Sa pagbabalik ni Keith sa Pilipinas, isang surpresa ang inihanda ng kaniyang lola kasabay ng kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan, ngunit ang masayang selebrasyon na ito ay susundan ng mga trahedya na maglalagay sa buhay ng binata sa matinding panganib. Upang matiyak na may magmamana ng lahat ng yaman na mayroon ang kanilang pamilya, isang pasya ang naisip ni Keith—ang maghanap ng babae na walang kaugnayan sa kanilang pamilya upang maging ina ng kaniyang anak sa siyentipikong pamamaraan. Si Merrill—minsang nagligtas sa kaniyang buhay ang naisip niyang alukin. Tinanggap ng dalaga ang magandang offer at kalaunan ay nagdalang-tao. Habang nagkakagulo sa kompanya ng pamilya ng Lee, si Merrill ang naging pahinga ni Keith. Naging malapit sila sa isa't-isa, ngunit si Merrill ay may iba palang plano sa batang nasa kaniyang sinapupunan. Batid niyang sa pamamagitan nito, magagawa na niyang ipaghiganti ang kaniyang yumaong lolo. Sino ba talaga si Merrill? Mali ba si Keith ng pinagkatiwalaan? Sino ang mga nais manakit sa binata at bakit nais ipaghiganti ni Merill ang kaniyang lolo sa mga Lee?
View MoreItinaas ni Kelvin ang kaniyang dalawang kamay nang itutok ng matanda sa kaniya ang baril."Woah! Tay...kalma lang po..." aniya rito upang hindi nito kalabitin ang gatilyo. "Bakit, sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko?" Nanginginig ang boses nito ngunit. Maging ang tuhod ay nangangatog ngunit nanatiling nakatayo nang tuwid habang hawak ang 45 caliber na b*ril na iniwan sa kaniya ni Frank bago sila umalis.Binigyan siya nito nang malaking halaga matapos silang timbrehan na may kahina-hinalang mga kalalakihan na nagawi sa kanilang lugar matapos ang anunsyo sa radyo at telebisyon na lalakihan na ang patong sa kanilang mga ulo.Maging siya rin naman ay natukso gayong alam niya kung nasaan nagtatago ang mag-asawa ngunit naisip niyang mas malaki ang makukuha niya kina Frank kung tutulungan niya ang mga ito na makapagtago at makatakas. Tama nga siya rito sapagka't pinangakuan siya nito ng dalawampung milyon kapalit ng kaniyang pananahimik. Natanggap na nila ang malaking halaga sa ka
Matapos silang i-tour ng may-ari sa kabuuan ng bahay, hiningi nila ang numero nito. "Maraming salamat po ulit. Tatawag na lang po ako kapag naipakita ko na sa misis ko ang mga litrato at kung okay po sa kaniya itong bahay," ani PO2 Kelvin Martinez bago sila umalis. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay walang imik ang kaniyang kasama na tila ba may malalim na iniisip habang nakatingin sa may tindahan.Naroon na ang matandang lalaki at natingin sa kanilang sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse kaya naman hindi sila nakikita sa loob ngunit hindi maalis ang tingin ng matanda sa kanila."Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga tao rito," untag ni PO3 Leonard Casimiro."Bakit, may napansin ka bang kakaiba bukod d'yan sa matanda sa tindahan?" tanong ni Kelvin kaniyang partner bago ini-start ang makina ng sasakyan na tila natatawa dahil na-we-weirdo-han siya nang husto sa matanda."Iyon nga, e. Siya nga ang pinagdududahan ko," sagot ni Leonard nang umusad na ang sasakyan.Awtomatikong na
Third-person's POVMakalipas ang higit-kumulang isang oras, nakatanggap ng mensahe si Elias. He rushed to his boss' office. Mabilis ang bawat hakbang na tila nagmamartsang sundalo.Inangat ni Keith ang kaniyang ulo nang marinig ang papalapit na mga yabag nito. "Sir, nagpadala na raw sila ng dalawang pulis sa lugar kung saan magkakatugma ang mga impormasyon mula sa mga tumawag at natanggap na mga mensahe," kaniyang anunsyo hindi pa man lubos na nakalalapit sa desk ng binata.Inilapag ni Keith ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mga dokumentong kaniyang pinipirmahan at isinandal ang likod sa kaniyang upuan. Bahagya siyang napangisi nang mapangtano. "Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kung siguro noong umpisa palang naiisip ko ng gawin 'to, it won't take us this long to get a lead to their whereabouts," untag ni Keith.Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis silang makakukuha ng lead. Sandali siyang nag-isip. He couldn't wait to see his Uncle again face to face para ipamukha ang lahat ng
Third-person's POV Sa pagbaba ni Keith ng telepono, bumalik ang kaniyang atensyon sa cellphone na nakapatong sa kaniyang desk. Naisip niya bigla si Merrill at ang supling na nasa sinapupunan nito. Isang ngiti ang sandaling sumilay sa kaniyang mga labi. Masaya siya na successful ang unang procedure, but the day he found out about the news, bigla rin siyang natakot. Takot na baka may isang mahalagang tao na naman ang mawala sa kaniya kapag hindi pa niya natapos ang kasalukuyang problema. Habang nag-iisip, isang mensahe muli ang dumating. "You didn't answer my question..." Keith nearly chuckled nang mabasa ito. Buong akala niya ay makakatakas siya sa tanong nito but the message was long kaya ipinagpatuloy niya muna ang pagbabasa. "...naiintindihan ko naman how you feel. Masyadong inappropriate ang tanong ko, but I'm glad na you're safe at hindi ka nila pinagtangkaang saktan ulit." Merrill's message made his heart skip a bit. Hindi sila magkaharap nang mga sandaling iyon ngunit para
Third-person's POV"I just did. How about you? How are you feeling today?" sagot ni Keith sa dalaga. Sinamahan pa niya ang mensahe ng isang nakangiting Emoji to show how he appreciated the message she sent kahit pa wala siya sa tamang pagkakataon para maging masaya nang araw na 'yon.Ibinalik niya ang cellphone sa desk matapos magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo mula sa kinauupuang swivel chair at nagtungo muna sa kaniyang private comfort room. Wala pang dalawang minuto siyang nasa loob nang dumating ang reply ni Merrill.Pagbalik niya sa desk, ang cellphone ang kaniyang unang dinampot. "Katatapos lang din namin nag-lunch. I'm okay and how about you?" basa niya sa mensahe ng dalaga. Hindi pa siya nakakapag-type ng sagot ay may isa pang reply na dumating. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bahay n'yo. Pakiabot na lamang sa pamilya ni Kuya Richard ang pakikiramay ko. Wala bang balita kung sino ang mga gumawa?"Hindi na nagulat si Keith na nakarating na sa ka
Keith's POV I couldn't swallow the steak Elias order for my lunch mula sa isang fancy restaurant gayong alam niya na iyon ang hilig ko, but after what happened parang hindi tama na iyon ang napiling niyan kunin. Pumunta ako sa office to ease my mind a little. Elias was the one who asked to settle what was needed para wala ng problemahin pa ang pamilya ng mga namatayan. I felt guilty looking at their corpse dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na naman na may nadamay na tao dahil ako ang target nila. Ayan na naman. My chest kept tightening sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon. I couldn't help but blame myself for every tragic things going on that involved my family. I put the fork and knife down at tinawagan si Elias by just pressing a single number gamit at wireless telephone na nasa lamesa ko. Kababalik niya lamang galing morgue at dumaan sa restaurant to get us both a lunch, but I didn't like his choice of food for me. It was bothering me just by looking at it. "Hello, Si
Merrill's POVMabigat ang aking ulo dahil hirap akong makatulog nang nagdaang gabi. Laman ng isip ko ang resulta ng test na ginawa sa akin habang wala akong malay. Buntis na nga raw ako at dala ko na ang anak ng nag-iisang apong lalaki ni Madam Janet Lee. Hind pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang mga nasa plano ko at sa nakikita ko pa nga ay unti-unti ko na ring nagagawang makuha ang loob ni Keith dahil sa pinapakita kong kabaitan sa kaniya kahit pa ang mga 'yon ay walang pagpapanggap—ang tunay na ako. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha sana ng maiinom na tubig sa pag-aakalang wala pang gising na mga kasambahay nang mga oras na 'yon. "Magandang umaga, Ma'am!" "Ay palaka!" Nagitla ako nang biglang sumulpot ang isa sa kanila galing sa isang silid. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at humingi ng paumanhin, "Sorry po." Tatawa-tawa naman ang kasambahay na na may dala ng isang tray ng itlog at isang gallon ng mantika na isinabit niya lamang sa kaniyang hinliit upang madala n
Keith's POVI woke up wearing the same clothes I was wearing when I came home last night. Mahaba-habang tulog din ang nakuha ko ngunit tila ba hindi sapat dahil sa pagod at stress sa araw-araw na hindi na nga nababawasan, nadagdagan pa. Mabigat ang aking ulo maging ang buong katawan. Nais ko pa sanang umidlip sandali dahil hindi pa tumutunog ang aking alam ngunit napilitan akong bumangon dahil sa walang tigil na mga katok sa pinto ng aking silid."S-Sir?" tawag mula sa labas ngunit may ibang ingay pa na mas nakaagaw ng aking pansin. Umaalingawngaw ang paparating na sirena ng bombero ngunit hindi ko alam kung saan didiretso."S-Sir Keith?" Muling pagtawag sa pinto na tila ba natataranta na ito.Dahan-dahan akong bumangon because I still could step on my sprained left foot. I received for my cane but it fell on the floor. Hindi ko na pinulot. Dumiretso na ako sa pinto ma hindi naman kalayuan kahit paika-ika sa paghakbang.The firetruck came closer. Nagsisisigaw rin ang mga tao sa labas
Keith's POV"Thank you." I turned to face her when we were about to leave. Hinatid niya 'ko sa front door after we shared a delicious dinner with all the house helpers and my two bodyguards that she insisted on letting them stay outside.Her kind heart made me adore her secretly. She reminded me of my late parents who would do the same if there are people are. They wouldn't care to stand just to give another person a seat. It was a bitter sweet memory that I could forever cherish because I was young when I lost them.It felt great as well to eat around people. Mula nang umuwi ako ng Pilipinas at maospital si Lola ay laging mag-isa na lamang akong kumakain sa hapag-kainan kapag nasa bahay ako. The mansion is too big to live alone lalo na at may separate house ang mga house helpers doon.Merrill gave me a frown. "Para saan ka nagpapasalamat?" tanong nito na tila ba nalilito at walang clue sa kung ano ang ipinagpapasalamat ko."Sa dinner... and the laughter earlier?" sagot ko na medyo pa
Third-Person's Point of View "Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Doña Janet Villareal kaniyang mga kasama. Animnapu't lima na ang edad ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Alaga rin ang kaniyang balat sa kanilang sariling beauty salon na parokyano ang lahat ng kaniyang mga kaibigan. "Hindi pa ho, madam," sagot ng kasama ni Doña Janet na driver. Aligaga na sa kahahanap sa kanilang hinihintay na si Keith na galing pa sa Europe kung saan ito nag-aral ng Engineering at Law. Sa edad na tatlumpu't isa, lisensyado na siyang inhenyero at abogado. Dalawang kurso na alam niyang makatutulong nang malaki sa kaniyang kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang lola. Panay ang hampas at tanong ng Doña sa driver. Napapakamot na lang ito ng ulo dahil sa ginagawa nito. Hindi naman kalakasan ang mga hampas pero panay-panay kaya natataranta siya nang husto. "Ikaw Mercedez? Tingnan mo...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments