“Oh, no. Don't think about divorce, Iyana. Tingin mo ba papakawalan ka pa ni Arden?”Rion's words left me hanging in the air. Sa loob lamang ng ilang oras, ang kalmado kong isipan ay nagulo. Parang may bagyo sa loob ng utak ko at hindi ako mapakali.Umalis ang lalaki pagkatapos makuntento sa aming pag-uusap. Nangako naman siyang babalik sa tuwing wala siyang gagawin sa trabaho.It felt nice talking to him again. Masaya akong nakausap ko ulit ang nag-iisa kong kaibigan, pero ginulo niya ang utak ko!Maaga kaming nagluto ni Nanay Lina kaya maaga rin ang pagkain nila ng dinner. Dahil doon ay maaga ko ring napatulog ang anak ko. Agad din akong naligo at bumaba sa sala. It was exactly five minutes after nine o'clock pm when the door swung open. Niluwa niyon si Arden na ang mga mata ay agad akong hinanap. “Good evening.” He looked better than the first night he came from work. Mukhang hindi masiyadong pagod ngayon ang lalaki. Agad akong tumayo. “Ipapainit ko na 'yong ulam. Hinintayin ki
Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib ko nang malinaw ang mga bagay sa pagitan namin ni Arden.“Let's be casual to each other, then.”Huminto ako sa paglalakad nang marating ko na ang pinto ng kuwarto ni Aeon kung saan ako matutulog. Arden stopped walking too. Humarap ako sa lalaki at sumandal sa pinto.“Ayaw ko ng awkwardness, Arden. Masaya ako kasi gusto mong tumayong ama sa anak ko at sa mga tulong na ibinigay mo sa amin. I'm very thankful for that kaya sana, maayos din ang lahat sa pagitan nating dalawa.”Tumango si Arden. Sumandal din siya sa pader na kaharap ko.“I want you to be open to me. Sabihin mo sa akin ang mga gumugulo sa 'yo para alam ko kung ano ang gagawin ko. Don't hesitate to open up things to me.”Ngumiti ako. Dahil sa pag-uusap namin ng lalaki ngayong gabi, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.“Dapat gano'n ka rin sa akin, Arden. Sabihin mo rin sa akin ang mga naiisip mo. Let's be open about our feelings— I mean, sigurado ka ba talaga na wala kang nagugustu
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan. I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko. Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell. Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal. Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Kailan
“That's just divorce papers, Iyana. Gaano ba kahirap sa 'yo ang pumirma?!” Napasinghap ako sa takot dahil sa galit at malakas na sigaw ng lalaki. Ang namumuong luha sa mga mata ko ay tuluyang kumawala habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. “M-Mahirap, Bryant. Mahirap k-kasi mahal kita. Sabi mo, mahal mo rin ako, 'di ba?”Tumawa siya. “Hindi mo pa rin ba nakukuha hanggang ngayon? Paulit-ulit na lang, Iyana! Hindi na kita mahal!” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Nawala na, Iyana. Hindi na kita mahal.”Paulit-ulit. Diin na diin. Tila wala lang sa kaniya na sabihin sa akin na hindi na niya ako mahal. Tila wala lang sa kaniya na paulit-ulit akong nadudurog sa harapan niya dahil sa mga sinasabi niya. “P-Paano?”Bakit ang bilis naman yata? Parang kahapon lang noong inaya niya akong magpakasal. Parang kahapon lang noong sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako sa harap ng altar at sa harap ng mga taong mahahalaga sa amin.Anong nangyari? Bakit ang bilis?“S-Simu
It has been years. Hindi ako nagsisising pinakawalan ko ang marangyang buhay ko sa puder ng mga Gromeo upang umuwi rito sa probinsya kung nasaan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Pagkatapos ng ilang taon na wala ako rito, hindi nagbago ang pagmamahal sa akin ng nag-iisang kapatid ko. “Kung buhay lang sila nanay at tatay hanggang ngayon, sigurado akong susugod ang mga 'yon sa magaling na Bryant na 'yon. Si tatay? Tututukan niya talaga ng itak ang lalaking 'yon!” Umiling ako sa sinabi ni Karl habang pinapalitan ng diaper ang anak kong titig na titig sa akin. Marahan kong pinisil ang pisngi ng anak ko dahil sa gigil. “Sinong pogi?” “Ako.” Napairap ako sa pagsingit ng kapatid ko. “Siyempre, ang baby Aeon ko!” Mula sa kusina, napasilip tuloy si Karl sa anak ko habang hawak-hawak ang tasa ng kape na katitimpla niya lang. Bumuntong-hininga siya. “Pogi nga ang pamangkin ko. Sayang lang Ate Iyana at hindi mo naging kamukha. Ganiyan ba ang mukha ng tatay niya?” Dahan-dahan ak
“K-Kailangang operahan ang anak ko dahil may namuong dugo sa utak niya pagkatapos ng aksidente . . .”Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot kay Arden ang envelope na naglalaman ng medical records ng anak ko na hindi manlang nagawang tapunan ng tingin ni Bryant kanina. “B-Baka hindi ka naniniwala—”“W-Where is your son?”Hindi na ako pinatapos pa na magsalita ni Arden. Agad niya akong pinasakay sa kotse niya at pinatakbo 'yon palayo sa mansyon. Bumilis ang pagpapatakbo ng lalaki pagkatapos kong ibigay ang address ng ospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang anak ko.Tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko noong mga oras na 'yon at nakahinga ako nang maluwag. Alam kong tutulungan ako ni Arden dahil sa kasunduan namin. Maooperahan na ang anak ko. “You should've told me you have a son, Iyana.” May diin at seryoso ang pagkakasabi niyon ni Arden habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho. “Hindi sana kita hinayaang umalis na lang basta-basta noon.” Bakas ang panghihina
May pagkakahawig si Arden at Bryant kaya malamang ay hindi imposibleng maging kamukha rin ng anak ko si Arden. Dugong Gromeo ang nananalaytay sa anak ko. Agad akong umiling sa tanong ng kapatid ko. “Si Arden ay kapatid ni Bryant, Karl. Hindi siya ang ama ni Aeon.”Nalukot ang mukha ng lalaki. “Bakit siya ang tumutulong sa anak mo, Ate Iyana? Hindi ba dapat yung magaling niyang tatay? Nasaan ba ang lalaking 'yon? Bakit hindi niya manlang magawang panagutan ang anak niya?” Hindi ako agad nakapagsalita. Bakas ang galit sa boses ni Karl. Nabahala ako na baka totohanin niya talaga ang banta niya na ipapakulam niya si Bryant sa oras na malaman niya ang dahilan. Bago pa man muling makapagtanong si Karl ay dahan-dahang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang mga paper bag galing sa isang kilalang fast food chain. Agad kaming tumayo ni Karl. Tutulungan ko sana ang lalaki sa mga bitbit niya pero hindi niya ako hinayaan. Nakita ko kung paano tumingin si Karl kay Arden na
'Yon ang oras na hindi pa ako handang harapin. 'Yon ang unang pagkakataon na nagtanong si Aeon tungkol sa kaniyang ama. I wasn't ready to answer his question. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o magsisinungaling ako at gagawa ng ibang kuwento.Bata pa ang anak ko, hindi ko siya mapipigilan sa pagtatanong ng mga bagay na tungkol sa kaniyang ama. Alam ko na sa paglaki niya, maghahanap at maghahanap siya ng isang ama. Ngunit, hindi ko alam kung maiintindihan niya ba kapag sinabi ko ang totoo dahil . . . napakabata niya pa.My lips parted but no words came out from my mouth. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa anak ko na tila naghihintay ng sagot mula sa akin.Pareho kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang tray na naglalaman ng pagkain, ilang prutas, at tubig.“D-Daddy!” Napalingon ako sa anak ko. Lumiwanag ang mga mata ni Aeon nang makita si Arden. My son even raised his left arm to reach for him. Pagka