"Hoy! Laura..." Tawag ni Lea sa akin.
Bago ako lumingon sa kanya, hinilot ko muna ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko parang mabibiyak na dahil sa hirap ng lesson namin kanina sa major subject. 1st year college na kami ni Lea—Business Administration ang kinuha ko, habang siya naman ay nasa Accountancy. "Ayos ka lang? Grabe, ang hirap ng exam kanina," sabi niya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. "Mahirap nga..." sagot ko habang iniligpit ang mga gamit ko sa desk. "Sana talaga hindi na lang ako nag-Accountancy... Ang hirap! Buti na lang at kaklase kita sa subject na ’to," natatawang sabi ni Lea habang kinukuha rin ang gamit niya. Napagpasyahan naming pumunta muna sa cafeteria para makakain, total break time naman. May klase pa ako mamaya, samantalang siya ay tapos na kaya siguradong mauuna siyang pupunta sa mansion, lalo na’t may bilin si Madam Isa kahapon. Kumuha lang ako ng dalawang toasted sandwich at isang can ng orange juice sa counter. Kinuha ko na ang pera ko para bayaran ito nang biglang may umagaw ng kamay ko sa ere. "Ako na..." Nagulat ako nang makita si Lukas—nakasuot siya ng jersey at pawisang T-shirt, halatang kagagaling lang sa laro. Hinihingal pa siya habang kinukuha ang wallet niya at inabot ang bayad sa tindera. "Thanks, Lukas... pero may pambayad naman ako," sabi ko habang kinukuha ang tray sa counter. "Sorry... G-gusto lang kitang ilibre," nahihiyang sagot niya. Hindi ko na sana siya papansinin, pero sumunod agad siya sa akin. "A-anong oras ka pala pupunta mamaya?" tanong niya. Binalingan ko siya saglit habang kinakagat ang sandwich ko. "Ah... Mamaya pagkatapos ng last subject ko." Tumango siya, tila may sasabihin pa, pero biglang may umakbay sa kanya kaya hindi niya naituloy. "Oy bro... Dumidiskarte ka na pala ah? Wag mo naman akong unahan kay Laura..." Pabirong sinuntok ni Lukas sa tiyan ang nagsalita—si Darren Sarmiento, isa sa matalik niyang kaibigan. Napatawa si Lukas, halatang nahihiya, saka bumaling sa akin. May mga mata na agad nakatuon sa amin. Si Lukas, bukod sa pagiging varsity player, ay isa sa mga hinahangaan sa campus. Mayroon siyang mapungay na brown eyes, medyo may pagka-chinito, matangos ang ilong, at manipis ang labi. His tan complexion defines his features even more. Hindi lang siya gwapo—magaling din siya sa academics, sports, at halos lahat ng bagay. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Lea na nakaangkla sa braso ko. Yakap-yakap niya ang snacks niya habang marahang hinihila ako palayo kay Lukas at Darren. "H-hoy! Teka, ang KJ mo naman, Lea! Hindi pa nga ako nakakaporma kay Laura!" Napalakas ang boses ni Darren, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang estudyante sa canteen. Narinig ko na ang bulungan ng ibang babae, tila may mga tsismis na namang nabubuo. "Stop it, Darren. You're making it worse, tsk!" Naiiritang sabi ni Lea bago bumaling kay Lukas. "Mauna na kami, Lukas. Kita na lang tayo mamaya." Tumango si Lukas habang nakatingin sa akin. Si Darren naman ay napailing at tumalikod pabalik sa counter. "I really hate that Darren Sarmiento! Do you see? Halos nagbubulungan na naman ang iba sa canteen! Kesyo playing hard to get ka raw at nag-eenjoy sa atensyon ng mga varsity at ibang lalaki sa campus. And that's really super annoying!" Sunod-sunod na reklamo ni Lea habang naglalakad kami papunta sa mini garden ng school. Tahimik dito, malayo sa ingay ng cafeteria, at mahangin din kaya gustong-gusto kong mag-aksaya ng oras dito kapag break. "Hayaan mo na... Hindi ko naman sila pinapansin," sagot ko. Napakunot ang noo ni Lea bago nagbuntong-hininga. Umupo siya sa tabi ko at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkainis. Si Lea ay anak-mayaman. Ang ama niya ay isang politiko, at ang ina niya naman ay isang negosyante sa Costa Fuego. May sarili silang warehouse dahil ang negosyo ng mama niya ay isang malaking retail store. Kahit mayaman, gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niyang bumili ng mga gusto niya nang hindi humihingi ng pera sa magulang. She was raised to be independent, at kahit privileged siya, gusto niyang maranasan ang buhay ng mga kagaya kong hindi lumaki sa yaman. Ilang sandali pa, nagpaalam na si Lea sa akin dahil mauuna na raw siya sa mansion. Ako naman ay may last subject pa. Sa klase, tahimik lang akong nakinig at nagsulat ng notes. Walang binigay na assignment si Prof. Gomez kaya naging maayos ang buong oras namin. Matapos ang klase, nilagay ko ang mga libro at gamit sa locker. Palabas na sana ako nang biglang may bumangga sa akin, dahilan para mawalan ako ng balanse at maupo sa sahig. "Hays! Ang lamya mo naman..." Galit akong napatingin sa kaklase kong si Beatrice—isa sa mga cheerleader ng campus. Suot niya ang red mini skirt at black crop top, may hawak na pom-pom sa kaliwang kamay. Sa likod niya ay ang dalawa niyang kaibigan—sina Amethyst at Brianna, na kaklase ko rin sa ibang subjects. Tumayo ako at pinagpagan ang nadumihang damit ko mula sa mga ginupit na tela ng pom-pom niya. "What a waste... Bakit ba maraming nagagandahan sa’yo?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, saka napailing. "Eh, ang losyang mo naman tignan, diba, girls?" Nagtawanan agad ang dalawa niyang kaibigan, dahilan upang mapatigil ang ilang estudyante sa hallway at mapatingin sa amin. Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, pero hindi ko na lang pinansin. Ayaw ko na sanang patulan ang pangbu-bully ni Beatrice, kaya tinangka kong lumagpas na lang sa kanila. Ngunit bago ko pa magawa iyon, hinawakan ako ng dalawa niyang kaibigan—si Amethyst at Brianna—at sapilitang ipinihit paharap kay Beatrice. "Geez! How dare you turn your back on me?!" galit niyang sigaw bago ako bigyan ng isang malutong na sampal. Napapikit ako sa sakit, at ramdam kong nag-iwan iyon ng marka sa pisngi ko. "Nagsasalita pa ako, di ba?! Don't you dare turn your ugly face on me! Hindi ka maganda!" dagdag pa niya, puno ng pang-iinsulto ang kanyang boses. Napahawak ako sa pisngi ko, pero pinilit kong hindi ipakita ang sakit. "Ano bang kasalanan ko sa’yo? Wala naman akong ginagawa sa’yo..." mahina kong sabi. Muli na namang nagbulungan ang mga tao sa paligid. Wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob na lumapit o sumaway. Siguro'y takot silang kalabanin si Beatrice—anak ng governor, mayaman, makapangyarihan. Sa mundong ginagalawan namin, kahit mali ang ginagawa niya, parang nagiging tama ito sa paningin ng iba. "Kasalanan?" Napangisi siya bago lumapit pa lalo sa akin. "Of course, may kasalanan ka! You're a bitch! Una si Lukas, tapos ngayon naman si Darren, at halos lahat ng varsity players ikaw ang pinag-uusapan! Nakakairita na marinig ang pangalan mo kahit saan!" Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pagiging childish niya o maiinis sa walang basehang galit niya sa akin. "Hindi ko naman hiningi na pansinin nila ako, Beatrice..." mahinahon kong sagot. "Kaibigan ko lang si Lukas, at—" "Wag kang sumagot, filthy bitch! I don't need your reasonings!" sigaw niya bago muling iangat ang kamay niya para sampalin ako. Ngunit bago pa niya ako matamaan, may pumigil sa kamay niya sa ere. Napatingin ako at nakita kong si Lukas iyon. Ang mukha niya'y puno ng galit, at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Beatrice. Halos hindi niya ito pinakawalan. Nakakunot ang noo niya, at halatang pigil ang galit sa kanyang boses nang magsalita siya. "Bea, what's wrong with you?" Nanatili siyang kalmado, pero ramdam ang bahid ng paninita sa kanyang tono. Hindi niya binitiwan ang braso ko, na para bang nais tiyakin na hindi na ako masasaktan pa ni Beatrice. "Leave Laura alone," madiin niyang sabi. "Kung hindi, ako mismo ang makakalaban mo." Halos hindi makapagsalita si Beatrice. Nangangatal ang labi niya habang nakatingin kay Lukas. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis siyang napairap. "Who cares?! Ang pangit ng taste mo, Lukas! What a waste!" bulalas niya bago tumalikod. "Let's go, girls!" Agad namang sumunod sa kanya sina Amethyst at Brianna, at mabilis silang naglaho sa hallway. Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pisngi ko, pero hindi ko gustong bigyan ito ng pansin. "Are you okay?" mahina at puno ng pag-aalalang tanong ni Lukas. Ngumiti ako kahit bahagya pa akong nanginginig. "Ah... Oo. Salamat, Lukas," sagot ko, sabay ayos ng buhok ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko. Ngunit hindi nakalagpas kay Lukas ang marka ng sampal. Muling dumilim ang ekspresyon niya, at nagdilim ang kanyang mga mata. Bago pa siya kumibo inunahan ko na, tinapik ko ang balikat niya at pilit na ngumiti. "Tara na, baka hinahanap na tayo ni Madam." Hindi na siya kumibo, pero sinundan niya ako palabas. Sa labas ng campus, pumara kami ng tricycle papunta sa mansion. Sa buong biyahe, tahimik lang si Lukas. Ramdam kong gusto niyang magsalita, pero pinipigilan niya ang sarili niya. Sa halip, panay ang sulyap niya sa akin, para bang isa akong babasaging vase na kailangan niyang protektahan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang sa tingin niya, kaya inilayo ko na lang ang paningin ko at itinuon ito sa tanawin sa labas—sa asul at payapang dagat na kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw.Pagpasok namin sa likuran ng mansyon, agad akong nabigla sa kasiglahan ng lahat—lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pati si Madam Isa, hindi na magkandaugaga sa kasisermon sa mga tauhan. Agad akong lumapit sa kanya, habang si Lukas naman ay dumiretso na sa hawla ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito. "Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" tarantang tanong ni Madam Isa. Napansin naman ni Aleng Mila ang paglapit ko, kaya tila nabunutan siya ng tinik at agad akong itinuro kay Madam. "Meron na! Ito oh, si Laura!" sagot niya sabay turo sa akin. Tiningnan ako ni Madam Isa, at batay sa ekspresyon niya, parang nabawasan ang stress niya nang makita ako. "Salamat naman, malapit ko nang makalimutan, Mila, na may isa pa pala akong alaga. Oh siya! Sumunod ka sa akin, hija, at ipapaliwanag ko sa’yo ang gagawin mo mamaya," aniya habang nagpapaypay sa sarili. Ipinasuot sa akin ni Madam ang isang puting uniporme na may black below-the-knee skirt. Pagkatapos, inabot niya sa a
Isang linggo na ang lumipas mula noong party, pero parang walang nagbago sa mansion-tahimik pa rin ito gaya ng dati. Sabi ni Madam Isa, abala ang Don at Donya kasama ang dalawang anak nila sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya, kaya bihira silang manatili rito. Maging ang panganay na anak ni Donya Mathilda ay hindi sumipot sa party dahil sa pagiging abala, ayon sa mga kasambahay. Pinapunta ako ni Madam sa hardin para diligan ang mga natutuyong halaman at ayusin ang mga tangkay. Hindi ko namalayang palapit na ako sa fountain, kaya hindi ko rin naiwasang maalala ang lalaking minsang nakatayo roon. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili kung sino siya-bago ba siyang tauhan ni Madam? Pero sabi ng mga kasambahay, wala naman daw bagong gwardya. Ang boses niya rin ay kapareho ng lalaking natapunan ko ng wine sa party. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Imposible namang siya iyon, hindi ba? Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose, pero bigla akong napatalon nang may tumapik
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ay isa sa mga tagapagmana ng yaman ng mga Del Fuego. "Buti naman at nandito ka na, Senyorito. Pupunta ka ba ngayon sa ubasan?" tanong ni Madam Isa nang makalapit siya sa amin. Mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina. "Yes, I've never been there. Mom wants me to check out the building-marami daw kailangang ayusin doon," sagot niya nang walang kaabog-abog, pero ang mga mata niya ay hindi umaalis sa akin. Tumango si Madam at saka napatingin din sa akin. "Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival? Minsan lang 'to pumunta dito kaya maraming hindi nakakakilala sa kanya." Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako. "We met already. Though she doesn't have any idea who I am," aniya, halos pabulong. Napansin ko ang pagdila niya sa kanyang ibabang labi habang nakatitig ako sa kanya, kasabay ng muling paglitaw ng kanyang misteryosong ngiti. Ewan ko ba, pero bigla akong nainis sa ka-preskuhan niya. Napairap ako na
Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nagdi-discuss ang professor namin sa aming major subject. Katabi ko si Lea, at napansin kong matamlay siya mula pa kanina, palaging bumubuntong-hininga. Tahimik lang akong nagta-take down ng notes dahil next week na ang exam namin. "Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo. I'll write some pointers here to guide you," sabi ng professor namin habang nagsusulat ng mga formula sa blackboard. "So if mababa lang ang score niyo sa exam, hindi ko na yan kasalanan," dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng classroom. Nilapitan ko si Lea at tinanong siya ng may pag-aalala. "Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?" Nakahalumbaba lang siya sa bench, halatang mabigat ang iniisip. "Hindi ko na alam, Lau... I'd been so stressed lately. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," nalulungkot niyang sagot. Halos hindi niya nagalaw ang binili niyang snacks, masyadong malalim ang iniisip niya. "Ano bang problema? Mind to
Dahil sa nangyari, hindi muna ako pina-duty ni Madam Isa sa mansion. Sabi niya, mas mabuting magpahinga muna ako kahit isang linggo. Dahil iyon ang sinabi ni Archival kay Madam, sumang-ayon siya—kaya wala na akong nagawa. Nalaman na rin ni Mama ang nangyari, kaya simula ngayon, pinagbawalan niya na akong dumaan sa dalampasigan. Samantala, pinakulong na ni Archival ang tatlong lalaking nagtangkang gumahasa sa akin sa kabilang nayon. Sabi niya, siya na ang bahala sa kanila at sisiguraduhin niyang hindi na sila muling makakalapit sa akin. Ang araw na ito ay parang hindi matapos-tapos para sa akin. I still can't process everything that happened. Umupo lang ako sa harapan ng bintana, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa desk. Kinuha ko ito at nakita ang mga text nina Lukas at Lea. Lea: Laura! I heard what happened from Madam Isa. Are you okay? I'm worried. Please call me if you need someone to talk to. :( Ako: Okay lang ako, salamat sa pag
Isang linggo na ang lumipas mula nong nangyari sa akin sa tabing-dagat, at hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin dumaan doon. I still don't feel safe when I'm walking alone. Mabuti na lang at nandiyan parati sila Lukas at Lea para samahan ako. They always try to make me feel comfortable, sinasamahan ako sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo madalang na lang kaming mag-usap ni Lea dahil sa busy niyang schedule. Sunday ngayon, kaya nakahilata lang ako sa kama matapos maglinis kanina. I'm just staring blankly at the ceiling. Gustong-gusto ko nang lumabas, mamulot ng shells sa dalampasigan, at maligo sa dagat, pero natatakot pa rin akong mag-isa. Napabangon ako bigla nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa desk at natulala ng ilang segundo sa pangalan ng tumatawag—si Archival. "H-hello?" bati ko habang lumalakad papunta sa bintana at naupo sa lumang upuan ko. "Hi, it's been a while... Are you available today?" he
Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan, agad akong sinalubong ni Mama. Pinagbihis niya muna ako ng damit pambahay bago ako pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin habang si Mama naman ay nasa harapan ko, dahan-dahang s********p ng kape. Tahimik siya, malalim ang iniisip, kaya hindi ko maiwasang magtaka. "Mama, may problema ba?" tanong ko nang may pag-aalala, sabay lapit sa kanya. Tumingin siya sa akin, saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon, Laura?" Naguguluhan akong tumango. "Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..." Tipid siyang ngumiti pero kalaunan ay napabuntong-hininga. Halatang may bumabagabag sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Laura, alam ko ang tingin ng isang lalaking may gusto. At ang lalaking 'yon... napapansin kong—" "Naku! Hindi po 'yan totoo, Ma..." Naputol ang sasabihin ko nang marahang pisilin ni
Pagkatapos ng klase namin, dumiretso na kami ni Lukas sa Mansion ng mga Del Fuego. "Kita na lang tayo mamaya, Laura... Pakakainin ko pa kasi si Makisig," nagmamadaling sabi ni Lukas bago siya tumakbo papunta sa mga kwadra ng kabayo. Sa lahat ng inaalagaan niyang kabayo, si Makisig ang paborito niya. Sobrang bait kasi nito, at napalapit na rin siya rito dahil simula pagkabata pa lang ni Makisig, siya na ang nag-aalaga sa kanya. Pagpasok ko ng gate, agad kong nakita si Madam Isa na masungit na namang nanenermon sa isa sa mga tauhan niya. "Napakadali na nga lang magtabas ng damo, hindi mo pa magawa nang maayos... Mag-break ka na nga lang muna, Jose! Naha-highblood na ako sa’yo!" Nasa likuran lang ako ni Madam, tahimik na pinagmamasdan si Jose na halatang baguhan pa lang dito. Tumango siya at nagmamadaling umalis, dumiretso sa likuran ng Mansion. Humarap naman sa akin si Madam, nakataas pa rin ang isang kilay. "Mabuti at nandito ka na, Laura. Akala ko hindi ka na magtatrabaho dito da
Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba
Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"
Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an
That night, hindi talaga ako nakatulog. No matter how many times I tossed and turned, one face kept haunting my mind—and that's Archival’s face. The way he looked at me kanina sa office. That lingering gaze— na noon, it used to make my knees weak, pero ngayon? I hate it more than anything else. "And a wife? I don’t have a wife… not yet."His words kept echoing in my head like a broken record. Napatawa ako ng mapakla. "Impossible…" Three years ago, I received a news. Si Papa Lucio mismo ang nagbigay sa akin non, while Riley was in my arms... Malinaw pa sa bagong labas na magazine—sila dalawa ni Lea, happily married, the picture perfect couple, standing side by side as they tied the knot. I can still remember how shattered I was, seeing Lea in her breathtaking designer made wedding gown, standing beside Archival—stoic as always, yet undeniably striking handsome in his suit. Walang duda. He’s a sweet-tounged liar.Nasa may terrace ako ngayon, nakaharap sa magandang dagat ng Cost
I drove straight to my office at Primo Shipline building because I had important meetings with Mr. Monsato. Yes, the business is under his name, but l'll be real—I’m the brain behind everything, I'm the foundation of this big project. Sa totoo lang, sa akin talaga ‘to, but I had to name it after him para mas madali akong makapasok sa Costa Fuego. Dito, halos lahat ng negosyo ay hawak ng mga pamilyang Del Fuego. I can’t really blame them. Ang mga Del Fuego kasi ang may pinakamalaking monopoly sa bayan na ‘to—once they set their eyes on something, they take full control. Pero hindi naman ako gan’on kadaling magpapatalo. I won’t ruin their business outright—hindi pa. I have a plan, and it’s been in motion since the beginning. Pagpasok ko sa building, sinalubong ako ng mga empleyado. I gave them a small smile, exchanging a few lighthearted greetings. Hindi naman ako suplada sa kanila—after all, they work for me, and I want them to feel comfortable with me as their boss. This kind
With confidence, I walked into the exclusive meeting room—isang pagtitipon na tanging dalawampung piling tao lang ang naimbitahan. Natahimik ang lahat nang pumasok ako, at agad kong naramdaman ang mga matang nakatutok sa akin, na puno ng pagtataka at pagkabigla. "May I have the honor to know your name, Ms.?" magalang na tanong ni Mr. Monsanto. Hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong mask. Halos lahat ng narito ay inalis na ang kanilang mga maskara, eager to show off their fancy attire and flaunt how wealthy they were to be part of this prestigious project. But I remained hidden behind mine, unwilling to reveal my identity just yet."Hernandez..." I lazily replied, making him stiffen. Maingat niya akong iginiya sa upuang nakalaan para sa kanya mismo, dahilan para magulat ang mga investor at shareholder—nagtataka kung bakit ako ang nakaupo sa lugar na dapat ay kay Mr. Monsanto.""Please continue with what you were discussing, Mr. Monsanto. Pay me no mind," diretsong sabi ko, dahi
The salty air wraps around me, making my long, wavy brown hair dance along with my summer dress. Dry leaves swirl at my feet as I kneel down, gently brushing away the dirt on her grave. "Kamusta ka na, Ma? I'm sorry ngayon lang ako nakadalaw..." My voice trembles, thick with emotion. I swallow hard, trying to hold back the tears welling in my eyes. "Mommy? Why are we here?" Riley’s small voice breaks the silence as he sits beside me. I pull him closer, and hug him from his back. "This is where my mama rests forever. She's your lola..."Kumunot ang noo ng anak ko, kaya natawa ako dahil sa ekspresyon niya. Riley is a bright and smart child, at parati rin siyang may mga tanong—at iyon ang dahilan kung bakit siya laging mulat sa mga nangyayari sa paligid. "Is she in heaven now, Momma?" tanong niya, ang inosenteng mata’y nakatingin lang sa akin. Tumango ako at hinaplos ang kanyang ulo. "She is now our guardian angel, baby." Hindi na kami nagtagal sa memorial site ni Mama. Ikalawa
I spotted Lukas in the crowd, holding a huge bouquet of roses. My heart skipped a beat as I smiled and quickly made my way to him. "Congratulations, you really did great!" he said, kissing me on the cheek before handing me the enormous bouquet. I grinned and wrapped him in a tight hug. "Thank you, Lukas. This is so beautiful! Where's Riley?" Lukas gently led me out of the crowd. It felt surreal—just moments ago, I had walked across the stage to receive my diploma in my Masters degree from one of London’s most prestigious universities. Four years had passed since I left the Philippines with Lukas and my son Riley. The journey hadn’t been easy, but with Lukas’ support and the guidance of Papa Lucio, my grandfather, I had made it through. "He's with his granddad, but they are waiting for you sa mansion. We will have a celebration for this."natawa ako at inabot ang kamay ni Lukas para igiya ako sa sasakyan na naghihintay sa amin sa labas. Everything feels perfect now. I’ve rega
Isang linggo na akong nakakulong sa malaking kwarto na 'to. Hindi naman ako ganun kalungkot, kasi hindi ako pinababayaan ni Lukas. Madalas din dumalaw si Dr. Kaleb at narito si Nurse Anne, na palaging handang tumulong sa akin-tinutulungan akong ayusin ang mga nakakabit na aparato sa katawan ko at nakatuon sa oras ng pagpapainom ng mga gamot ko.Pero kahit isang beses, hindi ko na nakita ulit ang matandang lalaki na pumasok dito nang magising ako. Paulit-ulit ko na ring tinatanong si Lukas tungkol sa kanya, pero tuwing binanggit ko siya, laging iniiba niya ang usapan."You're now improving, Ms. Laura. Pwede ka nang lumabas sa kwartong ito simula bukas. Para naman makasagap ka ng preskong hangin... Makakatulong 'yon sa mental health mo, at sa batang nasa tiyan mo," ani ni Dr. Kaleb habang binabasa ang diagnosis ko sa mga papel na hawak niya. Tumango lang ako nang mariin at muling tumingin sa labas ng bintana, iniisip ang mga tanong na wala pang kasagutan.Hapon na kaya nagkulay kahel na