Puno ng kumpiyansa ang mukha ni Frank. “Hindi lang ‘yun, Mr. Simmons. Nagigising ka tuwing umaga na masakit ang mga kalamnan mo at namamanhid ang mga braso't binti mo.”Huminga ng malalim si Gerald at seryoso siyang tumingin kay Frank. “Paano mo nalaman?”Hindi pa siya nasusuri ng batang ito—sinabi ba sa kanya ni Vicky ang tungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya? “Kitang-kita ito sa mukha mo, Mr. Simmons,” ang sabi ni Frank. Suminghal si Gerald. “Sa mukha ko? Kung ganun sabihin mo sa'kin, anong sakit ko?”“Isang coronary artery disease,” ang sabi ni Frank. “Kung malubha ito, tantya ko lalala ang kondisyon mo sa loob ng tatlong araw, kaya dapat kang magpagamot sa lalong madaling panahon.”Natahimik ang bulwagan dahil sa mga salitang iyon bago nagsimulang tumawa ng malakas ang lahat. Naningkit ang mga mata ni Vicky dahil dito—nagkamali ba si Frank? Imposible ‘yun! Sa mga sandaling iyon, kinausap ng pinuno ng Skyblade Dojo ng Riverton si Frank at natawa. “Sinabi sa'yo ni
Kasabay nito, umuungol at namimilipit si Peter sa may kama sa Riverton General. Hindi siya makagalaw dahil naka-plaster ang buong braso niya, habang humahagulgol si Gina, nadurog ang kanyang puso. “Anong nangyari, Peter? Sinong nanakit sa’yo?”Galit na sinabi ni Sean, “Sabihin mo sa'kin kung sino ang may gawa nito sa'yo. Gagantihan ko sila para sa'yo.”“Sino pa ba?!” Sumigaw si Peter. “Yung hayop na Frank Lawrence na ‘yun ang may gawa nito sa’kin!”Nagulat si Helen. “Pero nasa Verdant Hotel si Frank mula pa kanina…”“Inutusan niya ang mga tausan niya para saktan ako!” Nagalit si Peter. Yung totoo, binugbog siya ni Barney noong nakahanda na siyang pumunta sa Verdant Hotel. Habang sinabi mismo ni Barney kay Peter na si Frank ang nag-utos sa kanya, hindi binanggit ni Peter ang katotohanan na siya ang naunang nag-utos kay Barney na saktan si Frank.Gayunpaman, pinaghinalaan ni Helen ang kwento niya. “Bakit naman magpapadala ng mga tauhan si Frank para saktan ka?”Alam ni Helen na
Umiling si Frank. “Hindi.”Nakahinga ng maluwag si Helen, at huminahon ang kanyang mga kamao. Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Helen, at sinabi niya na, “Frank, humihingi ako ng tawad sa'yo para sa ginawa ng kapatid ko. Hindi makatwiran ang ginawa ni Peter—huwag ka sanang bumaba sa lebel niya.”Para sa kanila, tapos na ang lahat pagkatapos ng kanilang divorce. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Hindi ko gagawin ‘yun. Dapat tantanan niya ako kung alam niya ang makakabuti sa kanya,” ang sabi ni Frank. “Babalaan ko siya,” sumang-ayon si Helen.Pagkakuha niya sa gamot ni Peter at umalis, hindi siya pinigilan ni Frank habang mabagal siyang naglalakad palayo. Bigla siyang hinarang ng isang blonde na lalaki, na nakangisi. “Sandali kang, Ms. Lane.”Tinitigan ni Helen ang lalaki ng may pag-aalinlangan. “Sino ka?”“Hindi na mahalaga kung sino ako,” ang nakangiting sinabi ni Blonde. “Matagal ka nang gusto ng boss ko at gusto ka niyang makausap.
Hindi mapigilan ni Sean na ngumiti habang tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya. ‘Isang perpektong damsel-in-distress plot! Mukhang gustong-gusto talaga ako ng nasa taas… Siguradong makukuha ko na ang loob ni Helen!’Samantala, nakahawak si Blondie sa kanyang dibdib.Dahil alam niyang hindi niya kayang talunin si Sean, dinuro niya siya at sumigaw siya, “Siraulo ka! Huwag kang magtatangkang umalis ng bayan! Pupunta dito ang boss ko at bubugbugin ka niya!”Inilagay lamang ni Sean ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Sige lang, maghihintay ako dito. Siguraduhin mo lang na babalik ka.”Nagulat si Blondie na malakas pa rin ang loob ni Sean na magsalita at nagmadali siyang humingi ng tulong.“Hmph.” Suminghal si Sean bago siya humarap kay Helen ng may pag-aalala. “Ayos ka lang ba?”Tumango si Helen, nakapako ang kanyang mga mata kay Frank.Inisip niya na ililigtas siya ni Frank kapag kailangan niya siya, ngunit sa huli, tumayo lamang si Frank doon, at hindi kumilos.Sumama ang kan
Sa loob ng Riverton General, nakasandal si Helen sa may pasilyo, nakayuko ang ulo habang nag-iisip siya.Lumapit sa kanya si Sean, at nagtanong, “Anong iniisip mo, Helen?”“Wala,” ang sagot niya.“Please huwag mong sabihin sa’kin na si Frank ang iniisip mo,” ang sabi ni Sean.Nag-aalinlangang ngumiti si Helen at umiling. “Bakit ko naman siya iisipin?”“Oo, syempre,” agad na suminghal si Sean. “Basura siya—dapat mo na siyang kalimutan. Ang ibig kong sabihin, ex-wife ka niya, pero hindi ka niya tinulungan kahit na nakita niya na nasa panganib ka. Hindi mo maaasahan ang mga lalaking gaya niya.”Tumango si Helen at sumang-ayon, at nang makita niya iyon, agad na inilabas ni Sean ang diamond ring na inihanda niya sa kanyang bulsa.Habang nakatingin siya kay Helen ng may pagmamahal, sinabi niya na, “Binili ko ‘to para sa’yo—ito ang pinakabagong disenyo mula sa Pegasus Diamonds. Gusto ko itong ibigay sa’yo bilang regalo pagkatapos mong makuha ang kontrata mula sa mga Turnbull, pero hind
Palihim na minura ni Sean si Gina dahil sa katangahan niya—paano siya mananalo kung napakarami ng kalaban niya?!Ngunit kahit na napagtanto niya na hindi siya maaaring tumakbo o lumaban, naalala siya ni Blondie at itinuro niya siya. “Boss, ‘yun yung siraulong sumipa sa’kin.”Sabay-sabay na tumingin ang mga sanggano kay Sean.Sa kabila ng mga matatalim na tingin sa kanya, nilakasan ni Sean ang kanyang loob at tumayo siya sa harap ni Helen, inihanda niya ang kanyang sarili at nagsalita siya, “Sigurado ako na ang lahat ng nandito ay mabubuting mamamayan na sumusunod sa batas. Hindi maganda ang gumamit ng dahas, kaya bakit hindi na lang natin kalimutan ang mga nangyari? Mag-usap tayo… Babayaran ko din ang mga medical bill ng bata mo.”Pak!Lumapit si Robin at sinampal ang mukha ni Sean, umikot ang paningin ni Sean at nakakita siya ng mga bituin.“Makipag-usap sa’yo?” Nagalit si Robin. “Sino ka ba?”Galit na galit si Sean—wala pang isang araw ang lumilipas, ngunit tatlong beses na si
Blag!Blag! Blag!Nang tamaan ng mga suntok ni Frank ang mga sanggano, bumagsak silang lahat sa lupa, walang kahit isa sa kanila ang kayang tumayo pagkatapos ng isang suntok mula kay Frank.At gaya ng isang tanke na hugis tao, nagpatuloy siya sa pagsugod papunta kay Robin, na natulala sa takot. “P-Pigilan niyo siya!”Isa itong eksena na nagmula sa isang horror movie—parang isang asong ulol ang lalaki!Gayunpaman, ang sinumang sumubok na pumigil kay Frank ay itinutulak niya pagilid, bali ang mga braso nila.Hindi nagtagal ay naabot ni Frank si Robin at hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang leeg."Oof—" Agad na nasakal si Robin, pinakawalan niya si Helen habang inabot naman ng isang kamay niya ang kanyang baywang at inilabas niya ang isang pocket knife.Nang kumislap ito ng malamig, sumigaw siya, “Mamatay ka na!”“Mag-iingat ka!” Sumigaw si Helen at tumalon siya papunta sa kanila, ngunit huli na ang lahat…Hinawakan ni Frank ang braso ni Robin sa isang iglap, habang napaka
Dinuro ni Robin ang mukha ni Frank at suminghal siya, “Lumuhod ka at magmakaawa—baka hayaan pa kitang mabuhay!”Sinampal lamang siya ni Frank dahil dito, at tumalsik ang dalawa sa mga ngipin niya. “Wala akong pakialam kung sino ka,” ang sabi ni Frank. “Subukan mong galawin si Helen, at pati ang tatay mo mamamatay.”Natulala si Robin—sinampal siya ng bwisit na ‘to?! Kahit na pagkatapos niyang sabihin kung sino siya?! Namula ang kanyang mga mata, at sumugaw siya, “P*ta ka! Papatayin kita at pahihirapan ko si Helen hanggang mamatay siya!”“Tumahimik ka,” nagalit si Frank, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa sinabi ni Robin. “Tumigil ka!” Sumigaw si Sean noong mga sandaling iyon. Tumigil si Frank, at lumingon siya kay Sean. “Ano, nakikiusap ka ba para sa kanya?”Tiningnan siya ng masama ni Sean. “Anak siya ni Leo Grayson! Malalagay tayong lahat sa panganib kapag pinatay mo siya!”Sa tabi niya, tumango si Gina ng paulit-ulit. “Oo, tama ‘yun! Hindi natin pwedeng galitin
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H
Malinaw na alam na alam ni Helen kung sino ang nagdala sa kanya sa gulong ito. Kahapon lang, nang nagbalik si Peter, inisip niya sandaling pwede niya siyang bigyan ng trabaho hindi kagaya ni Cindy, ngunit binenta siya nito sa isang kurap. “Nataga na kita kung hindi lang kita kapatid!” Sigaw ni Helen. Napangiwi kang si Peter sa sarili niya nang nakayuko. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganito si Frank, at lalapit na sana siya para pakalmahin siya… ngunit siya na mismo ang yumakap sa kanya nang umiiyak, “Bakit, Frank?! Bakit ganito ang pamilya ko…?”“Ayos lang yan. Nandito ako.” Tinapik siya ni Frank sa likod habang maingat siyang dinadamayan. “P-Pasensya na, ate. Napilitan lang ako…” utal ni Peter sa sandaling iyon. “Kalimutan mo na yan. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo,” sagot ni Helen, nang parang pa ring isang girlboss habang mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at pinunasan ang mga luha niya. Habang tinataboy si Peter, bumuntong-hininga siya. “Pwede kang ma
Kahit na ganun, bumuntong-hininga si Larry habang nagsimula siya, “Nagkataong nakita ko ang babaeng iyon sa isang business trip sa Talnam. L-Lumapit siya sa'kin, at pinilit akong mag-invest sa dalawang piraso ng lupa na sinabi niyang kikita nang malaki. Naloko ako, at nilayasan niya ako ilang araw lang ang nakaraan habang tangay-tangay ang malaking parte ng ari-arian ng kumpanya ko..” Umubo nang malakas si Larry, na halatang naaalis sa galit habang nagtapos siya, “H-Hindi ako mag-aalala sa pag-akyat ng Lanecorp kung hindi dahil doon…”“Ganun ba.” Tumango si Frank sa mga sinabi ni Larry nang napagtanto niya ito. Sabi ni Larry, nakilala niya si Juno sa Talnam… Kung ganun, Talnamese siya?“S-Siya nga pala, Mr. Lawrence….”Nang makitang interesado si Frank kay Juno, mabilis na nagdagdag si Larry para lang makaligtas, “Allergic ang babaeng iyon sa lilies… at sa matinding lebel pa nga.”“Matinding allergy sa mga lily?” Bumulong si Frank habang tinandaan niya ito—mukhang tama siyang p
Banal na ang katawan ni Frank, pero ang pure vigor niya ay nanatiling Birthright rank. Bulong niya sa sarili niya nang naglalakbay ang isipan niya. “Kapag natuto akong sumakay sa ulap at gumamit ng salamangka, talaga bang magiging banal na ako? O kaya… Ascendant rank?”Hindi kaya lumampas na ang katawan niya sa Ascendant rank at nakarating sa Transcendent rank?At kakaunti lang ang mga Ascendant rank sa buong Draconia! Kahit na ganun, natauhan si Frank, tumingin sa mga sangganong nakaluhod sa kanya, at suminghal. “Layas.”“Oo, oo, oo… Aalis na kami ngayon din…”“Dali, tara na…”Nakatayo lang si Frank at hindi hinabol ang mga sanggano habang tumakas silang lahat. Hindi siya ganun kauhaw sa dugo. Kahit na nararapat na mamatay ang mga lalaking iyon, nawalan na sila ng kagustuhang lumaban at hindi sila hadlang para kay Frank kaya hindi siya nabahala. “Tama na yan.” Hinablot ni Frank si Peter sa kwelyo at hinila siya palayo kay Larry nang para ba siyang isang pusa. Duguan at
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.