Waves Of Costa Fuego

Waves Of Costa Fuego

last updateLast Updated : 2025-02-17
By:   Almodine  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
30Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Laura Isabelle Villacampo is no stranger to hardship. Raised by her mother in the shadows of Costa Fuego, she's never had the luxury of a perfect life or the comfort of knowing her real father's name. Despite the rumors, she's far from a pampered rich girl. But when she starts working as a part-time maid in the mansion of one of the wealthiest families in Costa Fuego, the Del Fuegos, she crosses paths with Eng. Archival-the intimidating, cold-hearted eldest son of the family. A man whose world seems light-years away from hers... until she unexpectedly finds herself drawn to him. What happens when a woman, hardened by life's struggles, falls for the very thing she's been taught to resent? Will love be her salvation or her deepest hatred? Deep-rooted hate, life-changing truths, and a thirst for revenge, can their love survive the test of time and betrayal? Or will the fire between them burn everything to ashes? #Romance #Revenge #ForbiddenLove #EnemiesToLovers #CostaFuego #Plotwist #heartbreak

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

"Laura, dali! Tignan mo ito!" tawag ni Lea sa akin, sabik na ipinapakita ang mga shells na napulot niya sa dalampasigan. Agad akong ngumiti at lumapit sa kanya, bitbit ang isang paper bag na pinaglagyan ko rin ng mga shells at batong nakuha ko kanina. "Ang ganda naman nyan..." Namamangha kong sabi habang siya naman ay ngumiti nang abot-tenga. Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na may hugis-puso. Napansin kong may biyak ito sa gilid, marahil dahil sa hampas ng malalaking alon sa dagat. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang ganda nito, lalo na sa kakaibang kulay na taglay nito. "Sayo na yan, Lau..." Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. "Alam kong mahilig ka sa mga ganyan. At isa pa, hindi naman ako mahilig sa mga... alam mo na," sabi niya, sabay kibit-balikat. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko itong kinuha mula sa kanya, masayang ngumiti. Matagal ko nang kinahihiligan ang mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego—ginagawa ko itong bohemian ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Hazel Mae Sibugan
Next chap pls
2025-02-04 14:51:55
0
user avatar
Almodine
updated na po .........️
2023-01-17 08:32:05
2
user avatar
Almodine
thanks for reading po ...️
2022-12-10 10:54:13
2
30 Chapters
Simula
"Laura, dali! Tignan mo ito!" tawag ni Lea sa akin, sabik na ipinapakita ang mga shells na napulot niya sa dalampasigan. Agad akong ngumiti at lumapit sa kanya, bitbit ang isang paper bag na pinaglagyan ko rin ng mga shells at batong nakuha ko kanina. "Ang ganda naman nyan..." Namamangha kong sabi habang siya naman ay ngumiti nang abot-tenga. Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na may hugis-puso. Napansin kong may biyak ito sa gilid, marahil dahil sa hampas ng malalaking alon sa dagat. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang ganda nito, lalo na sa kakaibang kulay na taglay nito. "Sayo na yan, Lau..." Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. "Alam kong mahilig ka sa mga ganyan. At isa pa, hindi naman ako mahilig sa mga... alam mo na," sabi niya, sabay kibit-balikat. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko itong kinuha mula sa kanya, masayang ngumiti. Matagal ko nang kinahihiligan ang mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego—ginagawa ko itong bohemian
last updateLast Updated : 2022-12-01
Read more
Kabanata 1 : Sea Shells
"Hoy! Laura..." Tawag ni Lea sa akin. Bago ako lumingon sa kanya, hinilot ko muna ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko parang mabibiyak na dahil sa hirap ng lesson namin kanina sa major subject. 1st year college na kami ni Lea—Business Administration ang kinuha ko, habang siya naman ay nasa Accountancy. "Ayos ka lang? Grabe, ang hirap ng exam kanina," sabi niya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. "Mahirap nga..." sagot ko habang iniligpit ang mga gamit ko sa desk. "Sana talaga hindi na lang ako nag-Accountancy... Ang hirap! Buti na lang at kaklase kita sa subject na ’to," natatawang sabi ni Lea habang kinukuha rin ang gamit niya. Napagpasyahan naming pumunta muna sa cafeteria para makakain, total break time naman. May klase pa ako mamaya, samantalang siya ay tapos na kaya siguradong mauuna siyang pupunta sa mansion, lalo na’t may bilin si Madam Isa kahapon. Kumuha lang ako ng dalawang toasted sandwich at isang can ng orange juice sa counter. Kinuha ko na ang pera k
last updateLast Updated : 2022-12-01
Read more
Kabanata 2 : Champagne and Wine
Pagpasok namin sa likuran ng mansyon, agad akong nabigla sa kasiglahan ng lahat—lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pati si Madam Isa, hindi na magkandaugaga sa kasisermon sa mga tauhan. Agad akong lumapit sa kanya, habang si Lukas naman ay dumiretso na sa hawla ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito. "Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" tarantang tanong ni Madam Isa. Napansin naman ni Aleng Mila ang paglapit ko, kaya tila nabunutan siya ng tinik at agad akong itinuro kay Madam. "Meron na! Ito oh, si Laura!" sagot niya sabay turo sa akin. Tiningnan ako ni Madam Isa, at batay sa ekspresyon niya, parang nabawasan ang stress niya nang makita ako. "Salamat naman, malapit ko nang makalimutan, Mila, na may isa pa pala akong alaga. Oh siya! Sumunod ka sa akin, hija, at ipapaliwanag ko sa’yo ang gagawin mo mamaya," aniya habang nagpapaypay sa sarili. Ipinasuot sa akin ni Madam ang isang puting uniporme na may black below-the-knee skirt. Pagkatapos, inabot niya sa a
last updateLast Updated : 2022-12-01
Read more
Kabanata 3 : Crush
Isang linggo na ang lumipas mula noong party, pero parang walang nagbago sa mansion-tahimik pa rin ito gaya ng dati. Sabi ni Madam Isa, abala ang Don at Donya kasama ang dalawang anak nila sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya, kaya bihira silang manatili rito. Maging ang panganay na anak ni Donya Mathilda ay hindi sumipot sa party dahil sa pagiging abala, ayon sa mga kasambahay. Pinapunta ako ni Madam sa hardin para diligan ang mga natutuyong halaman at ayusin ang mga tangkay. Hindi ko namalayang palapit na ako sa fountain, kaya hindi ko rin naiwasang maalala ang lalaking minsang nakatayo roon. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili kung sino siya-bago ba siyang tauhan ni Madam? Pero sabi ng mga kasambahay, wala naman daw bagong gwardya. Ang boses niya rin ay kapareho ng lalaking natapunan ko ng wine sa party. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Imposible namang siya iyon, hindi ba? Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose, pero bigla akong napatalon nang may tumapik
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more
Kabanata 4 : Painting
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ay isa sa mga tagapagmana ng yaman ng mga Del Fuego. "Buti naman at nandito ka na, Senyorito. Pupunta ka ba ngayon sa ubasan?" tanong ni Madam Isa nang makalapit siya sa amin. Mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina. "Yes, I've never been there. Mom wants me to check out the building-marami daw kailangang ayusin doon," sagot niya nang walang kaabog-abog, pero ang mga mata niya ay hindi umaalis sa akin. Tumango si Madam at saka napatingin din sa akin. "Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival? Minsan lang 'to pumunta dito kaya maraming hindi nakakakilala sa kanya." Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako. "We met already. Though she doesn't have any idea who I am," aniya, halos pabulong. Napansin ko ang pagdila niya sa kanyang ibabang labi habang nakatitig ako sa kanya, kasabay ng muling paglitaw ng kanyang misteryosong ngiti. Ewan ko ba, pero bigla akong nainis sa ka-preskuhan niya. Napairap ako na
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more
Kabanata 5 : Saved By Him
Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nagdi-discuss ang professor namin sa aming major subject. Katabi ko si Lea, at napansin kong matamlay siya mula pa kanina, palaging bumubuntong-hininga. Tahimik lang akong nagta-take down ng notes dahil next week na ang exam namin. "Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo. I'll write some pointers here to guide you," sabi ng professor namin habang nagsusulat ng mga formula sa blackboard. "So if mababa lang ang score niyo sa exam, hindi ko na yan kasalanan," dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng classroom. Nilapitan ko si Lea at tinanong siya ng may pag-aalala. "Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?" Nakahalumbaba lang siya sa bench, halatang mabigat ang iniisip. "Hindi ko na alam, Lau... I'd been so stressed lately. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," nalulungkot niyang sagot. Halos hindi niya nagalaw ang binili niyang snacks, masyadong malalim ang iniisip niya. "Ano bang problema? Mind to
last updateLast Updated : 2022-12-03
Read more
Kabanata 6 : Unknown Number
Dahil sa nangyari, hindi muna ako pina-duty ni Madam Isa sa mansion. Sabi niya, mas mabuting magpahinga muna ako kahit isang linggo. Dahil iyon ang sinabi ni Archival kay Madam, sumang-ayon siya—kaya wala na akong nagawa. Nalaman na rin ni Mama ang nangyari, kaya simula ngayon, pinagbawalan niya na akong dumaan sa dalampasigan. Samantala, pinakulong na ni Archival ang tatlong lalaking nagtangkang gumahasa sa akin sa kabilang nayon. Sabi niya, siya na ang bahala sa kanila at sisiguraduhin niyang hindi na sila muling makakalapit sa akin. Ang araw na ito ay parang hindi matapos-tapos para sa akin. I still can't process everything that happened. Umupo lang ako sa harapan ng bintana, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa desk. Kinuha ko ito at nakita ang mga text nina Lukas at Lea. Lea: Laura! I heard what happened from Madam Isa. Are you okay? I'm worried. Please call me if you need someone to talk to. :( Ako: Okay lang ako, salamat sa pag
last updateLast Updated : 2022-12-04
Read more
Kabanata 7 : Europhia
Isang linggo na ang lumipas mula nong nangyari sa akin sa tabing-dagat, at hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin dumaan doon. I still don't feel safe when I'm walking alone. Mabuti na lang at nandiyan parati sila Lukas at Lea para samahan ako. They always try to make me feel comfortable, sinasamahan ako sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo madalang na lang kaming mag-usap ni Lea dahil sa busy niyang schedule. Sunday ngayon, kaya nakahilata lang ako sa kama matapos maglinis kanina. I'm just staring blankly at the ceiling. Gustong-gusto ko nang lumabas, mamulot ng shells sa dalampasigan, at maligo sa dagat, pero natatakot pa rin akong mag-isa. Napabangon ako bigla nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa desk at natulala ng ilang segundo sa pangalan ng tumatawag—si Archival. "H-hello?" bati ko habang lumalakad papunta sa bintana at naupo sa lumang upuan ko. "Hi, it's been a while... Are you available today?" he
last updateLast Updated : 2022-12-05
Read more
Kabanata 8 : Named, Livi
Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan, agad akong sinalubong ni Mama. Pinagbihis niya muna ako ng damit pambahay bago ako pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin habang si Mama naman ay nasa harapan ko, dahan-dahang s********p ng kape. Tahimik siya, malalim ang iniisip, kaya hindi ko maiwasang magtaka. "Mama, may problema ba?" tanong ko nang may pag-aalala, sabay lapit sa kanya. Tumingin siya sa akin, saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon, Laura?" Naguguluhan akong tumango. "Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..." Tipid siyang ngumiti pero kalaunan ay napabuntong-hininga. Halatang may bumabagabag sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Laura, alam ko ang tingin ng isang lalaking may gusto. At ang lalaking 'yon... napapansin kong—" "Naku! Hindi po 'yan totoo, Ma..." Naputol ang sasabihin ko nang marahang pisilin ni
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more
Kabanata 9 : Tender Kiss
Pagkatapos ng klase namin, dumiretso na kami ni Lukas sa Mansion ng mga Del Fuego. "Kita na lang tayo mamaya, Laura... Pakakainin ko pa kasi si Makisig," nagmamadaling sabi ni Lukas bago siya tumakbo papunta sa mga kwadra ng kabayo. Sa lahat ng inaalagaan niyang kabayo, si Makisig ang paborito niya. Sobrang bait kasi nito, at napalapit na rin siya rito dahil simula pagkabata pa lang ni Makisig, siya na ang nag-aalaga sa kanya. Pagpasok ko ng gate, agad kong nakita si Madam Isa na masungit na namang nanenermon sa isa sa mga tauhan niya. "Napakadali na nga lang magtabas ng damo, hindi mo pa magawa nang maayos... Mag-break ka na nga lang muna, Jose! Naha-highblood na ako sa’yo!" Nasa likuran lang ako ni Madam, tahimik na pinagmamasdan si Jose na halatang baguhan pa lang dito. Tumango siya at nagmamadaling umalis, dumiretso sa likuran ng Mansion. Humarap naman sa akin si Madam, nakataas pa rin ang isang kilay. "Mabuti at nandito ka na, Laura. Akala ko hindi ka na magtatrabaho dito da
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status