"Mahal kita...kahit bawal." *** Hindi akalain ni Celeste Rockwell na ang isang simpleng pagkakamali ay magiging simula ng pinakamalaking gulo sa buhay niya. Isang gabi lang… pero bakit hindi niya ito matakasan? At paano kung ang lalaking kasama niya nang magising siya ay walang iba kundi ang kanyang Ninong Chester Villamor—ang cold-hearted billionaire doctor na hindi kailanman naniwala sa pag-ibig? Ngunit isang balita ang tuluyang nagpagulo sa lahat—buntis siya. At ang solusyon ng kanyang Ninong? Isang secret contractual marriage. Maitatago ba nila ang sekreto nilang dalawa? Mananatili ba silang propesyonal kahit pilit nang pumipintig ang puso? O itataya nila ang lahat—reputasyon, respeto, at emosyon—para sa isang pagmamahalang hindi nila inakala?
ดูเพิ่มเติมChester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama.Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan."Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses.Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan."May sakit
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s
Celeste's POV Nasa loob ako ng korte, nakatayo sa harapan ng hukom, at kasalukuyang nakikipag-debate sa kabilang panig. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, puno ng tensyon at matinding pokus mula sa lahat ng naroroon. Mula sa mga abogadong nasa magkabilang panig, sa mga miyembro ng hurado, hanggang sa hukom na mapanuring nakatingin sa amin—lahat ay tila isang chess game kung saan bawat salita at kilos ay may estratehiya. "Your Honor, with all due respect, the opposing counsel is attempting to redirect this court's attention to irrelevant matters that do not hold any legal bearing on this case," mariing sabi ko, hindi inaalis ang titig ko kay Atty. Salazar, ang kalaban namin sa kasong ito. Siya ay isang beteranong abogado, kilalang mahusay sa pagsalita at pagpapaliko ng argumento upang ipabor sa kanyang kliyente. Ngunit hindi ako basta-basta matitinag. "Atty. Rockwell-Villamor, the defense is merely establishing a foundation that could significantly impact the credibility of the
Celeste's POV Maaga akong umuwi ngayon dahil gusto kong surpresahin si Chester. Hindi pa niya alam na hired na ako sa law firm, at gustong-gusto ko siyang makita para ibalita iyon sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko, ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay naming dalawa—pareho kaming muling nagkaroon ng oportunidad sa aming mga propesyon. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at inikot ang aking paningin sa loob. Tahimik ang paligid maliban sa mahihinang ungol ng anak naming si Caleigh mula sa kanyang nursery room. Agad akong napangiti. Ngunit, sa halip na si Chester ang sumalubong sa akin, si Ate Sofia lamang ang nadatnan ko, abala sa pag-aalaga sa aming anak. "Ate Sofia, nakauwi na ba si Chester?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer ko at inilagay iyon sa sandalan ng sofa. Umiling siya at bahagyang napatingin sa akin. "Hindi pa, Celeste. Wala pa rin siyang tawag o text kung anong oras siya m
Celeste's POV Mabilis ang tibok ng puso ko habang pilit kong pinipigilan ang nanginginig kong mga daliri sa pag-click sa email icon sa screen ng laptop ko. Halos bumagal ang oras habang hinihintay kong mag-load ang inbox ko, na para bang ang sagot sa email na ito ang magiging hudyat ng panibagong kabanata ng buhay ko. Nang sa wakas ay lumitaw ang mensaheng may subject line na "Congratulations, Attorney Rockwell!", para akong napatigil sa paghinga. Dahan-dahan kong binuksan ang email, pilit pinoproseso ang bawat salitang nakasulat doon. "We are pleased to inform you that you have been selected for the position at our esteemed law firm..." Wala akong napansin na ibang linya. Paulit-ulit kong binasa ang unang pangungusap, at sa bawat ulit ay lalo akong napapatunayan na totoo ito—natanggap ako. Hindi ko na napigilan ang sigaw ng tuwa na agad bumalot sa buong kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang sarili sa sobrang excitement. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinaw
Celeste's POVMasikip at maingay ang bar. Ang kulay gintong liwanag ng chandeliers ay kumikislap sa mamahaling baso ng alak, at ang tunog ng halakhakan ay sumasabay sa mabigat na beat ng music. Hindi ko kailanman ginusto ang ganitong klaseng environment, pero ngayong gabi, wala akong choice."Come on, Celeste! You won a big case today!" tili ni Andrea, isa sa mga junior associates sa firm. "One drink lang!"I shook my head, pero bago pa ako makatanggi nang maayos, may dumaan nang waiter at iniabot sa akin ang isang baso ng champagne. Si Raymond, isa pang associate na laging may hidden agenda, ang nag-abot nito sa akin. Nakangiti siya—masyadong matamis para hindi kahina-hinala."Huwag kang KJ, Celeste," aniya. "You deserve this. One drink lang. Swear."Napabuntong-hininga ako. I just wanted to go home, pero alam kong kung tatanggihan ko pa sila, magiging topic na naman ako ng office gossip. Masyado nang maraming naiinggit sa akin sa law firm at mas lalong marami ang gustong makita akon...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น