Share

Kabanata 3

“K-Kailangang operahan ang anak ko dahil may namuong dugo sa utak niya pagkatapos ng aksidente . . .”

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot kay Arden ang envelope na naglalaman ng medical records ng anak ko na hindi manlang nagawang tapunan ng tingin ni Bryant kanina.

“B-Baka hindi ka naniniwala—”

“W-Where is your son?”

Hindi na ako pinatapos pa na magsalita ni Arden. Agad niya akong pinasakay sa kotse niya at pinatakbo 'yon palayo sa mansyon. Bumilis ang pagpapatakbo ng lalaki pagkatapos kong ibigay ang address ng ospital kung saan kasalukuyang naka-confine ang anak ko.

Tila nabawasan ang bigat na nararamdaman ko noong mga oras na 'yon at nakahinga ako nang maluwag. Alam kong tutulungan ako ni Arden dahil sa kasunduan namin.

Maooperahan na ang anak ko.

“You should've told me you have a son, Iyana.”

May diin at seryoso ang pagkakasabi niyon ni Arden habang nasa daan ang tingin at nagmamaneho.

“Hindi sana kita hinayaang umalis na lang basta-basta noon.”

Bakas ang panghihinayang at pagsisisi sa boses ng lalaki.

“S-Sinadya ko 'yon dahil . . . ang akala ko ay hindi na ako babalik dito.”

Napailing si Arden.

“Fuck. If only I knew . . .”

Anim na oras ang inabot ng biyahe ko papunta sa mansyon ng mga Gromeo. Ngunit dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Arden at ibang route ang dinaanan niya, mahigit isang oras lang at nakarating agad kami sa ospital kung nasaan ang anak ko.

Naging mabilis ang pangyayari.

I don't know how Arden managed to move my son into a private hospital at the same day. Siya na rin ang nagbayad ng bill sa ospital kung saan galing ang anak ko. Walang nasayang na oras at agad naoperahan si Aeon pagkalipat na pagkalipat sa bagong ospital.

“Hush now, Iyana. Your son will be fine. Sinigurado ko na mga magagaling na doktor ang mag-oopera sa kaniya.”

Hindi ko na napigilang yakapin si Arden dahil sa tuwang nararamdaman ko. “Maraming salamat, Arden. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagtulong mo sa anak ko. Hindi ko kakayanin ang mangyayari sa anak ko kung wala ka . . .”

Wala akong ibang inisip kundi ang anak ko. Wala akong ibang pinagdasal kundi maging matagumpay ang operasyon ni Aeon. Mula sa ilang oras na paghagulgol ko sa loob ng chapel ng ospital hanggang sa paghihintay ko sa labas ng operating room habang inooperahan ang anak ko, hindi ako hinayaang mag-isa ni Arden.

“Maraming salamat talaga, Arden. Huwag kang mag-alala, I'll do my part on our deal. Iyon lang ang magagawa ko upang suklian ang pagtulong mo sa anak ko.”

Nakapikit ang lalaki habang nakaupo sa tabi ko at nakasandal ang ulo sa pader na nasa likod namin.

“Don't think about it for now, Iyana.”

Ilang oras ang nakalipas at natupad ang panalangin ko. Halos bitayin na ako sa kaba nang makita ang pagbukas ng pinto at ang paglabas ng mga doktor mula sa operating room.

“The operation went successful. Hihintayin na lang magising ang bata.”

Muli akong napahagulgol, pero sa pagkakataong ito, dahil na sa hindi matutumbasang saya na nararamdaman ko.

Ligtas na ang anak ko.

Nilipat si Aeon sa isang private room mula sa operating room. Noong puwede na ay agad akong pumasok sa kuwarto ng anak ko kasama si Arden. I couldn't stop crying when I saw his situation. May mga nakakabit pa rin sa kaniya na mga medical apparatus pero nabawasan na.

“B-Bakit ang anak ko pa? Sana ako na lang.”

Ako na lang sana ang naaksidente.

I could feel Arden's deep breathing behind me. Titig na titig siya kay Aeon.

“How old is he?”

His voice was hoarse. Umupo siya sa tabi ko habang hindi inaalis ang mga mata sa anak ko.

“T-Turning four next month.”

“Can you tell me what exactly happened to him?”

Nilahad ko kay Arden ang nangyaring aksidente sa anak ko gaya ng sinabi sa akin ni Karl. I saw how his fists clenched while seriously listening on what I was saying.

“Una sa lahat, hindi dapat nila pinalabas ang isang preschooler dahil wala pa siyang sundo.”

Humikbi ako. “S-Si Karl sana ang susundo sa kaniya. H-Hindi ko siya nasundo noon dahil may trabaho ako. K-Kasalanan ko . . . m-mas inuna ko ang pera kaysa sa anak ko.”

“Stop blaming yourself, Iyana. Hindi mo kasalanan ang nangyari.” Ramdam ko ang paghagod ng mainit na palad ni Arden sa likod ko. “Can you tell me the name of the school? And also, nahabol ba yung kotseng nakabangga?”

Umiling ako. “Hindi raw huminto. Hindi manlang daw hinintuan ang mga nabangga. Sobrang bilis daw ng patakbo kaya hindi na rin nahabol.”

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang pangalan ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang anak ko, tumayo mula sa tabi ko si Arden. “Dito ka lang. I'll just make some phone calls. Bibili na rin ako ng pagkain. Anong gusto mong kainin?”

“Kahit ano, Arden. Maraming salamat talaga.”

Tumango siya. “Wait for me here.”

Hinayaan ko siyang umalis at muli kong binaling ang atensyon ko sa anak ko. Buong pag-iingat kong inabot ang kamay niya upang halikan nang paulit-ulit.

“G-Gising ka na, anak ko. Nandito lang si Mommy . . .”

Kalahating oras mula noong umalis si Arden ay dumating si Karl. “Ate, kumusta? Okay na ba ang poging pamangkin ko?”

Niyakap ako ni Karl na agad kong sinuklian. Isa ang yakap sa mga kailangan ko ngayon. Si Karl, gagawin niya ang lahat upang tulungan kami ng anak ko. Mula noong nalaman niya na buntis ako pag-uwi ko hanggang sa panganganak ko, hindi niya ako pinabayaan. Kasama ko rin siya sa pagpapalaki kay Aeon.

Akala ng lahat, patay na ang anak ko pagkatapos ng aksidente. Pero si Karl? Nang makita niya si Aeon ay agad niyang tinakbo si Aeon sa ospital. Hindi makakaligtas ang anak ko kung hindi rin dahil sa kapatid ko.

“Hinihintay na lang magising si Aeon, Karl.”

Nilingon niya si Aeon kasabay ng pagpapakawala ng isang malalim na hininga. “Salamat sa Diyos.” Inabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya. “Kumain ka na ba, ate?”

Umiling ako bilang sagot. Napakamot naman siya bigla sa ulo. “Kanin lang ang dala ko, ate. Sandali at bibili ako ng ulam sa—”

“Hindi na, Karl. Bumaba na si Arden para bumili. Magpahinga ka na lang muna rito.”

Umupo ang kapatid ko sa tabi ko. Lumipas ang ilang minuto at katahimikan ang namagitan sa amin. Ramdam ko na hindi mapakali si Karl sa tabi ko at lingon nang lingon sa akin na tila may nais sabihin.

Bumuntong-hininga ako. “Ano 'yon, Karl?”

Alanganin siyang ngumiti sa akin. “K-Kamukha ni Aeon yung lalaki, Ate Iyana. Siya ba ang tatay ng anak mo?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status