Dahil sa naunang insidente kay Trevor at sa kung ano ang sinabi ni Vicky kay Helen bago sila pumasok sa loob ng banquet hall, kumbinsido si Helen na wala siyang pagkakataon na makuha ang proyekto ng West City.Doon nagsalita si Sean ng nakasimangot, "Huwag kang mag-alala. Gigolo lang ni Vicky ang walang kwentang ‘yun, pero kasamahan ng lolo niya ang tatay ko. Sigurado ako na maiintindihan niya ang lahat sa isang tawag lang."Sa wakas ay naalala ni Gina na nandoon din pala si Sean. "Oh, Mr. Wesley! Talagang maaasahan ka namin kapag kailangan namin ng tulong!"Binalingan naman ni Helen ng masalimuot na tingin si Sean. "Pasensya na, pero talagang kailangan ka naming abalahin sa pagkakataong ito."Hindi siya mangangahas na umasa kay Frank—ang proyekto ng West City ang susi sa kinabukasan ng Lane Holdings!Inilabas ni Sean ang kanyang phone, at pumunta siya sa isang tahimik na sulok para tawagan ang kanyang ama, na si James Wesley, na pinuno ng kanyang pamilya."Ano ‘yun? Bakit tumata
Pagkatapos niyang mag-isip ng sandali, huminga ng malalim si Frank at sinabing, "Ang harangin ang pagkita ng isang tao ay walang pinagkaiba sa pagpatay—kung napag-isipan mo nang ibigay sa kanila ang proyekto, Ms. Turnbull, wala akong dahilan para sabihin sa’yo na huwag ‘yun gawin."Ngumiti si Vicky kay Frank habang pinagmamasdan siya. "Sa tingin ko ayaw mo lang silang pahirapan ng husto. Marahil may nararamdaman ka pa para kay Ms. Lane?""Kung ‘yan ang tingin mo sa’kin..." Tiningnan siya ni Frank. "Wala akong masasabi tungkol diyan.""Hindi mo ba naisipang tumanggap ng panibagong kasintahan ngayong single ka na Mr. Lawrence?"Umiling si Frank. "Hindi ako interesado."Sumimangot si Vicky—medyo hindi nakakatuwa ang sagot niya.Gayunpaman, hindi niya ipinilit ang tungkol dito.Tiyak na hindi niya mamadaliin ang mga bagay dahil kakahiwalay lang ni Frank kay Helen ilang araw pa lang ang nakakaraan."Well, sigurado ako na mas interesado ka sa mga herbal treasure," ang sabi niya, binu
Doon lamang napansin ni Helen ang camera sa taas niya, na may pulang ilaw na kumukurap nang paulit-ulit. Samantala, nagpatuloy si Vicky, “Sa totoo lang, ayaw ko talagang ibigay sa'yo ang Western Project. Kaya nakakapanghinayang na mayroong tao na ayaw bumagsak ang Lane Holdings, at wala akong magagawa tungkol dun—kaya pumunta ka sa Turnbull Tower pagkaraan ng ilang araw para pirmahan ang kontrata.”Gayunpaman, hindi kayang magsaya ni Helen kahit na sinabi sa kanya ni Vicky na nakuha niya ang kontrata. Sinungitan niya si Vicky nang sabihin niya na, “Hindi magandang mag-espiya sa iba, Ms. Turnbull.”Sa loob ng security room, humagikhik lamang si Vicky. “Kaya kong alamin kung gaano karaming beses ka gumamit ng banyo sa loob ng isang araw kung gusto ko. Palalampasin ko ito sa pagkakataong ito, kaya mag-iingat ka kapag nagsalita ka ulit ng hindi maganda tungkol sa’kin.”Beep, beep, beep—Noong tahimik na ibinaba ni Helen ang kanyang phone, nagtanong si Gina ng may pagtataka, “Sino ‘
Sinabi ni Sean na, “Hayaan mo na yung inutil na ‘yan, Helen—gabi na, at malamang pagod ka. Nag-book ako ng isang VIP room sa hotel para sa’tin, kaya bakit hindi kayo magpahinga ng mom mo?”“Oo, syempre—pagod na pagod ako.” Agad na sumang-ayon si Gina at sinimulan niyang akayin si Helen. “Tara na, dear.”Gayunpaman, nanatili si Helen sa kanyang kinatatayuan. “Mom, hindi.”Alam na alam niya kung ano ang gusto ni Sean, ngunit hindi pa siya handang magsimula ng panibagong relasyon sa ngayon. Tiningnan ni Gina si Helen. “Anong ibig mong sabihing, hindi? Wala ka nang asawa na naghihintay sa'yo sa bahay. Bakit nag-aabala ka pa?”Nang makita ni Sean na pagkakataon na niya ito, agad itong sinamantala ni Sean. “Tama ‘yun, Helen. Pwede rin nating pag-usapan ang tungkol sa kontrata ngayong gabi.”Bagama't mukhang walang pakialam si Frank habang nakatayo siya sa malapit, puno ng galit ang kanyang mga salita. “Payo ko lang sa'yo, Helen—umuwi ka na.”Ilang araw pa lang ang nakakaraan mula noo
Mayroong isang mesa sa bulwagan, kung saan marami nang tao ang nakaupo sa paligid nito. Ngumiti si Vicky. “Ipapakilala kita sa kanila, Frank. Ito si Gerald Simmons, ang Chief of General Affairs ng Riverton.”Tumango ang lalaking may kwadradong panga kay Frank, at tumango siya bilang tugon. “Mr. Simmons.”Kasabay nito, lumibot si Vicky sa mesa, isa-isa niyang ipinakilala ang mga panauhin, ang bawat isa sa kanila ay mayaman at mahalagang indibidwal sa Riverton. “Ang Chief ng commerce guild ng Riverton.”“Ang Head ng Skyblade Dojo ng Riverton.”“Ang may-ari ng Flora Hall.”Pagkatapos batiin ni Frank ang bawat isa sa kanila, sa wakas ay ipinakilala na siya ni Vicky. “Ito si Frank Lawrence, ang taong nabanggit ko kanina.”Ang sabi ng Head ng Skyblade Dojo ng Riverton, “Nakikita ko na isa kang mahusay na martial artist.”“Hindi naman,” ang sagot ni Frank. “Kaunti lang ang alam niya.”Hindi pinaalam ni Vicky ang tungkol sa pinalakas na bersyon ng Boltsmacker habang sinabihan naman
Puno ng kumpiyansa ang mukha ni Frank. “Hindi lang ‘yun, Mr. Simmons. Nagigising ka tuwing umaga na masakit ang mga kalamnan mo at namamanhid ang mga braso't binti mo.”Huminga ng malalim si Gerald at seryoso siyang tumingin kay Frank. “Paano mo nalaman?”Hindi pa siya nasusuri ng batang ito—sinabi ba sa kanya ni Vicky ang tungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya? “Kitang-kita ito sa mukha mo, Mr. Simmons,” ang sabi ni Frank. Suminghal si Gerald. “Sa mukha ko? Kung ganun sabihin mo sa'kin, anong sakit ko?”“Isang coronary artery disease,” ang sabi ni Frank. “Kung malubha ito, tantya ko lalala ang kondisyon mo sa loob ng tatlong araw, kaya dapat kang magpagamot sa lalong madaling panahon.”Natahimik ang bulwagan dahil sa mga salitang iyon bago nagsimulang tumawa ng malakas ang lahat. Naningkit ang mga mata ni Vicky dahil dito—nagkamali ba si Frank? Imposible ‘yun! Sa mga sandaling iyon, kinausap ng pinuno ng Skyblade Dojo ng Riverton si Frank at natawa. “Sinabi sa'yo ni
Kasabay nito, umuungol at namimilipit si Peter sa may kama sa Riverton General. Hindi siya makagalaw dahil naka-plaster ang buong braso niya, habang humahagulgol si Gina, nadurog ang kanyang puso. “Anong nangyari, Peter? Sinong nanakit sa’yo?”Galit na sinabi ni Sean, “Sabihin mo sa'kin kung sino ang may gawa nito sa'yo. Gagantihan ko sila para sa'yo.”“Sino pa ba?!” Sumigaw si Peter. “Yung hayop na Frank Lawrence na ‘yun ang may gawa nito sa’kin!”Nagulat si Helen. “Pero nasa Verdant Hotel si Frank mula pa kanina…”“Inutusan niya ang mga tausan niya para saktan ako!” Nagalit si Peter. Yung totoo, binugbog siya ni Barney noong nakahanda na siyang pumunta sa Verdant Hotel. Habang sinabi mismo ni Barney kay Peter na si Frank ang nag-utos sa kanya, hindi binanggit ni Peter ang katotohanan na siya ang naunang nag-utos kay Barney na saktan si Frank.Gayunpaman, pinaghinalaan ni Helen ang kwento niya. “Bakit naman magpapadala ng mga tauhan si Frank para saktan ka?”Alam ni Helen na
Umiling si Frank. “Hindi.”Nakahinga ng maluwag si Helen, at huminahon ang kanyang mga kamao. Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Helen, at sinabi niya na, “Frank, humihingi ako ng tawad sa'yo para sa ginawa ng kapatid ko. Hindi makatwiran ang ginawa ni Peter—huwag ka sanang bumaba sa lebel niya.”Para sa kanila, tapos na ang lahat pagkatapos ng kanilang divorce. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Hindi ko gagawin ‘yun. Dapat tantanan niya ako kung alam niya ang makakabuti sa kanya,” ang sabi ni Frank. “Babalaan ko siya,” sumang-ayon si Helen.Pagkakuha niya sa gamot ni Peter at umalis, hindi siya pinigilan ni Frank habang mabagal siyang naglalakad palayo. Bigla siyang hinarang ng isang blonde na lalaki, na nakangisi. “Sandali kang, Ms. Lane.”Tinitigan ni Helen ang lalaki ng may pag-aalinlangan. “Sino ka?”“Hindi na mahalaga kung sino ako,” ang nakangiting sinabi ni Blonde. “Matagal ka nang gusto ng boss ko at gusto ka niyang makausap.