MAMAW: Pahiram ng Kasalanan

MAMAW: Pahiram ng Kasalanan

last updateLast Updated : 2024-01-08
By:   Armand Panday  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
45Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

May pangit na mukha ng isinilang si Banjo Canoy. Makakapal na mga kilay, maitim at busargang mga labi at ang pisngi ay tinadtad ng pimples. Kaya sa kanyang kabataan siya ay tinawag na Mamaw or pinaiklig Halimaw. A face that only a mother can love. Dahil sa itsura ay nilait siya ng mga tao. Ngunit ang mas masakit ay hinamak at pinagtawanan siya ng babaeng kanyang minahal. Naitanong tuloy niya sa sarili kung bakit siya nasasaktan at nag-durusa gayong wala naman siyang nagawang mali. Hindi naman niya ginustong isilang na pangit. Okay lang sana ang magdusa kung may nagawa siyang kasalanan kaya’t nausal niya ang mga katagang, “Pahiram na lang sana ng kasalanan” upang justified naman ang sakit. Ngunit nang mag-iba ang takbo ng kanyang kanyang buhay at hinangaan at kinabaliwan na siya ng halos lahat ng babae ay unti-unti na niyang pinakawalan ang poot sa kanyang dibdib. Ang galit na naipon dahil sa panlalait sa kanya noon ay tila apoy na tutupok sa mga nang-api at nanlibak sa kanya lalo na ang babaeng dumurog sa kanyang puso. It’s payback time. Sila naman ang luluha sa kanyang mga bisig.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1 The Beauty

ENGAGEMENT party nina Chantal Meraville at Artis Saldivar. Ang magarang gayak ng mansiyon ng mg Saldivar ay punong-puno ng buhay. Ang mga panauhin ay mula sa mataas na antas ng lipunan. Mga kilalang pulitiko, entertainment people at mga negosyante. Ang kanilang kasoutan ay larawan ng rangya at ang mga alahas ng mga kababaihan ay nagkikislapan sa tuwing tatamaan ng liwanag.Ang pamilya Saldivar ay kilalang negosyante sa larangan ng import and export at si Artis Saldivar ay ang nag-iisang taga-pagmana ni Don Arcadio Saldivar. Kabilang sila sa iilang taong pinakamayan sa buong bansa.Ang ngiti ni Chantal Meraville ay lalong nag-patingkad sa kanyang ganda. Siya ay isang model at beauty finalist sa katatapos pa lang ng Miss Beauty pageant na ginanap pa sa ibang bansa.Napasulyap siya sa kanyang future husband. Abala si Artis sa pakikpag-usap sa kanilang mga bisitang negosyante. Tumamlay ang ngiti ni Chantal bagay na napuna ng best friend na si Diana.“What’s wrong?” punang tanong ni Diana....

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Scorpion Queen
support this story
2022-12-30 22:02:03
0
45 Chapters
Chapter 1 The Beauty
ENGAGEMENT party nina Chantal Meraville at Artis Saldivar. Ang magarang gayak ng mansiyon ng mg Saldivar ay punong-puno ng buhay. Ang mga panauhin ay mula sa mataas na antas ng lipunan. Mga kilalang pulitiko, entertainment people at mga negosyante. Ang kanilang kasoutan ay larawan ng rangya at ang mga alahas ng mga kababaihan ay nagkikislapan sa tuwing tatamaan ng liwanag.Ang pamilya Saldivar ay kilalang negosyante sa larangan ng import and export at si Artis Saldivar ay ang nag-iisang taga-pagmana ni Don Arcadio Saldivar. Kabilang sila sa iilang taong pinakamayan sa buong bansa.Ang ngiti ni Chantal Meraville ay lalong nag-patingkad sa kanyang ganda. Siya ay isang model at beauty finalist sa katatapos pa lang ng Miss Beauty pageant na ginanap pa sa ibang bansa.Napasulyap siya sa kanyang future husband. Abala si Artis sa pakikpag-usap sa kanilang mga bisitang negosyante. Tumamlay ang ngiti ni Chantal bagay na napuna ng best friend na si Diana.“What’s wrong?” punang tanong ni Diana.
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more
Chapter 2 Bitter Sweet
HINDI halos nakatulog magdamag si Chantal. Hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ni Oliver Calderon. Sinusundan siya nito maging sa kanyang panaginip. In her dream they make love at nakakatawang kahit sa panaginip ay naabot niya ang rurok ng kaligayahan na kayang madama ng isang babae.It made her wanting for the man even stonger. Oliver Calderon is becoming her obsession. Nang dumulog siya sa mesa para mag-almusal ay napuna siya ng kapatid dahil sa kanyang eye bags.“Hindi ka nakatulog ate?” Puna ng kanyang nakababatang kapatid na si Sanya Mae. “Siguro sobra kang excited sa nalalapit n’yong kasal ni Kuya Artis.That was the opposite sa loob loob niya ngunit pinili niyang ayunan na lamang ang kapatid.“Yeah. I guesss.” Maikli niyang tugon.Ang mama niyang si Aling Elena ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang mga anak na nag-aalumusal. At bilang ina ay may napuna siya kay Chantal.“Parang matamlay ka anak.” Puna ng ina.“Hindi lang ho ako nakatulog ng maayos Mama.”“Ang mabuti pa ay b
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more
Chapter 3 The Beast
ISANG bayan yon sa lalawigan ng Rizal na malapit lamang sa Metro Manila ang tinungo ni Oliver. Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang ordinaryong bahay. Isang matandang babae ang lumabas at masayang sumalubong.“Good morning po sir Oliver.” Bungad bati nang nakangiting si Aling Lagring.Umibis sa kanyang kotse si Oliver. “Si Aling Lagring talaga. Sabi ko naman sa’yo alisin mo na ang sir. Oliver na lang po.”“Pasensiya ka na talaga sir. Hindi pa rin kasi ako masanay. Mayaman ho kayo at sobra po ang pag-galang ko sa inyo kaya sir ang tawag ko po.”“Kayo po talaga. Payakap nga po.”Mahigpit na yumakap si Aling Lagring at muli na namang tumulo ang mga luha nito tulad ng dati kapag niyayakap niya.Suminghot-singhot bago nagsalita. “Alam mo sir. Kapag yakap kita ay palagi kong naalala ang anak kong si Banjo.”Napapikit ng mariin si Oliver sa narinig. Pinigilan niya ang nang-gigilid na mga luhang sumilay sa sulok ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng matanda.Hindi pa panahon, na
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more
Chapter 4 The Beginning
ANG Calderon Medical Center ay isang state of the Arts facility na matatagpuan sa hindi kalayuan sa mansiyon. Bukod sa kanyang export and import business ay pinamamahalaan rin ito ni Oliver. Ang hospital ay family owned at meron din siyang upisina dito. Mula nang bumalik siya mula sa amerika ay personal na niya itong pinangasiwaan.Limang palapag ang ospital at nasa fifth floor ang kanyang upisina. Sumakay ng elevator si Oliver at ang bawa’t nurse at doctors na nakasabay niya ay bumati at nagbigay galang.Ang mga babaeng nurse ay hindi mapigilan ang sumulyap sa kanya at ng siya ay umibis na ng elevator ay dinig niya ang mga bulungan.“Ang guwapo talaga ni sir.” Dinig niyang sabi ng isa na halata ang kilig sa boses.“Oo nga.” Sagot naman ng isa pa. “Nakakalaglag underware ang ngiti.”“Hoy mga bruha. Tigilan niyo na ang pag-papantasya. Hindi kayo bagay kay sir.” Saway naman ng isng nurse na bading.“Hoy inggit ka lang kasi kami may pag-asa pang mapansin. Ikaw…waley.” Inis namang sagot n
last updateLast Updated : 2022-12-04
Read more
Chapter 5 Oliver Calderon
Isang maliit na paggamutang pambayan ang pinagdalhan sa kanila. Pagdating pa lamang nila ay tuliro na ang mga nurse at doctor sa pag-aasikaso. Sa tingin niya noon, ay talagang espesyal ang lalaking iniligtas niya at sa kilos pa lamang ng mga doctor ay naroroon ang respeto at pag-aalala.Nakita niya kung paano asikasuhin ang lalaki. Kung ordinaryong tao lamang marahil ang mga naaksidente ay baka hindi kaagad ito inasikaso hangga’t walang pang-down payment. Ganoon kasi sa paggamutang bayan sa kanila. Minsan ay sumakit ng todo ang tiyan ni Aling Lagring at isinugod niya sa hospital ngunit halos hindi sila iniintindi lalo’t kulang ang dala nilang pera. Samantalang ang lalaking ito ay sinundo pa mismo ng ambulansiya ng ospital.Ang babae naman ay nagkamalay na rin at inasikaso rin at nakita niyang iyak pa rin ito ng iyak habang pinapakalma ng mga nurse. Nang mag-hysteria ang babae ay tinurukan ito ng pampatulog.Ilang sandali pa ay may lumapag ng helicopter sa likod ng hospital. Nakita rin
last updateLast Updated : 2022-12-06
Read more
Chapter 6 Ang Lihim
CHANTAL Meraville was full of life kapag kasama siya. Ngunit sa halip na kaawaan niya ito ay lalo niyang kinainisan. Kung noong high school sila ay talaga namang sobra ang paghanga niya sa ganda nito, ngayon ay tila immune na siya sa mga magaganda. Mula ng maging siya si Oliver Calderon, women are not a problem. Maraming nagkakandarapa sa kanya at halos ipagsiksikan ang mga sarili makuha lang ang kanyang antensiyon.Ang kanilang muling pagkikita ay nauwi sa mainit na love making. Nang muling gumapang ang kamay ni Chantal sa kanyang maselang bahagi na tila nagpapahiwatig na gusto pa ng round two ay marahang hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa kung saan ito gumagapang at saka siya tumayo at nagsuot na ng saplot sa katawan.“May problema ba honey?” Nagtatakang tanong ni Chantal na tila napahiya sa ginawa niya.“Wala naman. Pagod lang.” Pagdadahilan niya at saka muling nagbukas ng beer mula sa mini-refrigerator ng hotel na pinasok nila.Dahil nasanay na siya sa pakikipagniig sa mga
last updateLast Updated : 2022-12-16
Read more
Chapter 7 Tanikalang Lihim
MINSAN mahirap pala ang maging tanga. Tulad niya noon. Bagong mukha at pagkatao pero naroroon pa rin ang pagiging probinsiyano. Mapagtiwala at hindi gaanong nag-iisip.Dahil sa matagumpay na operasyon na ginawa sa kanya ni Dr. Leonardo ay itinuring na rin siya nitong parang tunay na anak at sa tuwing nakikita siya ng matanda ay nawawala na unti-unti ang pangungulila nito sa tunay na anak. Isang pasiya ang ginawa nito para sa kanya. Dinala siya sa Amerika at pinapag-aral. Ngunit naroroon pa rin ang mahigpit na bilin.“Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino ang tunay mong pagkatao.” Halos paulit-ulit natagubilin nito. “Ikaw na si Oliver Calderon. Wala akong pamamanahan ng aking mga ari-arian at ayoko na mapunta ito sa mga kamag-anak kong gustong angkin ang aking mga naipundar.”“Malaki pong responsibilidad ang ibinibigay nyo sa akin Dr. Leonardo.”“Papa na ang itawag mo sa akin. Dapat masanay ka na. Mag-aaral ka dito sa Amerika upang maging handa ka sa magiging responsibilidad na ga
last updateLast Updated : 2022-12-17
Read more
Chapter 8 Creeping Shadows
OLIVER took Kristy’s threat seriously. Alam niyang gagawin nito ang banta dahil sa sobrang pag-ibig. Kristy’s love for him is like a dagger’s cutting edge na kayang kumitil ng buhay. Obsessed sa kanya ang kanyang fiancée na hindi nga niya matandaan kung paano at kelan yon nagsimulang maging sila. Basta naalala niya mula ng gabing nalasing siya at nakatulog sa bahay ng dalaga ay nagsimula na ang lahat.Kung bakit naman kasi hindi man lang siya nag-isip na umalis kaagad. Kaya hayon at naabutan sila ng Mama at Papa ni Kristy sa silid ng walang saplot sa katawan. Pupungas-pungas siya noon at tuliro ng magising.“Kristy get up!” Galit ang tinig na sabi ng ama. “And get dress!”“Nakakahiya ka Kristy. “Halos maiyak namang sabi ng ina. “Nagdala ka pa talaga ng lalaki dito sa silid mo.”Dahil sa may hang-over pa siya noon at naroroon pa ang tama ng alak ay hindi niya malaman ang gagawin. Tulirong pilit niyang tinatakpan ang kanyang kahubdan.“You! Young man. Get dress.” Paasik ng utos ng ama sa
last updateLast Updated : 2022-12-18
Read more
Chapter 9 The shadow of the past
HABANG nagmamaneho patungo sa tagpuan nila ni Chantal ay maraming isipin ang pumapasok sa utak niya. Una na doon ang itsura ng magiging baby. Paano kung tama si Dr. Leonardo na nubenta porsiyento raw ng nagiging itusura ng isang baby ay mula sa mother or father. Paano kung sa kanya magmana?Isang pasiya ang nabuo sa isip niya bago pa man siya humarap kay Chantal. Kaya’t gulat na gulat ito sa sunod-sunod na tanong niya.“Sigurado ka na bang buntis ka?” unang tanong.“Sigurado ka bang ako ang ama niyan?” pangalawang tanong.“Alam na ba yan ng Mama mo?” pangatlong tanong.Mga nakakatulig na tanong sana para kay Chantal ngunit siya ang natulig ng dumapo ang malakas na sampal nito sa kanyang pisngi.“How dare you!” galit na sagot.” Siyempre ikaw ang ama nito. Dahil kahit ikakasal na kami ni Artis ay minsan lang naming ginawa ang mag-sex and it was almost one year ago.”“How would I know? Isa pa, magdadalawang buwan pa lang tayo.” Malamig naman niyang sagot.Tuluyan nang naiyak si Chantal.
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more
Chapter 10 Fear
ALL out sa kama si Mildred. Walang inhibition at halatang sanay. Sa dami nga ba naman ng lalaking dumaan dito, siyempre na-acquire na nito ang skills and expertise sa pakikipagtalik. Ngunit ang isiping iyon ay tila gustong magpabaliktad sa kanyang sikmura. Parang gusto niyang maduwal.Naglalaro kasi sa kanyang isip ang iba’t ibang lalaking humahalik at nagpasasa sa katawan ni Mildred. Ayaw nga niyang kumain ng pagkaing kinagat na ng iba, ngayon ay katawan ng babae ang nilalantakan niya.But he did his best performance. Gusto niyang matanim sa utak ni Mildred that he exceeded her expectations pagdating sa kama. At hindi naman mahirap gawin yon kaya’t halos mabaliw si Mildred sa bisig niya.“Grabe ka Oliver. Ibang iba ka ngayon.” Humihingal na kumalas si Mildred sa yakap ni Oliver. “You improved a lot.”Hindi umimik si Oliver. Obviously, may namagitan na rin pala sa pagitan nina Mildred at ng orihinal na Oliver Calderon. Wala naman siyang maisagot. Ngayon lang naman kasi niya nalaman na
last updateLast Updated : 2023-01-07
Read more
DMCA.com Protection Status