Keith's Point of ViewI can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma!"Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata ay agad kong
Merrill's Point of ViewMuntik na akong matumba sa motor nang bigla kong bitawan ang clutch. Mabuti na lang at hindi pa umaabante ang kotseng naharang ko ang daan. Kinabahan ako nang husto. Mukha pa naman ding mamahalin ang kotse na 'yon at magkakaroon pa ako ng atraso kapag nagkataon. Medyo nanibago kasi ako sa motor ng pinsan kong si Patrick, anak ni Tito Baste dahil naisip ni Tito na bumalik na sa Sta. Cruz para makakuha ng kailangan.Chinat ko siya nang papunta na kami sa San Fernando. Sa Pampanga siya nagtatrabaho at mayroon itong motor na ginagamit na service. Sanay ako sa automatic na motor dahil ganoon ang gamit kong service kapag pumapasok sa school. Nagkataong may clutch ang motor niya pero alam ko namang gamitin dahil may tricycle kami na may clutch ang nakakabit sa sidecar. Medyo nagulat lang talaga ako dahil single at walang sidecar. Ayon tuloy, halos lumipad ako kanina. Jusko! Humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari. Pinapunta ko siya sa ospital para siya muna ang maiwa
Third-Person's Point of View "Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Janet Villareal-Lee kaniyang kasamang driver si Herman at mayordoma nilang si Mercedes. Pitumpu't lima na ang edad ng kanilang Señora ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Bukod sa ehersisyo, mayroon din itong sariling beauty salon na siyang nag-aalaga ng kaniyang balat at buhok na itinatago ng mga pampakulay ang puting hibla nito. "Hindi pa ho, madam," sagot ng driver na gaya ng kanilang amo ay hindi rin mapakali sa kinatatayuan. Isama pa na panay-panay ang hampas at palipat-lipat itong pagtatanong sa kaniyang mga kasama dahil nag-aalala na sa kaniyang apo na si Keith na kay tagal ding nawala sa Pilipinas dahil nag-aral ito sa Europa ng sampung taon. Sampu dahil dalawang kurso ang kaniyang kinuha, Engineering at Law na mabilis niyang natapos dahil sa talino't walang inaaksayang oras gaya kaniy
Merrill's Point of View Malayo-layo ang aming biyahe mula sa Clark Airport kung saan namin sinundo si Papa. Sa Sta Cruz, Zambales pa kami umuwi na inabot nang humigit-kumulang pitong oras na biyahe dahil kinailangang huminto sa mga gasolinahan para makigamit ng palikuran si Papa. Masama ang kaniyang pakiramdam ng araw na 'yon. Bagay na naiintindihan naman namin dahil iyon din ang dahilan kung bakit siya biglaang napauwi sa Pilipinas—ang magpagamot. Buong biyahe, isang bagay lang ang nasa isip ko. Ito ay kung paano ko magagawa ang mga plano ko nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Matagal ko ring pinag-isipan iyon at nang makita ko ang mga Lee sa airport kanina, tila ba nakakuha ako ng kasagutan sa kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko agad ang laptop ko at binuksan ang mga email ng iba't-ibang mga kompanya at hinanap ang ipinadala ng J.O. Group. Isang linggo na nang makatanggap ako ng offer sa kumpanya nila m
Third-Person's Point of View Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang
Third-Person's Point of View Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang u
Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan.Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa."Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gamot kaya kam
Keith's Point of View After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa cabi