa iisang kuwarto kasama si Arden?“H-Hindi, ah!”Ikakasal kami, oo, pero sa tingin ko ay hindi naman namin kailangang magsama sa iisang kuwarto. That would be awkward for the both of us, sigurado ako.Tumango si Arden sa akin at umiwas ng tingin. Ibinaling niya ang atensyon sa loob ng buong kuwarto. “Saan mo gusto?” “Nasaan ang mga gamit ko?” “Sa kuwarto sa tabi ng kuwarto ni Aeon.” Dali-dali akong tumayo sa kama at lumabas ng master bedroom. Nasa isang regular room ang mga gamit ko, tanda na 'yon naman talaga ang kuwartong nakalaan para sa akin kaya dapat lang na ro'n ako manatili. Agad akong pumasok doon at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Naramdaman ko ang pagsilip ni Arden sa loob ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sandali lang 'yon at agad ding umalis ang lalaki.Ilang mga damit ko lang muna ang nilabas at inayos ko. Nang dumating ang alas sais ay pinuntahan ko ang anak ko sa kuwarto niya.Hayon, abala pa rin si Aeon sa paglalaro. Binabawi yata
Wala naman akong balak umatras. Alam ko naman na kailangan ko siyang bayaran. Nakuha ko na ang gusto ko mula sa kaniya, kaya dapat makuha niya rin ang gusto niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Arden, tila wala nang balak pa ang antok na dalawin ako. Gusto ko pa siyang tanungin. Gusto ko pang makausap si Arden tungkol sa bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko, ngunit hindi sapat ang lakas ng loob ko noong kaharap ko pa ang lalaki kaya ako na mismo ang nagpaalam na matutulog na. Gusto niya akong maging handa emotionally . . . and physically, para sa kasal namin. Ibig sabihin ba niyon ay . . . Napapikit ako at napalunok dahil sa kaba. I shouldn't be thinking about it at this point of time. Kinabukasan, nagising ako na wala na si Arden. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko nang iwanan ko siya sa kuwarto niya. Bumaba ako at nagulat nang pagpasok ko sa kusina ay may babae nang nagluluto ro'n. Base sa hitsura ay nasa early 50's na siguro siya. Agad itong ngumiti nang makita
“We cooked chicken adobo with pineapples. Meron pa sa kusina.” “I'm too tired to eat, Iyana.” Maging sa boses ng lalaki ay halata ang pagod. Mabibigat ang hakbang niya paakyat sa hagdan hanggang sa maabutan niya ako.“Matutulog na ako. Matulog ka na rin, Iyana.”Inunahan na akong umakyat ni Arden sa taas. Napailing na lang ako habang papunta sa sarili kong kuwarto. Hindi ko naman siya pipilitin kung gano'n. Sayang lang dahil gusto ko sana siyang makausap. Kinabukasan, nagising ulit ako nang hindi na naabutan pa si Arden. Gaya kahapon ay naabutan ko ulit si Nanay Lina sa kusina. Sa araw na 'to, ako ang nagluluto habang si Nanay Lina naman ay nag-aayos ng mga groceries na pinamili ni Tatay Rico. Noong dumating kami rito ay walang kalaman-laman ang kusina, ngunit halos dalawang araw pa lang kami rito ay punong-puno na ito. “Maaga na ako pumunta rito pero hindi ko pa rin siya naabutan. Napanis din ang itinira nating ulam kagabi para sa kaniya. Hindi ba 'yon kumain, hija?”Umiling ako
Ako naman ngayon ang gutom! Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Hindi kasi ako kumain kagabi para sana sabayan si Arden sa pagkain. Hindi ko naman alam na uuwi pala ang lalaki na nakakain na.Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, sumabay na lang sana ako sa dinner namin kagabi. Kaya ko lang naman sinadyang hindi kumain ay para gumawa ng paraan upang makausap ko si Arden.Sana pala ay hindi ko na lang ginawa!Paggising ko ay diretso agad ako sa kusina. Masiyadong maaga ang gising ko dahil wala pa si Nanay Lina. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader sa kusina, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga.Masiyadong maaga para magluto ako ng umagahan kaya naman sliced bread with nutella na lang muna ang kinain ko. Halos maubos ko na ang isang plastic ng tinapay nang biglang may pumasok sa kusina.I was shocked when I saw Arden. Mukhang hindi rin inaasahan ng lalaki na makikita niya ako sa kusina nang ganito kaaga.“Good morning, Iyana.”“G-Good morning.
“I am here to drop some documents for Arden.”Nakagat ko ang ibabang labi ko. He spoke so casual na parang kahapon lang ang huling pagkikita naming dalawa.“Wala si Arden dito, Rion.”“Can you give these to him for me instead?”Inabot ng lalaki sa akin ang isang black na folder na agad ko namang tinanggap.Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Iyana. That's all. I'll go ahead.”Sigurado akong halata na sa mga mata ko na naluluha ako. Hindi ko inakalang magkikita pa kami ulit. He was my only bestfriend.“Engineer Rion Axibal, para ka namang others!”Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko mula sa pagbagsak. Dahil doon ay bahagyang napatawa ang lalaki. Humagulgol na ako nang tuluyan na siyang lumapit sa akin upang yakapin ako.I knew it. Inaasar niya lang talaga ako! “A-Akala ko, hindi mo na ako kilala!”“Girl, I missed you.” “I missed you too!”Humiwalay kami sa yakap sa isa't isa. Rion wiped the tears on my face gently using his thumbs. “I can't belive I didn't see you for fours year
“Oh, no. Don't think about divorce, Iyana. Tingin mo ba papakawalan ka pa ni Arden?”Rion's words left me hanging in the air. Sa loob lamang ng ilang oras, ang kalmado kong isipan ay nagulo. Parang may bagyo sa loob ng utak ko at hindi ako mapakali.Umalis ang lalaki pagkatapos makuntento sa aming pag-uusap. Nangako naman siyang babalik sa tuwing wala siyang gagawin sa trabaho.It felt nice talking to him again. Masaya akong nakausap ko ulit ang nag-iisa kong kaibigan, pero ginulo niya ang utak ko!Maaga kaming nagluto ni Nanay Lina kaya maaga rin ang pagkain nila ng dinner. Dahil doon ay maaga ko ring napatulog ang anak ko. Agad din akong naligo at bumaba sa sala. It was exactly five minutes after nine o'clock pm when the door swung open. Niluwa niyon si Arden na ang mga mata ay agad akong hinanap. “Good evening.” He looked better than the first night he came from work. Mukhang hindi masiyadong pagod ngayon ang lalaki. Agad akong tumayo. “Ipapainit ko na 'yong ulam. Hinintayin ki
Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib ko nang malinaw ang mga bagay sa pagitan namin ni Arden.“Let's be casual to each other, then.”Huminto ako sa paglalakad nang marating ko na ang pinto ng kuwarto ni Aeon kung saan ako matutulog. Arden stopped walking too. Humarap ako sa lalaki at sumandal sa pinto.“Ayaw ko ng awkwardness, Arden. Masaya ako kasi gusto mong tumayong ama sa anak ko at sa mga tulong na ibinigay mo sa amin. I'm very thankful for that kaya sana, maayos din ang lahat sa pagitan nating dalawa.”Tumango si Arden. Sumandal din siya sa pader na kaharap ko.“I want you to be open to me. Sabihin mo sa akin ang mga gumugulo sa 'yo para alam ko kung ano ang gagawin ko. Don't hesitate to open up things to me.”Ngumiti ako. Dahil sa pag-uusap namin ng lalaki ngayong gabi, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.“Dapat gano'n ka rin sa akin, Arden. Sabihin mo rin sa akin ang mga naiisip mo. Let's be open about our feelings— I mean, sigurado ka ba talaga na wala kang nagugustu