"Laura, dali! Tignan mo ito!" tawag ni Lea sa akin, sabik na ipinapakita ang mga shells na napulot niya sa dalampasigan.
Agad akong ngumiti at lumapit sa kanya, bitbit ang isang paper bag na pinaglagyan ko rin ng mga shells at batong nakuha ko kanina. "Ang ganda naman nyan..." Namamangha kong sabi habang siya naman ay ngumiti nang abot-tenga. Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na may hugis-puso. Napansin kong may biyak ito sa gilid, marahil dahil sa hampas ng malalaking alon sa dagat. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang ganda nito, lalo na sa kakaibang kulay na taglay nito. "Sayo na yan, Lau..." Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. "Alam kong mahilig ka sa mga ganyan. At isa pa, hindi naman ako mahilig sa mga... alam mo na," sabi niya, sabay kibit-balikat. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko itong kinuha mula sa kanya, masayang ngumiti. Matagal ko nang kinahihiligan ang mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego—ginagawa ko itong bohemian jewelry at palamuti sa kurtina. "May sabi-sabi raw na uuwi na silang Don Anton at Donya Mathilda mamaya... o baka bukas," biglang sabi ni Lea. Natigilan ako at agad siyang hinarap. Ngunit sa halip na seryoso, ngumisi lang siya at patuloy sa panunukso. "At syempre, kasama raw si Sebastian... Diba crush mo yon, Laura?" Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko. Humagikhik lang si Lea at inakbayan ako. "Naalala pa kaya tayo niya? Halos isang taon rin silang hindi naka-uwi dito sa Costa. Naalala ko pa dati—parati ka lang nakatingin sa kanya sa malayo tuwing bibisita siya dito!" "Siguro hindi na..." mahinahon kong sagot. "At tsaka crush lang naman ‘to. Simpleng paghanga lang dahil ang bait niya sa atin." Pabirong tinulak ako ni Lea at nag-roll ng mata. "Ang sabihin mo, mabait at gwapo!" aniya, sabay kindat. "At sa ganda mong ‘yan? Sigurado akong naalala ka niya. Sa dami ng manliligaw mo, si Senyorito Sebastian lang naman ang nakakuha ng interes mo. Kaya kung ako sa’yo, ako na ang gagawa ng first move. Malay mo, Laura, ikaw pala ang hinihintay niyang mapangasawa!" Bago pa ako makasagot, isang malakas na sigaw mula sa itaas ng cliff ang pumukaw sa aming pansin. "Lea! Laura?! Hinahanap na kayo ni Madam Isa!" sigaw ng aming kaibigan, si Lukas, habang kumakaway sa amin. Lea leaned closer at bumulong, "Alam mo, isa pa yang si Lukas... Matagal ka na rin niyang gusto, kaso ang torpe lang." "Bakit ba ang dami mong sinasabi?" natatawang sagot ko, sabay hila sa kanya patakbo paakyat sa hagdan kung saan naghihintay si Lukas. Pagdating namin sa likod ng mansion ng mga Del Fuego, agad naming nakita si Madam Isa. Nakakunot ang noo niya at bakas ang iritasyon sa mukha. "Saan kayo galing?" mariing tanong niya, hindi na naghihintay ng sagot. "Ngayon o bukas darating silang Don at Donya Mathilda kasama ang mga Senyorito! Tumulong nga kayo o sisibakin ko kayong dalawa!" galit niyang sigaw. Napayuko ako at itinabi ang paper bag na naglalaman ng mga napulot kong shells. Doon ko rin inilagay ang wallet ko, dahil wala akong bulsa. "B-Break pa po kasi namin, Ma’am..." depensa ni Lea, pero hindi na siya pinakinggan ni Madam Isa. Sa halip, nagmartsa ito papunta sa hardin at muling sumigaw. "Laura, diligan mo ito! Ikaw, Lea, doon ka sa harap ng mansion! Lukas, ikaw naman sa mga kabayo! Magsikilos na kayo at natataranta na ako!" Wala kaming nagawa kundi sumunod. Kahit pa masungit at mahigpit si Madam Isa, malaki pa rin ang pasasalamat namin sa kanya. Siya ang tumulong sa pamilya namin at nagbigay ng trabaho sa amin dito sa mansion ng mga Del Fuego—ang isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamayayamang pamilya sa Batangas. Pagkatapos kong diligan ang mga halaman, winalis ko ang natirang tuyong dahon sa Bermuda grass. Halos 6PM na, kaya malapit na akong mag-out. Matapos linisin ang aking area, sinigurado kong wala nang naiwan na gamit sa hardin bago lumapit kay Madam Isa. "Madam, tapos na po ako..." Tiningnan niya ako bago sinipat ang hardin sa likuran ko. Sumimangot siya, saka tiningnan ang oras sa kanyang relo. "Pwede ka nang umuwi. Pero bukas, kailangan mong mag-early in. Baka maging abala tayo sa pagdating ng mga amo natin." Tumango ako at nagpaalam kina Lukas at Lea, pero hindi pa sila pinayagan umuwi dahil hindi pa sila tapos sa kanilang gawain. Habang naglalakad pauwi, naisip kong hindi na dumaan sa dalampasigan tulad ng nakasanayan ko. Dahil sa pagod, dumiretso na lang ako sa bahay. "Ma?" tawag ko pagpasok. Tahimik ang loob, kaya dumiretso ako sa kwarto niya at maingat na kumatok bago pumasok. Mahimbing siyang natutulog. Inayos ko ang kumot niya at hindi na siya ginising. Matapos magbihis, nagluto ako ng hapunan at kumain. Pagkatapos, agad akong pumunta sa kwarto upang mag-aral. Biglang sumagi sa isip ko ang paper bag na naiwan ko sa hardin—pati na rin ang wallet ko! Napakamot ako sa noo nang maalala ito. Agad akong nagbihis at kinuha ang jacket ko. Saktong pagbukas ko ng pinto, nakita kong palabas din si Mama mula sa kwarto niya. "Kanina ka pa?" tanong niya. Tumango ako at kumuha ng pinggan para sa kanya. "Kumain ka na?" tanong ulit niya. "Opo, Ma." Umupo siya sa mesa at muling tumingin sa akin. "Saan ka pupunta, Laura?" "S-Sa mansion lang po, Ma. Naiwan ko kasi ang wallet ko sa hardin..." "Uh-huh? Gabi na, ipagpabukas mo na lang ‘yan, hija." "Pero nandoon po ang allowance ko, Ma... Baka masali sa basura." Napabuntong-hininga siya, pero sa huli, tumango na lang. "Fine. Basta mag-ingat ka." Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Opo, Ma! Kain ka po ng marami," masaya kong sabi bago nagmadaling lumabas. Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako pabalik sa mansion. Dahil manipis lang ang jacket ko, niyakap ko ang sarili at binilisan ang hakbang. Sa likuran ako dumaan at nakita ko sina Manong Tonyo at Manong Pedro na nagbabantay sa gate. "Laura? Hija, gabi na ah. Bakit ka pa nandito?" tanong ni Manong Pedro. "Manong, naiwan ko po kasi ang wallet ko sa loob. Pwede ko bang kunin saglit?" Pinayagan naman nila ako. Pagdating sa hardin, madilim na, tanging mga lampshade at LED lights mula sa fountain ang nagbibigay-liwanag. Nang makita ko ang paper bag kung saan ko ito iniwan kanina, agad akong napabuntong-hininga. "Hayss... Buti na lang at hindi ka napagkamalang basura ng mga taga-linis dito sa mansion," mahina kong sabi, ramdam ang ginhawa. Napatingin ako sa fountain at hindi ko napigilang lumapit. Ang linaw ng tubig, ang elegante ng disenyo, at ang liwanag mula sa mga ilaw sa paligid ay nagbigay dito ng halos mahiwagang itsura. "Grabe ang ganda..." wala sa loob kong nasambit habang pinagmamasdan ang tubig na tila sumasayaw sa ilalim ng mapusyaw na ilaw. Napatingin ako sa paligid, siniguradong walang ibang tao maliban kay Manong Pedro na nagroronda sa labas. May naisip akong gawin. Mabilis kong kinuha ang isang barya mula sa wallet ko at marahang pumikit. "Wishing well naman siguro ‘to," bulong ko sa sarili, bago ihinulog ang barya sa tubig. Pinanood ko itong lumubog, at napansin kong parang ako lang yata ang unang nagtapon ng barya dito. "Bakit kaya?..." Napakagat-labi ako. "Baka bawal?" Saglit kong tiningnan ang paligid, pero wala namang nagmamasid. "Ah, bahala na. Di naman siguro nila ako papagalitan kung malaman nilang nag-wish lang ako." Papasok na sana ako para kunin ang paper bag ko nang biglang mapansin kong may taong nakatayo sa kabilang banda ng fountain. Natabunan ng anino mula sa poste ang kalahati ng kanyang mukha, dahilan para hindi ko siya agad makilala. "Who are you?..." His cold, baritone voice sent shivers down my spine. Nanlamig ang kamay ko at bigla akong naging alerto. Nakita kong humakbang siya palapit kaya napaatras ako nang bahagya. "What are you doing here, lady?" he asked icily. Napakunot ang noo ko. Suot niya ang isang simpleng white T-shirt, pero kahit sa bahagyang liwanag, kita ang matipuno niyang pangangatawan. Dahil nakatayo siya sa medyo madilim na bahagi ng fountain, hindi ko maaninag nang buo ang mukha niya. Pero base sa kanyang taas at tindig, naisip kong baka isa siyang bagong guwardiya ng mansion. Malalapad ang kanyang balikat, matigas ang panga, at halatang iritable sa hindi ko pagsagot. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Hinigpitan ko ang hawak sa aking paper bag at tumingin sa kanya. "Ah... M-may naiwan lang po ako... sir," nauutal kong sagot. "S-sige po, lalabas na po ako... P-pasensya na po, hindi na po mauulit." Mabilis akong tumalikod at halos patakbong bumalik sa gate kung saan nakabantay sina Manong Tonyo at Manong Pedro. Hindi na ako nagpaalam nang maayos dahil sa kaba. Pagkalabas ko ng mansion, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging reaksyon ko sa lalaking iyon. His low, cold baritone voice really crept into my bones. Parang ngayon ko lang narinig ang ganoong klaseng boses—sobrang intimidating, sobrang nakakapanindig-balahibo."Hoy! Laura..." Tawag ni Lea sa akin. Bago ako lumingon sa kanya, hinilot ko muna ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko parang mabibiyak na dahil sa hirap ng lesson namin kanina sa major subject. 1st year college na kami ni Lea—Business Administration ang kinuha ko, habang siya naman ay nasa Accountancy. "Ayos ka lang? Grabe, ang hirap ng exam kanina," sabi niya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. "Mahirap nga..." sagot ko habang iniligpit ang mga gamit ko sa desk. "Sana talaga hindi na lang ako nag-Accountancy... Ang hirap! Buti na lang at kaklase kita sa subject na ’to," natatawang sabi ni Lea habang kinukuha rin ang gamit niya. Napagpasyahan naming pumunta muna sa cafeteria para makakain, total break time naman. May klase pa ako mamaya, samantalang siya ay tapos na kaya siguradong mauuna siyang pupunta sa mansion, lalo na’t may bilin si Madam Isa kahapon. Kumuha lang ako ng dalawang toasted sandwich at isang can ng orange juice sa counter. Kinuha ko na ang pera k
Pagpasok namin sa likuran ng mansyon, agad akong nabigla sa kasiglahan ng lahat—lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pati si Madam Isa, hindi na magkandaugaga sa kasisermon sa mga tauhan. Agad akong lumapit sa kanya, habang si Lukas naman ay dumiretso na sa hawla ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito. "Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" tarantang tanong ni Madam Isa. Napansin naman ni Aleng Mila ang paglapit ko, kaya tila nabunutan siya ng tinik at agad akong itinuro kay Madam. "Meron na! Ito oh, si Laura!" sagot niya sabay turo sa akin. Tiningnan ako ni Madam Isa, at batay sa ekspresyon niya, parang nabawasan ang stress niya nang makita ako. "Salamat naman, malapit ko nang makalimutan, Mila, na may isa pa pala akong alaga. Oh siya! Sumunod ka sa akin, hija, at ipapaliwanag ko sa’yo ang gagawin mo mamaya," aniya habang nagpapaypay sa sarili. Ipinasuot sa akin ni Madam ang isang puting uniporme na may black below-the-knee skirt. Pagkatapos, inabot niya sa a
Isang linggo na ang lumipas mula noong party, pero parang walang nagbago sa mansion-tahimik pa rin ito gaya ng dati. Sabi ni Madam Isa, abala ang Don at Donya kasama ang dalawang anak nila sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya, kaya bihira silang manatili rito. Maging ang panganay na anak ni Donya Mathilda ay hindi sumipot sa party dahil sa pagiging abala, ayon sa mga kasambahay. Pinapunta ako ni Madam sa hardin para diligan ang mga natutuyong halaman at ayusin ang mga tangkay. Hindi ko namalayang palapit na ako sa fountain, kaya hindi ko rin naiwasang maalala ang lalaking minsang nakatayo roon. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili kung sino siya-bago ba siyang tauhan ni Madam? Pero sabi ng mga kasambahay, wala naman daw bagong gwardya. Ang boses niya rin ay kapareho ng lalaking natapunan ko ng wine sa party. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Imposible namang siya iyon, hindi ba? Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose, pero bigla akong napatalon nang may tumapik
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ay isa sa mga tagapagmana ng yaman ng mga Del Fuego. "Buti naman at nandito ka na, Senyorito. Pupunta ka ba ngayon sa ubasan?" tanong ni Madam Isa nang makalapit siya sa amin. Mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina. "Yes, I've never been there. Mom wants me to check out the building-marami daw kailangang ayusin doon," sagot niya nang walang kaabog-abog, pero ang mga mata niya ay hindi umaalis sa akin. Tumango si Madam at saka napatingin din sa akin. "Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival? Minsan lang 'to pumunta dito kaya maraming hindi nakakakilala sa kanya." Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako. "We met already. Though she doesn't have any idea who I am," aniya, halos pabulong. Napansin ko ang pagdila niya sa kanyang ibabang labi habang nakatitig ako sa kanya, kasabay ng muling paglitaw ng kanyang misteryosong ngiti. Ewan ko ba, pero bigla akong nainis sa ka-preskuhan niya. Napairap ako na
Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nagdi-discuss ang professor namin sa aming major subject. Katabi ko si Lea, at napansin kong matamlay siya mula pa kanina, palaging bumubuntong-hininga. Tahimik lang akong nagta-take down ng notes dahil next week na ang exam namin. "Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo. I'll write some pointers here to guide you," sabi ng professor namin habang nagsusulat ng mga formula sa blackboard. "So if mababa lang ang score niyo sa exam, hindi ko na yan kasalanan," dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng classroom. Nilapitan ko si Lea at tinanong siya ng may pag-aalala. "Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?" Nakahalumbaba lang siya sa bench, halatang mabigat ang iniisip. "Hindi ko na alam, Lau... I'd been so stressed lately. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," nalulungkot niyang sagot. Halos hindi niya nagalaw ang binili niyang snacks, masyadong malalim ang iniisip niya. "Ano bang problema? Mind to
Dahil sa nangyari, hindi muna ako pina-duty ni Madam Isa sa mansion. Sabi niya, mas mabuting magpahinga muna ako kahit isang linggo. Dahil iyon ang sinabi ni Archival kay Madam, sumang-ayon siya—kaya wala na akong nagawa. Nalaman na rin ni Mama ang nangyari, kaya simula ngayon, pinagbawalan niya na akong dumaan sa dalampasigan. Samantala, pinakulong na ni Archival ang tatlong lalaking nagtangkang gumahasa sa akin sa kabilang nayon. Sabi niya, siya na ang bahala sa kanila at sisiguraduhin niyang hindi na sila muling makakalapit sa akin. Ang araw na ito ay parang hindi matapos-tapos para sa akin. I still can't process everything that happened. Umupo lang ako sa harapan ng bintana, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa desk. Kinuha ko ito at nakita ang mga text nina Lukas at Lea. Lea: Laura! I heard what happened from Madam Isa. Are you okay? I'm worried. Please call me if you need someone to talk to. :( Ako: Okay lang ako, salamat sa pag
Isang linggo na ang lumipas mula nong nangyari sa akin sa tabing-dagat, at hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin dumaan doon. I still don't feel safe when I'm walking alone. Mabuti na lang at nandiyan parati sila Lukas at Lea para samahan ako. They always try to make me feel comfortable, sinasamahan ako sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo madalang na lang kaming mag-usap ni Lea dahil sa busy niyang schedule. Sunday ngayon, kaya nakahilata lang ako sa kama matapos maglinis kanina. I'm just staring blankly at the ceiling. Gustong-gusto ko nang lumabas, mamulot ng shells sa dalampasigan, at maligo sa dagat, pero natatakot pa rin akong mag-isa. Napabangon ako bigla nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa desk at natulala ng ilang segundo sa pangalan ng tumatawag—si Archival. "H-hello?" bati ko habang lumalakad papunta sa bintana at naupo sa lumang upuan ko. "Hi, it's been a while... Are you available today?" he
Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan, agad akong sinalubong ni Mama. Pinagbihis niya muna ako ng damit pambahay bago ako pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin habang si Mama naman ay nasa harapan ko, dahan-dahang s********p ng kape. Tahimik siya, malalim ang iniisip, kaya hindi ko maiwasang magtaka. "Mama, may problema ba?" tanong ko nang may pag-aalala, sabay lapit sa kanya. Tumingin siya sa akin, saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon, Laura?" Naguguluhan akong tumango. "Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..." Tipid siyang ngumiti pero kalaunan ay napabuntong-hininga. Halatang may bumabagabag sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Laura, alam ko ang tingin ng isang lalaking may gusto. At ang lalaking 'yon... napapansin kong—" "Naku! Hindi po 'yan totoo, Ma..." Naputol ang sasabihin ko nang marahang pisilin ni
The air between us was thick, suffocating, as if the universe itself held its breath. Archival’s eyes burned into mine—wild, dark, consuming. He looked like a man on the edge, like a predator who had finally cornered his prey.His hands cupped my face, his thumb tracing my trembling lips. "Fuck," he murmured, his voice low, husky, dangerous. "You drive me insane. Years, Laura... years of wanting, searching… and ngayon nandito kana sa harapan ko."His lips crashed onto mine—urgent, desperate, like a man claiming what was always his. His kiss wasn’t soft; it was punishing, full of rage and longing all at once. I felt my back hit the wall, his body pressing against mine, solid, unyielding, inescapable."Tell me to stop," he growled against my lips, his breath hot against my skin as his hands roamed, tracing the curves he once memorized. "Tell me you don’t want this."Pero hindi ko kaya. Instead, my fingers tangled into his hair, pulling him closer, pressing myself against him like I nee
I cleaned myself up and put on the clothes he gave me, pero hindi ako mapakali.I knew he had figured it out, lalo na’t carbon copy niya ang anak ko. And knowing him, I was sure alam na niya. I couldn’t keep pretending na hindi ako si Luara.I brushed my hair and looked at my reflection. Without makeup, my face was bare—still holding the same angelic features I despised the most.Lumabas na ako ng comfort room, wearing the oversized T-shirt he lent me. He also gave me a pair of shorts, but they were far too big for my frame. His shirt like a length of dress for me, kaya nagdesisyon akong huwag na lang isuot ang shorts.The sound of heavy rain filled the air. Hindi ko inakalang uulan pa ngayon. My eyes wandered to Riley, who was now awake and playing with Archival.They were playing chess.Napairap ako. My son is smart—I know that all too well. But it still amaz
Papunta kami sa maliit na villa na nadaanan ko kanina.Riley was holding the tip of his shirt while Archival carried me in his arms—just like a bride.His bride.I couldn’t shake off that thought. This could have been my man. My child’s father. My own family. Pero nakakatawa mang aminin, I wished na ganito na lang sana. But I knew it was impossible. He was married—to the very woman who had hurt me the most. I didn’t even know if kasabwat siya sa nangyari 4 years ago. The bitterness was overwhelming, knowing that this man was holding me now as if I were the most fragile woman in his life.Muli kong naalala ang panahon kung kailan kinarga niya rin si Lea ng ganito noong nahimatay siya. A sudden wave of irritation and frustration surged through me."I can walk… you can drop me now," I said, my voice laced with annoyance.He met my eyes, his gaze unwavering. "I told you… I’ll kiss you if you don’t shut your pretty mouth.""May I remind you, Mr. Del Fuego, you’re married, and I am not the
Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba
Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"
Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an
That night, hindi talaga ako nakatulog. No matter how many times I tossed and turned, one face kept haunting my mind—and that's Archival’s face. The way he looked at me kanina sa office. That lingering gaze— na noon, it used to make my knees weak, pero ngayon? I hate it more than anything else. "And a wife? I don’t have a wife… not yet."His words kept echoing in my head like a broken record. Napatawa ako ng mapakla. "Impossible…" Three years ago, I received a news. Si Papa Lucio mismo ang nagbigay sa akin non, while Riley was in my arms... Malinaw pa sa bagong labas na magazine—sila dalawa ni Lea, happily married, the picture perfect couple, standing side by side as they tied the knot. I can still remember how shattered I was, seeing Lea in her breathtaking designer made wedding gown, standing beside Archival—stoic as always, yet undeniably striking handsome in his suit. Walang duda. He’s a sweet-tounged liar.Nasa may terrace ako ngayon, nakaharap sa magandang dagat ng Cost
I drove straight to my office at Primo Shipline building because I had important meetings with Mr. Monsato. Yes, the business is under his name, but l'll be real—I’m the brain behind everything, I'm the foundation of this big project. Sa totoo lang, sa akin talaga ‘to, but I had to name it after him para mas madali akong makapasok sa Costa Fuego. Dito, halos lahat ng negosyo ay hawak ng mga pamilyang Del Fuego. I can’t really blame them. Ang mga Del Fuego kasi ang may pinakamalaking monopoly sa bayan na ‘to—once they set their eyes on something, they take full control. Pero hindi naman ako gan’on kadaling magpapatalo. I won’t ruin their business outright—hindi pa. I have a plan, and it’s been in motion since the beginning. Pagpasok ko sa building, sinalubong ako ng mga empleyado. I gave them a small smile, exchanging a few lighthearted greetings. Hindi naman ako suplada sa kanila—after all, they work for me, and I want them to feel comfortable with me as their boss. This kind
With confidence, I walked into the exclusive meeting room—isang pagtitipon na tanging dalawampung piling tao lang ang naimbitahan. Natahimik ang lahat nang pumasok ako, at agad kong naramdaman ang mga matang nakatutok sa akin, na puno ng pagtataka at pagkabigla. "May I have the honor to know your name, Ms.?" magalang na tanong ni Mr. Monsanto. Hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong mask. Halos lahat ng narito ay inalis na ang kanilang mga maskara, eager to show off their fancy attire and flaunt how wealthy they were to be part of this prestigious project. But I remained hidden behind mine, unwilling to reveal my identity just yet."Hernandez..." I lazily replied, making him stiffen. Maingat niya akong iginiya sa upuang nakalaan para sa kanya mismo, dahilan para magulat ang mga investor at shareholder—nagtataka kung bakit ako ang nakaupo sa lugar na dapat ay kay Mr. Monsanto.""Please continue with what you were discussing, Mr. Monsanto. Pay me no mind," diretsong sabi ko, dahi