Home / Urban / MAMAW: Pahiram ng Kasalanan / Chapter 4 The Beginning

Share

Chapter 4 The Beginning

Author: Armand Panday
last update Huling Na-update: 2022-12-04 12:35:31

ANG Calderon Medical Center ay isang state of the Arts facility na matatagpuan sa hindi kalayuan sa mansiyon. Bukod sa kanyang export and import business ay pinamamahalaan rin ito ni Oliver. Ang hospital ay family owned at meron din siyang upisina dito. Mula nang bumalik siya mula sa amerika ay personal na niya itong pinangasiwaan.

Limang palapag ang ospital at nasa fifth floor ang kanyang upisina. Sumakay ng elevator si Oliver at ang bawa’t nurse at doctors na nakasabay niya ay bumati at nagbigay galang.

Ang mga babaeng nurse ay hindi mapigilan ang sumulyap sa kanya at ng siya ay umibis na ng elevator ay dinig niya ang mga bulungan.

“Ang guwapo talaga ni sir.” Dinig niyang sabi ng isa na halata ang kilig sa boses.

“Oo nga.” Sagot naman ng isa pa. “Nakakalaglag underware ang ngiti.”

“Hoy mga bruha. Tigilan niyo na ang pag-papantasya. Hindi kayo bagay kay sir.” Saway naman ng isng nurse na bading.

“Hoy inggit ka lang kasi kami may pag-asa pang mapansin. Ikaw…waley.” Inis namang sagot ng isa pa.

Ang biruan ay sinundan ng tawanan ng mga nurse. Napapangiting napapa-iling na lamang si Oliver. Naalala tuloy niya ang isa pang yugto ng kanyang buhay noong siya pa ang pangit na si Banjo Canoy.

Noon, dito rin sa elevator na ito, ay iba ang bulungang naririnig niya kapag may mga nakakasabay. Halos ayaw pa ngang lumapit sa kanya ang lahat at kapag nauuna siya sa elevator ay walang gustong sumabay.

“Paakyat po.” Nakangiting sabi niya noon.

“Hindi. Sige mauna ka na.” halos nandidiring sagot ng mga nakaabang sa elevator.

“Nakaka-diri naman. Ang pangit talaga niya.” Narinig niyang sabi ng isang buntis. “Ayoko ngang makasabay yan, baka mahawa pa itong nasa tiyan ko at isilang na kamukha niya.”

“Yakkks. Kadiri.” Sabi pa ng isa na sinabayan ng tila pagduwal.

“Oo nga sobrang pangit talaga. Bakit naman kasi parating andito yan halos araw-araw.”

“Eh kasi nga, malakas yan kay Dr. Leonardo at personal na utusan.” Sagot naman ng isa.

“Pambihira naman kasi si boss. Kukuha na rin lang ng utusan ay pangit pa.”

“Wala kang magagawa. Mahilig sa exotic si boss. Hindi nga ba’t mga unggoy ang kasalamuha niya sa laboratory.”

Noon, bagama’t manhid na siya sa mga pang-aalipusta ng mga tao ay nasasaktan pa rin siya. Kaya’t hindi na siya pumasok sa high school at ipinasiya niyang makipag-sapalaran sa Maynila para maiba naman ang kanyang kapaligiran. Nag-babakasakali siyang maiba naman ang kanyang mundo.

Hindi naman tumutol ang kanyang ina ng mag-paalam siya.

“Labag man sa loob kong magkalayo tayo anak ay hindi na kita pipigilan.” Maluha-luhang sabi ni Aling Lagring noon.” Lagi mo lang tatandaan Banjo, anak. Huwag kang makakalimot sa Diyos. Lahat ng tao ay lalang niya at may dahilan siya lagi sa mga nangyayari sa ating lahat.”

Duda siya sa huling sinabi ng ina. Hindi na nga niya tiyak ngayon kong mahal pa siya ng Diyos. Dahil kung mahal siya nito ay bakit siya hinahayaang magdusa dahil sa pangit niyang anyo.

Ngunit sa halip na isatinig ang iniisip ay masuyong niyakap niya ang ina. “Huwag na kayong malungkot inay. Palagi pa rin kitang dadalawin at kapag nagkaroon ako ng trabaho ay papadalhan ko po kayo ng pera.

Tanda pa niya noon na malungkot na kumakaway ang kanyang ina ng sumakay siya ng traysikel. Tumulo na rin ang kanyang luha habang nakalingon sa ina. Ngayon lamang sila magkakalayong mag-ina.

Sumakay siya ng bus papuntang Maynila. Walang gustong tumabi sa kanya sa upuan. Lahat ay diring diri.

“Nay. May mamaw tingnan mo.” Walang prenong sabi ng isang batang nakatingin sa kanya at itinuro pa siya.

“Oo nga. Kaya behave ka anak. Kung hindi, ibibigay kita sa mamaw.” Sabi naman ng ina na sa halip na sawayin ang anak ay ginawa pa siyang panakot.

Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng biyahe ng may mga armadong lalaking umakyat sa bus. Nag-deklara ang mga ito ng holdap.

“Walang papalag para walang masaktan. Pera at alahas lang ang kailangan namin.” Deklara ng mga holdaper.

Walang nagawa ang mga pasahero kundi ang sumunod. Maging ang itinabi niyang pera ay natangay rin.

Bababa na sana ang mga holdaper ng isang lalaki ang bumunot ng baril.

“Pulis to. Ibaba niyo ang mga baril nyo.” Sigaw ng lalaki habang nakatutok ang kuwarenta’y singkong baril.

Ngunit sa halip na ibaba ay nag-paputok ang holdaper at nagkaroon ng palitan ng putok. Patay ang pulis. Sugatan ang mga holdaper. Ang masaklap, patay rin ang driver kaya hindi na nakaalis pa ang bus.

Sa taranta niya ay tumakbo na siya papalayo sa bus. Liblib ang bahaging iyon ng highway kaya walang gaanong dumaraan. Naglakad siya ng naglakad sa pag-babakasakaling may dadaang bus papuntang Maynila. Ngunit malayo na ang kanyang nalakad ay wala pa ring nag-daraang bus kaya ipinasiya niyang humimpil sa isang waiting shade.

Wala na siyang pera kaya hindi rin siya makabili ng pagkain. Kung ilang oras ding siyang nakaupo sa waiting shade hanggang sa dumilim na. Hindi pa siya nakarating ng Maynila pero sa tantiya niya ay malayo pa ang kinaroroonan niya ngayon.

Mabuti na lamang at naalala niyang may isiniksik nga palang kakanin ang nanay niya sa kanyang bag. Iyon ang ipinantawid niya ng gutom.

Ang waiting shade na kinaroroonan niya ay natatanglawan ng malimlim na ilaw mula sa poste ng kuryente. At dahil halos wala nang sasakyang dumadaan ay ipinasiya niyang doon na matulog at bukas na siya mag-babakasakaling makasakay uli. Inayos niya ang dalang bag at ginawa niya yon na unan. Nakahiga na siya ng may bumukol sa bag na tumukod sa kanyang ulo. Kinapa niya yon at saka inilabas sa bag. Laking gulat niya ng malaman niya kung ano yon. Isa bungkos na barya at ilang pirasong perang papel. Muli siyang nabuhayan ng loob dahil may magagamit na siyang pamasahe bukas.

Hula niya ay inilagay yon ng nanay niya at nakalimutan lang banggitin sa kanya. Umayos siya ng higa at humanda na para umidlip ng isang sasakyan ang nakita niyang paparating. Kakaiba ang takbo nito. Hindi deretso at gumigiwang. Mabilis ang takbo ng kotse at tinutumbok ang waiting shade. Sa bilis ng kotse ay sumalpok ito sa waiting shade na gawa sa semento. Mabuti na lamang at nakatalon siya papalayo.

Wasak ang unahan ng kotse. Nang sumilip siya ay nakita niya ang dalawang sakay nito. Isang babae at isang lalaki na halos sa tantiya niya ay kasing edad rin niya ang mga ito. Duguan at walang malay ang babae ngunit may malay ang lalaki.

“T-tulong…tulungan mo kami.” Nang-hihinang sabi ng lalaki na nagsisikap makalabas ng kotse.

Inalalayan niya ang lalaki at tinulungang makaupo. Hinang hina ito at puno ng dugo ang mukha at katawan. Gayon pa man ay pilit nitong inilalabas ang isang cellphone.

“T-tawagan mo ang papa ko.” Halos pabulong nang sabi ng lalaki.” H-humingi ka ng tulong…arghh.”

Iyon lang at nawalan na ng malay ang lalaki. Sinunod niya ang bilin ng lalaki. At may sumagot naman kaagad sa kabilang linya. Nag-pakilala siya at sinabi ang nangyari.

“Huwag mong iiwanan ang anak ko, please.” Tarantang sabi ng nasa kabilang linya.” Mag-papadala ako ng ambulansiya. Bantayan mo siya.”

“Opo. Bilisan nyo po sana kasi maraming dugo na ang nawawala sa anak nyo.”

“O-Oo basta bantayan mo. Huwag na huwag mong iiwanan.” Mahigpit na bilin nito.

Nang maibaba niya ang cellphone ay napansin niyang nag-kakamalay na ang babae. Lumapit siya upang ilabas sana sa kotse ngunit nanlaki ang mga mata nito ng makita siya.

“Eehhh. Aswang.” Nag-titili ang babae sa takot. “Impakto. Layuan mo ko.”

Muli itong nawalan ng malay. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang Ambulansiya. Mabilis ang kilos ng mga rescuer. At dinala sila sa pinaka-malapit ng hospital.

Kaugnay na kabanata

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 5 Oliver Calderon

    Isang maliit na paggamutang pambayan ang pinagdalhan sa kanila. Pagdating pa lamang nila ay tuliro na ang mga nurse at doctor sa pag-aasikaso. Sa tingin niya noon, ay talagang espesyal ang lalaking iniligtas niya at sa kilos pa lamang ng mga doctor ay naroroon ang respeto at pag-aalala.Nakita niya kung paano asikasuhin ang lalaki. Kung ordinaryong tao lamang marahil ang mga naaksidente ay baka hindi kaagad ito inasikaso hangga’t walang pang-down payment. Ganoon kasi sa paggamutang bayan sa kanila. Minsan ay sumakit ng todo ang tiyan ni Aling Lagring at isinugod niya sa hospital ngunit halos hindi sila iniintindi lalo’t kulang ang dala nilang pera. Samantalang ang lalaking ito ay sinundo pa mismo ng ambulansiya ng ospital.Ang babae naman ay nagkamalay na rin at inasikaso rin at nakita niyang iyak pa rin ito ng iyak habang pinapakalma ng mga nurse. Nang mag-hysteria ang babae ay tinurukan ito ng pampatulog.Ilang sandali pa ay may lumapag ng helicopter sa likod ng hospital. Nakita rin

    Huling Na-update : 2022-12-06
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 6 Ang Lihim

    CHANTAL Meraville was full of life kapag kasama siya. Ngunit sa halip na kaawaan niya ito ay lalo niyang kinainisan. Kung noong high school sila ay talaga namang sobra ang paghanga niya sa ganda nito, ngayon ay tila immune na siya sa mga magaganda. Mula ng maging siya si Oliver Calderon, women are not a problem. Maraming nagkakandarapa sa kanya at halos ipagsiksikan ang mga sarili makuha lang ang kanyang antensiyon.Ang kanilang muling pagkikita ay nauwi sa mainit na love making. Nang muling gumapang ang kamay ni Chantal sa kanyang maselang bahagi na tila nagpapahiwatig na gusto pa ng round two ay marahang hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa kung saan ito gumagapang at saka siya tumayo at nagsuot na ng saplot sa katawan.“May problema ba honey?” Nagtatakang tanong ni Chantal na tila napahiya sa ginawa niya.“Wala naman. Pagod lang.” Pagdadahilan niya at saka muling nagbukas ng beer mula sa mini-refrigerator ng hotel na pinasok nila.Dahil nasanay na siya sa pakikipagniig sa mga

    Huling Na-update : 2022-12-16
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 7 Tanikalang Lihim

    MINSAN mahirap pala ang maging tanga. Tulad niya noon. Bagong mukha at pagkatao pero naroroon pa rin ang pagiging probinsiyano. Mapagtiwala at hindi gaanong nag-iisip.Dahil sa matagumpay na operasyon na ginawa sa kanya ni Dr. Leonardo ay itinuring na rin siya nitong parang tunay na anak at sa tuwing nakikita siya ng matanda ay nawawala na unti-unti ang pangungulila nito sa tunay na anak. Isang pasiya ang ginawa nito para sa kanya. Dinala siya sa Amerika at pinapag-aral. Ngunit naroroon pa rin ang mahigpit na bilin.“Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino ang tunay mong pagkatao.” Halos paulit-ulit natagubilin nito. “Ikaw na si Oliver Calderon. Wala akong pamamanahan ng aking mga ari-arian at ayoko na mapunta ito sa mga kamag-anak kong gustong angkin ang aking mga naipundar.”“Malaki pong responsibilidad ang ibinibigay nyo sa akin Dr. Leonardo.”“Papa na ang itawag mo sa akin. Dapat masanay ka na. Mag-aaral ka dito sa Amerika upang maging handa ka sa magiging responsibilidad na ga

    Huling Na-update : 2022-12-17
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 8 Creeping Shadows

    OLIVER took Kristy’s threat seriously. Alam niyang gagawin nito ang banta dahil sa sobrang pag-ibig. Kristy’s love for him is like a dagger’s cutting edge na kayang kumitil ng buhay. Obsessed sa kanya ang kanyang fiancée na hindi nga niya matandaan kung paano at kelan yon nagsimulang maging sila. Basta naalala niya mula ng gabing nalasing siya at nakatulog sa bahay ng dalaga ay nagsimula na ang lahat.Kung bakit naman kasi hindi man lang siya nag-isip na umalis kaagad. Kaya hayon at naabutan sila ng Mama at Papa ni Kristy sa silid ng walang saplot sa katawan. Pupungas-pungas siya noon at tuliro ng magising.“Kristy get up!” Galit ang tinig na sabi ng ama. “And get dress!”“Nakakahiya ka Kristy. “Halos maiyak namang sabi ng ina. “Nagdala ka pa talaga ng lalaki dito sa silid mo.”Dahil sa may hang-over pa siya noon at naroroon pa ang tama ng alak ay hindi niya malaman ang gagawin. Tulirong pilit niyang tinatakpan ang kanyang kahubdan.“You! Young man. Get dress.” Paasik ng utos ng ama sa

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 9 The shadow of the past

    HABANG nagmamaneho patungo sa tagpuan nila ni Chantal ay maraming isipin ang pumapasok sa utak niya. Una na doon ang itsura ng magiging baby. Paano kung tama si Dr. Leonardo na nubenta porsiyento raw ng nagiging itusura ng isang baby ay mula sa mother or father. Paano kung sa kanya magmana?Isang pasiya ang nabuo sa isip niya bago pa man siya humarap kay Chantal. Kaya’t gulat na gulat ito sa sunod-sunod na tanong niya.“Sigurado ka na bang buntis ka?” unang tanong.“Sigurado ka bang ako ang ama niyan?” pangalawang tanong.“Alam na ba yan ng Mama mo?” pangatlong tanong.Mga nakakatulig na tanong sana para kay Chantal ngunit siya ang natulig ng dumapo ang malakas na sampal nito sa kanyang pisngi.“How dare you!” galit na sagot.” Siyempre ikaw ang ama nito. Dahil kahit ikakasal na kami ni Artis ay minsan lang naming ginawa ang mag-sex and it was almost one year ago.”“How would I know? Isa pa, magdadalawang buwan pa lang tayo.” Malamig naman niyang sagot.Tuluyan nang naiyak si Chantal.

    Huling Na-update : 2023-01-01
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 10 Fear

    ALL out sa kama si Mildred. Walang inhibition at halatang sanay. Sa dami nga ba naman ng lalaking dumaan dito, siyempre na-acquire na nito ang skills and expertise sa pakikipagtalik. Ngunit ang isiping iyon ay tila gustong magpabaliktad sa kanyang sikmura. Parang gusto niyang maduwal.Naglalaro kasi sa kanyang isip ang iba’t ibang lalaking humahalik at nagpasasa sa katawan ni Mildred. Ayaw nga niyang kumain ng pagkaing kinagat na ng iba, ngayon ay katawan ng babae ang nilalantakan niya.But he did his best performance. Gusto niyang matanim sa utak ni Mildred that he exceeded her expectations pagdating sa kama. At hindi naman mahirap gawin yon kaya’t halos mabaliw si Mildred sa bisig niya.“Grabe ka Oliver. Ibang iba ka ngayon.” Humihingal na kumalas si Mildred sa yakap ni Oliver. “You improved a lot.”Hindi umimik si Oliver. Obviously, may namagitan na rin pala sa pagitan nina Mildred at ng orihinal na Oliver Calderon. Wala naman siyang maisagot. Ngayon lang naman kasi niya nalaman na

    Huling Na-update : 2023-01-07
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 11 The Plans

    MULING dinalaw ni Oliver si Aling Lagring na tulad ng dati ay tuwang-tuwa tuwing dumarating siya. Naroroon rin si Eliza at tulad ng dati ay may dala itong mga kakanin. Masayang masaya ang matanda habang naghahain ng tinolang native chicken.“Alam nyo sir, talagang masayang masaya ako kapag dumadalaw ka.” Walang pagsidlan sa tuwang sabi ng matanda. “Sana po ay madalas kayong dumalaw.”“Pasensiya na po kung paminsan-minsan lang akong pumarito. Sobrang busy po kasi.”“Oo nga po sir.” Sabat naman ni Eliza. “Palagi ka po niyang hinihintay. Kapag naririto ka po kasi, nalilibang siya at nakakalimutan niya ang kanyng anak na si Banjo.”May hapding nadama si Oliver sa narinig. Kung puwede nga lang sana ay ipagtapat na niya ang totoo na siya naman talaga si Banjo. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang hindi pa panahon.“Hayaan nyo po, baka madadalas ang pagdalaw ko sa inyo kapag nasimulan ang iniisip kong project dito sa lugar nyo.”“Talaga sir.” Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Aling Lagr

    Huling Na-update : 2023-01-12
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 12 The Politician

    CONGRESSMAN Welmor De Asis’s mansion was lavish even from exterior dahil sa laki nito kahit sa malayo ay mapapansin kaagad. Nababakuran ito ng mataas at well-guarded. Malayo pa lamang ay matatanaw na ito dahil bukod tangi ang laki at kumpara sa mga ibang bahay sa paligid na ang karamihan ay barong-barong at ang iba naman ay maliliit lamang kumpara sa mansion.Ang tayog ng mansiyon ay tila nagmamayabang dahil matatagpuan ito sa medyo mataas ng lugar. Samantalang ang mga kapitbahay ay tila larawan ng isang pamayanang dukha at mabagal ang asenso. Ayon kasi kay Eliza wala namang mga pangkabuhayang proyekto si Congressman Welmor at nagpapakita lang sa tao kapag election.Isang tipikal na naninilbihan daw sa bayan ngunit sariling bulsa lang ang pinupuno. Walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan na dapat sana ay kanyang pinaglilingkuran. Na dapat sana ay sinasamantala niya ang pagkakataong makatulong sa kapwa dahil nasa kapangyarihan siya at may kakayahang tumulong.Malungkot na napailing

    Huling Na-update : 2023-01-14

Pinakabagong kabanata

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 45 Dangerous Reunion

    NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 44 The meeting

    Lumabas muna ng bahay si Elisa upang sumagap ng malinaw na signal ng telepono bago sinagot ang tawag ni Artem. Abot-abot ang kanyang kaba dahail tiyak na may kinalaman kay Oliver ang pagtawag ng dating driver/body guard nito.“Hello Artem.”“Ma’am Elisa. Kailangan hong magkausap tayo. Importante ho ang sasabihin ko. Kung puwede po ay lumuwas kayo ng Maynila.”“Tungkol ba ito kay Oliver?”“Opo ma’am. Mahirap po kasing ipaliwanag sa telepono kaya kailangang makita nyo ho mismo.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elisa kaya pagkatapos ihanda ang mga iiwanan ay lumuwas na kaagad ito. Doon sila nagtagpo ni Artem sa tapat ng mansiyon ni Oliver. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa pahapyaw na balita ni Artem. Buhay si Oliver at Dr. Leonardo.“Tulad ho ng pangako ko sa inyo ay nag-imbistiga ako kaya madalas ho akong dumaan dito sa mansiyon ma’am. Nakita ko ho si Sir Oliver at Dr. Leonardo na pumasok sa loob sakay ng kanilang kotse.”“Nakausap mo ba si Oliver? Kumusta na siya?” e

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 43 Doubt

    Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.“Huwag n’yo nam

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 42 Between Choices

    Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 41 Disappearance

    NAGKAROON ng ibang kumplikasyon ang sakit ni Aling Lagring kaya’t tumagal sa probinsiya si Elisa. At habang nagdaraan ng mga araw ay lalo niyang naramdaman ang sobrang pananabik kay Oliver. May mga pagkakataong naiiyak siya sa gabi dahil sa pangungulila lalo na kapag sumasagi sa kanyang isip ang kalagayan nito.Gustuhin man niyang alagaan ito at palaging nasa tabi ay hindi rin naman niya maiwan si Aling Lagring lalo pa’t mahigpit ang bilin ni Oliver na huwag itong iiwanan dahil walang mag-aasikaso. Tanging sa telepono lamang sila nagkakausap ni Oliver at masaya na rin sana siya sa ganoong set up.Ngunit isang araw ay hindi na niya makontak ang telepono ni Oliver. Nag-umpisa na siyang kabahan ng kung ilang araw na niyang tinatawagan ito ngunit cannot be reached or unattended.“Hindi ko matawagan ang cellphone ng sir mo?” Sabi niya sa driver body guard na si Artem. Dahil sa kagustuhan ni Oliver ay si Elisa muna ang binabantayan nito. Baka raw kasi may magtangka rin sa buhay nito.“Ako n

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 40 Uglier

    Abot-abot ang kaba at panay ang usal ng panalangin ni Elisa habang tinatanggal ang benda sa mukha ni Oliver. Mahigpit ang kuyom ng kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ay tahimik namang nakatingin sa malayo si Oliver. Malalim ang iniisip at tila hindi pa rin nagsi-sinked in sa kanyang kamalayan na ngayon ay muli siyang babalik sa pagiging Banjo Canoy o baka mas malala pa. Kung noon ay natural ang pagiging panget niya ay ngayon ay malamang na maging mas malala dahil sa mga pelat na maidudulot ng mga sugat na tinamo.Nang tuluyang matanggal ang benda ay halos napatulala ang lahat. Sinipat ni Oliver ang kanyang sarili sa salamin. Napatiim bagang siya. Sobrang na damage ang kanyang mukha. Ang bakas ng mga patalim ay nagdulot ng malalim na uka. Halos magsara na ang isang mata niya at ang ilong ay tuluyang natabingi. Ang kanyang mga labi ay tuluyan nang nabengot kaya’t hindi niya tuluyang maisara ang bibig. La

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 39 The Clone

    NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 38 In love and pain

    Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 37 Kiss of Death

    Ang truck na mabagal na tumatawid ay tuluyan nang huminto kaya’t napilitan si Artem na bumagal ng takbo upang hindi sumalpok sa truck ngunit ng lumingon siya ay isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo mula sa kanang bahagi ng intersection at bago pa nakahuma si Artem ay binangga na sila nito.Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang kanilang sasakyan at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan si Artem at nawalan kaagad ng malay dahil sa matinding tama sa ulo ng sumalpok sa bahagi ng sasakyan.Saglit na nawalan ng malay si Oliver at ng magkamalay siya ay dalawang lalake ang humihila sa kanya papalabas ng sasakyan. Sa kanyang nanlalabong paningin ay dinig niya ang isang pamilyar na tinig.“Huwag ninyong papatayin yan.” Sigaw ng boses na lumalapit kay Oliver. “Hindi siya dapat mamatay kaagad. Kailangang pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan niyang magdusa ng unti-unti tulad ng pagdurusa ko sa kulungan.”Walang gaanong dumadaan sa lugar na yon kaya tila hindi nagmamadali ang m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status