*Resto Italiano*Keith's Point of ViewWe headed straight to the restaurant to meet Attorney Herald without any fear kung nasa paligid ba ang galamay ni Uncle Frank. Base naman sa narinig naming pag-uusap nila ay wala siyang ibang gagawin kundi ang sundan ako kaya wala akong dapat na ipangamba. Isa pa, kasama ko naman ang dalawa sa mga bodyguards na ipinadala ng kaibigan ni Lolo Patricio at kampante akong mapuprotektahan nila ako.My plan was for him to know kung sino ang haharapin kong tao nang araw na 'yon. I wanted to see what kind of measures he would do after finding out I was meeting the lawyer that handled my parents' case back then. It had been said na marami siyang alam na baluktot noon but because his job was to make sure the accused goes to prison, lahat ng paraan na maaring gamitin laban sa akusado ay ginamit niya.Pagpasok namin ni Elias sa loob, I gestured my hand para bigyan ng signal ang dalawang bodyguards. I already gave them an order sa daan pa lamang na doon muna s
Keith's POVPagkatapos namin nakipagkita kay Attorney Herald, I decided to go back to the company ngunit hindi pa man nakalalayo ang sinasakyan namin, isang tawag ang natanggap ni Elias mula kay Amanda gamit ang numero ng kaniyang ama. I asked Elias to put it into loudspeaker. Agad naman itong tumalima."H-hello? We need help! Somebody blocking our way," she said habang nanginginig ang boses. "H-he's about to go...he has a gun!" she added."Let's go back!" utos ko sa driver. Mabilis itong naghanap ng daan na pwedeng mapaglikuan dahil nasa kalagitnaan kami ng main road nang mga oras na 'yon. "We're on our way now! Try to calm do—" "How can I? He's pointing the gun in front of us. He might have shot any of us in a nick of seconds. This car isn't bulletproof—"Bang!"No!" Napasigaw si Amanda nang biglang magpaputok ang lalaking humarang sa kanila. Ang sakit sa tainga ang nilikha nitong feedback."Labas!" Nadinig kong sigaw mula sa kabilang linya."Hello, Amanda?" wika ko ngunit walang
Third-person's POVNa-release na ang warrant of arrest para kay Frank. Sumama sina Keith sa mga pulis upang saksihan ang pagdakip sa kaniyang tiyuhin, ngunit nang makarating sila sa gusali ng J.O. Group, walang Frank Lee ang nasa kaniyang opisina.Ayon sa gwardya na naroon sa gusali ay nagmamadali di umano itong umalis kasama ang kaniyang asawa. Dumiretso sina Keith at ang mga pulis sa bahay ng kaniyang tiyuhin ngunit maging doon ay wala rin ito. Kahit ang pinsan ni Keith ay hindi rin nila mahagilap. Hindi matawagan ang kanilang mga numero at maging ang mga kasambahay ay walang ideya kung saan nagtungo ang mga ito."Wala pong sinabi sina Sir sa amin. Nagpaimpake po ng mga damit kanina sina Ma'am at Sir. Kinuha lang po nila ang mga maleta at pagkatapos po umalis ulit," kwento ng isa sa mga kasambahay sa mga pulis."This is too impossible! Paano siya nakatakas?" Napahilamos sa kaniyang mukha si Keith sa inis. "Can you get all the addresses ng lahat ng properties ni Uncle Frank?" baling
"Hindi ko alam kung kaya tayong matulungan ng kaklase ko noon. He's a retired general," sagot nito sa kaniya. "Sino, Lolo?" Salubong ang kilay na tanong ni Elias sa matanda."Si Lolo Renato mo." "N-no way! He's a retired general?""Oo, hindi mo ba alam?" "Lolo Renato is a clown. Walang bakas na galing sa militar o nagkaroon ng mataas na ranggo noong araw," bulalas ng di makapaniwalang si Elias."Iyan ang sinasabi nila na don't judge the book by its cover, apo. Isang magaling na sundalo ang isang 'yon. Hindi nga lang halata," natatawang wika ni Patricio.Keith enjoyed hearing how the two talk. Parang magbarkada lang ang mga ito. He never had a chance to meet his Lolo dahil maagang nabawian ng buhay. "Saan po namin siya p'wedeng makita?" singit ni Keith sa dalawa."Madalas nasa farm ang isang 'yon kaya naman mahirap makontak e, but I will try to visit him and personally talk to him para malaman kung matutungan niya ba tayo.""I think it's better kung sasama na lang kami sa'yo, Lolo,
Third-person's POVIsang tawag ang ginawa ng retired general na tumagal nang ilang minuto. Nanatili siya nasa linya habang ibinibigay ang lahat ng impormasyon na kailangan nila. "We're going to check in all the security cameras kung naroon pa sila," saad ng nasa kabilang linya. Inutusan nito ang kaniyang tauhan na gawin ang kaniyang nais gamit ang isang computer na naroon ay napasok nila ang system ng Airport. Inilagay ang mga impormasyon ni Frank at ng kaniyang asawa, ang kanilang flight numbers at ang oras ng pag-alis. Ayon sa nakuha ni Elias, alas kuwatro ang kanilang flight papunta sa Palawan at may trenta minutos pa bago mag-alas kuwatro ng hapon."Spotted! Nandoon pa silang mag-asawa at ang anak nilang babae," anunsyo ng tinawagan ni Renato. Naka-loudspeaker ang cellphone nang mga oras na ito. Napatayo si Keith mula sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang balita. "We need to catch them." Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin diretso sa mga mata ni Renato."Mayroo
Merrill's POVMula ng araw na nakakuha ako ng mensahe mula sa apo ni Madam ay hindi na muli itong nagparamdam. Akala ko ay hindi niya ako titigilan kulitin na sumama na sa kanilang resthouse pero madali ko rin pala siyang makukumbinsi. Nakakapagtaka lang dahil tatlong araw na akong walang balita mula sa kaniya. "Grabe talaga ang pamilyang 'yon, sila-sila lang din ang sumisira sa mga pangalan nila. Mantakin mo habang nasa coma ang matanda e nagkakagulo naman ang mga kamag-anak niya." Nadinig kong sabi ni Mama habang inaayos ang mga maruruming damit sa isang bag.Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero mukhang hindi gusto ni Papa ang paksa nila."Parang hindi mo naman alam ang nangyari noon. Sila-sila lang din 'yon at nandamay pa sila ng taong inosente. Karma na nila kung anuman ang nangyayari ngayon," sagot ni Papa na labis akong naintriga.Nasa ospital pa rin kami ngunit pinayagan na si Papa na makauwi nang araw na 'yon. Hinihintay na lang namin ang permit niya na ibinigay
Merrill's POVMuli kong dinampot ang cellphone ko at nagsimulang nagtipa. "Yes, Sir. Nakauwi na po kami. May next time naman po siguro."Ayan na lamang ang isinagot ko.Bumangon na ako at binuksan ang ilaw. Paglabas ko ng kwarto, nasalubong ko si Mama na palabas din mula sa silid nila ni Papa."Salamat naman at bumangon ka na. Nagluto ako ng nilagang baka, initin mo na lang, anak. Tiyak na nagsesebo na 'yon sa kaserola," aniya nang nakangiti. "Opo, Mama." Pupungas-pungas akong naglakad papunta sa kusina namin upang maghapunan. Gutom na gutom ako na para bang dalawang araw akong hindi kumain. Siguro ay dahil na-miss ko ang mga ganoong lutong-bahay di gaya ng mga kinakain namin sa ospital na puro galing sa mga restaurant.Matapos maghapunan, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko't mga natirang hugasan sa lamesa. Pagbalik ko sa kwarto, ilang beses na tumunog ang message tone ng cellphone ko. Nang siyasatin ko kung sino ang nagpadala ng mga mensahe, nakita kong puro galing sa apo ni Mada
Keith's POVI was surprised. Binasa niya ang kabuuan ng kontrata. At first I thought gaya rin siya ng iba na basta na lamang pumipirma nang hindi iniintindi ang nakasulat sa mga dokumento. The thought of that put a smile on my lips. Hindi ko akalain na pagkatapos ng nakaka-stress na araw mapapangiti ako ng ganoong kasimpleng bagay.Masyado ko na yatang nakalimutan ang magsaya at pati sa simpleng bagay ay napapangiti na lang ako bigla. I typed my answer. [Yes, it was, but it was also stated na it would only happen with your consent s'yempre. No forcing on your part.] and pressed send.I placed my phone on the side table. Kauuwi ko lang galing sa ospital to check Grandma. Tulog pa rin siya at walang kasiguraduhan kung kailan magigising. Her stroke was quite bad. The blood clotting sa ulo niya ay maswerteng naalis agad, but according to the doctor, it could take sometime for her to recover dahil sa edad na rin niya. I loosened my necktie before removing it. My room seemed empty kahi
Merrill's POVMabigat ang aking ulo dahil hirap akong makatulog nang nagdaang gabi. Laman ng isip ko ang resulta ng test na ginawa sa akin habang wala akong malay. Buntis na nga raw ako at dala ko na ang anak ng nag-iisang apong lalaki ni Madam Janet Lee. Hind pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang mga nasa plano ko at sa nakikita ko pa nga ay unti-unti ko na ring nagagawang makuha ang loob ni Keith dahil sa pinapakita kong kabaitan sa kaniya kahit pa ang mga 'yon ay walang pagpapanggap—ang tunay na ako. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha sana ng maiinom na tubig sa pag-aakalang wala pang gising na mga kasambahay nang mga oras na 'yon. "Magandang umaga, Ma'am!" "Ay palaka!" Nagitla ako nang biglang sumulpot ang isa sa kanila galing sa isang silid. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at humingi ng paumanhin, "Sorry po." Tatawa-tawa naman ang kasambahay na na may dala ng isang tray ng itlog at isang gallon ng mantika na isinabit niya lamang sa kaniyang hinliit upang madala n
Keith's POVI woke up wearing the same clothes I was wearing when I came home last night. Mahaba-habang tulog din ang nakuha ko ngunit tila ba hindi sapat dahil sa pagod at stress sa araw-araw na hindi na nga nababawasan, nadagdagan pa. Mabigat ang aking ulo maging ang buong katawan. Nais ko pa sanang umidlip sandali dahil hindi pa tumutunog ang aking alam ngunit napilitan akong bumangon dahil sa walang tigil na mga katok sa pinto ng aking silid."S-Sir?" tawag mula sa labas ngunit may ibang ingay pa na mas nakaagaw ng aking pansin. Umaalingawngaw ang paparating na sirena ng bombero ngunit hindi ko alam kung saan didiretso."S-Sir Keith?" Muling pagtawag sa pinto na tila ba natataranta na ito.Dahan-dahan akong bumangon because I still could step on my sprained left foot. I received for my cane but it fell on the floor. Hindi ko na pinulot. Dumiretso na ako sa pinto ma hindi naman kalayuan kahit paika-ika sa paghakbang.The firetruck came closer. Nagsisisigaw rin ang mga tao sa labas
Keith's POV"Thank you." I turned to face her when we were about to leave. Hinatid niya 'ko sa front door after we shared a delicious dinner with all the house helpers and my two bodyguards that she insisted on letting them stay outside.Her kind heart made me adore her secretly. She reminded me of my late parents who would do the same if there are people are. They wouldn't care to stand just to give another person a seat. It was a bitter sweet memory that I could forever cherish because I was young when I lost them.It felt great as well to eat around people. Mula nang umuwi ako ng Pilipinas at maospital si Lola ay laging mag-isa na lamang akong kumakain sa hapag-kainan kapag nasa bahay ako. The mansion is too big to live alone lalo na at may separate house ang mga house helpers doon.Merrill gave me a frown. "Para saan ka nagpapasalamat?" tanong nito na tila ba nalilito at walang clue sa kung ano ang ipinagpapasalamat ko."Sa dinner... and the laughter earlier?" sagot ko na medyo pa
Merrill's POV"I have to go. Pupuntahan ko pa si Lola sa ospital before heading home. Will you be okay here? May mga kailangan ka pa ba na wala rito?" "Nandito naman na po lahat. May dala rin po akong gamit kaya okay na po," sagot ko sa kaniya."Okay... I'm glad to know," tugon niya. Sandali itong natahimik ngunit nanatiling nakatunghay sa akin. Nakakailang na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng microscope at iniiksamin ng kaniyang mga mata. Naalis lamang ang kaniyang tingin nang sipatin niya ang kaniyang suot na mamahaling relo. "I need to go. Dumaan lang talaga ako to tell you the news and check if you're really okay just like what Doc Trixie said." Ibinalik niya ang tingin sa akin saka bumuga ng hangin. Naging malamlam ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagod mula roon, ang pangamba at ang takot. Nang muli siyang nagsalita, maging tinig nito ay kakaiba sa pandinig ko. "I'm truly glad you're okay, Merrill." Bigla siyang tumalikod at naglakad patungo
Keith's POV"Kasama ho ba sa kontrata na murahin ako?" I froze when she asked this. The way she looked straight into my eyes brought shivers down my spine. Napalunok na lang ako ng laway at napaiwas ng tingin dahil parang anumang oras she will punch me on the face. Parang sampal para sa akin ang tanong na 'yon. Pumunta ako sa villa to confront her sa ginawa niya kay Agatha. She made me dead worried nang malaman kong nasa clinic pa siya nang pumunta roon ang pinsan ko. Hindi ako mapakali nang malaman ko at kahit si Elias ay napansin iyon ngunit nakahanap ako ng alibi at sinabi kong hindi lamang ako makapaghintay na mahuli si Agatha. We arrived at the hospital at nagkakagulo sila. The elevator broke na parang ayaw makisama. Ang isa naman ay saktong ipinapasok ang isang pasyente na nasa stretcher kaya wala kaming choice kundi gamitin ang hagdan kahit may sprain ang paa ko. Kasama ko ang mga pulis at gwardiya. Inutusan ko ang mga tauhan ko na bantayang mabuti ang kwarto ni Lola dahil
Merrill's POVNapakasarap maligo ng may automatic kang hot water. Parang minamasahe ang katawan ko habang nasa ilalim ng shower. Medyo sumakit pa naman din nang dahil kay Agatha. Nang matapos akong maligo ay roon ko lang napagtanto na wala pala akong inihandang pamalit na damit. Mabuti na lang ay may roba na naroon at iyon na muna ang isinuot ko. Mahirap na at baka may mga surveillance camera sa paligid at nakabalandra ang kahubdan ko.Ibinalot ko muna ng tuwalya ang basa kong buhok bago lumabas ng banyo. Naaalala ko ang nakita kong walk-in closet at naisip kong tingnan ang mga damit na naroon.Pagpasok ko palang ay mga kahon ng sapatos agad ang natanaw ko sa bandang dulo. Mga orange na box iyon na may tatak ng isang mamahaling brand sa buong mundo. "Tunay kaya ang mga 'yon?" Di makapaniwala kong usal habang nakatitig sa mga kahon ng sapatos. Humakbang ako palapit upang siyasatin. Nanguha ng isa sa mga naka-display at binuksan. "Hala!" Inilabas ko ang flat shoes na may kakaibang pa
Nang makarating siya sa Hotel, si Simoun agad ang nakita niya sa may lobby. "Ms. Merrill..." Lumapit ito sa dalaga."Pahintay na lang po ako rito. Kukunin ko lang po mga gamit ko," wika ni Merrill. Bakas sa kaniyang tinig ang labis na pagod."Sige po, Ma'am." Iniwan na niya si Simoun at nagtungo sa elevator upang umakyat sa palapag kung nasaan ang kaniyang inupahang silid.Mabilis lamang siya. Nang matanaw siya ni Simoun na lumabas ng elevator ay kaniya na itong sinalubong. Kinuha na ng lalaki ang kaniyang maleta at naunang maglakad. Isang puting kotse na mukhang bago pa dahil sa kintab ang kanilang hinintuan. Pinagbuksan muna siya ni Simoun ng pinto bago ito pumunta sa likod upang buksan ang compartment. Dalawang minuto rin nilang binaybay ang kalsada bago makarating sa villa na siyang magiging tirahan niya sa loob ng siyam na buwan ngunit sa kaniyang isip iyon ay ang kaniyang kulungan hanggang sa maisilang ang susunod na tagapagmana ng mayamang pamilya ng mga Lee. Napakalaki ng l
Third-person's POV"Iyon na nga po ang nangyari, Sir." Pagkatapos ni Merrill ng kaniyang pahayag sa buong nangyari sa loob ng clinic bago nila nahuli si Agatha.Habang tinatanong siya ay hindi maiwasan ng dalawa ang mapalinga ng ilang ulit sa paligid. Hinahanap niya kung naroon si Keith ngunit hindi niya ito nakita kahit isang beses. "Thank you for your cooperation. Tatawagan ka na lamang namin sakaliman na may kailangin pa kami," anang pulis nang matapos na ito sa pagkuha ng mga importanteng detalye kay Merrill. Hinayaan na siyang makaalis. Hindi na niya hinintay sina Doc Trixia at ang nurse na kasabay niyang pumaroon kasama ng mga pulis sa isang kotse.Paglabas na paglabas niya sa pinto, isang lalaki ang bigla na lamang humarang sa kaniyang daraanan. Mukha itong nasa mid-30s lamang. Mukhang disenteng tingnan sa kaniyang suot na malinis ang puting t-shirt at pantalong kupas. Gumilid si Merrill sa pag-aakalang papasok ito sa loob ng police station ngunit laking-pagtataka niya nang h
"W-what are you doing, you b*tch?" sigaw nito sa akin habang nagpupumiglas. "Let me go... you id*ot!" utos niya ngunit hindi ko siya pinakawalan kahit pa nakakahilong sumakay sa likod niya habang hawak ko ang dalawang kamay. Ginawa ko siyang kabayo ngunit sa bandang binti niya ako nakasampa. Biglang nawala si Doc Trixie na kanina ay naroon lang sa kwarto kasama namin. Hindi ko napansin kung lumabas ba siya ng clinic o nagtago sa kung saan pero sana naman dumating na ang mga security personnel. Bakit kasi ang tagal nila? "Let me go!" sigaw nito ulit na parang naiiyak na pero sino ba siya para kaawaan.Pinaikot ko na lamang ang mata ko sa inis. Wala akong balak na patulan siya pero nakakainis—napakaingay."Manahimik ka nga! Ang lakas ng loob mong magpunta rito kahit alam mong wanted ang mga magulang mo tapos pati doctor ko guguluhin mo't pinagbantaan kanina na sasaktan.""I didn't do that!" "Sus! Sinungaling. Akala mo ba hindi ko narinig 'yon? Dinig na dinig sa labas."Sandali siya