Celeste's POV
Pagpasok ko sa opisina kinabukasan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may anino ng nakaraang gabi na patuloy na sumusunod sa akin, bumubulong sa tenga ko na hindi ko basta-basta matatakasan ang nangyari. Pero hindi pwedeng magpatalo. Hindi pwedeng ipakita ko sa kahit sino na may bumabagabag sa akin. Lalo na kay Ninong Chester Villamor. Ilang beses kong inulit sa sarili ang sinabi niya sa text bago ako lumabas ng condo kanina: "Make sure to act normal at work. No one should suspect anything." Napakapit ako sa strap ng bag ko. Napilitan akong huminga nang malalim bago pumasok sa lobby ng law firm. As soon as I stepped inside, I felt a dozen pairs of eyes on me. May mga bumati, may mga ngumiti, at may mga tipid na tumingin lang habang naglalakad ako papunta sa opisina ko. I nodded at them, plastering the most professional smile I could muster. Dahil hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na bumibigat ang tiyan ko sa kaba. Kahit na hindi ko alam kung kaya kong harapin ang mga taong responsable sa kung anong nangyari sa akin. Pagdating ko sa elevator, doon ko sila nakita. Sina Andrea, Raymond, at Alex—mga kasamahan kong abugado na kasama kong nag-celebrate ng tagumpay namin. And the worst part? Sila ang may pakana ng lahat. Alam kong hindi ko sila pwedeng pagbintangan nang walang sapat na ebidensya. Kahit galit na galit ako sa loob, wala akong konkretong basehan para sumbatan sila. Ngumiti ako sa kanila, kasing peke ng ngiti nila sa akin. "Celeste! Look who finally decided to show up," bati ni Andrea habang nakapamulsa. "You missed our brunch earlier. Late ka yata today." Pumikit ako saglit bago ngumiti. "Medyo pagod. You know, hangover." Nagtawanan sila. "Oh, yeah! You had fun, huh?" singit ni Alex. "You disappeared real fast, though. Hindi ka man lang nagpaalam!" Kunot-noo akong tumingin sa kanila, kunwari ay clueless. "Did I?" "Yeah, girl," Bryan smirked, crossing his arms. "We were looking for you, but you were gone. Hope you had a good time." May kung anong nag-flash sa utak ko—mga malalabong imahe, mga hindi ko maalalang detalye ng gabing iyon. Pero hindi nila dapat malaman na alam ko. So I just laughed softly, playing along. "I guess I just got too drunk. Hindi ko na maalala." Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Mabilis akong lumabas, hindi na hinintay ang sagot nila. Pagdating ko sa opisina ko, halos ibagsak ko ang sarili ko sa swivel chair. I needed to breathe. "Act normal, Celeste. You’re fine. You’re okay." Pero kahit anong pilit kong itatak sa utak ko iyon, hindi ko maalis ang sakit ng ulo ko. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko habang iniisip ang mga nangyari. Hindi ko rin maalis sa isip ko si Ninong Chester. *** Dalawang linggo na akong hindi nakikipag-usap kay Ninong Chester, hindi dumadalo sa kahit anong family gathering, at nagtago, pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya. Pero kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong tama lang ito, kahit anong gawin ko para kalimutan ang nangyari, hindi ko pa rin maiwasang isipin siya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pamilya ko nang hindi ako kinakabahan. Lalo na ang lola ko, na siguradong unang-unang makakapansin kung may bumabagabag sa akin. "Celeste, are you even listening?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Tita Lani, ang kapatid ng mama ko. Napatingin ako sa kanya, pilit na nagpe-pretend na okay lang ako. "Sorry, Tita, napagod lang siguro ako sa trabaho," sagot ko, ngumingiti kahit na ramdam kong hindi ako kumbinsido sa sarili kong sinabi. Tiningnan niya ako nang mabuti, para bang inaaral ang mukha ko. "Napansin ko ngang hindi ka sumipot noong family dinner last Sunday. Sabi ni Mama, excited siyang makita ka, pero hindi ka man lang nagpakita." Napayuko ako. "Hindi ko lang po kayang humarap sa kanila." Sa totoo lang, gusto kong pumunta. Gusto kong makita si Lola, pero paano kung dumating si Ninong Chester? Tiningnan ako ni Tita nang may pag-aalala. "Celeste, may problema ka ba? Huwag mong sabihin sa akin na wala, dahil kilala kita. You're not yourself." I faked a smile. "I just need some space, Tita. Medyo stressful lang ang trabaho." Hindi ko alam kung naniwala siya, pero mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit pa. Nagdesisyon akong dumaan sa grocery bago umuwi. Pagkatapos ng ilang araw ng pagkain ng instant noodles, naisipan kong magluto naman ng maayos na pagkain. Habang naglalakad ako sa isang aisle, nakatuon ang isip ko sa pagpili ng mga gulay nang biglang may tumawag sa akin mula sa likod. "Celeste." Halos mabitawan ko ang hawak kong basket nang marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon. Tumama ang paningin ko sa kanyang malamig at seryosong mga mata. Si Ninong Chester. Suot niya ang isang puting button-down shirt na nakatupi ang mga manggas, at isang pares ng itim na slacks. Mukhang galing pa siya sa ospital. Napansin ko rin ang bahagyang pagkapuyat sa ilalim ng mata niya, pero hindi iyon nakabawas sa kakisigan niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Anong ginagawa mo dito?" mahina kong tanong, pilit na pinapanatili ang boses kong matatag. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan," sagot niya, walang anumang emosyon sa tono. "Dalawang linggo mo akong iniwasan. Hindi ka sumasagot sa tawag ko. Hindi ka dumalo sa family gathering." I clenched my jaw. "Bakit mo ako hinahanap?" Nagtaas siya ng kilay, as if hindi siya makapaniwala sa tanong ko. "Seriously, Celeste? Alam mong may dapat tayong pag-usapan." Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad, pero mabilis siyang humakbang palapit at hinawakan ang braso ko. "Don’t run away from me," he said, his voice was firm. I stopped. Hindi dahil gusto kong makinig, kundi dahil naramdaman kong masyado nang maraming tao sa paligid namin. Ayokong makaagaw ng pansin. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang inalis ang kamay niya sa braso ko. "I’m not running away. I just need space, okay?" Muling sumeryoso ang tingin niya. "Space? Para saan?" I swallowed hard. Para makalimutan kita. Para mawala ang epekto mo sa akin. Pero hindi ko masabi iyon. "Para makapag-isip," sagot ko na lang. He sighed. "Then let’s talk. Ayoko ng ganito, Celeste." Napayuko ako. Alam kong hindi ko siya basta-basta matatakasan. Bumuntong-hininga ako bago tumango. "Fine. Pero hindi rito." Mabilis kaming lumabas ng grocery store at pumasok sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa habang bumibiyahe, hanggang sa huminto siya sa isang parking lot na walang masyadong tao. Lumingon siya sa akin. "Bakit mo ako iniwasan?" Napalunok ako. "You know why." Nanatili siyang nakatingin sa akin, pero hindi ko kinaya ang lalim ng tingin niya kaya ibinaling ko ang paningin sa labas ng bintana. "Celeste," he said, his voice softer this time. "Alam kong mahirap para sa 'yo ang nangyari. Pareho tayong biktima rito. Gusto ko lang din makasigurong walang ibang makakaalam kung ano ang nangyari nang gabing iyon. Pareho tayong professionals. I'm a doctor and you're a lawyer. Ayokong masira ang reputasyon natin dahil lang sa isang pagkakamali. Ninong mo ako at inaanak kita. Malaking kahihiyan sa buong angkan natin kapag nalaman nila ang tungkol sa atin."Celeste's POV Isang buwan matapos ang gabing iyon, hindi ko pa rin matakasan ang bigat sa dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik sa normal ang buhay ko—nag-focus ako sa trabaho, iniiwasan ang anumang usapan tungkol kay Ninong Chester, at sinubukang kalimutan ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, may isang bagay na hindi ko maintindihan…"Celeste, are you okay?" tanong ni Mia, isa sa mga closest colleagues ko sa law firm. "Mukhang matamlay ka lately."Napangiti ako kahit pakiramdam ko’y hindi ito umabot sa mga mata ko. "I’m fine. Medyo napupuyat lang sa work.""Are you sure? Kasi ang payat mo na, tapos lagi kang parang lutang," sabad naman ni Henry, ang isa pa naming kasama sa team. "Hindi kaya may dinaramdam ka?"Umiling ako. "Stress lang ‘to. Huwag niyo akong alalahanin."Pero kahit sinasabi kong okay ako, hindi ko maitago sa sarili kong may bumabagabag sa katawan ko.Una, mas madali akong mapagod. Dati, kaya kong magpuyat nang dalawang araw nang walang problema. Pero ngayon
Celeste's POV "Buntis ka, Celeste."Those words echoed in my head like a relentless storm.Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko.Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko.My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong.Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko."Ms. Rockwell?"Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko."N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito.Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pr
Celeste's POVHindi ako makahinga. Parang biglang huminto ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Ninong Chester.“We will raise that child and you need to marry me!”It felt like a forceful command, an inescapable fate that he had already decided for me.Bago ko pa maproseso ang lahat, bigla siyang lumapit. His towering presence made my legs weak, and before I knew it, his firm grip was on my wrist—hindi marahas, pero matigas, sapat para maramdaman kong wala akong kawala."P—Paano mo nalaman?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang kaba.Tumigil siya sa paggalaw at tinitigan ako ng matalim. His cold, assessing eyes bore into mine, as if reading every thought inside my head. Damn it, Celeste. Bakit mo ba naisipang harapin siya ngayon?“You think I wouldn’t know?” bumaba ang boses niya, bahagyang lumapit pa sa akin. “You’ve been avoiding me for weeks. I had someone follow you—siyempre hindi mo naisip ‘yon dahil masyado kang busy sa kakaiwas sa akin. Masyado kang masunuring bat
Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatitig kay Ninong Chester habang unti-unting bumibigat ang bawat salita niya sa utak ko."Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes. And trust me, Celeste, I always get what I want."Hindi ito usapang normal. Hindi ito usapang magaan lang na puwede kong tawanan o talikuran. Ito ay ultimatum.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. No, Celeste. Huwag kang magpaapekto. Ninong mo siya at inaanak ka niya.“Ikaw lang naman ang may gusto nito, Ninong,” sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. “Hindi ibig sabihin na buntis ako, kailangan ko nang pakasalan ka. Hindi ko rin naman sinabinsa iyo na kailangan mo akong panindigan. Hindi mo kami obligasyon o responsibilidad. Ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagkakamali natin.”Nagtaas siya ng kilay. “At paano kung sabihin kong kailangan mo akong pakasalan alang-alang sa anak natin?”Napairap ako. “Dahil ba mayayaman tayo? Dahil b
Celeste's POV Gusto niya akong pakasalan. Hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil lang sa bata. Hindi ako kailanman magiging asawa niya sa paraan na gusto ko. Matigas ang kanyang tingin, walang bakas ng emosyon. Ngunit alam kong ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi basta pananakot lang. Si Ninong Chester Villamor ay hindi marunong magbiro pagdating sa mga desisyon niya. Kaya nang sabihin niyang wala akong ibang pagpipilian, alam kong hindi iyon biro. Huminga ako nang malalim at tumawa nang mapait. “So, gano’n lang ‘yon? We sign a contract, we get married, and then what? Magpapanggap tayong masaya? Magpapanggap tayong normal?” “Hindi ko kailanman sinabing kailangan nating magpanggap.” Napairap ako. “Oh, so magpapakasal tayo pero hindi tayo magiging totoong mag-asawa? Gano’n ba, Ninong?” Napatingin siya sa akin nang matalim. “Chester. I'm not your Ninong Chester anymore, Celeste. Tumigil ka na sa kakatawag sa 'kin ng Ninong.” “Bakit?” ngumisi ako nang mapait. “Naa
Celeste's POV Dalawang araw mula nang iwan ko si Ninong Chester sa opisina niya, isang tawag ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. "Ms. Rockwell, this is Attorney Sebastian Cruz. Can we set a meeting? It’s about Dr. Villamor’s proposal." Halos mabitawan ko ang telepono ko. Proposal. Hindi kasal, kung 'di isang negosasyon. Alam kong hindi susuko si Ninong Chester, pero hindi ko akalaing magpapadala pa siya ng abogado. "You’re wasting your time, Attorney Cruz," malamig kong sagot. "I already gave him my answer." "This isn’t just about your answer, Ms. Rockwell. This is about what happens next." Naramdaman kong bumigat ang loob ko. "Fine. Set the meeting." *** Nasa harapan ko ngayon si Attorney Cruz sa isang private meeting room ng isang five-star hotel. Sa tabi niya, may isang makapal na dokumento. Alam ko na kung ano ‘yon kahit hindi ko pa binabasa. "This is a contract of marriage, Ms. Rockwell," kalmadong paliwanag niya. "One year. That’s all Dr. Villamor is asking." Tumaa
Celeste's POV Pinili naming magpakasal nang tahimik sa opisina ni Attorney Cruz. Wala man lang bulaklak, walang bisita, at walang engrandeng selebrasyon—isang pirmahan lang, isang kasunduang legal. At pagkatapos, bumalik kami sa kani-kanilang buhay na parang walang nangyari. Sa mata ng mundo, hindi kami kasal, at kahit sa pagitan naming dalawa, parang gano’n na rin. Sa loob ng unang linggo ng kasal namin, walang nagbago sa relasyon namin. Ninong Chester continued to treat me with cold professionalism—parang doktor sa pasyente, parang employer sa empleyado. Para sa akin, parang Ninong pa rin siya. Sa labas, mukhang normal lang ang buhay ko. Pumapasok pa rin ako sa law firm, patuloy sa trabaho, patuloy sa pag-abot ng pangarap ko bilang senior partner. Pero ang totoo, may bitbit akong lihim na unti-unting nagpapabigat sa akin. Gabi-gabi, natutulog ako sa isang malawak na kama sa isang bahay na hindi akin—ang penthouse ni Ninong Chester. Hindi ko inaasahan na titira ako rito mat
Celeste's POV Pagkatapos ng nakakapanindig-balahibong family gathering, nanatili akong tahimik sa buong biyahe pauwi. Si Ninong Chester, tulad ng inaasahan, ay walang interes makipag-usap. Ang mga kamay niya ay nasa manibela, mata nakatutok sa daan—walang emosyon, walang kahit anong indikasyon na naapektuhan siya ng ginawa naming pagpapanggap. Ako lang ang nakakaramdam ng bigat. Isang kasinungalingan ang lumipad sa hangin kanina, at ngayon, nakadikit na ito sa katauhan ko. I was no longer just Celeste Rockwell—the corporate lawyer climbing her way to the top. I am now Mrs. Villamor, the wife of a billionaire doctor. At ang buong pamilya ko, pati ang mundo sa labas, ay naniwala sa ilusyon na iyon. Muli kong inisip ang sinabi niya kanina sa hapunan. "I'm already married." Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang katotohanang nagawa niyang bigkasin iyon nang walang kahirap-hirap o ang katotohanang para bang wala lang talaga ito sa kanya. Nang makarating kami sa
Celeste’s POVHabang naghihintay ng resulta sa kalagayan ni Caleigh, nahagip ng mata ko si Reginald Villamor na nakikipag-usap sa mga doktor at nurses. Nanliliksik ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin. Hindi naman kami sa Villamor Medical Hospital nagpunta, pero kahit dito ay nakikita ko pa rin siya. Nagkibit-balikat ako nang mapansing naglakad siya patungo sa direksiyon ko. "Ano ang kailangan mo? Papaalisin mo na naman ba kami kagaya ng ginawa mo dati?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Alam kong galit ka sa akin," saad niya."Galit?" Hindi ko mapigilang mapangisi. “‘Galit’ is an understatement, Mr. Villamor,” sagot ko, tinitigan ko siya. “You raped my mother. And I am the living proof of that crime.”Napalunok siya. Nanlabo ang mata niya sa paningin ko, pero wala akong pakialam. Gusto kong makita niya ang bawat piraso ng sakit sa mga mata ko.“I was young. I was reckless. And yes… I committed a sin I can never take back.”“Sin?” mariin kong ulit. “You call it a sin?
Celeste's POV Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatayo sa harap ng lalaking tinuring kong salot sa buhay ko. Halos magliyab ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para humarap sa kanya ngayon. Mabigat ang hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid. Nasa harap ko ang lalaking ito, na may mukha ng isang respetadong negosyante sa lipunan, ngunit sa ilalim ng maskarang iyon ay isang halimaw. "Idedemanda kita pagkatapos mong gahasain ang ina ko noon," diretsong sabi ko kay Reginald Villamor. "Ang kapal-kapal ng pagmumukha mong magpakita sa akin pagkatapos mong gumawa ng kasamaan!" "So alam mo na..." Mas lalong humina ang boses niya. "Your son told me everything. Ano? Masaya ka na ba? Sinira mo kami at pati buhay ng anak namin ay masisira dahil sa ginawa mo! Wala kang puso! Kampon ka ng demonyo, Reginald. Ikinahihiya kita bilang ama ko. Kahit kailan hinding-hindi kita tatanggapin bilang ama. Si Carlos Rockwell lang ang ama ko. Wala akong am
Celeste's POV Lumabas ako ng kotse ni Chester na parang wala nang lakas ang mga paa ko, pero pinilit kong hindi lumingon, kahit pa ilang ulit niya akong tinawag. Paulit-ulit na “Celeste” ang naririnig ko mula sa likod ko—paos, puno ng pakiusap, nanginginig ang tinig na para bang siya rin ay dinudurog ng sarili niyang katotohanan. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako lumingon. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Hindi ko kayang madagdagan pa ang bigat na dala ko sa dibdib. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa akin—nakayuko ako, basang-basa ng luha ang mga mata ko, at ang buong katawan ko ay nanghihina na. Pagkapasok ko sa gate, hindi na ako nakatiis. Naupo ako sa gilid, sa malamig na sahig ng pasilyo, at doon na ako tuluyang bumigay. Nanginginig ang katawan ko habang tahimik na humahagulhol. Ang mga palad ko ay nakatakip sa mukha ko, pilit pinipigil ang mga hikbi pero wala, hindi ko na makontrol. Ang bawat p
Celeste’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa malamig na bangkong iyon sa waiting area ng maliit na clinic. Tila ba bawat segundo’y may bigat na parang binabayo ang puso ko ng malalakas na hampas ng kabog ng kaba at pangamba. Ang mga kamay ko’y nanlalamig, at ang bawat paghinga ko’y mababaw, pilit na itinatago ang takot na baka may masamang mangyari kay Chester. Napatayo na lang ako sa biglang pagtapik ng nurse sa aking balikat. “Ma’am, gising na po ang pasyente. Pwede niyo na po siyang makita.” Parang nawala ang bigat sa dibdib ko, pero kapalit nito ay ang kaba na muli ko na namang maririnig ang boses niya. Mabilis akong pumasok sa silid, pilit na tinatago ang pag-aalalang nag-uumapaw sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang maputlang mukha ni Chester, nakahiga sa kama, naka-intravenous, at bahagyang pinipilit ngumiti nang makita ako. “Celeste,” mahinang usal niya, parang bang sinambit niya ang pangalan ko sa paraang niyayakap ng kanyang buong kal
Celeste's POV “Dada! Dada!” Paulit-ulit na binibigkas ng anak kong si Caleigh ang salitang iyon habang nilalaro ang maliit niyang stuffed toy sa tabi ng crib. Tila musika ito sa pandinig ng isang inang sabik sa bawat milestone ng kanyang anak—ngunit sa puso ko, iyon ay isang paalala. Isang mabigat at masakit na paalala ng kawalang nandoon sa likod ng bawat "Dada" na isinisigaw ni Caleigh. Wala si Chester. At kahit gustuhin kong ipaliwanag sa bata kung bakit, paano mo nga ba sasabihin sa isang musmos na ang taong hinahanap-hanap niya ay kusang lumayo, at hindi sigurado kung kailan—o kung babalik pa? Lumapit ako sa crib at marahang hinaplos ang buhok ng anak ko. Pinilit kong ngumiti habang hinahaplos ang pisngi niya. “Anak, mahal ka ng Dada mo,” mahina kong bulong. “Pero hindi siya pwedeng sumama sa atin ngayon…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napapikit ako at mariing kinagat ang labi ko. Ramdam kong unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko, pero hindi ko pinayagang bumags
Celeste's POV "C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin. Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan. "Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita." Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang
Chester's POV Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible. Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Mag
Chester's POV Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done? Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan. Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag a
Celeste's POV Pitong araw na ako naghihintay ng kahit katiting na lambing mula kay Chester, ngunit wala—hindi man lang ako matitigan sa mata, ni hindi ako mahalikan sa labi gaya ng dati. Ang dating mainit na yakap tuwing gabi, napalitan ng katahimikan at espasyong parang bangin sa pagitan naming dalawa. At kahit ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan, lambingin, o kausapin nang maayos, hindi ko siya maramdaman. Para bang may pader na hindi ko matawid. Simula nang makita niya kaming magkasabay ni Joaquin sa labas ng bahay, bigla siyang nagbago. Wala naman akong ginawang masama. Hinatid lang naman ako ng kaibigan ko matapos ang isang mahabang araw sa korte, pero ang naging reaksyon ni Chester ay parang nahuli niya akong may kasalanan. Hindi siya nagsalita, pero mas mabigat pa sa sigawan ang katahimikan niya. Minsan, alas-dose na ako natutulog, umaasa na maririnig ko ang tunog ng pinto, ang yabag ng sapatos niya sa hallway, o kahit ang mahina niyang bulong ng “I’m home,” pero wala