Share

Make Me Your Wife
Make Me Your Wife
Author: aeonia

Simula

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan.

I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko.

Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell.

Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal.

Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell.

Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Kailangan ko ang tulong nila para iligtas ang anak ko.

Kailangan ko ang pera nila.

"M-Ma'am Iyana? Kayo po ba 'yan?” Tila hindi makapaniwala ang lalaki na nasa harap niya ako ngayon. “Naku, pasensya na po at galing po ako sa likod ng mansyon. Kalalabas ko lang po kaya ngayon ko lang po kayo napagbuksan.”

Binuksan ni Kuya Fidel ang maliit na pinto na bahagi ng gate. Isa siya sa mga guard dito sa mansyon ng mga Gromeo.

Maluha-luha akong tumingin sa kaniya. “P-Puwede po ba akong pumasok? N-Nandiyan po ba si Bryant?”

Agad binuksan ni Kuya Fidel ang gate. “Papapasukin kita, Ma'am Iyana, dahil dati ka rin namang nakatira rito. Pero Ma'am . . .”

Kung kailan nakapasok na ako sa loob ay saka naman nanghina ang mga tuhod ko sa kaba at pag-aalala.

“K-Kuya, kailangan ko siyang makausap. I-Importante lang po. Puwede mo ba akong dalhin sa kaniya?”

Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Kuya Fidel. “Hindi po ako sigurado kung nandito pa si Sir Bryant ngayon sa mansyon, Ma'am Iyana. P-Pero, puwede po kitang dalhin kay Ma'am E-Elyse.”

Si Elyse, ang kasalukuyang asawa ni Bryant.

Napalunok ako. Matutulungan naman siguro niya ako? Naging mabait naman sa akin ang babae sa huli naming pagkikita. Wala naman kaming naging problema noon.

Desperado akong tumango kay Kuya Fidel. “D-Dalhin mo ako sa kaniya, kuya.”

Labis ang panginginig ng mga kamay at binti ko habang papalapit kami sa matayog na pinto ng mansyon. Walang pinagbago. Gano'n pa rin kaganda ang lugar na 'to.

Kung dati ay masaya ako rito, ngayon ay puro lungkot at masasakit na alaala na lamang ang nakikita ko sa lugar na 'to.

Pagpasok ko ng mansyon ay bumungad agad sa akin ang isang eleganteng babae na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa. Agad na tumaas ang isang kilay niya nang makita ako.

“E-Elyse . . .”

She stood up. Nakataas ang gilid ng kaniyang mga labi habang naglalakad papalapit sa akin.

“Iyana, long time no see.”

Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Judgement was visible in her eyes but I had no time to deal with that anymore.

“E-Elyse, nandiyan ba si Bryant? Puwede ko ba siyang makausap? K-Kahit saglit lang.”

Bumuntong-hininga ang babae. “I'm afraid not. My husband is busy. Maybe you can come back next time?”

Napalunok ako at umiling. “E-Elyse, pakiusap. Importante ang sasabihin ko. P-Puwede mo ba siyang tawagan?”

Kumunot ang noo ng babae sa akin. “Why would I disturb my husband in the middle of a meeting for you?”

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

“N-Naaksidente ang anak namin— ang anak ni Bryant. E-Elyse, pakiusap. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ang tulong ng tatay ng anak ko.”

Her lips parted in shock. Hindi makapaniwala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin hanggang sa bigla na lang siyang tumawa.

“Nahihibang ka na ba? Paano kayo nagkaroon ng anak ng asawa ko?”

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Walang nakakaalam na buntis ako bago ako umalis dito sa mansyon ng mga Gromeo noon. Dala-dala ko na ang anak namin ni Bryant noong pinilit niya akong pirmahan ang divorce papers sa kadahilanang hindi na raw niya ako mahal.

Hiniwalayan niya ako dahil kay Elyse.

“P-Pakiusap, Elyse. Tulungan mo ako. K-Kahit ito na lang. Pakiusap, hayaan mo akong makausap si Bryant.”

Mariing umiling ang babae bago lumingon sa likod ko. “Guard, please, get her out of here. Naghahanap lang ng gulo ang babaeng 'yan.”

“Elyse, nagmamakaawa ako sa 'yo. K-Kailangan ko lang talagang makausap si Bryant.”

“Are you even sure that my husband is the father of your child? Bryant made it clear to me bago kami ikinasal. Sinigurado niya sa akin na wala siyang anak sa 'yo.”

Nandidiri ang tingin sa akin ni Elyse nang tuluyan na akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. Tinanguan niya si Kuya Fidel na marahang hinawakan ang mga braso ko upang itayo ako mula sa pagkakaluhod.

“P-Pakiusap, Elyse! Kailangan ng anak ko ang tulong ng ama niya!”

“Bryant and I are happy with our marriage. Tapos na siya sa 'yo, Iyana. Walang anak sa 'yo ang asawa ko.”

Umiling ako. “H-Hindi! H-Hindi niya alam! Hindi alam ni Bryant!”

“Huwag mo na kami guluhin, Iyana.”

“E-Elyse, pakiusap! Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko!”

Iritable siyang tumingin sa likod ko. “Guard, please. I don't want to be stressed.”

Muli akong nagmakaawa, sinubukan ko na muling lumuhod sa harapan niya ngunit ang tanging ginawa ni Elyse ay talikuran ako.

Tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Namanhid ang buong sistema ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakatayo sa labas ng gate kung nasaan ako kanina.

Bakas ang awa sa mga mata ni Kuya Fidel bago niya ako tuluyang pagsarahan ng gate.

“P-Pasensya na po, Ma'am Iyana.”

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Gromeo. Ginawa ko na ang huling bagay na naiisip kong gawin upang matulungan ang anak ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako maaaring pumunta upang humingi ng tulong.

Itinaya ko ang maliit na perang natitira sa akin upang lumuwas para rito.

Paano na ngayon? Hindi ako puwedeng magtagal dahil kailangan na ako ng anak ko.

Kailangan niyang operahan sa utak dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Ngunit bago 'yon, kailangan ng pera.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Naging pabayang ina ako. Mas inuuna ko ang trabaho kaysa sa anak ko. Pero, anong magagawa ko? Kung hindi ako kakayod, hindi ko rin siya mabubuhay.

Bakit ba lahat na lang yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko?

Napasinghap ako nang may marinig na malakas na busina mula sa likod ko. Walang lakas akong lumingon doon at nakita ang lalaking hindi nalalayo ang hitsura kay Bryant.

“Iyana . . .”

He eyed me from head to toe. Hindi katulad ni Elyse ay walang pandidiri na mababakas sa mga mata niya.

“Arden . . .”

Hindi ko alam kung bakit nagsimulang lumakas ang hagulgol ko ngayong nasa harap ko na ang lalaki.

He looked . . . worried for me.

“What happened to you?”

Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi niya sa akin noon. Muli akong nakaramdam ng pag-asa.

“I-Is your offer still available?”

Sumeryoso ang mukha ng lalaki.

Nanghihina akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. “K-Kailangan ko ng tulong, Arden. Kailangan ko ng pera. Pakiusap, t-tulungan mo ako.”

Umigting ang panga ng lalaki. Buong ingat niya akong itinayo mula sa pagkakaluhod bago tumingin nang diretso sa mga mata ko.

“My offer is still available, Iyana. What do you want me to do?”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “M-Make me your wife. Make me your wife for you to get the company from Bryant. I-In exchange, save my son, Arden. P-Please, tulungan mo akong iligtas ang anak ko.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status