Khaira needs to save her family business. And saving it means—to marry Nygel Peter Quazon Fuentes. Madali lang naman sana 'yun pero meron siyang kasintahan. She was torn between her family and her long-time boyfriend. Until Destiny gave her an answer. Natagpuan na lamang niya ang sarili na kasal na rito. Ang inaakala ng lahat na "fairy tale" ay isang bangungot. Nagawa niyang makatakas sa poder ni Peter nang makunan siya sa baby nila. She thought she'd totally escaped, but after five years…they met again. In a very awkward scene… when her little boy blocked his way and said, "Daddy, marry my mommy!".
view more"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila
MASAYANG KUMAKAIN SI Khaira sa may tent na ginawa ni Peter. Sinabi niya kasi rito na gusto niya sa may dalampasigan kainin ang mga pagkain na pinabili niya. At himala na wala siyang narinig na reklamo bagkus ay nakita niya nga ito na may ginagawang tent."Gusto mo?" tanong niya sa asawa na nakatingin sa kanya habang kinakain niya ang halo-halo na talaga namang sobrang sarap. Muli siyang sumandok sa kutsara at iniumang sa bibig ng asawa. "Tikman mo, super duper sarap." Pero nang akmang isusubo na ng asawa ay mabilis niyang sinubo kaya naman kitang-kita niya ang pag-isang linya ng mga kilay ng asawa na ikinakibit-balikat niya lang."Qizi, are you sure you can eat all of this? Baka sumakit ang tiyan mo dahil halo-halo na ang kinain mo," sabi ni Peter na mas problemado pa sa kanya kung paano niya uubusin ang mga pagkain."Halo-halo naman talaga ang kinakain ko," pamimilosopo niya pa rito saka kumuha naman ng isang turon at isinawsaw sa halo-halo na nilagyan niya ng ice cream. Napangiwi si
MATAPOS MALIGO ay hindi na naabutan ni Khaira si Peter sa may balcony at malinis na rin 'yon. Pinatuyo niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Tipid siyang napangiti nang makita ang itsura. She knows that she's still pretty. Dahil hindi naman niya pinababayaan ang sarili. Pero hindi niya maikakaila na may kulang…kulang ang ningning sa kanyang mga mata at alam niya kung bakit. Dumako ang tingin niya sa kanyang tiyan. May bagong anghel na darating at ayaw niya na lumabas ito na hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa ng maayos. Alam niya ang ginagawa ng asawa pero hindi 'yon ang kailangan niya. She wanted to hear those words again that he said when they were in the hospital. Mahirap ba talagang sabihin 'yon? If he really loves her, what's taking him so long to tell her? Action speaks louder than words? Tsk! She needs words to justify the action. Ano ba naman ang ilang letra at kataga? Matapos siyang makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niya pumunta sa may dalampasi
DAHAN-DAHAN nagmulat ng mga mata si Khaira para lamang biglang mapabangon dahil hindi pamilyar ang kanyang kinamulatan na silid. Mabilis na lumibot ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay nagsisimula nang kumabog nang mabilis. "Where am I?" tanong niya sa sarili na bakas ang pagkabahala sa maamo niyang mukha. Bago pa siya makabangon nang tuluyan ay ang pagbukas ng pinto. Agad dumako roon ang kanyang tingin. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang asawa."You are awake. Good morning, Qizi," nakangiting bati nito habang may hawak-hawak na tray. Nasundan niya ito ng tingin hanggang sa magtungo ito na sa tingin niya ay balcony ng silid. With a disbelief expression she left the bed…pero napatingin siya sa kanyang katawan nang makita na isang malaking t-shirt na ang suot niya. Naalala niya na hindi 'yon ang suot niya ng matulog siya. Kunot ang noo na sinundan niya ang asawa. Naabutan niya ito na bakas ang kasiyahan habang inaayos ang lamesa."Where are we?" Kunot ang noo ta
"WHAT THE F*CK!" Ang malakas na boses na 'yun ang gumising kay Khaira. Pupungas-pungas pa niyang iminulat ang mga mata. Pakiramdam niya kasi ay sobrang pagod na pagod siya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay upang uminat nang matigil 'yun sa ere dahil sumalubong sa kanya ang naniningkit na mga mata.Bigla niyang ibinaba ang mga kamay at bumangon mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib kaya naman nasundan niya 'yun. Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. At dahil iisa lang ang kumot na tumatakip sa kanila ay ito naman ngayon ang nawalan ng takip. Nanlalaki ang mga mata niyang habang nakatitig sa matipuno nitong dibdib na may mga balahibo."Enjoying the view?" Napakurap siya nang marinig ang boses nito na tila nanunukso pero may bahid ng inis kaya mabilis niyang binawi ang mga mata rito at yumuko na lang. Balak niya pa sana ibaba ang tingin kaso naunahan siya nito. Napakagat labi siya dahil sa ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments