Pagpasok namin sa likuran ng mansyon, agad akong nabigla sa kasiglahan ng lahat—lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pati si Madam Isa, hindi na magkandaugaga sa kasisermon sa mga tauhan.
Agad akong lumapit sa kanya, habang si Lukas naman ay dumiretso na sa hawla ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito. "Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" tarantang tanong ni Madam Isa. Napansin naman ni Aleng Mila ang paglapit ko, kaya tila nabunutan siya ng tinik at agad akong itinuro kay Madam. "Meron na! Ito oh, si Laura!" sagot niya sabay turo sa akin. Tiningnan ako ni Madam Isa, at batay sa ekspresyon niya, parang nabawasan ang stress niya nang makita ako. "Salamat naman, malapit ko nang makalimutan, Mila, na may isa pa pala akong alaga. Oh siya! Sumunod ka sa akin, hija, at ipapaliwanag ko sa’yo ang gagawin mo mamaya," aniya habang nagpapaypay sa sarili. Ipinasuot sa akin ni Madam ang isang puting uniporme na may black below-the-knee skirt. Pagkatapos, inabot niya sa akin ang isang magandang silver tray na may engrandeng disenyo bago niya ipinaliwanag ang magiging tungkulin ko sa event. Sampu kaming serbidora ngayong gabi, karamihan sa kanila ay ngayon ko pa lang nakilala. Habang nag-aayos, lihim kong hinanap si Lea, nagbabakasakaling makita ko rin siya rito. Ngunit kahit anino niya, hindi ko naaninag. Maya-maya, tumayo si Madam malapit sa pintuan ng kusina at malakas na pumalakpak ng dalawang beses upang makuha ang atensyon naming lahat, pati na rin ng mga chef sa aming likuran. "Ang iba sa inyo siguro'y alam na kung anong mangyayari sa gabing ito, hindi ba?" panimula niya. "Kung hindi pa, gusto kong malaman niyo na welcome party ito dahil nakauwi na ang mga Del Fuego... Kaya sa mga bago dito, pagbutihan niyo ang trabaho niyo ha? Ayoko ng palpak na trabaho. Dapat alam niyo na 'yan." Ang kanyang tinig ay puno ng awtoridad, kaya naman lahat kami ay tahimik na nakinig. Habang patuloy ang mga paghahanda, nagsimula nang dumagsa ang mga bisita sa napakalawak na living room ng mansyon. May ilan na nagkukumpulan sa gilid ng pool, nagtatawanan at nagkakasayahan. Lahat sila ay nakasuot ng mamahaling, makukulay, at eleganteng gowns at suits. Halos lahat ng naririto ay mayayaman—maliban na lang, siyempre, sa aming mga kasambahay. The mansion itself is reminiscent of European architecture, evident in the intricate details of its wooden structures. Despite its age, it remains as grand and majestic as ever. The massive chandelier at the center of the room exudes luxury, perfectly embodying the affluent lifestyle of the Del Fuegos. Mukhang ilang beses na rin itong na-renovate upang mapanatili ang karangyaan nito. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng mansyon, may kakaibang pakiramdam ako parati habang pinagmamasdan ko ang mga naglalakihang estatwa ng mga gargoyle at anghel sa labas ng portico. Medyo may kaunting eerie vibe, pero hindi maikakaila ang ganda at detalye ng pagkakalikha sa mga ito. Naputol ang pagmamasid ko sa party nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Paglingon ko, napatulala ako sa ganda ni Lea. Suot niya ang isang black and gold ruffle long dress, at nang makita niya ang reaksyon ko, ngumiti siya at bahagyang umikot sa harapan ko, ipinapakita ang kabuhuan ng eleganteng damit niya. "What do you think about my outfit?" Masaya niyang tanong, halatang excited siya. "Pretty as always..." Sagot ko nang deretso, hindi na kailangan ng paligoy-ligoy pa. Napabuntong-hininga siya bago biglang yumakap sa akin, parang batang naglalambing. "Hindi na sana ako a-attend dito eh. I wanted to help all of you, but my mom insisted that I be here and dress like this. Hindi niya ako pinayagan na magtrabaho ngayon dito." She pouted, halatang may tampo. Napatawa na lang ako. Normal lang naman ito—anak-mayaman siya, at ang event na ito ay para sa kanila. Pero hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Lea dahil tinawag ako ng isa pang serbidora para kumuha pa ng mga drinks. Habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao, dala-dala ang tray na may tatlong baso ng wine at dalawang champagne, napansin kong may isang matandang lalaking kumaway sa akin, senyales na gusto niyang kumuha ng alak. Agad akong lumapit, at nang kinuha niya ang dalawang baso ng champagne, ibinigay niya ang isa sa babaeng kausap niya. Sa hindi kalayuan, may biglang lumapit sa kanila—isang lalaking may mataas na balbas. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may tensyon sa pagitan nila. Napa-atras ako, ngunit hindi ko napansin na may tao pala sa likuran ko. Bago ko pa namalayan, nawalan ako ng balanse—at sa isang iglap, tumapon ang alak mula sa mga baso, diretso sa taong nasa likod ko. "F-fuck!..." Isang malutong na mura ang narinig ko, at doon ko lang napansin... nakahiga na ako sa matigas at malapad niyang dibdib. Napatingin ako sa kanya, at kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Nakakahiya... Nagmadali akong tumayo, hindi alintana ang sakit ng pagkakabagsak ko, at isa-isang pinulot ang mga basong nagkalat sa sahig. Agad akong yumuko at mabilis na humingi ng paumanhin sa lalaking natapunan ko. "I'm so sorry po..." Mahina kong sabi, halos hindi ko na maitaas ang tingin ko. Pakiramdam ko, lahat ng mata sa paligid ay nakatutok na sa amin. Ang nakakabinging katahimikan ay parang bumibigat sa dibdib ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, naghihintay sa mga masasakit na salitang maaaring lumabas sa bibig ng lalaking nasa harapan ko. Alam kong kasalanan ko ito. Sinira ko ang kanyang mamahaling suit—o baka pati ang gabi niya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo, walang ni isang salita ang lumabas mula sa kanya. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko, kinakabahan sa maaaring reaksyon niya. "Are you okay?" Malumanay ang boses niya, walang bahid ng galit o iritasyon. Para akong natigilan, lalo na nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inasahan ‘yon... At mas lalo akong natulala nang makita ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may pagkamangha sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin. At sa totoo lang, ako rin. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa lalaking nasa harapan ko. He looks like a demi-god straight from Mt. Olympus. His damp jet-black hair fell effortlessly, framing his face in the most mesmerizing way. His dark, intense eyes, thick eyebrows, and long lashes screamed perfection. His aristocratic nose added to his striking features, but what truly caught my attention were his thin, slightly flushed lips—so inviting yet intimidating. His skin had a warm, sun-kissed glow, and his broad, well-built physique only added to his undeniable presence. This man in front of me is the very definition of tall, dark, and godly handsome. "Hey? Are you alright?" Muling tanong niya, at sa isang iglap, bumalik ako sa ulirat. "Ah... Eh, oo po! At sorry po talaga..." Natataranta kong sagot, halos hindi ko na alam kung paano itatago ang hiya ko. His gray suit was now tainted with red because of the wine, but he didn’t seem to mind. Sa halip na mainis o magalit, nanatili siyang kalmado. May isang maid na lumapit upang bigyan siya ng pamunas, pero sa halip na gamitin ito para sa sarili niya, iniabot niya iyon sa akin. Napahiya man, aabutin ko na sana ang panyo, ngunit bago ko pa magawa iyon, isang kamay ang biglang humablot dito. Napatingin ako sa babaeng ngayon ay nakaharap na sa kanya, halatang iritado. Naka-bold high-cut slit red dress siya, at kahit hindi ko gustuhin aminin, mukha siyang isang diyosa sa ganda niya. Her curly blonde hair was shiny and bouncy, like she just walked out of a high-end fashion magazine. "My goodness! Your suit is now ruined… Are you okay, Arch?" Nag-aalalang sabi niya habang agad niyang tinangka na punasan ang tuxedo ng lalaki. Pero bago pa niya magawa, pinigilan siya nito. "Leave it, Cassandra," malamig na sabi niya. Napasinghap ako nang bumaling muli sa akin ang babae, halatang inis na inis. "What are you still doing here!? Get out!" galit niyang sigaw, hindi alintana ang mga taong nakatingin sa amin. Para akong natuka ng ahas. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang pagsigaw niya sa akin sa harap ng maraming tao o ang katotohanang wala akong magawa kundi tumango at lumakad palayo. Nagmamadali akong bumalik sa kusina, kung saan naghihintay si Madam Isa. Dismayado ang tingin niya sa akin, at alam kong hindi ito magandang senyales. "Magpahinga ka na lang muna sa labas, Laura..." Malamig ang boses niya, bago niya pinasa sa ibang serbidora ang tray ko pati na rin ang mga natitirang baso ng wine sa kamay ko. Pumasok muna ako sa comfort room at agad na naghilamos ng mukha. Ramdam ko pa rin ang init sa pisngi ko, hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o sa kung anong kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko kanina. Napatingin ako sa salamin—may bahagyang pulang mantsa na ang unipormeng bigay ni Madam dahil sa natapon kong wine. Napabuntong-hininga ako at inayos ang sarili ko, pinipilit na itago ang anumang bakas ng pagkailang sa nangyari. Pagkalabas ko ng comfort room, agad kong narinig ang muling pag-ingay ng mga tao sa gitna ng party. Nagbalik ang kanilang sigla nang ianunsyo ng MC ang pagbaba nina Don Antonio at Donya Mathilda mula sa grand staircase ng mansion. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila, at hindi ko rin naiwasang mamangha. Sobrang ganda ni Donya Mathilda—halos masilaw ako sa kinang ng gown na suot niya, para siyang reyna sa kanyang pagdating. Nakangiti siya sa lahat, habang naka-angkla ang kamay kay Don Antonio, na ngayon ay kumakaway sa kanyang mga kakilala. Hindi maitatanggi ang sumisigaw na karangyaan nila, lalo na sa maaliwalas nilang mukha at tindig na puno ng awtoridad. Ngunit doon ako natigilan nang mapadako ang tingin ko sa lalaking nakasunod sa kanila. Si Senyorito Sebastian. Hindi tulad ng huling kita ko sa kanya, mas mature na siya ngayon. Mas tumangos ang kanyang ilong, mas lumaki ang kanyang pangangatawan—hindi na siya ang binatilyong naaalala ko noon. Ngunit kahit nagbago ang kanyang anyo, nanatili pa rin ang maamong ekspresyon sa kanyang mukha. At higit sa lahat, hindi pa rin nagbago ang kanyang mga titig—mga matang kayang tunawin ang sinumang mahuli ng kanyang paningin. My young heart is now happy just seeing this man walking down the stairs. Kahit malayo ako sa kanya, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang makita lang siya ay sapat na para mapawi ang bigat ng gabing ito. Pagkababa nila sa grand staircase, dumiretso sila sa isang maliit na entablado na may apat na bangko. Umupo ang Don at Donya sa harapan, at si Sebastian naman ay naupo sa tabi ng kanyang ina. Sa likod at paligid nila, may mga bodyguards na alerto sa anumang maaaring mangyari. Isa-isang lumapit ang mga inimbitahang bisita para sa saglit na kamustahan at pakikipag-usap sa kanila. Mula sa kinatatayuan ko, kita kong bakas sa mukha ni Senyorito Sebastian ang bahagyang pagkainip. Halatang hindi niya gustong gawin ito, pero tinutupad pa rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang Del Fuego. Gusto ko pa sanang pagmasdan siya nang matagal, ngunit nang mapansin kong papalapit si Madam Isa sa kusina, agad akong natataranta. Hindi ko na hinintay pang mahuli niya akong nakatayo lang at nagmamasid, kaya minabuti kong lumabas na lang muna saglit upang magpahinga. "Sino kaya yung natapunan ko kanina?" Hindi ko maiwasang paulit-ulit na isipin ang lalaking iyon. Sa katunayan, kanina pa ako palihim na naghahanap sa kanya sa alon ng mga bisita. Pero hindi ko siya nakita, ni hindi ko man lang napansing lumapit siya kina Don at Donya upang bumati. Baka umalis na siya sa party dahil sa suit niyang nasira ko? O baka naman nag-aaway sila ng girlfriend niya dahil hindi niya ako pinagsabihan kanina? Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko dapat ito iniisip, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansion, sa veranda na nakaharap sa magandang hardin sa likuran. Dito, medyo dim na ang ilaw at halos walang katao-tao. Lahat ng bisita ay nasa harapan ng mansion, abala sa kasiyahan para sa pag-uwi ng mga Del Fuego. Mula rito, tanaw ko ang dagat na humahampas sa mga bato. Kahit madilim, kita ko pa rin ang dambuhalang alon dahil sa ilaw ng lighthouse na nakatayo sa di kalayuan. Malamig ang simoy ng hangin, at ramdam ko ang malayang paggalaw ng buhok kong nilugay ko kanina. Sumandal ako sa veranda at nagpahalumbaba, ninanamnam ang payapang tanawin sa harapan ko. Para bang saglit akong nakatakas mula sa ingay ng mundo. "Sana... nandito si Sebastian..." Wala sa sariling napangiti ako sa nasabi ko. Ang bilis naman ng oras, parang kahapon lang mga bata pa kami—at ngayon, heto na siya, isang lalaking hindi ko mapigilang pagmasdan. "Do you like him?" Nagulat ako at napatingin sa aking likuran, kung saan may isang lalaking nakasandal sa pillar ng veranda habang dahan-dahang s********p ng champagne. Madilim ang bahaging iyon kaya hindi ko siya agad mamukhaan. "K-kanina ka pa d'yan?" gulat kong tanong, pilit na pinapanatili ang normal na pintig ng puso ko. "Uh-huh... Yes, you just didn't notice me when you entered," prenteng sagot niya. Humakbang siya palapit sa akin, itinapat ang tingin sa dagat na parang wala lang. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang matukoy kung sino siya. Siya—ang lalaking natapunan ko ng wine kanina. Pero hindi na siya nakasuot ng gray tuxedo. Pinalitan niya ito ng isang itim na suit, mas bumagay pa sa kanyang matikas na postura. Hindi ako komportable sa lapit niya, pero hindi lang basta kaba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may kung anong hindi maipaliwanag na pwersang nag-uudyok sa puso kong bumilis ang pagtibok. My heart beats drumming fast, halos hindi ako makahinga, lalo na nang maamoy ko ang pabango niya. He has a minty cool scent, at halatang bagong ligo pa dahil bahagyang basa pa ang kanyang buhok. Mabilis akong umatras, nag-iisip ng paraan para makabalik sa loob, pero napansin niya iyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago niya ako tinanong. "Where are you going?" Mababa at malamig ang tono ng kanyang boses, pamilyar na baritono na nagpadagdag sa tensyon sa pagitan naming dalawa. "Ah... E, babalik na po ako, sir. B-baka kasi hinahanap na ako sa loob," sagot ko nang pautal, sabay talikod para makaalis. Pero bago ko pa magawa, hinawakan niya ang braso ko. Napatigil ako. Napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. My whole system went into hysteria. Para bang isang simpleng hawak lang niya ay sapat nang dahilan para magulo ang buong pagkatao ko. Nang mapansin niyang hindi ako naging komportable, agad niyang binitawan ang braso ko. "I'm sorry, I just wanted to talk to someone," aniya sa malumanay at mababang boses. "I don't really like parties... In fact, I hate it." His dark, piercing eyes were now set on me. Para bang nangungusap, hinihiling na huwag akong umalis. Pero his presence was overwhelming. Hindi ko yata kakayaning manatili rito kasama siya. "P-pasensya po, sir... And I'm sorry po ulit sa nangyari kanina… Pero baka mapagalitan po ako kung magtatagal pa ako dito," paumanhin ko, pilit na iniiwas ang tingin. Isang tahimik na segundo ang lumipas. Tinitigan niya ako na para bang ako ang isang palaisipang hindi niya maintindihan. Bigo siyang tumango, tumikhim, saka iniwas ang tingin. Dali-dali akong tumalikod at humakbang palayo, pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob, narinig ko ang boses niya, mas mababa ngayon at may bahid ng iritasyon. "Kung ako ba si Sebastian… will you stay here with me?" Natigilan ako. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad palayo—hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong iyon o kung dapat ba akong lumingon.Isang linggo na ang lumipas mula noong party, pero parang walang nagbago sa mansion-tahimik pa rin ito gaya ng dati. Sabi ni Madam Isa, abala ang Don at Donya kasama ang dalawang anak nila sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya, kaya bihira silang manatili rito. Maging ang panganay na anak ni Donya Mathilda ay hindi sumipot sa party dahil sa pagiging abala, ayon sa mga kasambahay. Pinapunta ako ni Madam sa hardin para diligan ang mga natutuyong halaman at ayusin ang mga tangkay. Hindi ko namalayang palapit na ako sa fountain, kaya hindi ko rin naiwasang maalala ang lalaking minsang nakatayo roon. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili kung sino siya-bago ba siyang tauhan ni Madam? Pero sabi ng mga kasambahay, wala naman daw bagong gwardya. Ang boses niya rin ay kapareho ng lalaking natapunan ko ng wine sa party. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Imposible namang siya iyon, hindi ba? Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose, pero bigla akong napatalon nang may tumapik
Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ay isa sa mga tagapagmana ng yaman ng mga Del Fuego. "Buti naman at nandito ka na, Senyorito. Pupunta ka ba ngayon sa ubasan?" tanong ni Madam Isa nang makalapit siya sa amin. Mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina. "Yes, I've never been there. Mom wants me to check out the building-marami daw kailangang ayusin doon," sagot niya nang walang kaabog-abog, pero ang mga mata niya ay hindi umaalis sa akin. Tumango si Madam at saka napatingin din sa akin. "Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival? Minsan lang 'to pumunta dito kaya maraming hindi nakakakilala sa kanya." Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako. "We met already. Though she doesn't have any idea who I am," aniya, halos pabulong. Napansin ko ang pagdila niya sa kanyang ibabang labi habang nakatitig ako sa kanya, kasabay ng muling paglitaw ng kanyang misteryosong ngiti. Ewan ko ba, pero bigla akong nainis sa ka-preskuhan niya. Napairap ako na
Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nagdi-discuss ang professor namin sa aming major subject. Katabi ko si Lea, at napansin kong matamlay siya mula pa kanina, palaging bumubuntong-hininga. Tahimik lang akong nagta-take down ng notes dahil next week na ang exam namin. "Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo. I'll write some pointers here to guide you," sabi ng professor namin habang nagsusulat ng mga formula sa blackboard. "So if mababa lang ang score niyo sa exam, hindi ko na yan kasalanan," dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng classroom. Nilapitan ko si Lea at tinanong siya ng may pag-aalala. "Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?" Nakahalumbaba lang siya sa bench, halatang mabigat ang iniisip. "Hindi ko na alam, Lau... I'd been so stressed lately. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," nalulungkot niyang sagot. Halos hindi niya nagalaw ang binili niyang snacks, masyadong malalim ang iniisip niya. "Ano bang problema? Mind to
Dahil sa nangyari, hindi muna ako pina-duty ni Madam Isa sa mansion. Sabi niya, mas mabuting magpahinga muna ako kahit isang linggo. Dahil iyon ang sinabi ni Archival kay Madam, sumang-ayon siya—kaya wala na akong nagawa. Nalaman na rin ni Mama ang nangyari, kaya simula ngayon, pinagbawalan niya na akong dumaan sa dalampasigan. Samantala, pinakulong na ni Archival ang tatlong lalaking nagtangkang gumahasa sa akin sa kabilang nayon. Sabi niya, siya na ang bahala sa kanila at sisiguraduhin niyang hindi na sila muling makakalapit sa akin. Ang araw na ito ay parang hindi matapos-tapos para sa akin. I still can't process everything that happened. Umupo lang ako sa harapan ng bintana, pinagmamasdan ang paglubog ng araw, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa desk. Kinuha ko ito at nakita ang mga text nina Lukas at Lea. Lea: Laura! I heard what happened from Madam Isa. Are you okay? I'm worried. Please call me if you need someone to talk to. :( Ako: Okay lang ako, salamat sa pag
Isang linggo na ang lumipas mula nong nangyari sa akin sa tabing-dagat, at hanggang ngayon, iniiwasan ko pa rin dumaan doon. I still don't feel safe when I'm walking alone. Mabuti na lang at nandiyan parati sila Lukas at Lea para samahan ako. They always try to make me feel comfortable, sinasamahan ako sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo madalang na lang kaming mag-usap ni Lea dahil sa busy niyang schedule. Sunday ngayon, kaya nakahilata lang ako sa kama matapos maglinis kanina. I'm just staring blankly at the ceiling. Gustong-gusto ko nang lumabas, mamulot ng shells sa dalampasigan, at maligo sa dagat, pero natatakot pa rin akong mag-isa. Napabangon ako bigla nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa desk at natulala ng ilang segundo sa pangalan ng tumatawag—si Archival. "H-hello?" bati ko habang lumalakad papunta sa bintana at naupo sa lumang upuan ko. "Hi, it's been a while... Are you available today?" he
Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko pa lang sa pintuan, agad akong sinalubong ni Mama. Pinagbihis niya muna ako ng damit pambahay bago ako pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin habang si Mama naman ay nasa harapan ko, dahan-dahang s********p ng kape. Tahimik siya, malalim ang iniisip, kaya hindi ko maiwasang magtaka. "Mama, may problema ba?" tanong ko nang may pag-aalala, sabay lapit sa kanya. Tumingin siya sa akin, saka hinawakan ang magkabila kong kamay. "Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon, Laura?" Naguguluhan akong tumango. "Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..." Tipid siyang ngumiti pero kalaunan ay napabuntong-hininga. Halatang may bumabagabag sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Laura, alam ko ang tingin ng isang lalaking may gusto. At ang lalaking 'yon... napapansin kong—" "Naku! Hindi po 'yan totoo, Ma..." Naputol ang sasabihin ko nang marahang pisilin ni
Pagkatapos ng klase namin, dumiretso na kami ni Lukas sa Mansion ng mga Del Fuego. "Kita na lang tayo mamaya, Laura... Pakakainin ko pa kasi si Makisig," nagmamadaling sabi ni Lukas bago siya tumakbo papunta sa mga kwadra ng kabayo. Sa lahat ng inaalagaan niyang kabayo, si Makisig ang paborito niya. Sobrang bait kasi nito, at napalapit na rin siya rito dahil simula pagkabata pa lang ni Makisig, siya na ang nag-aalaga sa kanya. Pagpasok ko ng gate, agad kong nakita si Madam Isa na masungit na namang nanenermon sa isa sa mga tauhan niya. "Napakadali na nga lang magtabas ng damo, hindi mo pa magawa nang maayos... Mag-break ka na nga lang muna, Jose! Naha-highblood na ako sa’yo!" Nasa likuran lang ako ni Madam, tahimik na pinagmamasdan si Jose na halatang baguhan pa lang dito. Tumango siya at nagmamadaling umalis, dumiretso sa likuran ng Mansion. Humarap naman sa akin si Madam, nakataas pa rin ang isang kilay. "Mabuti at nandito ka na, Laura. Akala ko hindi ka na magtatrabaho dito da
Pagkauwi ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko. Lutang ang isip ko mula pa kanina, simula nang umalis ako sa mansion. Halos hindi ko na nga masagot ang mga tanong ni Lukas dahil sa dami ng iniisip ko—lalo na ang nangyari kanina. Pagbagsak ko sa kama, tulala akong tumitig sa kisame. Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko talaga malimutan ang lambot ng labi niya. Lalo na ang inasta ko kanina. Napahugot ako ng unan, ibinaon ang mukha ko rito, at sumigaw nang walang tunog dahil sa kahibangan na ginawa ko. "Nakakahiya talaga! Nababaliw na yata ako!" Gusto ko na ba talaga siya? Hindi naman ganito ang feelings ko kay Sebastian. Iba itong nararamdaman ko kay Archival. Mas mabigat kaysa sa paghanga at pagtingin ko sa kapatid niya. I can't accept this. Pero the more I deny it, the more lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. So should I accept these feelings? Mahal ko na ba talaga siya? --- Isang linggo na ang lumipas mula nang huli naming pagkikita ni Archival sa pool. Tuwing nagtat
Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba
Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"
Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an
That night, hindi talaga ako nakatulog. No matter how many times I tossed and turned, one face kept haunting my mind—and that's Archival’s face. The way he looked at me kanina sa office. That lingering gaze— na noon, it used to make my knees weak, pero ngayon? I hate it more than anything else. "And a wife? I don’t have a wife… not yet."His words kept echoing in my head like a broken record. Napatawa ako ng mapakla. "Impossible…" Three years ago, I received a news. Si Papa Lucio mismo ang nagbigay sa akin non, while Riley was in my arms... Malinaw pa sa bagong labas na magazine—sila dalawa ni Lea, happily married, the picture perfect couple, standing side by side as they tied the knot. I can still remember how shattered I was, seeing Lea in her breathtaking designer made wedding gown, standing beside Archival—stoic as always, yet undeniably striking handsome in his suit. Walang duda. He’s a sweet-tounged liar.Nasa may terrace ako ngayon, nakaharap sa magandang dagat ng Cost
I drove straight to my office at Primo Shipline building because I had important meetings with Mr. Monsato. Yes, the business is under his name, but l'll be real—I’m the brain behind everything, I'm the foundation of this big project. Sa totoo lang, sa akin talaga ‘to, but I had to name it after him para mas madali akong makapasok sa Costa Fuego. Dito, halos lahat ng negosyo ay hawak ng mga pamilyang Del Fuego. I can’t really blame them. Ang mga Del Fuego kasi ang may pinakamalaking monopoly sa bayan na ‘to—once they set their eyes on something, they take full control. Pero hindi naman ako gan’on kadaling magpapatalo. I won’t ruin their business outright—hindi pa. I have a plan, and it’s been in motion since the beginning. Pagpasok ko sa building, sinalubong ako ng mga empleyado. I gave them a small smile, exchanging a few lighthearted greetings. Hindi naman ako suplada sa kanila—after all, they work for me, and I want them to feel comfortable with me as their boss. This kind
With confidence, I walked into the exclusive meeting room—isang pagtitipon na tanging dalawampung piling tao lang ang naimbitahan. Natahimik ang lahat nang pumasok ako, at agad kong naramdaman ang mga matang nakatutok sa akin, na puno ng pagtataka at pagkabigla. "May I have the honor to know your name, Ms.?" magalang na tanong ni Mr. Monsanto. Hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong mask. Halos lahat ng narito ay inalis na ang kanilang mga maskara, eager to show off their fancy attire and flaunt how wealthy they were to be part of this prestigious project. But I remained hidden behind mine, unwilling to reveal my identity just yet."Hernandez..." I lazily replied, making him stiffen. Maingat niya akong iginiya sa upuang nakalaan para sa kanya mismo, dahilan para magulat ang mga investor at shareholder—nagtataka kung bakit ako ang nakaupo sa lugar na dapat ay kay Mr. Monsanto.""Please continue with what you were discussing, Mr. Monsanto. Pay me no mind," diretsong sabi ko, dahi
The salty air wraps around me, making my long, wavy brown hair dance along with my summer dress. Dry leaves swirl at my feet as I kneel down, gently brushing away the dirt on her grave. "Kamusta ka na, Ma? I'm sorry ngayon lang ako nakadalaw..." My voice trembles, thick with emotion. I swallow hard, trying to hold back the tears welling in my eyes. "Mommy? Why are we here?" Riley’s small voice breaks the silence as he sits beside me. I pull him closer, and hug him from his back. "This is where my mama rests forever. She's your lola..."Kumunot ang noo ng anak ko, kaya natawa ako dahil sa ekspresyon niya. Riley is a bright and smart child, at parati rin siyang may mga tanong—at iyon ang dahilan kung bakit siya laging mulat sa mga nangyayari sa paligid. "Is she in heaven now, Momma?" tanong niya, ang inosenteng mata’y nakatingin lang sa akin. Tumango ako at hinaplos ang kanyang ulo. "She is now our guardian angel, baby." Hindi na kami nagtagal sa memorial site ni Mama. Ikalawa
I spotted Lukas in the crowd, holding a huge bouquet of roses. My heart skipped a beat as I smiled and quickly made my way to him. "Congratulations, you really did great!" he said, kissing me on the cheek before handing me the enormous bouquet. I grinned and wrapped him in a tight hug. "Thank you, Lukas. This is so beautiful! Where's Riley?" Lukas gently led me out of the crowd. It felt surreal—just moments ago, I had walked across the stage to receive my diploma in my Masters degree from one of London’s most prestigious universities. Four years had passed since I left the Philippines with Lukas and my son Riley. The journey hadn’t been easy, but with Lukas’ support and the guidance of Papa Lucio, my grandfather, I had made it through. "He's with his granddad, but they are waiting for you sa mansion. We will have a celebration for this."natawa ako at inabot ang kamay ni Lukas para igiya ako sa sasakyan na naghihintay sa amin sa labas. Everything feels perfect now. I’ve rega
Isang linggo na akong nakakulong sa malaking kwarto na 'to. Hindi naman ako ganun kalungkot, kasi hindi ako pinababayaan ni Lukas. Madalas din dumalaw si Dr. Kaleb at narito si Nurse Anne, na palaging handang tumulong sa akin-tinutulungan akong ayusin ang mga nakakabit na aparato sa katawan ko at nakatuon sa oras ng pagpapainom ng mga gamot ko.Pero kahit isang beses, hindi ko na nakita ulit ang matandang lalaki na pumasok dito nang magising ako. Paulit-ulit ko na ring tinatanong si Lukas tungkol sa kanya, pero tuwing binanggit ko siya, laging iniiba niya ang usapan."You're now improving, Ms. Laura. Pwede ka nang lumabas sa kwartong ito simula bukas. Para naman makasagap ka ng preskong hangin... Makakatulong 'yon sa mental health mo, at sa batang nasa tiyan mo," ani ni Dr. Kaleb habang binabasa ang diagnosis ko sa mga papel na hawak niya. Tumango lang ako nang mariin at muling tumingin sa labas ng bintana, iniisip ang mga tanong na wala pang kasagutan.Hapon na kaya nagkulay kahel na