The Girlboss Begs for Remarriage

The Girlboss Begs for Remarriage

last updateLast Updated : 2024-12-22
By:   Chu  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.3
251 ratings. 251 reviews
1078Chapters
980.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tatlong taon pagkatapos niyang ikasal at yumaman, ang binibini na kinasusuklaman ang pagiging walang kwenta ng kanyang asawa, ay napagtanto na siya ang gintong ticket na hindi nararapat sa kanya pagkatapos niya siyang hiwalayan!

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
84%(211)
9
0%(1)
8
2%(4)
7
0%(0)
6
1%(3)
5
1%(3)
4
4%(9)
3
1%(2)
2
4%(10)
1
3%(8)
9.3 / 10.0
251 ratings · 251 reviews
Leave your review on App
user avatar
Pedrosa Eissej
good. 3chapter
2024-11-28 19:00:12
0
user avatar
Pedrosa Eissej
yan dapat 3chapter
2024-11-27 19:44:03
0
user avatar
Guilbert Fernandez
wala bang wakas ti
2024-11-10 01:57:57
0
default avatar
paulito.etor
Great story...every chapter is becoming very interesting!
2024-11-09 19:48:23
0
user avatar
Manny Malaki
10 days ulit mga lods....bye
2024-11-07 16:14:49
0
user avatar
Manny Malaki
hahhaha..mahabahaba rin ang nabasa ko
2024-10-30 17:01:49
0
user avatar
Pedrosa Eissej
mga 10days bagoag basa ulit.haha
2024-10-17 18:08:00
0
user avatar
Rain
nakaka walang gana na mag basa nito..dalawang chapter nalang at Ang ikli pa..
2024-10-10 16:33:36
0
user avatar
Manny Malaki
hindi muna ako magbabasa ng sampong araw para marami akobg mavasa ulit pagbukas ko pahina nato .salamat guys...bye
2024-10-06 16:40:38
0
default avatar
Ken Jhie
Tinatranslate nalang sa tagalog hindi pa dagdagan ng maayon ang bawat araw na pinopost ganun din naman babayaran parin naman ang bawat chapter na binabasa same lang naman sa english version nauna pa ang english version kaysa dito sa tagalog version na inuunti unti
2024-10-06 16:18:30
0
user avatar
Pedrosa Eissej
un oh 3 chapter narin.
2024-09-30 20:58:05
0
default avatar
Angelo Santana jr
bkit Yung English version 8chapter araw araw bkit sa Tagalog 2chapter lng Kya Buti pa sa inglish version nasa 2188 Nako nakasubaybay...mabagal Ang Tag alog version mo idol...tsaka sa inglish version nasa divine rank na sya...
2024-09-16 14:30:04
0
user avatar
ricky arevalo Nevado
kahit 5 episode sana araw araw
2024-09-09 13:10:17
1
user avatar
vicente magalona jr
maganda lng sa umpisa...hbng tumatagal parang magulo na...nawawala n rn ang karakter ni Helen sa kuwento....puro na lng Kay Vicky Turnbull...c Helen pa nmn ang gusto ko....kaya nawawalan na ko gana magbasa nito....sorry po... opinion ko lng po to
2024-09-06 19:03:01
0
user avatar
Clyde Remigio
pls po pakibalik sa 4 chapter..
2024-09-06 18:53:58
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 17
1078 Chapters
Kabanata 1
”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 2
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon. Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano. Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya. Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International. “Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor. Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hin
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 3
Natutulog si Frank sa kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, kaya nagising siya.Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?”Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.”Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kumukulo niyang dugo—tila hindi nagsisinungaling si Peter!“Dismayado ako sa’yo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mong sabihin sa pagmumukha ko—bakit siniraan mo ang pamilya ko?”Hinimas ni Frank ang kanyang sentido nang sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na hindi ko ginawa ‘yun?”“Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ko?!” Ang tanong ni Helen. “Kinansela din niya ang partnership namin!”“Desisyon ‘yun ni Trevor at wala yung kinalaman sa’kin.”Kumbinsido si Helen na si Frank ay isang duwag at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at ma
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 4
Pow! Pow! Pow!Nagbitak ang hangin sa kwarto.Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara."Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun...""Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 5
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull.""Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako.""Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga dal
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 6
Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank nang makalabas siya sa villa ng mga Turnbull.Bumaba si Vicky, at nagtanong, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid?"Napaisip si Frank at napabuntong-hininga. "Balak ko lang sanang tumuloy sa isang hotel."Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya makakabalik sa Lane Manor pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Helen."Oh..." Napaisip si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung hotel sa Riverton. Hayaan mong maghanda ako ng isang suite para sa’yo, para maihatid ko sa’yo ang wonderroot pagdating nito."Napaisip si Frank at tumango. "Sige."Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa gate.“Anong problema?” Tanong ni Vicky."May humintong kotse sa unahan, at hindi ko alam kung para saan," reklamo ni Yara.Sumilip si Frank sa bintana ng kotse at napansin ang isang lalaking nakasuot ng suit na
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 7
Hindi man lang natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Tuturuan kita ng leksyon para sa kapatid ko ngayon din!"Bigla siyang sinipa ni Frank sa sikmura sa mga sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala."Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadaling lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, mahal?!"Sa malapit, malamig na nakangiti si Vicky.Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng bwisit na ‘to.Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank."Bwisit ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit sa kanyang tiyan—parang isusuka niya ang kanyang bituka!Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"Nanatiling kalmado at mahinahon si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 8
Sumakay si Frank ng taxi papuntang Laneville kinagabihan at nagulat siya nang makitang naghihintay si Gina sa pintuan.Nang makita siyang dumating, agad na lumapit sa kanya si Gina at nagbabala, "Alam ko na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin kapag nakita mo ang matanda mamaya."Humalakhak si Frank. "Dapat itaboy mo na lang ako kung nag-aalala ka ng ganyan.""Ano?!" Tiningnan siya ng masama ni Gina, gulat na gulat siya na pagsasalitaan siya ng ganun ni Frank.Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank at pumasok na si Frank sa loob.Kung tutuusin, wala na siyang dahilan para magbait-baitan sa Lane family ngayong hiwalay na sila ni Helen!Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, nakita niya si Henry na nakatayo doon suot ang isang apron, at kakatapos lang magluto."Anong okasyon sir? Ang daming pagkain," ang sabi ni Frank.Nakangiti si Henry nang makita niya si Frank at lumapit siya para hawakan ang kanyang kamay. "Oh, nandito ka na pala, Frankie—malalaman mo din maya-
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 9
Hindi balewala kay Frank ang miserableng reaksyon ni Henry.Gayunpaman, kahit na handa si Henry na tanggapin siya, hindi ganun ang kanyang pamilya.Para bang isang usaping pamilya ang kasal nila ni Helen at hindi sa kanilang dalawa lang!"Hindi, Lolo. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami," ang sabi niya, at umalis siya nang hindi lumilingon.Nanghina si Henry at muntik nang bumagsak.Mabilis na kumilos si Helen at nagmamadaling lumapit upang saluhin siya, at napansin niyang wala sa ayos ang mga mata ni Henry habang paulit-ulit siyang bumubulong, "Tapos na... Tapos na ang lahat... Katapusan na ng pamilya ko..."Nagtaka si Helen sa mga sinasabi ni Henry. "Anong sinasabi mo, Lolo? Yung totoo, nag-abala si Sean na tulungan akong magkaroon ng partnership sa mga Turnbull kanina. Aangat ang pamilya natin at tatayo kasama ng mga elite sa Riverton.""Hah!" Malamig na sinabi ni Henry. "Yung Sean Wesley na sinasabi ni Frank?""Mismo," sagot ni Helen."Mas mahalaga pa nga ang utot kays
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
Kabanata 10
Natawa si Frank. "Bakit naman sila magseselos? Hindi naman ako manliligaw ni Vicky.""Totoo ‘yun." Sumuko si Yara at bumuntong-hininga. "Pero may fiance na rin si Vicky. Sigurado ka bang hindi siya mag-iisip ng masama? Tsaka, siya ang tagapagmana ng mga Lionheart, isang mahalagang pamilya sa Morhen—ang lalaking iyon ay kilala sa pagiging walang awa, na mapapatunayan ng ibang manliligaw ni Vicky na bigla na lang nawala."Bilang bodyguard ni Vicky, natural na alam ni Yara ang ilang mga sikreto.Ayaw niyang makita ang isang kamangha-manghang martial artist na tulad ni Frank na patayin ang kanyang sarili. Kaya naman nagmagandang-loob siya at binalaan niya si Frank—may iba pang mga tao sa Riverton na kayang sirain si Frank bukod sa mga Lionheart."Hmph." Suminghal si Frank na may halong inis. "Ayos lang ako hangga't hindi nila ako gagalitin. Kapag ginawa nila ‘yun, mas magmumukha silang mga tupa kaysa sa mga leon."Napalunok si Yara.Ang lakas ng loob niya para sabihin ‘yun, gayunpama
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more
DMCA.com Protection Status