Celeste's POV
Isang buwan matapos ang gabing iyon, hindi ko pa rin matakasan ang bigat sa dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik sa normal ang buhay ko—nag-focus ako sa trabaho, iniiwasan ang anumang usapan tungkol kay Ninong Chester, at sinubukang kalimutan ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, may isang bagay na hindi ko maintindihan… "Celeste, are you okay?" tanong ni Mia, isa sa mga closest colleagues ko sa law firm. "Mukhang matamlay ka lately." Napangiti ako kahit pakiramdam ko’y hindi ito umabot sa mga mata ko. "I’m fine. Medyo napupuyat lang sa work." "Are you sure? Kasi ang payat mo na, tapos lagi kang parang lutang," sabad naman ni Henry, ang isa pa naming kasama sa team. "Hindi kaya may dinaramdam ka?" Umiling ako. "Stress lang ‘to. Huwag niyo akong alalahanin." Pero kahit sinasabi kong okay ako, hindi ko maitago sa sarili kong may bumabagabag sa katawan ko. Una, mas madali akong mapagod. Dati, kaya kong magpuyat nang dalawang araw nang walang problema. Pero ngayon, kahit ilang oras pa lang akong nagta-trabaho, pakiramdam ko ay parang nauubos na agad ang energy ko. Pangalawa, wala akong gana kumain. Kahit ang mga paborito kong pagkain, bigla na lang akong nasusuka sa amoy pa lang. At pangatlo… ang mga biglaang pagkahilo. Lunes ng umaga. Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang inaayos ang sarili ko para pumasok sa trabaho. Suot ko na ang aking eleganteng black blazer at pencil skirt, pero habang sinusuklay ko ang buhok ko, bigla na lang lumabo ang paningin ko. Napakapit ako sa gilid ng mesa, pilit na pinapakalma ang sarili. Bakit parang umiikot ang paligid? Huminga ako nang malalim, sinubukang pigilan ang pagduduwal. Ilang segundo akong nanatiling nakapikit, hinihintay na humupa ang hilo. Nang bumalik sa normal ang pakiramdam ko, dahan-dahan akong bumangon, pero sa bawat galaw ko, ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Ano ba ‘to? Pilay-pilay akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko roon, naamoy ko agad ang brewed coffee na iniwan ng kasambahay namin sa lamesa. Parang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo at sumuka. Napakapit ako sa lababo, hinihingal at nangangatal. Ramdam ko ang pawis sa noo ko at parang lalong bumibigat ang katawan ko. "Bakit ganito ang pakiramdam ko?" bulong ko sa sarili ko. Matapos ang ilang minuto, bumalik ako sa kwarto at napaupo sa kama, hawak ang noo ko. "Hindi… imposible." Pinilit kong isipin na na baka epekto lang ito ng stress sa trabaho—sa puyat, sa pressure, sa lahat ng nangyayari sa paligid niya. Pero sa loob-loob ko, hindi ko maalis ang bumabagabag sa akin. May mali. May hindi tama. Kahit anong gawin ko, hindi ko maitatanggi ang takot na unti-unting gumagapang sa dibdib ko. *** Tatlong linggo na akong hindi dinatnan. Noong una, inisip ko na baka epekto lang ito ng stress. Sobrang dami kong iniisip—ang trabaho, ang nangyari sa amin ni Ninong Chester isang buwan na ang nakalipas, at ang mga pagbabago sa katawan ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili kong normal lang ito, pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang akong kinabahan. Ilang beses akong nagising sa madaling araw na pinagpapawisan, kinakabahan sa ideyang baka may nangyayari sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Lalo na sa tuwing nakakaramdam ako ng hilo, panghihina, at pagkaduwal. Ngayong lampas na ako sa normal kong cycle… wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko nang malaman ang totoo. Napilitan akong mag-file ng half-day leave sa trabaho para makapunta sa ospital. Hindi ko alam kung anong dahilan ang sinabi ko sa assistant ko, pero wala na akong pakialam. Pagdating ko sa ospital, agad akong nagpunta sa OB-GYN department. Ayoko sanang pumunta sa ospital na pagmamay-ari ni Ninong Chester, pero masyado nang huli para umatras. Naupo ako sa waiting area, kinakabahan at pinagpapawisan kahit malamig ang aircon sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa init na bumabalot sa loob ng katawan ko. Pagkalipas ng ilang minuto, tinawag ako ng nurse. "Ms. Rockwell, pasok na po kayo sa consultation room." Dahan-dahan akong pumasok at naupo sa harap ng doktor—isang matandang babae na mukhang mabait at mahinahon. "Ano pong ipapakonsulta natin, Ms. Rockwell?" tanong niya. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dok… tatlong linggo na po akong delayed." Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko, pero ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Napansin ng doktor ang pagkabahala sa mukha ko kaya ngumiti siya nang mahina. "Okay, we'll run some tests to be sure. May iba ka pa bang nararamdaman?" Nagkibit-balikat ako. "Madali po akong mapagod. Minsan po nahihilo at parang ang bilis kong masuka sa amoy ng pagkain." Tumango ang doktor, tila ba alam na niya ang maaaring maging resulta. "Gagawa tayo ng urine test at blood test para makasigurado, ha? Stay here for a while." Tumango ako, pero hindi ko maiwasang pigilan ang kaba na unti-unting sumasakal sa dibdib ko. Matapos ang test, pinabalik ako sa consultation room at pinaupo ulit sa harap ng doktor. Wala pang isang oras ang lumipas, pero pakiramdam ko ay parang isang habambuhay na ang paghihintay ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nanginginig ito. Ayokong isipin ang posibilidad at marinig ang resulta, pero wala na akong magagawa. Pagkatapos ng ilang minuto, bumukas ang pinto at bumalik ang doktor, may hawak na papel. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, saka siya ngumiti ng mahina. "Ms. Rockwell," mahina niyang sabi. "Positive ang resulta ng test mo. Buntis ka." Gumuho ang mundo ko. Bigla akong natulala. Buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko ire-react ang narinig ko. Parang biglang lumabo ang paligid ko. Parang biglang naging slow motion ang lahat ng tunog sa paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko namalayan na nanlalamig na pala ang mga kamay ko. "Ms. Rockwell?" tawag ng doktor. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, pero hindi ako makapagsalita. "Buntis ka, Celeste," ulit niya. Ngumiti siya sa akin. "Almost five weeks pregnant." Napahawak ako sa tiyan ko, pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matatakot ako, magagalit, o malulunod sa emosyon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito lalo na't ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay si Ninong Chester.Celeste's POV "Buntis ka, Celeste."Those words echoed in my head like a relentless storm.Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko.Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko.My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong.Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko."Ms. Rockwell?"Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko."N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito.Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pr
Celeste's POVHindi ako makahinga. Parang biglang huminto ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Ninong Chester.“We will raise that child and you need to marry me!”It felt like a forceful command, an inescapable fate that he had already decided for me.Bago ko pa maproseso ang lahat, bigla siyang lumapit. His towering presence made my legs weak, and before I knew it, his firm grip was on my wrist—hindi marahas, pero matigas, sapat para maramdaman kong wala akong kawala."P—Paano mo nalaman?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang kaba.Tumigil siya sa paggalaw at tinitigan ako ng matalim. His cold, assessing eyes bore into mine, as if reading every thought inside my head. Damn it, Celeste. Bakit mo ba naisipang harapin siya ngayon?“You think I wouldn’t know?” bumaba ang boses niya, bahagyang lumapit pa sa akin. “You’ve been avoiding me for weeks. I had someone follow you—siyempre hindi mo naisip ‘yon dahil masyado kang busy sa kakaiwas sa akin. Masyado kang masunuring bat
Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatitig kay Ninong Chester habang unti-unting bumibigat ang bawat salita niya sa utak ko."Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes. And trust me, Celeste, I always get what I want."Hindi ito usapang normal. Hindi ito usapang magaan lang na puwede kong tawanan o talikuran. Ito ay ultimatum.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. No, Celeste. Huwag kang magpaapekto. Ninong mo siya at inaanak ka niya.“Ikaw lang naman ang may gusto nito, Ninong,” sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. “Hindi ibig sabihin na buntis ako, kailangan ko nang pakasalan ka. Hindi ko rin naman sinabinsa iyo na kailangan mo akong panindigan. Hindi mo kami obligasyon o responsibilidad. Ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagkakamali natin.”Nagtaas siya ng kilay. “At paano kung sabihin kong kailangan mo akong pakasalan alang-alang sa anak natin?”Napairap ako. “Dahil ba mayayaman tayo? Dahil b
Celeste's POV Gusto niya akong pakasalan. Hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil lang sa bata. Hindi ako kailanman magiging asawa niya sa paraan na gusto ko. Matigas ang kanyang tingin, walang bakas ng emosyon. Ngunit alam kong ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi basta pananakot lang. Si Ninong Chester Villamor ay hindi marunong magbiro pagdating sa mga desisyon niya. Kaya nang sabihin niyang wala akong ibang pagpipilian, alam kong hindi iyon biro. Huminga ako nang malalim at tumawa nang mapait. “So, gano’n lang ‘yon? We sign a contract, we get married, and then what? Magpapanggap tayong masaya? Magpapanggap tayong normal?” “Hindi ko kailanman sinabing kailangan nating magpanggap.” Napairap ako. “Oh, so magpapakasal tayo pero hindi tayo magiging totoong mag-asawa? Gano’n ba, Ninong?” Napatingin siya sa akin nang matalim. “Chester. I'm not your Ninong Chester anymore, Celeste. Tumigil ka na sa kakatawag sa 'kin ng Ninong.” “Bakit?” ngumisi ako nang mapait. “Naa
Celeste's POV Dalawang araw mula nang iwan ko si Ninong Chester sa opisina niya, isang tawag ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. "Ms. Rockwell, this is Attorney Sebastian Cruz. Can we set a meeting? It’s about Dr. Villamor’s proposal." Halos mabitawan ko ang telepono ko. Proposal. Hindi kasal, kung 'di isang negosasyon. Alam kong hindi susuko si Ninong Chester, pero hindi ko akalaing magpapadala pa siya ng abogado. "You’re wasting your time, Attorney Cruz," malamig kong sagot. "I already gave him my answer." "This isn’t just about your answer, Ms. Rockwell. This is about what happens next." Naramdaman kong bumigat ang loob ko. "Fine. Set the meeting." *** Nasa harapan ko ngayon si Attorney Cruz sa isang private meeting room ng isang five-star hotel. Sa tabi niya, may isang makapal na dokumento. Alam ko na kung ano ‘yon kahit hindi ko pa binabasa. "This is a contract of marriage, Ms. Rockwell," kalmadong paliwanag niya. "One year. That’s all Dr. Villamor is asking." Tumaa
Celeste's POV Pinili naming magpakasal nang tahimik sa opisina ni Attorney Cruz. Wala man lang bulaklak, walang bisita, at walang engrandeng selebrasyon—isang pirmahan lang, isang kasunduang legal. At pagkatapos, bumalik kami sa kani-kanilang buhay na parang walang nangyari. Sa mata ng mundo, hindi kami kasal, at kahit sa pagitan naming dalawa, parang gano’n na rin. Sa loob ng unang linggo ng kasal namin, walang nagbago sa relasyon namin. Ninong Chester continued to treat me with cold professionalism—parang doktor sa pasyente, parang employer sa empleyado. Para sa akin, parang Ninong pa rin siya. Sa labas, mukhang normal lang ang buhay ko. Pumapasok pa rin ako sa law firm, patuloy sa trabaho, patuloy sa pag-abot ng pangarap ko bilang senior partner. Pero ang totoo, may bitbit akong lihim na unti-unting nagpapabigat sa akin. Gabi-gabi, natutulog ako sa isang malawak na kama sa isang bahay na hindi akin—ang penthouse ni Ninong Chester. Hindi ko inaasahan na titira ako rito mat
Celeste's POV Pagkatapos ng nakakapanindig-balahibong family gathering, nanatili akong tahimik sa buong biyahe pauwi. Si Ninong Chester, tulad ng inaasahan, ay walang interes makipag-usap. Ang mga kamay niya ay nasa manibela, mata nakatutok sa daan—walang emosyon, walang kahit anong indikasyon na naapektuhan siya ng ginawa naming pagpapanggap. Ako lang ang nakakaramdam ng bigat. Isang kasinungalingan ang lumipad sa hangin kanina, at ngayon, nakadikit na ito sa katauhan ko. I was no longer just Celeste Rockwell—the corporate lawyer climbing her way to the top. I am now Mrs. Villamor, the wife of a billionaire doctor. At ang buong pamilya ko, pati ang mundo sa labas, ay naniwala sa ilusyon na iyon. Muli kong inisip ang sinabi niya kanina sa hapunan. "I'm already married." Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang katotohanang nagawa niyang bigkasin iyon nang walang kahirap-hirap o ang katotohanang para bang wala lang talaga ito sa kanya. Nang makarating kami sa
Celeste's POV Nakaharap ako ngayon sa isa sa pinakamalalaking kaso sa career ko. Isang high-profile corporate dispute na halos tatlong buwan ko nang hinahawakan. Lahat ng atensyon ng media at legal industry ay nasa amin, lalo na’t ang clients ko ay isa sa mga pinaka-influential na negosyante sa bansa. Pero ngayong nasa loob ako ng courtroom, habang pinapakinggan ang mga argumento ng kabilang kampo, isang bagay ang napansin ko—hindi ako makapag-focus. Lahat ng naririnig ko ay parang ingay lang sa background. Madalas, ang ganitong klaseng setting ay ang mundo kung saan ako nag-e-excel. Ang bawat galaw sa korte ay parang isang chess game, at ako ang master strategist. Pero ngayon, hindi ko magawang ituon ang isip ko sa laro. Dahil sa isang dahilan—Chester Villamor. Ang aroganteng, cold-hearted billionaire doctor na napilitan akong pakasalan. Ang lalaking hindi ko dapat iniisip ngayon, pero patuloy na sumasagi sa utak ko sa pinakamasasamang pagkakataon. Muling bumalik sa isip ko ang
Celeste's POV "Fuck!" usal ko nang isara ni Chester ang pinto sa dressing room. Magbibihis dapat kami dahil may gagawin pa para sa bagong kasal. "Masisira ang gown ko. Hindi pa tapos ang program!" reklamo ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. "I can't wait," bulong niya at kinapa ang dibdib ko. "Pigilan mo ang sarili mo. Mamayang gabi pa ang honeymoon natin," natatawang sabi ko.Ngunit masyado siyang matigas ang ulo. Hindi siya nakinig sa akin. "Chester!" sigaw ko nang marinig ang pagkapunit ng gown ko.Binaba niya ang kaniyang pantalon at agad kong nakita ang paninigas ng alaga niya. "Hindi ko na kayang maghintay pa hanggang gumabi. I think someone put a robust in my drink," sabi niya, sabay hinila ako papalapit sa kanya. Muling siniil niya ako ng halik, at naramdaman ko ang init ng mga labi niya na sumasalubong sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at itinaas ito, saka ito hinawakan ng mahigpit upang hindi ako makagalaw.Nang tuluyan niya nang mahubad ang napunit kong gown ay b
Celeste's POV Celeste and Chester's Wedding Day Ang mga mata ko ay puno ng emosyon habang tinitingnan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Sa likod ko, naririnig ko ang masayang hiyaw ng mga anak namin, sina Caleigh at Claudette, habang inaayos ang mga huling detalye ng aking kasuotan. Ang mga bata ay nagmamasid at tinitingnan ang aking wedding dress, hindi makapaniwala na ito na naman ang araw na iyon—ang wedding day namin ni Chester. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko—kilig, saya, at kaunting lungkot. Ang lahat ng ito ay tila isang panaginip na nagkatotoo. Noong una, iniisip ko na renewal of vows lang ito, at akala ko ay tapos na ang lahat. Pero heto na naman kami, muling nagpapakasal, at ngayon, parang mas matindi pa ang pagmamahal namin kaysa noon. Paano nga ba kami nakarating sa puntong ito? Puno ng mga pagsubok, ngunit ang bawat hakbang ay tinahak namin nang magkasama. "Mommy, ang ganda n'yo po!" puri ng bunso kong anak na si Claudette. Nakasuot siya ng cute na white
Celeste’s POV “Bakit parang kabado ka?” tanong ko kay Chester habang binabaybay namin ang isang pamilyar na daan. Ngumiti lang siya. “Wala. Gusto lang kitang muling mapasaya ngayong gabi.” Napatingin ako sa mga anak namin na biglang natahimik. Usually, sa biyahe pa lang ay maingay na ang dalawa sa pagkukuwento, pero ngayon, panay sulyap nila sa isa’t isa habang pigil ang mga ngiti. Pagdating namin sa venue, bumungad sa akin ang isang garden na punong-puno ng puting bulaklak, fairy lights, at mga larawan naming dalawa ni Chester. Parang biglang bumagal ang oras. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Chester…” mahina kong tawag habang unti-unti akong lumalakad papasok. Paglingon ko sa likod, nakita ko si Chester na hawak ang isang bouquet ng puting rosas. Suot niya ang dark navy suit niya, at kitang-kita sa mga mata niya ang kilig at kaba. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahang lumuhod sa harapan ko, tulad ng ginawa niya sampung taon na ang nakalipas. "Celeste R
Chester's POV Ten Years Later... "Careful, Caleigh and Claudette. Baka madapa kayo," paalala ko habang nakatitig sa rearview mirror ng sasakyan, pinagmamasdan ang dalawang pinakamahalagang batang babae sa buhay ko. Kakapasok lang nila sa kotse matapos kong sunduin sa school. Pareho silang masigla, parang may sariling mundo habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa klase nila. Lalo na ngayon, may plano kaming sorpresahin si Celeste ngayong gabi para sa ika-sampung anibersaryo ng kasal namin. Si Caleigh Devika Villamor, ang panganay naming anak, ay labing-isang taong gulang na. Napakatalino ng batang 'yon—mana sa nanay niya. Mahilig siya sa science at palagi siyang may tanong tungkol sa mga bagay na para bang gusto niyang unawain ang buong mundo. Ang bunso naman namin, si Claudette Aoife Villamor, ay siyam na taong gulang na. Siya ang mas maharot at mas artistic sa dalawa. Mahilig gumuhit, gumawa ng kanta, at minsan ay kinakausap ang mga halaman sa likod-bahay namin. Ang bi
Chester's POV Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng veranda habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko—si Victor Novela, ang taong nagsasabing siya ang tunay kong ama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Habang si Celeste ay nasa loob ng bahay, kasama ang kaniyang pamilya, ako naman ay naiwan dito sa labas, harap-harapan sa katotohanang hindi ko inakalang kailanman ay haharapin ko. Nag-umpisang magsalita si Victor. Mapanatag ang kaniyang tinig, pero puno ng pighati at pangungulila. "Ikuwento ko sa iyo ang lahat, anak," panimula niya. "Ako at ang mama mo... kami ang una. Mahal na mahal ko si Cecilia noon. Bata pa kami, puno ng pangarap. Palagi naming sinasabi na balang araw, bubuo kami ng pamilya. Pero hindi gano’n kadaling labanan ang mundo. Galing ako sa simpleng pamilya. Samantalang siya, ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig." Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay sinasaktan ako ng bawat salitang binibigkas niya. "Arranged m
Celeste’s POV Marahan kong hinaplos ang malamig na salamin ng kabaong ni Reginald—o dapat ko nang sabihing ni Papa. Oo, siya ang totoo kong ama. Ang lalaking kinamuhian ko noon, hindi dahil sa personal na kasalanan niya sa akin, kundi dahil sa mga kasinungalingang inilim sa akin ng mundo. Ngunit ngayon, wala na siya. At habang nakatitig ako sa kaniyang walang buhay na katawan, isang bagay lang ang paulit-ulit na sumisigaw sa isip ko—huli na ang lahat. Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng luha, ngunit walang silbi. Basa na naman ang pisngi ko. Hindi ko man lang siya nayakap bilang isang anak. Hindi ko siya nagawang tingnan sa mata at sabihin, “Pinapatawad na kita. Salamat sa lahat.” Hindi ko siya natawag na Papa habang buhay pa siya. Pinatay siya ni Isabelle. Isang babaeng minsan kong inakalang matalino, mapagmahal, at karapat-dapat mahalin. Pero ngayon, isa na lamang siyang baliw. Isa siyang halimaw na binalot ng delusyon at galit. Kung maibabalik ko lang ang panahon… kung may kahit
Celeste’s POV Katatapos lang ng huling court hearing ngayong araw. Pagod na pagod ang katawan ko, pero mas mabigat ang pagod ng isip at damdamin. Buong araw akong nakatayo sa harap ng hukom, isinusumite ang mga ebidensiya ng kaso ni Reginald laban kay Isabelle. Pinilit kong maging matatag, kahit na alam kong sa bawat pagbasa ng testimonya, unti-unting nahuhubaran ang nakaraan naming lahat—at ang sakit ay tila laging bago sa bawat pagbanggit nito. Nang makalabas na ako sa korte, agad kong tinanggal ang heels at isinalya ito sa passenger seat ng kotse ko. Magsusuot pa lang ako ng flats nang tumunog ang cellphone ko. Mama calling… Napakunot ang noo ko. Ilang segundo akong nakatitig sa pangalan niya sa screen. Nagdadalawang-isip akong sagutin. Hindi pa ako handang harapin siya. Hindi pa ako handang marinig ang boses niya pagkatapos ng lahat ng nalaman ko tungkol sa pagkatao ko at sa mga kasinungalingang isiniksik niya sa buong pagkabata ko. Napabuntong-hininga ako at inilagay ang tel
Chester’s POV Pagkababa ko ng sasakyan sa ospital ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Halos ayaw gumalaw ng katawan ko, pero pinilit kong tahakin ang pasilyo patungo sa silid ni Daddy. Naguguluhan pa rin ang damdamin ko sa huling pag-uusap namin. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, gusto pa rin ng bahagi ng puso kong maniwala na may natitira pa rin sa kaniya—hindi bilang ama, kung 'di bilang taong may kapasidad na pagsisihan ang kanyang mga kasalanan. Pagliko ko sa corridor, agad nahagip ng paningin ko si Celeste. Nakatayo siya sa tapat ng pinto, tila pinipigil ang sariling pumasok. Suot niya ang simpleng beige na blouse na madalas niyang suotin kapag gusto niyang manatiling mahinahon. Nakapikit siya at halatang kinakalma ang sarili, pero bago ko pa man siya matawag o malapitan, bumukas ang pinto at tuluyang pumasok si Celeste sa loob ng silid. Binilisan ko ang hakbang ko, pero pagdating ko sa pinto, pinili kong huwag pumasok. Sa halip, sumilip ako mula sa maliit na bintanang sal
Chester’s POV Tahimik ang silid ng ICU, pero masyadong maingay ang dibdib ko. Ang bawat tibok ng puso ko ay parang kalembang ng kampana—mabigat, malalim, puno ng alaala at tanong na hindi ko kailanman sinagot. Pagbukas ng sliding glass door ay sumalubong agad sa akin ang amoy ng antiseptic at ang banayad na tunog ng monitor na bumibilang ng mahihinang pintig ng puso ng taong nakaratay sa puting kama—si Reginald Villamor. Ang lalaking minsan ay itinuring kong haligi, ngunit ngayon ay parang isang lumang istatwa na unti-unting nadudurog ng panahon at pagkakasala. Nakahiga siya, maputla, halos kulay abo na ang balat, may oxygen tube sa ilong at dextrose sa magkabilang kamay. Nanlilimahid ang pisngi niya sa pagod, tila ba pinipilit na lang ng katawan niyang mabuhay kahit ang kaluluwa niya ay unti-unti nang sumusuko. Nang mapansin niyang pumasok ako, bahagyang gumalaw ang mga mata niya—mahina pero puno ng emosyon. Para siyang batang matagal nang nawalan ng silong, ngayon lang muling nakat