Share

Kabanata 6

Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank nang makalabas siya sa villa ng mga Turnbull.

Bumaba si Vicky, at nagtanong, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid?"

Napaisip si Frank at napabuntong-hininga. "Balak ko lang sanang tumuloy sa isang hotel."

Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya makakabalik sa Lane Manor pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Helen.

"Oh..." Napaisip si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung hotel sa Riverton. Hayaan mong maghanda ako ng isang suite para sa’yo, para maihatid ko sa’yo ang wonderroot pagdating nito."

Napaisip si Frank at tumango. "Sige."

Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa gate.

“Anong problema?” Tanong ni Vicky.

"May humintong kotse sa unahan, at hindi ko alam kung para saan," reklamo ni Yara.

Sumilip si Frank sa bintana ng kotse at napansin ang isang lalaking nakasuot ng suit na nakatayo sa tabi ng security booth.

"Pakisabi kay Mr. Turnbull ang pagdating ko. Sabihin mo sa kanya na ako si Sean Wesley—may-ari ng malaking negosyo ang pamilya ko sa Riverton."

Sa mga salitang iyon, inilabas niya ang isang stack ng daang dolyar na perang papel at ibinigay ito sa security guard.

Agad namang tumango ang security guard na may pasasalamat. "Sige, pakiusap maghintay muna kayo sandali. Sasabihan ko agad si Mr. Turnbull."

Ipinikit ni Frank ang kanyang mga mata nang marinig ang pangalan ni Sean at pinagmasdan niya ang lalaki nang sabihin ni Yara na, "Mukhang nandito siya para makita si Mr. Turnbull."

"Huwag mo na silang pansinin," mataray na sabi ni Vicky.

Sa labas, hindi nagtagal ay bumalik na si Sean sa kanyang sasakyan—pinayagan siya ng security guard na magmaneho sa loob, dahil malinaw na pinahintulutan siya ni Walter.

May magandang mukha na nakasakay sa kanyang sasakyan—ito ay si Helen.

"Huwag kang mag-alala," kampanteng sabi sa kanya ni Sean. "Nabalitaan ko na ang anak na babae ni Walter Turnbull ay nakaratay, at nagdala ako ng 100 taong gulang na panacea cap para sa kanya. Gamit ang isang bagay na napaka-pambihira, tiyak na tutulungan ka niyang makuha ang development project na ‘yun kanlurang bahagi ng lungsod."

Nakahinga ng maluwag si Helen, napuno siya ng pasasalamat para kay Sean. "Maraming salamat dito, Mr. Wesley."

Nanlumo siya pagkatapos na kanselahin ni Trevor ang kanilang partnership at natural na nagulat siya na handa si Sean na tulungan siyang bumuo ng isa pang partnership sa mga Turnbull.

Bumili pa nga siya ng panacea cap, para maibigay niya ito bilang regalo niya—malaking tulong talaga siya sa kanya!

"Naku, wala ‘yun, Helen," ang nakangising sinabi ni Sean. "Magkaibigan tayo, di ba? Nasa likod natin ang isa't isa."

Naluluha na si Helen sa nararamdaman niyang emosyon—Pinatutunayan ni Sean ang kanyang sarili bilang isang tunay na kaibigan sa buong katapangan, lalo na’t lagi niya siyang tinutulungan sa tuwing kailangan niya ng tulong.

Kabaligtaran naman ang kanyang dating asawa na tiyak na hindi maikukumpara sa kanya. Marahil ang hayaan ang kanyang ina na pilitin si Frank na hiwalayan siya ay isang matalinong desisyon.

Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Sean at nagmadali siyang pumasok sa loob ng villa, bagama't sumulyap si Helen sa labas nang dumaan ang kanilang sasakyan sa isa pang sasakyan.

Nagulat siya, dahil ang lalaking nakaupo sa backseat ay kamukhang-kamukha ni Frank!

"Ano ‘yun?" Agad na nagtanong si Sean.

"Sa tingin ko si Frank yung nasa kotse kanina," ang tahimik na sinabi ni Helen.

"Hahaha!" Natawa si Sean. "Ito ang mansion zone ng Balmung Hill, at lahat ng nakatira dito ay mayaman o makapangyarihan. Ano naman ang gagawin ng walang kwentang ex-husband mo dito?"

Muling sumilip si Helen sa labas ng sasakyan, ngunit sumang-ayon siya kay Sean.

Higit pa rito, tumingin lang siya sa labas at hindi niya nakita ng malinaw ang mukha ng lalaki. Baka kahawig lang niya ang kanyang nakita...

-

Samantala, dumiretso si Yara patungo sa Verdant Hotel, na siyang pinakamagandang hotel sa Riverton.

Mayroong labingwalong palapag na may sukat na higit sa 2,000 metro kwadrado, at dalawang estatwa ng leon ang nakatayo sa may front entrance nito.

Personal na binuksan ni Vicky ang pinto para kay Frank at dinala niya siya sa front desk, nag-book siya ng penthouse suite para sa kanya sa loob ng isang taon.

"Sobra na ‘to," ang sabi ni Frank. "Ilang araw lang akong mananatili dito."

Ipinagwalang-bahala ni Vicky ang sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Ekslusibo ito para sa mga kaibigan, at pwede kang pumunta dito kung kailan mo gusto kahit na makahanap ka ng ibang lugar na tutuluyan mo. Ibibigay din ng hotel ang mga pangangailangan mo—pagkain, entertainment, at pati sports."

Tumango si Frank. Nakikita niya na maaari niyang makuha ang anumang gusto niya dito sa sandaling pumasok siya sa loob, sa maluwag na lobby na pinalamutian ng gayong karangyaan.

Pagkatapos siyang ikuha ni Vicky ng kwarto, iniabot sa kanya ni Vicky ang room card kasama ang isang gold card.

"Ito ay isang gold card, na maaari mong gamitin sa lahat ng mga negosyo na pagmamay-ari ng mga Turnbull. Maaari mong bilhin ang anumang gusto mo gamit ito."

"Eksklusibo din ba ‘to para sa mga kaibigan?" Ngumiti si Frank habang tinitingnan niya ang card.

Ngumiti din si Vicky. "Hindi, para ito sa mahahalagang associate ng pamilya ko."

"Talagang masyadong mataas ang tingin mo sa’kin." Tinawanan ni Frank ang kanyang sarili.

Hayy, tingnan mo nga naman…

Walang ibinigay na kahit ano sa kanya si Helen sa tatlong taong pagsasama nila.

Samantala, halos isang araw pa lang mula nang makilala niya si Vicky, ngunit binigyan na niya siya ng isang gold card.

"Hindi naman. Itinuturing lang kitang kaibigan ko." Ngumisi si Vicky. "At sana naman ituring mo rin akong kaibigan mo."

Naningkit ang kanyang mga mata habang nakangiti siya, at walang makabasa sa mga iniisip niya.

Inilagay ni Frank ang card sa kanyang bulsa, at tahimik siyang pumayag sa kanyang kahilingan.

Subalit, bago pa siya makapagsalita, may taong sumigaw sa kanya, "Frank Lawrence! Hayop ka!"

Lumingon si Frank at nakita niya si Peter Lane na nakatayo kasama ang isang babaeng nakasuot ng makapal na makeup.

Binabalak ni Peter na 'magpahinga' kasama ang kanyang bagong kasintahan sa hotel, ngunit galit na galit siya nang makita niya si Frank noong sandaling pumasok siya sa loob.

Hindi niya pinansin ang mga titig ng ibang mga tao sa kanilang paligid, naglakad siya palapit kay Frank, dinuro niya si Frank habang sinasabi niya na, "Siniraan mo ang ate ko, hindi ba?! Sinabi mo kay Mr. Zurich na kanselahin ang partnership nila ng ate ko!"

Tiningnan siya ng malamig ni Frank. "Nakita lang ni Trevor ang totoong ugali ng pamilya mo."

"Manahimik ka! Bubugbugin kita ngayon!" Sigaw ni Peter.

Gayunpaman, bago pa man siya makagalaw, pumagitna sa kanilang dalawa si Vicky, kumunot ang kanyang noo habang mariing sinasabi na, "Nasa Verdant Hotel ka, sir. Pakiusap mag-ingat ka sa mga kilos mo."

Hindi niya alam kung ano ang sama ng loob sa pagitan ng dalawang lalaki, ngunit nasa panig siya ni Frank.

Para naman kay Peter, mukhang nabigla siya habang pinagmamasdan niya si Vicky, nabighani siya sa kanyang kagandahan.

Marami na siyang naikamang babae mula noong yumaman ang kanyang pamilya..

Subalit, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng isang babae na kasing ganda ni Vicky!

Gayunpaman, dahil nagmamadaling pumunta dito si Vicky at nakasuot siya ng isang business suit, ipinagpalagay ni Peter na siya ang manager ng lobby at posibleng isang babae na ginamit ang kanyang katawan upang makarating sa tuktok.

Kaagad siyang naglabas ng ilang daang dolyar at inilagay ito sa kamay ni Vicky, at bumulong, "Wala ‘tong kinalaman sa’yo. Tsaka, kakausapin kita mamaya."

Tinikom ni Vicky ang kanyang mga labi—napakabastos niya!

Binalik niya ang pera sa pagmumukha ni Peter at sinabi niya na, "Kaibigan ko si Mr. Lawrence, kaya kunin mo na ang pera mo at umalis ka na. Hindi kami tumatanggap ng mga walang utak na gaya mo."

Gayunpaman, lalo lamang inisip ni Peter na siya ang manager ng lobby dahil sa naging reaksyon niya.

Ang kanyang tingin ay nagpalipat-lipat sa pagitan nina Vicky at Frank, pagkatapos ay napagtanto niya ang isang bagay!

"Magaling, Frank! Kung ganun, may nakauha na agad na p*ta," ang sabi ni Peter, ang kanyang mga mata ay kumikislap nang masama habang nakaturo sa pagitan nilang dalawa. "Kaya pala pumayag kang hiwalayan ang kapatid ko ng ganun kadali!"

Tumalim ang mga mata ni Frank habang malamig niyang sinasabi na, "Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Peter. Palalampasin ko ‘to, dahil kapatid ka ni Helen. Ngayon, umalis ka na."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status