Merrill's Point of View Maaga akong nagising para lumabas at bumili ng almusal namin sa malapit na restaurant dahil ayaw ni Papa ang pagkaing ibinibigay ng canteen ng hospital sa kaniya. Bukod kasi sa kaunti lang, parang wala raw lasa. Hindi sa pamimintas pero tinikman ko rin naman. May lasa pero may katabangan siya. Mukhang hindi sila gumagamit ng vetsin kaya ganoon na lamang ang lasa ng pagkain which is good naman dahil ospital iyon at hindi isang restaurant. Isa pa, free meal lang 'yon para sa mga pasyente kaya mahirap magreklamo. Habang naglalakad, pinapanood ko ang pagsikat ng araw. Walang gaanong mga tao sa kalsada kaya kahit nakapantulog pa ako ay ayos lang. Keri lang ng oversized kong puting t-shirt, maluwang na pajama na kulay dilaw at tsinelas. Dalawang kanto lang ang layo ng restaurant sa ospital. Mabuti na lang at dala-dala ko ang cellphone ko. Nakuhanan ko ng litrato ang sunrise at tunay namang napakaganda dahil maraming mga puno sa paligid. Nakamamanghang pagmasdan
Third-person's Point of View Matapos mag-usap ng dalawa, hinatid nina Keith si Merrill sa restaurant kung saan niya balak sanang magpunta nang masumpungan nila siyang naglalakad sa kalsada. "How can I help you. Ma'am?" tanong sa kaniya ng clerk sa counter na hindi nito agad nabigyan ng atensyon dahil nasa malayo ang kaniyang isip. "P-po?" Inulit ng babae ang kaniyang tanong at inabot ang naka-laminate na menu ng kanilang restaurant kay Merrill. Nang maibigay ang order, pinaghintay muna siya sa bakanteng upuan sa di kalayuan na tumagal din ng higit sampung minuto bago siya muling tinawag. Habang nakaupo roon, isa lamang ang tanong na nasa isip ng dalaga. Iyon ay kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang niya ang lahat at kung paano ililihim ang espesyal na trabaho na kaniyang tinanggap na gawin. Ang isa sa pinakamalaking inaalala niya, magiging ina pa siya ng anak ng isang lalaking may malaking atraso sa kanilang pamilya. Magiging ina siya nang hindi nagkaka-boyfriend at kahit p
Merrill's Point of ViewNang parehong araw na nagkita kami, pinadalhan niya ako ng mensahe. He asked me to find Doctor Klara na kasalukuyang nasa parehong ospital kung nasaan naka-confine si Papa. Everything should be kept secret ayon sa kaniya kaya wala akong ibang pinagsasabihan ng agreement namin.Ang paalam ko sa mga magulang ko ay magpapa-medical examination na ako na parehong ospital at hindi naman sila nagtanong pa.Hindi ako nahirapan hanapin si doktora. Nagtanong lang ako sa front desk ng ospital at itinuro nila kung saang palapag ko makikita ang office niya. Nang makarating ako sa second floor, sinundan ko lang ang mga nakasulat na karatula sa pader na may pangalan niya. Isa siyang Ob-gynecologist at on-duty sa ospital na iyon bukod sa may private clinic pa siya somewhere in Pampanga. Tatlong katok pa lamang sa pinto pinagbuksan na agad ako ng isang nurse. "Nandito po ba si doktora?" tanong ko sa babae."Yes po. You are Merrill?" sagot nito at tanong naman sa akin."Opo,
Merrill's Point of ViewLumabas ako sa clinic na parang walang nangyari. Wala namang masakit bukod sa may pinong kirot sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ko na nakita si Keith nang lumabas ako ngunit nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya."I asked someone to picked you up. He will take you to one of my Grandma's resthouse. Nandoon na lahat ng mga p'wede mong kailanganin at may mga makakasama ka na rin doon. Just tell me kung may kailangan ka pa para maipakuha ko agad. I needed to leave as soon as possible kaya hindi na kita nahintay sa labas kanina. I hope you're feeling alright. I'll see you in a few days. Take care." Iyan ang laman ng mahabang mensahe niya. I found it sweet pero pagkatapos kong basahin ay napataas ang kilay ko sa dulo. Hindi ako dapat magpadala sa ka-sweet-an ng isang Lee. Hindi pa sila bayad sa mga atraso nila sa pamilya ko.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mabilis na nagtipa ng sagot na ipadadala sa kaniya.Hindi pa ako pupwedeng sumama
Keith's Point of ViewAfter sending her the message, naghintay ako ng reply but there was nothing. I was with two of my bodyguards that day. Nagpunta kami sa Nueva Ecija para hanapin si Armando Altares. He was the one who stood as witness noon sa pagkamatay ng mga magulang ko. The printed copy of the money he received before the trial was questionable. Napakalaki ng five million pesos para masabing pasasalamat lang at galing pa kay Uncle Frank ang pera.I found that out kay Lolo Patricio nang tawagan ko si Elias ang mga 'yon. I was also glad na nandoon ang Lolo niya to clarify his identity. I also found out na hardinero siya noon sa mansion, but I couldn't remember his face anymore. "Sir, sa kabilang kalye raw po ang bahay ni Armando Altares," saad ng isa sa mga bodyguards ko na inutusan kong magtanong sa isang tindahan."Okay, let's go there," sagot ko at mabilis siyang pumasok sa kotse. Nang huminto kami sa tapat ng isang lumang bahay na inilarawan ng nakausap ng bodyguard ko, nat
Third-person's POV Kapansin-pansin kung paano kalabitin ni Selya si Armando matapos nitong sabihin ang mga salitang kaniyang binitiwan. Tila pinipigilan nito ang mister na sabihin ang dapat nitong sabihin kay Keith. "Ito na ang panahon, Selya. Matanda na tayo pareho at matagal na tayong ginugulo ng nakaraan. Kaya hindi makausad ang buhay natin at ang mga anak natin hanggang ngayon dahil sa maling bagay na ginawa ko noon," usal ni Armando habang pailing-iling ang ulo. Kaniyang sinasariwa ang mga nangyari. Ang lahat ng senaryo na malinaw na malinaw sa kaniyang isipan na para bang kahapon lamang nangyari. "Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Kung hindi ako nagpadala sa malaking halaga ay baka nabigyan agad ng hustisya ang mga magulang mo, Keith. Napakabait nila para sapitin ang ganoon at sa mura mong edad ay naulila ka," pagpapatuloy nito habang nakatanaw sa malayo. Napayuko na lamang si Keith ng kaniyang ulo habang nakikinig. Alam niya naman kung gaano siya kaawa-awa n
Third-Person's POV Habang nasa daan pabalik ng Pampanga, tinawagan ni Keith ang kaniyang assistant. Ipinag-utos niyang ipagbawal ang sinumang bisita lalo na kung kaniyang tiyuhin ang dadalaw sa kaniyang abuela. Hindi siya mapakali habang nasa biyahe. Gusto niyang mapabilis ang kanilang pagbalik sa Pampanga. Higit dalawang oras ang lumipas bago nila narating ang ospital. Mabilis ang mga hakbang ni Keith at tinungo agad ang silid ng ni Madam Janet. Gabi na nang makarating sila ngunit laking pasasalamat niya nang malamang ayos lang ang kaniyang abuela at hindi nagtungo roon si Frank upang bumisita. "Can you contact Grandma's lawyer who handled my parents' case back then? I need the case to be reopened," tanong ni Keith kay Elias na nagmadali siyang sinalubong nang malamang pabalik na sila sa Pampanga. Pinayagan na siya ng doktor na lumabas. In-advise na magpahinga muna dahil naka-brace pa ang kaniyang leeg at isang braso ngunit hindi siya mapakali lalo pa at alam niyang kailangan
Third-Person's POV Kinabukasan, isang galit na Frank ang nagtungo sa opisina ni Keith upang komprontahin ito ngunit hindi siya pinapasok ng mga personal bodyguard ng kaniyang pamangkin. "What is wrong with you people?!" nanggagalaiti niyang bulyaw sa mga ito na dinig na dinig sa loob ng saradong opisina ni Keith. "Tell your boss I need to talk to him!" utos niya sa isa sa mga bodyguard. Saktong oras na ng pag-alis ni Keith nang mga sandaling 'yon upang kausapin ang abogado sa isang coffee shop di kalayuan sa gusali ng kanilang kompanya. "There he is!" saad ni Frank nang makita ito. Nagtangka siyang humakbang palapit sa binata ngunit hinarang siya ng mga bodyguard at hinila sa gilid upang bigyan ng daan ang kanilang boss. Napamura ito sa kanilang ginawa sa kaniya. Kitang-kita sa namumula nitong mukha ang galit at panggigigil sa mga ito higit para kay Keith na pinagbawalan siya sa paglapit sa kaniyang walang malay na ina sa ospital. "What is your problem, kid?!" habol niya sa
Third-person's POV"Travel safe and see you tomorrow." Ito ang huling mensaheng ipinadala ni Keith sa kaniya. Dalawang oras na ang lumipas mula nang natanggap niya iyon—oras na paalis pa lamang sila ng kaniyang ama sa kaniyang bahay."Mabuti na lang pala at iniwan ko ang cellphone ko," untag ni Merrill habang nakatingin pa rin sa screen. Kasama pa naman din niya ang kaniyang Papa.Nag-type muna ito ng sagot bago nagtungo sa banyo. "Thank you, Sir. See you tomorrow too!" Sinadyang lagyan ng padamdam nang isipin nitong excited ang dalaga malaman ang resulta kahit ang totoo niyan ay kinakabahan ito nang sobra.Pagbaba ng cellphone sa lamesa, dumiretso na siya sa banyo ngunit nang mapadaan sa malaking salamin sa kaniyang silid ay bigla siyang napahinto.Humarap siya rito upang kaniyang makita ang buo niyang katawan repleksyon na para bang naghahanap ang dalaga ng kahit anong sinyales na siya na'y nagdadalang-tao at dala na niya ang tagapagmana ng mga Lee."Kung tutuusin ay malaki rin ang
Merrill's POVBandang alas sais trenta na kami natapos mamasyal sa mga kamag-anak. Palubog na ang araw ngunit maaliwalas pa kaya kitang-kita pa ang daraanan.Habang naglalakad, tahimik lang si Papa. Ninanamnam ang malamig at sariwang hangin na dumadaan. Bukirin at mga kakahuyan ang makikita sa aming lugar. Iyon nga lang ay nakakalbo na ang ibang parte ng bundok dahil mayroon doong minahan. "Ang dami na ring nagbago rito mula nang umalis ako. Mas marami na ang mga bahay di tulad dati na halos bukid lang talaga ang matatanaw mo," usal ni Papa maya-maya."Kaya nga po. Ang gaganda na rin at konkreto ang ilang mga bahay na dati ay pawid lang gaya nang atin. Ang saya lang pong isip-isipin na umuunlad na ang mga pamumuhay ng mga tao rito nang paunti-unti," sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti."Tama ka, anak. Nakakalungkot lang na hindi nakita ni Tatay ang mga ito lalo na't lahat halos ng mga kapitbahay natin ay mga kamag-anak natin. Gaya mo ang mga anak nila ay nakatapos na ng kolehiyo
Merrill's POVNagsimula na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa di kalakihang maleta. Naroon na ang lahat sa ibabaw ng kama. Natupi nang maayos ang mga damit ko pero hindi ko alam kung paano ko ipagkakasya ang lahat sa isang maleta lang dahil ayaw kong magbitbit ng marami. Nang mabasa ko ang huling mensahe niya, napaisip ako kung ano ang iiwanan ko na sa mga naroon. Nakapamewang ako habang palipat-lipat ang tingin sa mga damit at mga kung ano-anong mga anik-anik ko na naroon.Ang sabi niya ay naroon naman na ang mga lahat ng kakailanganin ko. Maaring mga toiletries kaya naman inalis ko na ang isang pouch kung saan nakalagay ang isang bottle ng shampoo, condition at body wash.Maraming mga damit ang gusto kong dalhin pero sa dami ay hindi magkakasya sa maleta kaya pinagpares-pares ko na lamang para makatiyak na bawat araw ay masusuot ako. Hindi ko pa naman sigurado kung kasama ang damit sa mga sinasabi niyang mayroon na doon.Damit, isang extra na walking shoes at sandals, mga skin ca
Keith's POV "No lead, Sir. Ayaw nilang magbigay ng impormasyon tungkol kay Mr. Lee. Mahihirapan po tayo sa paghahanap sa kaniya." Naghingi ako ng update kung may sinabi ba ang dalawa tungkol kay Uncle Frank pero nagmamatigas silang pareho. Wala kahit na kaunting impormasyon na magdadala sa amin kung saan ang mga ito nagtatago. Elias ang I went back to the company to use what was left with our day. I check Mr. Frederick inside his office at nagsisimula na siya pag-aayos ng kaniyang opisina. The company has it's own team of interior designers at sila ang naroon upang mag-ayos base sa nais ni bagong CEO. Around four in the afternoon bigla na lamang akong natigilan. It felt I forgot to do something that day but couldn't figure out what it was. I went back working, but when I turned my head on the left nakita ko ang cellphone ko and all of a sudden dinampot ko iyon to check the messages. I didn't hear my message ringtone. Merrill replied to the message I sent her earlier that
Keith's Point of ViewThe meeting continued nang mailabas na ang dalawang galamay ni Uncle Frank sa conference room. I could see how much the gentlemen tried their best to calm down na pare-parehong umuusok ang mga ilong matapos kong isiwalat sa kanila ang ginagawang pagbubulsa ng pera ng tatlo mula sa mga nagdaang mga projects.Ilang sandali ring nabalot ng katahimikan ang loob ng silid matapos ang kaguluhang naganap. Everyone seemed to be preoccupied. Mukhang kinukwenta nila kung gaano kalaki ang nawala sa kanila sa loob ng sampung taong pangungurakot ni Uncle Frank.I pitied them dahil nagulangan sila. Nakakamangha rin ang kapal ng mukha nila para gawin iyon sa kompanya at kay Lola. But what I don't understand ay kung bakit hinayaan lang ni Lola na gawin ni Uncle Frank ang gusto niya sa ganoon katagal. "We cannot just let those b*stard steal what is rightfully ours! I won't let it slide even though it had been ten years!" hasik ni Mr. Frederick na bigong mapakalma ang sarili. He s
Third-Person's POVNapatayo ang isang ginoo kaniyang kinauupuan at kaniyang ibinagsak sa lamesa nang sabay ang dalawang kamay dahilan para mapatingin ang lahat ng mga nasa loob ng conference room sa kaniya. "This is unreasonable. Bakit mo aalisin ang nag-iisang anak ni Madam sa sarili nilang kompanya bilang CEO?" Nanggagalaiti nitong tanong kay Keith matapos niyang ianunsyo ang agenda sa araw na yon."Bakit naman po hindi?" tanong naman sa parehong ginoo."Frank has more rights sa kahit sinuman sa atin na naririto sa lamesang ito. He's the next in line kay Madam dahil siya na lamang ang anak nitong buhay!" Nanatili siyang nakatayo. Kulang na lamang ay sugurin niya si Keith sa panggigigil dito nang mga sandaling 'yon. Wala na silang magiging kakampi kapag tuluyan itong natanggal sa pagka-CEO. "Can you see yourself, Agoncillo? I think you're the one being unreasonable here," saad ng kaniyang katabi."Ano namang ipinupunto mo, Balderrama?" baling ni Mr. Agoncillo sa kaniya."We all kno
Keith's POV"Nothing, just asking..." I typed. I checked the time bago nagpatuloy. I saw it was nearly ten in the evening. "baka kasi nakakaabala ako." I waited for a reply. Dumating naman agad. "Hindi naman po. Actually, kagigising ko lang. Napagod po sa mahabang biyahe kaya nakatulog ako nang makarating kami sa bahay."I smiled, but at the back of my mind, I envied her. Nakakatulog siya sa pagod samantalang ako kahit anong pagod ay hirap akong makatulog. No matter how much I try."Glad to hear that. Sleep is important lalo na sa mga taong pagod maghapon. By the way, how are you feeling lately? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?" Pag-iiba ko ng paksa. Curious lang ako. Baka kasi may mga early symptoms siyang nararamdaman for us to conclude as a sign na successful ang unang procedure. Honestly, I was excited. I want to know right away kung may nabuo ba o wala. I had high hopes na maganda ang resulta sa check-up niya and we doesn't need to repeat it. Another reason that excites m
Keith's POVI was surprised. Binasa niya ang kabuuan ng kontrata. At first I thought gaya rin siya ng iba na basta na lamang pumipirma nang hindi iniintindi ang nakasulat sa mga dokumento. The thought of that put a smile on my lips. Hindi ko akalain na pagkatapos ng nakaka-stress na araw mapapangiti ako ng ganoong kasimpleng bagay.Masyado ko na yatang nakalimutan ang magsaya at pati sa simpleng bagay ay napapangiti na lang ako bigla. I typed my answer. [Yes, it was, but it was also stated na it would only happen with your consent s'yempre. No forcing on your part.] and pressed send.I placed my phone on the side table. Kauuwi ko lang galing sa ospital to check Grandma. Tulog pa rin siya at walang kasiguraduhan kung kailan magigising. Her stroke was quite bad. The blood clotting sa ulo niya ay maswerteng naalis agad, but according to the doctor, it could take sometime for her to recover dahil sa edad na rin niya. I loosened my necktie before removing it. My room seemed empty kahi
Merrill's POVMuli kong dinampot ang cellphone ko at nagsimulang nagtipa. "Yes, Sir. Nakauwi na po kami. May next time naman po siguro."Ayan na lamang ang isinagot ko.Bumangon na ako at binuksan ang ilaw. Paglabas ko ng kwarto, nasalubong ko si Mama na palabas din mula sa silid nila ni Papa."Salamat naman at bumangon ka na. Nagluto ako ng nilagang baka, initin mo na lang, anak. Tiyak na nagsesebo na 'yon sa kaserola," aniya nang nakangiti. "Opo, Mama." Pupungas-pungas akong naglakad papunta sa kusina namin upang maghapunan. Gutom na gutom ako na para bang dalawang araw akong hindi kumain. Siguro ay dahil na-miss ko ang mga ganoong lutong-bahay di gaya ng mga kinakain namin sa ospital na puro galing sa mga restaurant.Matapos maghapunan, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko't mga natirang hugasan sa lamesa. Pagbalik ko sa kwarto, ilang beses na tumunog ang message tone ng cellphone ko. Nang siyasatin ko kung sino ang nagpadala ng mga mensahe, nakita kong puro galing sa apo ni Mada