Share

Chapter 3 The Beast

Author: Armand Panday
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ISANG bayan yon sa lalawigan ng Rizal na malapit lamang sa Metro Manila ang tinungo ni Oliver. Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang ordinaryong bahay. Isang matandang babae ang lumabas at masayang sumalubong.

“Good morning po sir Oliver.” Bungad bati nang nakangiting si Aling Lagring.

Umibis sa kanyang kotse si Oliver. “Si Aling Lagring talaga. Sabi ko naman sa’yo alisin mo na ang sir. Oliver na lang po.”

“Pasensiya ka na talaga sir. Hindi pa rin kasi ako masanay. Mayaman ho kayo at sobra po ang pag-galang ko sa inyo kaya sir ang tawag ko po.”

“Kayo po talaga. Payakap nga po.”

Mahigpit na yumakap si Aling Lagring at muli na namang tumulo ang mga luha nito tulad ng dati kapag niyayakap niya.

Suminghot-singhot bago nagsalita. “Alam mo sir. Kapag yakap kita ay palagi kong naalala ang anak kong si Banjo.”

Napapikit ng mariin si Oliver sa narinig. Pinigilan niya ang nang-gigilid na mga luhang sumilay sa sulok ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng matanda.

Hindi pa panahon, naisaloob niya.

Kumalas na sa pagkakayakap si Oliver. “Tama na po ang drama. Mabuti pa ho ay tulungan ninyo akong kunin ang mga pasalubong ko sa inyo. Nasa loob ho ng kotse.”

MULA nang bumalik siya mula sa Amerika ay si Aling Lagring kaagad ang pinuntahan niya. Halos mag-iisang taon na rin ngayon. Mag-isa na lamang ito sa buhay at mula noon ay palagi niya itong dinadalaw. Ang dating lumang bahay ay ipinagawa niya. Isang kuwento ang kanyang binuo upang papaniwalain si Aling Lagring upang tanggapin nito ang mga tulong niya dito. Sinabi niyang isa siyang malayong kamag-anak na tumira sa Amerika. Totoo namang may kamag-anak si Aling Lagring na nasa ibang bansa. Ang pinsan nito sa pinsan na si Aling Chayong ngunit matagal nang hindi umuuwi sa Pilipinas. Sinabi niyang ipinagbilin di umano ni Aling Chayong na tulungan si Aling Lagring kaya naman ay naniniwala ito kasabay ang labis-labis na pasasalamat

Palagi siya nitong ipinagluluto ng tinolang manok mula sa mga alaga nito kapag dinadalaw niya.

“Kain ka lang ng kain Sir.” Masayang sabi nito. “Talagang masaya ako kapag dumadalaw ka dito.”

Kung alam nyo lang po kung gaano rin ako kasaya inay kapag kasama kayo, gusto sana niyang isagot ngunit pinigil niya muli ang sarili. Hindi pa panahon para malaman nito ang katotohanan. Kasabay ng isiping iyon ay nanariwang muli ang kanyang nakaraan. Noong siya pa si Banjo Canoy.

“Aling Lagring.” Tawag ng isang babae mula sa labas. Pinutol ng tawag na iyon ang pagbabalik tanaw sana ni Oliver.

“Ay teka sir.” Nag-mamadaling dumungaw sa bentana ang matanda. “Halika Elisa pumasok ka.”

Nakangitng pumasok ang bagong dating at bahagyang naudlot ng makita si Oliver. “Dumating po pala kayo sir. Sakto po nagluto po ako ng mga panindang kakanin, heto po. Baunin niyo na pag-uwi.”

“Ikaw talaga Elisa. Nag-abala ka pa. Pero salamat. Paborito ko itong mga paninda mong kakanin.” Sagot naman ni Oliver at saka dumukot ng pera at iniabot kay Elisa. “Heto bibilhin ko ito.”

“Huwag na po sir. Bigay ko po yan. At saka pagtanaw ko po yan ng utang na loob sa inyo dahil palagi nyo akong binibigyan ng pera kapag napupunta kayo dito.”

“Tanggapin mo yan. Kasi ang sabi ni Aling Lagring ay gusto mong ipagamot ang nanlalabo mong mga mata. Huwag kang mag-alala tutulungan kita.”

“Maraming salamat po sir. Malaking tulong po ito. Kasi po talagang ayaw ko pong mabulag. Sabi po kasi ng doctor ko, baka raw mabulag ako kapag hindi naagapan.”

“Ang sabi ko nga po sa kanya ay tanggapin na ang iniaalok mong tulong sir.” Sabat naman ni Aling Lagring. “Kako ay pumayag na siyang ipaopera ang mga mata, sa tulong ninyo sir.”

“Nahihiya po kasi ako sir. Malaking gastos po ang kailangan sa operasyon. Hindi ko po kayo mababayaran.”

“Hay naku Elisa, huwag mo na munang intindihin ang bayad. Akong bahala. Basta ihanda mo ang sarili mo at pagbalik ko, magpa-opera ka na.”

NANG mapadaan siya sa National High School kung saan siya nag-aral dati ay gumuhit muli ang sakit at bumangon sa kanyang dibdib ang labis na hinanakit dala ng pang-aalipusta ng mga dating kaeskuwela at mga kakilala.

Mamaw. Mamaw. Mamaw. Tila naririnig pa niya ang mga sigaw na yon. Mamaw. Salitang hango sa Halimaw. Iyon ang tingin sa kanya noon ng lahat. Isinilang siyang pangit. Makakapal ang mga kilay na tila sa isang kapre. Maiitim at busargang mga labi na daig pa ang nangudngod sa ulingan. At dahil nagbibinata na ay unti-unti nang nag-sulputan ang mga tigyawat niya sa mukha. Na lalong dumami habang tumatagal. Maging siya ay nandidiri rin sa kanyang sarili kapag humaharap siya sa salamin.

Tanging si Aling Lagring ang totoong nagmamahal sa kanya at nagpapalakas ng kanyang loob.

“Huwag mo silang pansinin anak.” Madalas nitong sabihin sa kanya.” Wala sa mukha at anyo ang sukatan ng pagiging tao. Ang importante ay wala kang ginagawang masama. Wala kang inaapakan.”

“Pero bakit po ba ako isinilang na ganito inay? Pangit po ba ang tatay ko?” Madalas niyang itanong sa ina. Hindi na kasi niya nakagisnan ang amang si Mang Doroy. Paslit pa siya ng mamatay ito. Wala rin itong iniwang kahit anong klase ng picture man lang noong nabubuhay pa.

Malungkot na napailing si Aling Lagring bago sumagot. “Hindi pangit ang itay mo anak. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nagkaganyan ang itsura mo. Siguro dahil ipinaglihi kita sa horror komiks. Noong ipinagbubuntis kasi kita ay hilig kong magbasa ng komiks na mga halimaw ang character.”

“Kayo naman pala kasi inay. Sa dami ng puwedeng paglihian ay horror character pa. Tingnan mo tuloy ang itsura ko. Parang hybrid na kapre at tikbalang.”

Awang-awang niyakap ni Aling Lagring ang anak at tanging nasabi na lamang niya, “Pasensiya ka na anak.”

Ngunit ang kuwento tungkol sa horror komiks ay gawa-gawa na lamang ni Aling Lagring dahil bago namatay ang kanyang asawa na si Mang Doroy ay inamin nito na lahi talaga nila ang pangit. At ang itsura ni Banjo ay namana nito sa pamilya ng father side. Kumbaga ay hereditary na sa pamilya ng father side nila ang itsurang ganoon. Suwerte nga raw na hindi nagmana si Mang Doroy.

Napailing na lamang si Oliver sa alaalang iyon. Itinabi niya ang kanyang kotse sa tapat ng eskuwelahan. Umibis siya at naupo sa ilalim ng malabay na puno. Iyon rin ang madalas niyang tambayan noong nag-aaral pa siya dito. At dito rin niya madalas pagmasdan ang unang babaeng nagpatibok at dumurog sa kanyang puso.

Si Chantal Meraville. Second year high school siya noon ng lumipat sa kanilang school ang pinaka-magandang babaeng una niyang hinangaan. Matalino ito kaya madaling naging kaibigan ng lahat. Maliban sa kanya na sadyang iniiwasan ng dalagita. Gayon pa man sadyang hindi niya mapigilan ang sarili na hindi pagmasdan ang halos perpektong mukha nito.

“Pauwi ka na Chantal?” Minsan ay lakas loob na sinabayan niya ito sa paglalakad.

“Anong pake mo?” Mataray na sagot nito. “At saka puwede ba lumayo ka sa akin. Ayaw kong mahawa sa itsura mo.”

“Sobra ka naman.” Malumanay niyang sagot. Durog na durong ang kanyang puso. “Tao rin naman ako ah.”

“Yakkss.” Tila diring diring sagot uli nito. “You are uglier than the creepy monsters in movies. Get lost. Okay?”

Mula noon ay hindi na niya tinangkang lapitan pa si Chantal. Nakukuntento na lamang siyang pagmasdan ito mula sa malayo.

“Chantal. Nakatingin na naman sa’yo si Mamaw.” Minsan ay pabulong na sabi ng isa nilang classmate.

Napalingon naman si Chantal. “Eewww. Gross. Grabe. Lalo siyang pumapanget every minute. Yakks.” Diring diring tinapunan siya nito ng tingin.

Narinig rin iyon ng isang classmate nilang lalaki. Si Welmor De Asis ang classmate nilang pinaka-bully.

“Hoy Mamaw. Kursunada mo si Chantal ano?” Mataas ang boses na sita ni Welmor. Tumayo pa ito sa upuan at lumapit pa sa harap niya. “Dehins kayo bagay kaya wag mo masyadong ambisiyonin. Kasi kami ang mas bagay. Pogi ako at maganda si Chantal. Kayo ay beauty ang the beast. Ikaw yong beast ha ha ha.”

Nagtawanan ang buong klase nila sa sinabi ni Welmor. Napayuko na lamang siya noon. Hiyang-hiya. At muling panabay na bumigkas ng Mamaw. Mamaw. Mamaw ang buong klase.

Natigil lamang ang lahat ng pumasok na ang kanilang teacher.

“What is this noise? Nasa labas pa lamang ako ay dinig ko na ang ingay nyo.” Bungad na sabi ng teacher nila.

“Eh kasi ma’am. Itong si Mamaw ay crush pala si Chantal.” Sumbong kaagad ni Welmor.

Isa ring mapang-asar ang teacher nila na matandang dalaga. Tiningnan siya nito at tila nakaka-lokong ngumiti. Nakataas pa ang mga kilay.

“Have you look at yourself in the mirror Banjo?” tanong nito. “Maawa ka naman kay Chantal.”

Nagtawanan uli ang buong klase.

Ang pang-aalipusta ng mga kaeskuwela ay puwede niyang itolerate pero hindi ang sinabi ng teacher na dapat sana ay pangalawang magulang niya pero harapan siyang binastos nito. Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. Bumangon ang matinding galit niya sa dibdib.

Kinuha niya ang notebook at padabog na tumayo para lumabas ng classroom. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay pinakawalan niya ang tinitiping sama ng loob.

“Ang sasama ninyo!” Galit na galit na sabi niya. “Hindi ko ginustong isilang na pangit. Hindi ko deserve ang pang-aalipusta ninyo dahil wala akong kasalanan sa inyo. Kung may nagawa akong mali, okay lang pero wala. Wala akong kasalanan sa inyong lahat!”

Pagkasabi ay lumabas na siya ng pinto. Naiwang tahimik ang lahat. Hindi na siya pumasok mula noon. Nawalan na siya ng pag-asa sa buhay. Ano pa nga ba ang kapalaran ang naghihintay sa isang pangit na tulad niya. Natuto siyang maglasing dahil sa labis na sama ng loob.

At madalas siyang umiyak sa harap ng nanay niya. “Masakit nay. Kung may kasalanan sana ako matitiis ko ang panlalait nila. Pero wala. Hindi ko ginustong isilang na pangit. Pahiram na lang ng kasalan inay.” At humagolgol siya ng humagolgol dala ng kalasingan.

Awang-awang niyakap siya ng ina. Bilang ina ay halos madurog ang puso nito dahil sa pagdurusa ng anak. Kaya ng mag-paalam siya para makipag-sapalaran sa Maynila ay hindi na siya nito pinigilan.

Napukaw lamang ang kanyang pagbabalik tanaw ng mula sa kanyang likuran ay nagsalita si Elisa.

“Andito pa pala kayo sir.”

“Ikaw pala Elisa. Pauwi ka pa lang?”

“Oo. Nag-kuwentuhan pa kami ni Aling Lagring. “Nakangiting sagot ni Elisa. “Alam mo sir dito rin ako nag-aral ng high school. Kaya lang wala kaming pera kaya hindi na ako nakapag-college.”

Gusto sana niyang isagot, alam ko dahil classmates tayo noon ngunit muli niyang sinarili na lamang muna yon. Hindi pa panahon para malaman nila.

Sa mga naging kaeskuwela niya ay tanging si Elisa ang hindi nakikisabay sa pang-aalipusta sa kanya. Tahimik lang ito at kung minsan ay nakiki-pagkuwentuhan pa nga sa kanya. Mabait si Elisa kaya gusto rin niyang tulungan ito ngayong may pera na siya.

Makuwento si Elisa. “Alam mo sir magaling rin ang eskuwelahang ito. Maraming graduate dito ang sikat na ngayon. Tulad ng classmate ko dati si Chantal Meraville. Muntik nang manalo yon sa sinalihang beauty pageant.”

“Talaga?” kunwari’y walang alam na sagot niya.

Pero may teacher ding masama ang ugali, naisaloob niya.

“Yong si Welmor de Asis. Classmate ko rin yon. Pinaka-bully sa amin pero ngayon ay congressman na.”

Bigla siyang nagka-interes sa narinig. Welmor de Asis. Naalala niya ang bully na kaeskuwela. Ang madalas mang-asar sa kanya noong pangit pa siya. Madalas rin siya nitong utos-utusan at alilain. Kung minsan ay nakakatikim pa siya ng dagok mula dito.

“Alam mo ba kung saan nakatira si congressman?” naitanong niya bigla kay Elisa.

“Bakit sir? Kilala mo ba siya?”

Ikinagulat niya ang tanong ni Elisa ngunit mabilis rin naman siyang naka-isip ng sagot. “H-Ha? Hindi pa pero gusto ko sana siyang makilala dahil balak kong magtayo ng negosyo dito sa inyo. Baka makatulong sa akin.”

“Puwede ko kayong samahan sir. Alam ko po ang bahay ni Congressman.”

“Sige. Some other time. Medyo busy pa ako ngayon.”

HABANG tumatakbo ang kanyang sasakyan ay hindi mapigilan ni Oliver ang mapangiting mag-isa. All his predators will become his prey. Very soon.

Ikaw ang isusunod ko Oliver de Asis.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa maluwang na bakuran ang kotse ni Oliver. It was an old mansion at the heart of the city. Built somewhere in 18th Century. Maluwang na bakuran at may mga mayayabong na puno.

Maging ang mga furnitures ay makaluma. Ang sala ay maluwang at pagpasok pa lamang ay bubungad na kaagad sa sino mang bibisita ang dalawang life size portrait na nakasabit sa dingding. It was the portrait of his benefactor Dr. Leonardo Calderon at ang isang portrait ay ang kanyang larawan. Matikas. Guwapo. Mayaman. Taliwas na buhay noong siya pa si Banjo Canoy.

Aakyat na sana siya sa kanyang kuwarto ng lumapit ang isa sa nga kasambahay. “Sir kanina pa ho tumatawag si Maam Kristy. Hindi raw po kayo sumasagot sa cellphone n’yo?”

“Ah oo nga pala. Lowbat kasi cellphone ko.” Pagdadahilan niya. “Pag-tumawag uli, sabihin mong wala pa ko.”

Si Kristy Montenegro ay ang fiancée niya sa Amerika.

Related chapters

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 4 The Beginning

    ANG Calderon Medical Center ay isang state of the Arts facility na matatagpuan sa hindi kalayuan sa mansiyon. Bukod sa kanyang export and import business ay pinamamahalaan rin ito ni Oliver. Ang hospital ay family owned at meron din siyang upisina dito. Mula nang bumalik siya mula sa amerika ay personal na niya itong pinangasiwaan.Limang palapag ang ospital at nasa fifth floor ang kanyang upisina. Sumakay ng elevator si Oliver at ang bawa’t nurse at doctors na nakasabay niya ay bumati at nagbigay galang.Ang mga babaeng nurse ay hindi mapigilan ang sumulyap sa kanya at ng siya ay umibis na ng elevator ay dinig niya ang mga bulungan.“Ang guwapo talaga ni sir.” Dinig niyang sabi ng isa na halata ang kilig sa boses.“Oo nga.” Sagot naman ng isa pa. “Nakakalaglag underware ang ngiti.”“Hoy mga bruha. Tigilan niyo na ang pag-papantasya. Hindi kayo bagay kay sir.” Saway naman ng isng nurse na bading.“Hoy inggit ka lang kasi kami may pag-asa pang mapansin. Ikaw…waley.” Inis namang sagot n

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 5 Oliver Calderon

    Isang maliit na paggamutang pambayan ang pinagdalhan sa kanila. Pagdating pa lamang nila ay tuliro na ang mga nurse at doctor sa pag-aasikaso. Sa tingin niya noon, ay talagang espesyal ang lalaking iniligtas niya at sa kilos pa lamang ng mga doctor ay naroroon ang respeto at pag-aalala.Nakita niya kung paano asikasuhin ang lalaki. Kung ordinaryong tao lamang marahil ang mga naaksidente ay baka hindi kaagad ito inasikaso hangga’t walang pang-down payment. Ganoon kasi sa paggamutang bayan sa kanila. Minsan ay sumakit ng todo ang tiyan ni Aling Lagring at isinugod niya sa hospital ngunit halos hindi sila iniintindi lalo’t kulang ang dala nilang pera. Samantalang ang lalaking ito ay sinundo pa mismo ng ambulansiya ng ospital.Ang babae naman ay nagkamalay na rin at inasikaso rin at nakita niyang iyak pa rin ito ng iyak habang pinapakalma ng mga nurse. Nang mag-hysteria ang babae ay tinurukan ito ng pampatulog.Ilang sandali pa ay may lumapag ng helicopter sa likod ng hospital. Nakita rin

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 6 Ang Lihim

    CHANTAL Meraville was full of life kapag kasama siya. Ngunit sa halip na kaawaan niya ito ay lalo niyang kinainisan. Kung noong high school sila ay talaga namang sobra ang paghanga niya sa ganda nito, ngayon ay tila immune na siya sa mga magaganda. Mula ng maging siya si Oliver Calderon, women are not a problem. Maraming nagkakandarapa sa kanya at halos ipagsiksikan ang mga sarili makuha lang ang kanyang antensiyon.Ang kanilang muling pagkikita ay nauwi sa mainit na love making. Nang muling gumapang ang kamay ni Chantal sa kanyang maselang bahagi na tila nagpapahiwatig na gusto pa ng round two ay marahang hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa kung saan ito gumagapang at saka siya tumayo at nagsuot na ng saplot sa katawan.“May problema ba honey?” Nagtatakang tanong ni Chantal na tila napahiya sa ginawa niya.“Wala naman. Pagod lang.” Pagdadahilan niya at saka muling nagbukas ng beer mula sa mini-refrigerator ng hotel na pinasok nila.Dahil nasanay na siya sa pakikipagniig sa mga

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 7 Tanikalang Lihim

    MINSAN mahirap pala ang maging tanga. Tulad niya noon. Bagong mukha at pagkatao pero naroroon pa rin ang pagiging probinsiyano. Mapagtiwala at hindi gaanong nag-iisip.Dahil sa matagumpay na operasyon na ginawa sa kanya ni Dr. Leonardo ay itinuring na rin siya nitong parang tunay na anak at sa tuwing nakikita siya ng matanda ay nawawala na unti-unti ang pangungulila nito sa tunay na anak. Isang pasiya ang ginawa nito para sa kanya. Dinala siya sa Amerika at pinapag-aral. Ngunit naroroon pa rin ang mahigpit na bilin.“Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino ang tunay mong pagkatao.” Halos paulit-ulit natagubilin nito. “Ikaw na si Oliver Calderon. Wala akong pamamanahan ng aking mga ari-arian at ayoko na mapunta ito sa mga kamag-anak kong gustong angkin ang aking mga naipundar.”“Malaki pong responsibilidad ang ibinibigay nyo sa akin Dr. Leonardo.”“Papa na ang itawag mo sa akin. Dapat masanay ka na. Mag-aaral ka dito sa Amerika upang maging handa ka sa magiging responsibilidad na ga

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 8 Creeping Shadows

    OLIVER took Kristy’s threat seriously. Alam niyang gagawin nito ang banta dahil sa sobrang pag-ibig. Kristy’s love for him is like a dagger’s cutting edge na kayang kumitil ng buhay. Obsessed sa kanya ang kanyang fiancée na hindi nga niya matandaan kung paano at kelan yon nagsimulang maging sila. Basta naalala niya mula ng gabing nalasing siya at nakatulog sa bahay ng dalaga ay nagsimula na ang lahat.Kung bakit naman kasi hindi man lang siya nag-isip na umalis kaagad. Kaya hayon at naabutan sila ng Mama at Papa ni Kristy sa silid ng walang saplot sa katawan. Pupungas-pungas siya noon at tuliro ng magising.“Kristy get up!” Galit ang tinig na sabi ng ama. “And get dress!”“Nakakahiya ka Kristy. “Halos maiyak namang sabi ng ina. “Nagdala ka pa talaga ng lalaki dito sa silid mo.”Dahil sa may hang-over pa siya noon at naroroon pa ang tama ng alak ay hindi niya malaman ang gagawin. Tulirong pilit niyang tinatakpan ang kanyang kahubdan.“You! Young man. Get dress.” Paasik ng utos ng ama sa

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 9 The shadow of the past

    HABANG nagmamaneho patungo sa tagpuan nila ni Chantal ay maraming isipin ang pumapasok sa utak niya. Una na doon ang itsura ng magiging baby. Paano kung tama si Dr. Leonardo na nubenta porsiyento raw ng nagiging itusura ng isang baby ay mula sa mother or father. Paano kung sa kanya magmana?Isang pasiya ang nabuo sa isip niya bago pa man siya humarap kay Chantal. Kaya’t gulat na gulat ito sa sunod-sunod na tanong niya.“Sigurado ka na bang buntis ka?” unang tanong.“Sigurado ka bang ako ang ama niyan?” pangalawang tanong.“Alam na ba yan ng Mama mo?” pangatlong tanong.Mga nakakatulig na tanong sana para kay Chantal ngunit siya ang natulig ng dumapo ang malakas na sampal nito sa kanyang pisngi.“How dare you!” galit na sagot.” Siyempre ikaw ang ama nito. Dahil kahit ikakasal na kami ni Artis ay minsan lang naming ginawa ang mag-sex and it was almost one year ago.”“How would I know? Isa pa, magdadalawang buwan pa lang tayo.” Malamig naman niyang sagot.Tuluyan nang naiyak si Chantal.

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 10 Fear

    ALL out sa kama si Mildred. Walang inhibition at halatang sanay. Sa dami nga ba naman ng lalaking dumaan dito, siyempre na-acquire na nito ang skills and expertise sa pakikipagtalik. Ngunit ang isiping iyon ay tila gustong magpabaliktad sa kanyang sikmura. Parang gusto niyang maduwal.Naglalaro kasi sa kanyang isip ang iba’t ibang lalaking humahalik at nagpasasa sa katawan ni Mildred. Ayaw nga niyang kumain ng pagkaing kinagat na ng iba, ngayon ay katawan ng babae ang nilalantakan niya.But he did his best performance. Gusto niyang matanim sa utak ni Mildred that he exceeded her expectations pagdating sa kama. At hindi naman mahirap gawin yon kaya’t halos mabaliw si Mildred sa bisig niya.“Grabe ka Oliver. Ibang iba ka ngayon.” Humihingal na kumalas si Mildred sa yakap ni Oliver. “You improved a lot.”Hindi umimik si Oliver. Obviously, may namagitan na rin pala sa pagitan nina Mildred at ng orihinal na Oliver Calderon. Wala naman siyang maisagot. Ngayon lang naman kasi niya nalaman na

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 11 The Plans

    MULING dinalaw ni Oliver si Aling Lagring na tulad ng dati ay tuwang-tuwa tuwing dumarating siya. Naroroon rin si Eliza at tulad ng dati ay may dala itong mga kakanin. Masayang masaya ang matanda habang naghahain ng tinolang native chicken.“Alam nyo sir, talagang masayang masaya ako kapag dumadalaw ka.” Walang pagsidlan sa tuwang sabi ng matanda. “Sana po ay madalas kayong dumalaw.”“Pasensiya na po kung paminsan-minsan lang akong pumarito. Sobrang busy po kasi.”“Oo nga po sir.” Sabat naman ni Eliza. “Palagi ka po niyang hinihintay. Kapag naririto ka po kasi, nalilibang siya at nakakalimutan niya ang kanyng anak na si Banjo.”May hapding nadama si Oliver sa narinig. Kung puwede nga lang sana ay ipagtapat na niya ang totoo na siya naman talaga si Banjo. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang hindi pa panahon.“Hayaan nyo po, baka madadalas ang pagdalaw ko sa inyo kapag nasimulan ang iniisip kong project dito sa lugar nyo.”“Talaga sir.” Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Aling Lagr

Latest chapter

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 45 Dangerous Reunion

    NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 44 The meeting

    Lumabas muna ng bahay si Elisa upang sumagap ng malinaw na signal ng telepono bago sinagot ang tawag ni Artem. Abot-abot ang kanyang kaba dahail tiyak na may kinalaman kay Oliver ang pagtawag ng dating driver/body guard nito.“Hello Artem.”“Ma’am Elisa. Kailangan hong magkausap tayo. Importante ho ang sasabihin ko. Kung puwede po ay lumuwas kayo ng Maynila.”“Tungkol ba ito kay Oliver?”“Opo ma’am. Mahirap po kasing ipaliwanag sa telepono kaya kailangang makita nyo ho mismo.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elisa kaya pagkatapos ihanda ang mga iiwanan ay lumuwas na kaagad ito. Doon sila nagtagpo ni Artem sa tapat ng mansiyon ni Oliver. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa pahapyaw na balita ni Artem. Buhay si Oliver at Dr. Leonardo.“Tulad ho ng pangako ko sa inyo ay nag-imbistiga ako kaya madalas ho akong dumaan dito sa mansiyon ma’am. Nakita ko ho si Sir Oliver at Dr. Leonardo na pumasok sa loob sakay ng kanilang kotse.”“Nakausap mo ba si Oliver? Kumusta na siya?” e

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 43 Doubt

    Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.“Huwag n’yo nam

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 42 Between Choices

    Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 41 Disappearance

    NAGKAROON ng ibang kumplikasyon ang sakit ni Aling Lagring kaya’t tumagal sa probinsiya si Elisa. At habang nagdaraan ng mga araw ay lalo niyang naramdaman ang sobrang pananabik kay Oliver. May mga pagkakataong naiiyak siya sa gabi dahil sa pangungulila lalo na kapag sumasagi sa kanyang isip ang kalagayan nito.Gustuhin man niyang alagaan ito at palaging nasa tabi ay hindi rin naman niya maiwan si Aling Lagring lalo pa’t mahigpit ang bilin ni Oliver na huwag itong iiwanan dahil walang mag-aasikaso. Tanging sa telepono lamang sila nagkakausap ni Oliver at masaya na rin sana siya sa ganoong set up.Ngunit isang araw ay hindi na niya makontak ang telepono ni Oliver. Nag-umpisa na siyang kabahan ng kung ilang araw na niyang tinatawagan ito ngunit cannot be reached or unattended.“Hindi ko matawagan ang cellphone ng sir mo?” Sabi niya sa driver body guard na si Artem. Dahil sa kagustuhan ni Oliver ay si Elisa muna ang binabantayan nito. Baka raw kasi may magtangka rin sa buhay nito.“Ako n

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 40 Uglier

    Abot-abot ang kaba at panay ang usal ng panalangin ni Elisa habang tinatanggal ang benda sa mukha ni Oliver. Mahigpit ang kuyom ng kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ay tahimik namang nakatingin sa malayo si Oliver. Malalim ang iniisip at tila hindi pa rin nagsi-sinked in sa kanyang kamalayan na ngayon ay muli siyang babalik sa pagiging Banjo Canoy o baka mas malala pa. Kung noon ay natural ang pagiging panget niya ay ngayon ay malamang na maging mas malala dahil sa mga pelat na maidudulot ng mga sugat na tinamo.Nang tuluyang matanggal ang benda ay halos napatulala ang lahat. Sinipat ni Oliver ang kanyang sarili sa salamin. Napatiim bagang siya. Sobrang na damage ang kanyang mukha. Ang bakas ng mga patalim ay nagdulot ng malalim na uka. Halos magsara na ang isang mata niya at ang ilong ay tuluyang natabingi. Ang kanyang mga labi ay tuluyan nang nabengot kaya’t hindi niya tuluyang maisara ang bibig. La

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 39 The Clone

    NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 38 In love and pain

    Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 37 Kiss of Death

    Ang truck na mabagal na tumatawid ay tuluyan nang huminto kaya’t napilitan si Artem na bumagal ng takbo upang hindi sumalpok sa truck ngunit ng lumingon siya ay isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo mula sa kanang bahagi ng intersection at bago pa nakahuma si Artem ay binangga na sila nito.Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang kanilang sasakyan at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan si Artem at nawalan kaagad ng malay dahil sa matinding tama sa ulo ng sumalpok sa bahagi ng sasakyan.Saglit na nawalan ng malay si Oliver at ng magkamalay siya ay dalawang lalake ang humihila sa kanya papalabas ng sasakyan. Sa kanyang nanlalabong paningin ay dinig niya ang isang pamilyar na tinig.“Huwag ninyong papatayin yan.” Sigaw ng boses na lumalapit kay Oliver. “Hindi siya dapat mamatay kaagad. Kailangang pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan niyang magdusa ng unti-unti tulad ng pagdurusa ko sa kulungan.”Walang gaanong dumadaan sa lugar na yon kaya tila hindi nagmamadali ang m

DMCA.com Protection Status