May pagkakahawig si Arden at Bryant kaya malamang ay hindi imposibleng maging kamukha rin ng anak ko si Arden. Dugong Gromeo ang nananalaytay sa anak ko.
Agad akong umiling sa tanong ng kapatid ko. “Kapatid ni Bryant si Arden. Hindi siya ang ama ni Aeon.” Nalukot ang mukha ng lalaki. “Bakit siya ang tumutulong sa anak mo, Ate Iyana? Hindi ba dapat yung magaling niyang tatay? Nasaan ba ang lalaking 'yon? Bakit hindi niya manlang magawang panagutan ang anak niya?” Hindi ako agad nakapagsalita. Bakas ang galit sa boses ni Karl. Nabahala ako na baka totohanin niya talaga ang banta niya na ipapakulam niya si Bryant sa oras na malaman niya ang dahilan. Bago pa man muling makapagtanong si Karl ay maingat na bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang mga paper bag galing sa isang kilalang fast food chain. Agad kaming tumayo ni Karl. Tutulungan ko sana ang lalaki sa mga bitbit niya pero hindi niya ako hinayaan. Nakita ko kung paano tumingin si Karl kay Arden na tila sinusuri niya ang buong pagkatao ng lalaki. “Arden . . .” Kinuha ko ang atensyon ng lalaki. Nagtama ang mga mata namin nang itaas ko ang tingin ko sa kaniya. Nakatingin na pala sa akin si Arden. “Kapatid ko nga pala, si Karl. Nakita mo na siya, doon sa ospital na pinanggalingan ni Aeon.” Ibinaba muna ni Arden ang mga dala sa lamesa bago binigyan ng maliit na ngiti ang kapatid ko. Arden rarely smile when meeting someone new, kaya malaking bagay na 'yon. Naglahad pa nga ng kamay ang lalaki kay Karl. “I'm Arden.” Agad tinanggap ng kapatid ko ang kamay ni Arden. Nakipag-kamay siya at bahagya ring ngumiti sa lalaki. “Nice meeting you po, Sir Arden—” “Just my name, Karl. If it pleases you.” Awkward na tumawa ang kapatid ko. “Pasensya na, Arden. Maraming salamat pala sa pagtulong sa kapatid ko at sa pamangkin ko. Dahil sa 'yo, ligtas na si Aeon.” Isang tango ang binigay ni Arden sa kapatid ko. “I'll continue helping as long as I can.” Hindi ako sigurado kung sasabihin ko pa kay Karl ang naging kasunduan namin ni Arden. Kaya lang naman niya tinulungan ang anak ko kapalit ng pagpapakasal ko sa kaniya para makuha niya ang kumpanya mula kay Bryant. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Karl kapag nalaman niya na muli akong magpapakasal sa isang Gromeo. Nag-aalangan akong sabihin sa kaniya dahil . . . baka hindi siya umayon. Pinagsaluhan naming tatlo ang mga pagkain na binili ni Arden. Madami na 'yon para sa amin. Noong una ay nahiya pa si Karl nang sabihan siya ni Arden na kumain kasama kami. Pero dahil alam kong nagsinungaling lamang siya noong sinabi niya na kumain na siya, ako na mismo ang nagbigay ng pagkain sa kaniya. Dahil sa sobrang gutom ko ay nakain ko pa nga ang kanin na dala niya. Ilang oras kong pinigilan ang sarili ko na kumain dahil gusto ko na ako ang sasalubong sa doktor pagkatapos ng operasyon ng anak ko. Dahil doon, ilang beses ko ring tinanggihan si Arden sa tuwing aalukin niya ako ng pagkain. Nagmatigas talaga ako. Ang ending, ilang oras din na hindi kumain ang lalaki dahil sinamahan niya talaga ako. Hindi niya ako iniwan. Pagkatapos kumain, ilang oras kaming naghintay, ngunit hindi pa rin nagising ang anak ko. Ang sabi ng doktor, normal lang daw 'yon. Ilang oras talaga ang aabutin bago magising ang anak ko mula sa operasyon. Nasa tabi lang ako ni Aeon hanggang sa dumating ang oras ng pag-alis ni Karl dahil lumalalim na rin ang gabi. “Hindi ka ba muna uuwi, Ate Iyana?” Agad akong umiling. “Gusto kong nandito ako paggising ng anak ko, Karl.” Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi ka ba kukuha ng damit mo? Ilang araw ka ring mananatili rito.” Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng bahay. “Kuhanan mo na lang ako ng damit.” Nanatiling nakapatong ang ulo ko sa kama ng anak ko habang hawak-hawak ang kamay niya. Hindi naman umalma si Karl at kinuha ang susi mula sa nakalahad na kamay ko. “Sige, Ate Iyana. Magpapatulong na lang ako kay Shiela. Pupunta kami rito bukas ng umaga para dalhin ang mga gamit mo.” Tumango ako nang hindi lumilingon sa kapatid. “Mag-iingat ka, Karl.” Narinig ko rin ang sandaling pag-uusap ni Arden at ng kapatid ko bago ito tuluyang umalis. Sa pagsara ng pinto, nabalot ng katahimikan ang buong kuwarto. Tanging ang tunog lamang na nagmumula sa makinang nakakabit sa anak ko ang maririnig. Ilang minuto na gano'n. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Arden hanggang sa muli siyang magsalita. “I'll just go get something from my car. I'll be quick.” Tanging tango lang ang binigay ko sa kaniya nang hindi lumilingon. Hindi ko nabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa anak ko. Nakaupo lang ako sa tabi ng kaniyang kama hanggang sa tuluyan akong lamunin ng antok. Nagising na lang ako na nakahiga na sa malambot na sofa bed habang nakabalot sa kumot. Tahimik pa rin ang buong kuwarto. Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang mapagtantong siyam na oras akong natulog. Shit. Nilingon ko ang anak ko na nakahiga pa rin sa kama. Nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto ay hindi ko nakita si Arden. Mukhang lumabas ang lalaki. Tumayo ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paggalaw ng kanang kamay ng anak ko. Dali-dali akong gumalaw palapit kay Aeon. “A-Aeon? Anak ko?” My lips parted when slowly, my son's eyes opened. Agad lumuha ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Aeon. “A-Anak ko . . . gising ka na!” Hinalikan ko nang may buong pag-iingat ang bawat parte ng mukha ng anak ko dahil sa saya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko dahil sa labis na tuwa. Gising na ang anak ko. Gising na si Aeon. “N-Nandito si Mommy, Aeon. Naririnig mo ba ako, anak ko?” “M-Mommy . . .” Ramdam ko ang hirap sa pagsasalita niya. Hindi ko napigilan at tuluyan ko na siyang niyakap. “Y-Yes, nandito lang si Mommy. H-Hindi ka iiwan ni Mommy. A-Anong nararamdaman ng baby ko?” Ang mga sumunod na salitang binitawan ng anak ko ang hindi ko inaasahan. “M-Mommy, where's d-daddy?”'Yon ang oras na hindi pa ako handang harapin. 'Yon ang unang pagkakataon na nagtanong si Aeon tungkol sa kaniyang ama. I wasn't ready to answer his question. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o magsisinungaling ako at gagawa ng ibang kuwento. Bata ang anak ko, hindi ko siya mapipigilan sa pagtatanong ng mga bagay na tungkol sa kaniyang ama. Alam ko na sa paglaki niya, maghahanap at maghahanap siya ng isang ama. Ngunit, hindi ko alam kung maiintindihan niya ba kapag sinabi ko ang totoo dahil . . . napakabata niya pa. My lips parted but no words came out from my mouth. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa anak ko na tila naghihintay ng sagot mula sa akin. Pareho kaming napalingon sa pinto nang bumukas 'yon. Iniluwa niyon si Arden na may dala-dalang tray na naglalaman ng pagkain, ilang prutas, at tubig. “D-Daddy!” Napalingon ako sa anak ko. Lumiwanag ang mga mata ni Aeon nang makita si Arden. My son even raised his left arm to reach for him. Pagk
Ang mga bagay na kaakibat ng pagpapakasal ko kay Arden ay hindi ko naisip noong tinanong ko siya tungkol sa alok niya sa akin dati. Ang tanging pumasok sa isip ko ay gagamitin niya ako upang makuha ang kumpanya. Hindi ko agad naisip ang malalalim na kapalit ng desisyon ko. Hindi lang ako ang bibitbit ng apilyedo niya kundi pati ang anak ko. Sampung araw ang itinagal ni Aeon sa ospital bago siya tuluyang ma-discharge. Sa loob ng sampung araw na 'yon, kasama ko si Arden sa pagbabantay. Parang wala ngang naging silbi ang pag-book niya ng hotel dahil dalawang beses lang siyang natulog doon. Sa mga sumunod na araw, sa hospital na siya natulog kasama ko. Ang dahilan ng lalaki, hindi raw siya makatulog sa hotel. Isa pa, mabilis na na-attach ang anak ko sa kaniya. Paanong hindi kung hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa anak ko na hindi niya tunay na ama si Arden. Ang dahilan? Pinigilan ako ng lalaki. “Aeon is too young for a heartbreak. Hindi rin maganda ang lagay ng bata nga
“Do you want it cash or through bank?” “Cash, hijo. Wala akong banko.” Hindi na ako nakasingit nang mag-usap sina Aling Mildred at Arden. Mukhang narinig ng lalaki ang malakas na pagsingil ng babae kanina mula sa gate. Nakaramdam ako ng hiya habang nakatayo sa tabi ni Arden at nakikinig sa kanilang usapan. Nilabas ni Arden ang wallet niya. Binuksan niya 'yon at hindi ko nabilang kung ilang cards meron ang lalaki. Bumunot siya ng isa sa mga 'yon at sinenyasan ang isa sa mga tauhan niya na lumapit. “There's a bank five minutes away from here. Please withdraw one hundred thousand pesos and give it to her.” Lumingon si Arden kay Aling Mildred na mukhang nagulat. Mukhang hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng halos apat na taon ay mababayaran na ang utang ko sa kaniya kasama ang pinatong niyang interes, sinobrahan pa nga ni Arden. “You may come with him, Aling Mildred.” Walang sinayang na oras si Aling Mildred. Agad siyang umalis kasama ang tauhan ni Arden. Kagat ko ang ibabang l
Bakit naman ako matutulog sa iisang kuwarto kasama si Arden? “Hindi, ah!” Ikakasal kami, oo, pero sa tingin ko ay hindi naman namin kailangang magsama sa iisang kuwarto. That would be awkward for the both of us, sigurado ako. Tumango si Arden sa akin at umiwas ng tingin. Binaling niya muli ang atensyon sa loob ng buong kuwarto. “Saan mo gusto?” “Nasaan ang mga gamit ko?” “Sa kuwarto sa tabi ng kuwarto ni Aeon.” Dali-dali akong tumayo sa kama at lumabas ng master bedroom. Nasa isang regular room ang mga gamit ko, tanda na 'yon naman talaga ang kuwartong nakalaan para sa akin kaya dapat lang na ro'n ako manatili. Agad akong pumasok doon at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Naramdaman ko ang pagsilip ni Arden sa loob ngunit hindi na siya nagsalita pa. Sandali lang 'yon at agad ding umalis ang lalaki. Ilang mga damit ko lang muna ang nilabas at inayos ko. Nang dumating ang alas sais ay pinuntahan ko ang anak ko sa kuwarto niya. Hayon, abala pa rin si Aeon sa paglalaro. Bin
Wala naman akong balak umatras. Alam ko naman na kailangan ko siyang bayaran. Nakuha ko na ang gusto ko mula sa kaniya, kaya dapat makuha niya rin ang gusto niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Arden, tila wala nang balak pa ang antok na dalawin ako. Gusto ko pa siyang tanungin. Gusto ko pang makausap ang lalaki tungkol sa bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko, ngunit hindi sapat ang lakas ng loob ko noong kaharap ko pa siya kaya ako na mismo ang nagpaalam na matutulog na. Gusto niya akong maging handa emotionally and physically para sa kasal namin. Ibig sabihin ba niyon ay . . . Napapikit ako at napalunok dahil sa kaba. I shouldn't be thinking about it at this point of time. Kinabukasan, nagising ako na wala na si Arden. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko nang iwanan ko siya sa kuwarto niya. Bumaba ako at nagulat nang pagpasok ko sa kusina ay may babae nang nagluluto ro'n. Base sa hitsura ay nasa early 50's na siguro siya. Agad itong ngumiti nang makita ako
It was just for a show. “We can't tell them about the deal.” Mabuti na lang at natatakpan ng dibdib ni Arden ang mukha ko mula sa paningin ng mag-asawa. Kung hindi ay kitang-kita nila kung gaano ako nagulat sa ginawang paghalik ni Arden. “Kung gano'n, magpapanggap tayo?” Nasa living room kami ngayon ng lalaki at kaaalis lang nina Nanay Lina at Tatay Rico. Mabuti na lang at mukhang walang napansin na kakaiba ang dalawa sa kinilos ko kanina dahil hindi talaga ako nakapagsalita dahil sa gulat. Halata ang pagod sa mukha ni Arden. He was currently removing the buttons of his black long-sleeved shirt. Hinubad niya 'yon at tanging itim na sando ang natirang suot niya na pang-itaas. “Kaya mo ba?” Lumingon ang lalaki sa akin. “Magpapanggap akong gusto kita?” “Hindi lang gusto, Iyana.” Kalmado ang lalaki na umupo sa sofa. Isinandal niya ang likod niya ro'n nang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Mukha talaga siyang inaantok dahil sa pagod. “Mahal natin ang isa't isa— 'yon ang ala
Maaga ng isang oras ang uwi ni Arden noong gabing 'yon. Tahimik ako habang kumakain kaming dalawa dahil wala akong makapa na puwedeng sabihin. Iniwan na rin kami nina Nanay Lina at Tatay Rico dahil malalim na rin ang gabi at kailangan na nila magpahinga. Tanging tunog lamang ng mga utensils na gamit namin sa pagkain ang maririnig. Naunang matapos kumain si Arden sa akin kaya naman binilisan ko ang pagkain ko. Napansin niya yata 'yon at doon lang nabasag ang katahimikan na namamagitan sa amin. “Take your time, Iyana.” Hindi ako nagsalita ngunit hindi ko rin naman sinunod ang sinabi ng lalaki. Ang awkward kaya lalo na't ramdam ko ang pagtitig niya habang kumakain ako. “Can I get your number?” “Bakit?” Tinignan ako sa mga mata ni Arden. “Wouldn't it be suspicious if I don't have my fiancée's number?” Napapapikit na lamang ako sa kahihiyan sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. Pero, tama lang naman, hindi ba? Nagpapanggap kaming mahal namin ang isa't isa. Siyempre, dapa
Ako naman ngayon ang gutom! Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Nawalan na rin kasi ako ng gana kagabi para kumain kaya natulog na lang ako agad pagkabasa ko sa mga mensahe ni Arden. Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, sumabay na lang sana ako sa dinner namin kagabi. Paggising ko ay diretso agad ako sa kusina. Masiyadong maaga ang gising ko at wala pa si Nanay Lina. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader sa kusina, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga. Masiyadong maaga para magluto ako ng umagahan kaya naman sliced bread with nutella na lang muna ang kinain ko. Halos maubos ko na ang isang plastic ng tinapay nang biglang may pumasok sa kusina. I was shocked when I saw Arden. Mukhang hindi rin inaasahan ng lalaki na makikita niya ako sa kusina nang ganito kaaga. “Good morning.” “G-Good morning.” Bagong ligo ang lalaki dahil basa ang kaniyang buhok. He was wearing black pants and white shirt. Hindi pa nakabutones ang pantaas ng lalaki kaya
Oras na upang bayaran ko ang parte ko sa kasunduan.Kung kanina sa sasakyan ay kaya ko pang tumawa dahil sa mga biro ni Rion, ngayon ay halos matumba na ako mula sa pagkakatayo dahil maging ang mga binti ko ay nanginginig na rin sa kaba.I was standing behind the fancy double wooden door of the city hall's courtroom. Mag-isa na lang ako dahil iniwan na ako ni Rion. Lahat sila ay nasa loob na at hinihintay na lang ang pagpasok ko. Pumikit ako at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Mahigpit ang kapit ko sa kumpol ng mga bulaklak na hawak ko lalo na nang makita ko ang unti-unting pagbukas ng pinto. I was biting my lower lip until the door was opened completely for me. The slow yet romantic melody from the piano enveloped my ears as the eyes of the people inside were glued at me. Napaawang ang bibig ko hindi dahil sa ganda ng dekorasyon sa loob kundi dahil sa taong bumungad sa akin malapit sa pinto upang ihatid ako sa lalaking pakakasalan ko.“Hi, Ate Iyana.”Malawak a
He was drunk, so I thought it was something that is not serious. Kahit na seryoso ang mukha ni Arden nang sabihin niya 'yon, inisip ko pa rin na baka nagbibiro lang ang lalaki.Ano bang malay ko?! Lasing na lasing siya kagabi!“Damn. I just cancelled my flight last night! Tatlong oras lang ang tulog ko! Here, here! These are the dresses I got from a designer from London! She's a close friend of mine and we're lucky that she allowed me to rummage through her boutique last night! Choose now, Iyana! These are all premium designs!”Hindi pa ako nakakapagtanggal ng muta sa mga mata ko ay bumungad na agad sa akin si Rion na mukhang aligagang-aligaga. Behind him were the five white dresses presented in front of me.“R-Rion, s-sigurado ka ba rito? N-Nakausap mo ba si Arden?”Ni hindi pa maayos ang takbo ng utak ko mula sa pagkakagising ay ganito na agad ang bubungad sa akin!“Girl, hindi ka talaga makapaniwala na kasal mo ngayon?! Well, same! Ano bang nakain ni Arden at biglaan siyang nagdesi
I don't want a grand wedding, even if it is my dream.Gusto kong matupad ang pangarap kong kasal pero... hindi sa ganitong pagkakataon. I want to experience my dream wedding with love, hindi purong pagpapanggap.Umiwas ako ng tingin mula sa seryosong mga mata ni Arden. Base sa kung paano siya tumingin ay tila sinusubukan niyang basahin ang isip ko. Ang lalim. Hindi ko kayang tagalan.“Mas gusto ko na civil wedding ang kasal natin. Masasayang lang ang oras at ang pera mo kung sakali, Arden. Nagpapanggap lang naman tayo.” Wala na akong narinig na salita mula kay Arden pagkatapos niyon hanggang sa tuluyan na kaming umakyat upang matulog. Arden remained busy the next few days. Parang mas nadagdagan pa nga yata ang trabaho niya dahil hindi na siya umuuwi pa nang maaga para sumabay sa amin kumain ng dinner. Ngunit sa ilang araw na 'yon, hindi pumapalya ang lalaki sa pagbibigay ng pasalubong sa anak ko. Kinabukasan na nga lang ito nakikita ni Aeon dahil hindi na naabutan ng anak ko ang pa
Wala akong ibang nagawa kundi ang magpakawala ng isang malalim na hininga nang makita ko ang anak ko na nakayakap kay Arden habang nakahiga. My son was smiling ear to ear while hugging him. Hindi ko maibigay ang aruga ng isang tunay na ama kay Aeon. Paaano ko magagawa na pati 'to ay ipagkait sa kaniya? Katatapos ko maligo sa kuwarto ko at agad akong dumiretso rito sa kuwarto ng anak ko pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Sabay na lumingon sa akin ang dalawa nang marinig nila ang pagbukas ng pinto dahil sa pagpasok ko. “Mommy! Higa ka po sa likod ko!” Nginitian ko ang anak ko habang papalapit sa kanila. Ramdam ko ang mga mata sa akin ni Arden ngunit hindi na ako lumingon sa kaniya. Malaki ang kama ng anak ko. Kasya pa nga yata ang apat na tao. Dahan-dahan akong humiga sa kanang bahagi ng kama, sa tabi ni Aeon na nasa gitna. Tumabi nga ako sa anak ko, pero kay Arden pa rin siya nakaharap. Wala akong ibang nagawa kundi ang mag-scroll sa cellphone ko upang libangin ang sarili ko
“Hindi ko alam... hindi ko pa naman siya natitikman.” Kung puwede ko lang itakwil ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko kay Rion ay ginawa ko na. “Malaki ang respeto sa akin ni Arden, Rion. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Kailan man ay hindi niya ako pinilit sa kahit na anong bagay.” Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaibigan. “Umamin ka nga, pinagnanasahan mo ba siya?” Malakas na tumawa si Rion. Napangiwi pa ako dahil sa hampas niya sa aking braso. Mabuti na lang at kaming dalawa na lang ang nandito sa sala! “I'm just curious! At saka ano ba, may iba akong pinagnanasahan!” Iniba ko na ang topic namin ni Rion bago pa man kung saan mapunta ang aming usapan. Pinilit ko ang lalaki na magkuwento tungkol sa mga nangyari sa buhay niya upang hindi na namin mapag-usapan muli si Arden. Tama na muna yung mga kasinungalingang nasabi ko ngayong araw! Umalis ang lalaki pagkatapos makuntento sa aming pag-uusap. Masaya ako dahil pagkatapos ng ilang taon ay n
“I am here to drop some documents for Arden.” Nakagat ko ang ibabang labi ko. He spoke so casual na parang kahapon lang ang huling pagkikita naming dalawa. “Wala si Arden dito, Rion.” “Can you give these to him for me instead?” Inabot ng lalaki sa akin ang isang black na folder na agad ko namang tinanggap. Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Iyana. That's all. I'll go ahead.” Sigurado akong halata na sa mga mata ko na naluluha ako. Hindi ko inakalang magkikita pa kami ulit. He was my only bestfriend. “Engineer Rion Axibal, para ka namang others!” Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko mula sa pagbagsak. Dahil doon ay tumawa ang lalaki. Humagulgol na ako nang tuluyan na siyang lumapit sa akin upang yakapin ako. I knew it. Inaasar niya lang talaga ako! “A-Akala ko, hindi mo na ako kilala!” “Girl, I missed you.” “I missed you too!” Humiwalay kami mula sa mahigpit na yakap sa isa't isa. Rion wiped the tears on my face gently using his thumbs. “I can't belive I didn't see
Ako naman ngayon ang gutom! Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Nawalan na rin kasi ako ng gana kagabi para kumain kaya natulog na lang ako agad pagkabasa ko sa mga mensahe ni Arden. Kung alam ko lang talaga na gano'n ang mangyayari, sumabay na lang sana ako sa dinner namin kagabi. Paggising ko ay diretso agad ako sa kusina. Masiyadong maaga ang gising ko at wala pa si Nanay Lina. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader sa kusina, nakita ko na alas singko pa lang ng umaga. Masiyadong maaga para magluto ako ng umagahan kaya naman sliced bread with nutella na lang muna ang kinain ko. Halos maubos ko na ang isang plastic ng tinapay nang biglang may pumasok sa kusina. I was shocked when I saw Arden. Mukhang hindi rin inaasahan ng lalaki na makikita niya ako sa kusina nang ganito kaaga. “Good morning.” “G-Good morning.” Bagong ligo ang lalaki dahil basa ang kaniyang buhok. He was wearing black pants and white shirt. Hindi pa nakabutones ang pantaas ng lalaki kaya
Maaga ng isang oras ang uwi ni Arden noong gabing 'yon. Tahimik ako habang kumakain kaming dalawa dahil wala akong makapa na puwedeng sabihin. Iniwan na rin kami nina Nanay Lina at Tatay Rico dahil malalim na rin ang gabi at kailangan na nila magpahinga. Tanging tunog lamang ng mga utensils na gamit namin sa pagkain ang maririnig. Naunang matapos kumain si Arden sa akin kaya naman binilisan ko ang pagkain ko. Napansin niya yata 'yon at doon lang nabasag ang katahimikan na namamagitan sa amin. “Take your time, Iyana.” Hindi ako nagsalita ngunit hindi ko rin naman sinunod ang sinabi ng lalaki. Ang awkward kaya lalo na't ramdam ko ang pagtitig niya habang kumakain ako. “Can I get your number?” “Bakit?” Tinignan ako sa mga mata ni Arden. “Wouldn't it be suspicious if I don't have my fiancée's number?” Napapapikit na lamang ako sa kahihiyan sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. Pero, tama lang naman, hindi ba? Nagpapanggap kaming mahal namin ang isa't isa. Siyempre, dapa
It was just for a show. “We can't tell them about the deal.” Mabuti na lang at natatakpan ng dibdib ni Arden ang mukha ko mula sa paningin ng mag-asawa. Kung hindi ay kitang-kita nila kung gaano ako nagulat sa ginawang paghalik ni Arden. “Kung gano'n, magpapanggap tayo?” Nasa living room kami ngayon ng lalaki at kaaalis lang nina Nanay Lina at Tatay Rico. Mabuti na lang at mukhang walang napansin na kakaiba ang dalawa sa kinilos ko kanina dahil hindi talaga ako nakapagsalita dahil sa gulat. Halata ang pagod sa mukha ni Arden. He was currently removing the buttons of his black long-sleeved shirt. Hinubad niya 'yon at tanging itim na sando ang natirang suot niya na pang-itaas. “Kaya mo ba?” Lumingon ang lalaki sa akin. “Magpapanggap akong gusto kita?” “Hindi lang gusto, Iyana.” Kalmado ang lalaki na umupo sa sofa. Isinandal niya ang likod niya ro'n nang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Mukha talaga siyang inaantok dahil sa pagod. “Mahal natin ang isa't isa— 'yon ang ala