Share

Chapter 13

Author: Wysteriashin
last update Huling Na-update: 2024-10-27 11:26:45
Third-person's Point of View

"Who told you I would let you go to work in that condition?" Keith asked Elias after he joked about not going to work the next day because of what happened to him.

"No one will assist you tomorrow, Sir, I can't be there," pagrarason nito at nanlulumo na lamang na napatingin sa kaniyang boss dahil sa sunod-sunod na nangyayari.

"Nobody wants this. What really happened at nagkagitgitan kayo ng kotse na 'yon?" usisa ni Keith na tila nagdududa na siya na may kinalaman iyon sa apat na lalaking sumusunod din sa kaniya nang nagdaang-araw.

Kapansin-pansin kung paano nanahimik ang lahat. Ang mga mata nila ay nagpalipat-lipat sa isa't-isa na parang may itinatago. Ang ama ni Elias ang bumasag sa katahimikan. Who wants something to eat? Mukhang pare-pareho tayong hindi pa naghahapunan," anito at niyaya ang kaniyang misis upang samahan siyang bumili.

Naiwan sa silid ang lolo ni Elias at ito ang sumagot sa tanong ng binata. "Malakas ang kutob ko na inutusan ng t
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 14

    Third-Person's Point of View Araw na ng Biyernes at sumang-ayon si Merrill na magpa-interview nang araw na ito. Wala siyang kaalam-alam na si Keith mismo ang kaniyang makakaharap. Maagang dumating ang kaniyang Tito Baste at inabala niya ito sandali at nagpahatid siya sa Mall kung saan siya magpapaayos ng buhok. Nauna na itong bumalik sa ospital dala ang binili nilang almusal. Napakaaga pa nang mga oras na 'yon kaya naghintay pa siya nang ilang minuto sa labas ng isang beauty salon. Matapos magpaayos ng buhok ay nagpalagay naman siya ng light lang na makeup. Bahagya lamang kinulot ang mahaba niyang itim na buhok upang magkaroon ng volume. Matapos sila ay nakigamit na rin siya ng banyo upang doon magbihis. Suot ang nabiling white long sleeves na pang-itaas na sinadya niyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, itim na skirt na above the knee ang tabas at high heels na nagdagdag ng kaniyang taas mula sa 5'4" ngayon ay 5'7". Saktong-sakto sa kaniyang katawan ang mga nabiling

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 15

    Merrill's Point of View "F-for real?" naibulalas ni Keith nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita sa kaniyang mukha kung gaano siya namamangha na makita ako sa kaniyang opisina. Wagas kung makangiti ang apo ni Madam Janet. Nakapanlalambot ng tuhod kung paano magningning ang kaniyang mga mata habang nakatunghay sa akin. Doon ko napansin na may kakaibang biloy nito sa magkabilang pisngi. Hindi iyon kalaliman ngunit ang cute tingnan lalo na sa malapitan. Bukod sa biloy, ang ganda ng mga ngipin nito. Halatang alagang-alaga ng dentista sa puti at pagkakapantay-pantay. Nakakainggit ang balat nito sa malapitan. Tila walang pores at hindi tinubuan ng tagyawat kahit isa sa mukha samantalang ako—hay naku! Parang balat ng mga korean actor sa mga Korean drama ang kutis nito at kapantay ni ng mga sikat na Korean actors ang kagwapuhan nito. Pero kailangan kong kumalma. Hindi ako dapat magpasilaw sa pisikal na katangian ng apo ni Madam. "Pardon, Sir?" pormal kong tanong nang makalapit

    Huling Na-update : 2024-11-04
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 16

    Merrill's Point of View I got hired pero sa trabahong hindi ko in-apply-an. Habang palayo siya ay parang gusto ko silang habulin para lamang bawiin ang sagot ko ngunit naisip ko rin na baka dala lamang ng pressure kaya niya iyon in-offer at makakalimutan niya rin o di kaya siya na mismo ang babawi. Nakampante ang isip ko kahit na paano habang nagkakagulo sa building ng J.O.Group. Hindi ako agad nakaalis sa building dahil hihingan daw ako ng pahayag ayon sa isang pulis na naroon. Pagkatapos nila akong kuhanan ng salaysay ay pinayagan na nila akong makaalis. Hindi ko na nakita si Keith kung saan nila siya dinala pero isang bagay lang ang malinaw, may gusto burahin ito sa mundo. Ang mga magulang niya ay pin4tay rin noon nang hindi pa kilalang tao. Sa pareho nilang tama sa ulo, tiyak na ang may gawa ay bihasa sa baril at alam kung saan ang pupuntiryahin. Tig-isang bala lamang ang kumit!l sa buhay nila. Marunong si lolo gumamit ng baril. Bukod sa pagiging driver, personal b

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 17

    Merrill's Point of View Maaga akong nagising para lumabas at bumili ng almusal namin sa malapit na restaurant dahil ayaw ni Papa ang pagkaing ibinibigay ng canteen ng hospital sa kaniya. Bukod kasi sa kaunti lang, parang wala raw lasa. Hindi sa pamimintas pero tinikman ko rin naman. May lasa pero may katabangan siya. Mukhang hindi sila gumagamit ng vetsin kaya ganoon na lamang ang lasa ng pagkain which is good naman dahil ospital iyon at hindi isang restaurant. Isa pa, free meal lang 'yon para sa mga pasyente kaya mahirap magreklamo. Habang naglalakad, pinapanood ko ang pagsikat ng araw. Walang gaanong mga tao sa kalsada kaya kahit nakapantulog pa ako ay ayos lang. Keri lang ng oversized kong puting t-shirt, maluwang na pajama na kulay dilaw at tsinelas. Dalawang kanto lang ang layo ng restaurant sa ospital. Mabuti na lang at dala-dala ko ang cellphone ko. Nakuhanan ko ng litrato ang sunrise at tunay namang napakaganda dahil maraming mga puno sa paligid. Nakamamanghang pagmasdan

    Huling Na-update : 2024-11-12
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 18

    Third-person's Point of View Matapos mag-usap ng dalawa, hinatid nina Keith si Merrill sa restaurant kung saan niya balak sanang magpunta nang masumpungan nila siyang naglalakad sa kalsada. "How can I help you. Ma'am?" tanong sa kaniya ng clerk sa counter na hindi nito agad nabigyan ng atensyon dahil nasa malayo ang kaniyang isip. "P-po?" Inulit ng babae ang kaniyang tanong at inabot ang naka-laminate na menu ng kanilang restaurant kay Merrill. Nang maibigay ang order, pinaghintay muna siya sa bakanteng upuan sa di kalayuan na tumagal din ng higit sampung minuto bago siya muling tinawag. Habang nakaupo roon, isa lamang ang tanong na nasa isip ng dalaga. Iyon ay kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang niya ang lahat at kung paano ililihim ang espesyal na trabaho na kaniyang tinanggap na gawin. Ang isa sa pinakamalaking inaalala niya, magiging ina pa siya ng anak ng isang lalaking may malaking atraso sa kanilang pamilya. Magiging ina siya nang hindi nagkaka-boyfriend at kahit p

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 19

    Merrill's Point of ViewNang parehong araw na nagkita kami, pinadalhan niya ako ng mensahe. He asked me to find Doctor Klara na kasalukuyang nasa parehong ospital kung nasaan naka-confine si Papa. Everything should be kept secret ayon sa kaniya kaya wala akong ibang pinagsasabihan ng agreement namin.Ang paalam ko sa mga magulang ko ay magpapa-medical examination na ako na parehong ospital at hindi naman sila nagtanong pa.Hindi ako nahirapan hanapin si doktora. Nagtanong lang ako sa front desk ng ospital at itinuro nila kung saang palapag ko makikita ang office niya. Nang makarating ako sa second floor, sinundan ko lang ang mga nakasulat na karatula sa pader na may pangalan niya. Isa siyang Ob-gynecologist at on-duty sa ospital na iyon bukod sa may private clinic pa siya somewhere in Pampanga. Tatlong katok pa lamang sa pinto pinagbuksan na agad ako ng isang nurse. "Nandito po ba si doktora?" tanong ko sa babae."Yes po. You are Merrill?" sagot nito at tanong naman sa akin."Opo,

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 20

    Merrill's Point of ViewLumabas ako sa clinic na parang walang nangyari. Wala namang masakit bukod sa may pinong kirot sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ko na nakita si Keith nang lumabas ako ngunit nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya."I asked someone to picked you up. He will take you to one of my Grandma's resthouse. Nandoon na lahat ng mga p'wede mong kailanganin at may mga makakasama ka na rin doon. Just tell me kung may kailangan ka pa para maipakuha ko agad. I needed to leave as soon as possible kaya hindi na kita nahintay sa labas kanina. I hope you're feeling alright. I'll see you in a few days. Take care." Iyan ang laman ng mahabang mensahe niya. I found it sweet pero pagkatapos kong basahin ay napataas ang kilay ko sa dulo. Hindi ako dapat magpadala sa ka-sweet-an ng isang Lee. Hindi pa sila bayad sa mga atraso nila sa pamilya ko.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mabilis na nagtipa ng sagot na ipadadala sa kaniya.Hindi pa ako pupwedeng sumama

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 21

    Keith's Point of ViewAfter sending her the message, naghintay ako ng reply but there was nothing. I was with two of my bodyguards that day. Nagpunta kami sa Nueva Ecija para hanapin si Armando Altares. He was the one who stood as witness noon sa pagkamatay ng mga magulang ko. The printed copy of the money he received before the trial was questionable. Napakalaki ng five million pesos para masabing pasasalamat lang at galing pa kay Uncle Frank ang pera.I found that out kay Lolo Patricio nang tawagan ko si Elias ang mga 'yon. I was also glad na nandoon ang Lolo niya to clarify his identity. I also found out na hardinero siya noon sa mansion, but I couldn't remember his face anymore. "Sir, sa kabilang kalye raw po ang bahay ni Armando Altares," saad ng isa sa mga bodyguards ko na inutusan kong magtanong sa isang tindahan."Okay, let's go there," sagot ko at mabilis siyang pumasok sa kotse. Nang huminto kami sa tapat ng isang lumang bahay na inilarawan ng nakausap ng bodyguard ko, nat

    Huling Na-update : 2024-11-27

Pinakabagong kabanata

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 51

    Merrill's POVMabigat ang aking ulo dahil hirap akong makatulog nang nagdaang gabi. Laman ng isip ko ang resulta ng test na ginawa sa akin habang wala akong malay. Buntis na nga raw ako at dala ko na ang anak ng nag-iisang apong lalaki ni Madam Janet Lee. Hind pa rin ako makapaniwala na nangyayari na ang mga nasa plano ko at sa nakikita ko pa nga ay unti-unti ko na ring nagagawang makuha ang loob ni Keith dahil sa pinapakita kong kabaitan sa kaniya kahit pa ang mga 'yon ay walang pagpapanggap—ang tunay na ako. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha sana ng maiinom na tubig sa pag-aakalang wala pang gising na mga kasambahay nang mga oras na 'yon. "Magandang umaga, Ma'am!" "Ay palaka!" Nagitla ako nang biglang sumulpot ang isa sa kanila galing sa isang silid. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at humingi ng paumanhin, "Sorry po." Tatawa-tawa naman ang kasambahay na na may dala ng isang tray ng itlog at isang gallon ng mantika na isinabit niya lamang sa kaniyang hinliit upang madala n

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 50

    Keith's POVI woke up wearing the same clothes I was wearing when I came home last night. Mahaba-habang tulog din ang nakuha ko ngunit tila ba hindi sapat dahil sa pagod at stress sa araw-araw na hindi na nga nababawasan, nadagdagan pa. Mabigat ang aking ulo maging ang buong katawan. Nais ko pa sanang umidlip sandali dahil hindi pa tumutunog ang aking alam ngunit napilitan akong bumangon dahil sa walang tigil na mga katok sa pinto ng aking silid."S-Sir?" tawag mula sa labas ngunit may ibang ingay pa na mas nakaagaw ng aking pansin. Umaalingawngaw ang paparating na sirena ng bombero ngunit hindi ko alam kung saan didiretso."S-Sir Keith?" Muling pagtawag sa pinto na tila ba natataranta na ito.Dahan-dahan akong bumangon because I still could step on my sprained left foot. I received for my cane but it fell on the floor. Hindi ko na pinulot. Dumiretso na ako sa pinto ma hindi naman kalayuan kahit paika-ika sa paghakbang.The firetruck came closer. Nagsisisigaw rin ang mga tao sa labas

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 49

    Keith's POV"Thank you." I turned to face her when we were about to leave. Hinatid niya 'ko sa front door after we shared a delicious dinner with all the house helpers and my two bodyguards that she insisted on letting them stay outside.Her kind heart made me adore her secretly. She reminded me of my late parents who would do the same if there are people are. They wouldn't care to stand just to give another person a seat. It was a bitter sweet memory that I could forever cherish because I was young when I lost them.It felt great as well to eat around people. Mula nang umuwi ako ng Pilipinas at maospital si Lola ay laging mag-isa na lamang akong kumakain sa hapag-kainan kapag nasa bahay ako. The mansion is too big to live alone lalo na at may separate house ang mga house helpers doon.Merrill gave me a frown. "Para saan ka nagpapasalamat?" tanong nito na tila ba nalilito at walang clue sa kung ano ang ipinagpapasalamat ko."Sa dinner... and the laughter earlier?" sagot ko na medyo pa

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 48

    Merrill's POV"I have to go. Pupuntahan ko pa si Lola sa ospital before heading home. Will you be okay here? May mga kailangan ka pa ba na wala rito?" "Nandito naman na po lahat. May dala rin po akong gamit kaya okay na po," sagot ko sa kaniya."Okay... I'm glad to know," tugon niya. Sandali itong natahimik ngunit nanatiling nakatunghay sa akin. Nakakailang na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng microscope at iniiksamin ng kaniyang mga mata. Naalis lamang ang kaniyang tingin nang sipatin niya ang kaniyang suot na mamahaling relo. "I need to go. Dumaan lang talaga ako to tell you the news and check if you're really okay just like what Doc Trixie said." Ibinalik niya ang tingin sa akin saka bumuga ng hangin. Naging malamlam ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagod mula roon, ang pangamba at ang takot. Nang muli siyang nagsalita, maging tinig nito ay kakaiba sa pandinig ko. "I'm truly glad you're okay, Merrill." Bigla siyang tumalikod at naglakad patungo

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 47

    Keith's POV"Kasama ho ba sa kontrata na murahin ako?" I froze when she asked this. The way she looked straight into my eyes brought shivers down my spine. Napalunok na lang ako ng laway at napaiwas ng tingin dahil parang anumang oras she will punch me on the face. Parang sampal para sa akin ang tanong na 'yon. Pumunta ako sa villa to confront her sa ginawa niya kay Agatha. She made me dead worried nang malaman kong nasa clinic pa siya nang pumunta roon ang pinsan ko. Hindi ako mapakali nang malaman ko at kahit si Elias ay napansin iyon ngunit nakahanap ako ng alibi at sinabi kong hindi lamang ako makapaghintay na mahuli si Agatha. We arrived at the hospital at nagkakagulo sila. The elevator broke na parang ayaw makisama. Ang isa naman ay saktong ipinapasok ang isang pasyente na nasa stretcher kaya wala kaming choice kundi gamitin ang hagdan kahit may sprain ang paa ko. Kasama ko ang mga pulis at gwardiya. Inutusan ko ang mga tauhan ko na bantayang mabuti ang kwarto ni Lola dahil

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 46

    Merrill's POVNapakasarap maligo ng may automatic kang hot water. Parang minamasahe ang katawan ko habang nasa ilalim ng shower. Medyo sumakit pa naman din nang dahil kay Agatha. Nang matapos akong maligo ay roon ko lang napagtanto na wala pala akong inihandang pamalit na damit. Mabuti na lang ay may roba na naroon at iyon na muna ang isinuot ko. Mahirap na at baka may mga surveillance camera sa paligid at nakabalandra ang kahubdan ko.Ibinalot ko muna ng tuwalya ang basa kong buhok bago lumabas ng banyo. Naaalala ko ang nakita kong walk-in closet at naisip kong tingnan ang mga damit na naroon.Pagpasok ko palang ay mga kahon ng sapatos agad ang natanaw ko sa bandang dulo. Mga orange na box iyon na may tatak ng isang mamahaling brand sa buong mundo. "Tunay kaya ang mga 'yon?" Di makapaniwala kong usal habang nakatitig sa mga kahon ng sapatos. Humakbang ako palapit upang siyasatin. Nanguha ng isa sa mga naka-display at binuksan. "Hala!" Inilabas ko ang flat shoes na may kakaibang pa

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 45

    Nang makarating siya sa Hotel, si Simoun agad ang nakita niya sa may lobby. "Ms. Merrill..." Lumapit ito sa dalaga."Pahintay na lang po ako rito. Kukunin ko lang po mga gamit ko," wika ni Merrill. Bakas sa kaniyang tinig ang labis na pagod."Sige po, Ma'am." Iniwan na niya si Simoun at nagtungo sa elevator upang umakyat sa palapag kung nasaan ang kaniyang inupahang silid.Mabilis lamang siya. Nang matanaw siya ni Simoun na lumabas ng elevator ay kaniya na itong sinalubong. Kinuha na ng lalaki ang kaniyang maleta at naunang maglakad. Isang puting kotse na mukhang bago pa dahil sa kintab ang kanilang hinintuan. Pinagbuksan muna siya ni Simoun ng pinto bago ito pumunta sa likod upang buksan ang compartment. Dalawang minuto rin nilang binaybay ang kalsada bago makarating sa villa na siyang magiging tirahan niya sa loob ng siyam na buwan ngunit sa kaniyang isip iyon ay ang kaniyang kulungan hanggang sa maisilang ang susunod na tagapagmana ng mayamang pamilya ng mga Lee. Napakalaki ng l

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 44

    Third-person's POV"Iyon na nga po ang nangyari, Sir." Pagkatapos ni Merrill ng kaniyang pahayag sa buong nangyari sa loob ng clinic bago nila nahuli si Agatha.Habang tinatanong siya ay hindi maiwasan ng dalawa ang mapalinga ng ilang ulit sa paligid. Hinahanap niya kung naroon si Keith ngunit hindi niya ito nakita kahit isang beses. "Thank you for your cooperation. Tatawagan ka na lamang namin sakaliman na may kailangin pa kami," anang pulis nang matapos na ito sa pagkuha ng mga importanteng detalye kay Merrill. Hinayaan na siyang makaalis. Hindi na niya hinintay sina Doc Trixia at ang nurse na kasabay niyang pumaroon kasama ng mga pulis sa isang kotse.Paglabas na paglabas niya sa pinto, isang lalaki ang bigla na lamang humarang sa kaniyang daraanan. Mukha itong nasa mid-30s lamang. Mukhang disenteng tingnan sa kaniyang suot na malinis ang puting t-shirt at pantalong kupas. Gumilid si Merrill sa pag-aakalang papasok ito sa loob ng police station ngunit laking-pagtataka niya nang h

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 43

    "W-what are you doing, you b*tch?" sigaw nito sa akin habang nagpupumiglas. "Let me go... you id*ot!" utos niya ngunit hindi ko siya pinakawalan kahit pa nakakahilong sumakay sa likod niya habang hawak ko ang dalawang kamay. Ginawa ko siyang kabayo ngunit sa bandang binti niya ako nakasampa. Biglang nawala si Doc Trixie na kanina ay naroon lang sa kwarto kasama namin. Hindi ko napansin kung lumabas ba siya ng clinic o nagtago sa kung saan pero sana naman dumating na ang mga security personnel. Bakit kasi ang tagal nila? "Let me go!" sigaw nito ulit na parang naiiyak na pero sino ba siya para kaawaan.Pinaikot ko na lamang ang mata ko sa inis. Wala akong balak na patulan siya pero nakakainis—napakaingay."Manahimik ka nga! Ang lakas ng loob mong magpunta rito kahit alam mong wanted ang mga magulang mo tapos pati doctor ko guguluhin mo't pinagbantaan kanina na sasaktan.""I didn't do that!" "Sus! Sinungaling. Akala mo ba hindi ko narinig 'yon? Dinig na dinig sa labas."Sandali siya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status