Dinuro ni Robin ang mukha ni Frank at suminghal siya, “Lumuhod ka at magmakaawa—baka hayaan pa kitang mabuhay!”Sinampal lamang siya ni Frank dahil dito, at tumalsik ang dalawa sa mga ngipin niya. “Wala akong pakialam kung sino ka,” ang sabi ni Frank. “Subukan mong galawin si Helen, at pati ang tatay mo mamamatay.”Natulala si Robin—sinampal siya ng bwisit na ‘to?! Kahit na pagkatapos niyang sabihin kung sino siya?! Namula ang kanyang mga mata, at sumugaw siya, “P*ta ka! Papatayin kita at pahihirapan ko si Helen hanggang mamatay siya!”“Tumahimik ka,” nagalit si Frank, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa sinabi ni Robin. “Tumigil ka!” Sumigaw si Sean noong mga sandaling iyon. Tumigil si Frank, at lumingon siya kay Sean. “Ano, nakikiusap ka ba para sa kanya?”Tiningnan siya ng masama ni Sean. “Anak siya ni Leo Grayson! Malalagay tayong lahat sa panganib kapag pinatay mo siya!”Sa tabi niya, tumango si Gina ng paulit-ulit. “Oo, tama ‘yun! Hindi natin pwedeng galitin
Nakaligtas si Robin, ngunit nadurog ang kanyang spine at nalumpo siya mula sa baywang pababa. Gulat na gulat ang lahat habang nanatiling nakabaon sa pader si Robin, natatakot silang gumawa ng ingay. Kinuha lamang ni Frank ang mga sangkap na gagamitin niya at tumalikod siya para umalis, habang walang kahit isa sa mga tauhan ni Robin ang nangahas na pigilan siya. Pinagmasdan ni Helen ang pag-alis ni Frank at bigla niya siyang tinawag, “Frank…”Hindi lumingon si Frank.Napatitig na lamang si Blondie kay Robin, hindi niya alam kung anong gagawin niya.Mukhang kailangan nilang tawagan si Leo Grayson tungkol dito…“Maghintay ka lang! Papatayin kayong lahat ng boss namin!” Suminghal si Blondie at nagmadaling tumakas kasama ang mga kapwa niya mga sanggano na nakakatayo pa.Muntik nang mawalan ng malay si Gina sa mga sandaling iyon, nang marinig niya ang kabagsikan ni Leo—minsan ay mayroong isang lalaki na nanggulo sa babae niya, at agad na pinagpira-piraso ni Leo ang lalaki at ipina
Gustong balatan ni Robin si Frank nang maisip niya na habangbuhay na siyang mangangailangan ng isang wheelchair!Sa tabi niya, sumigaw si Leo, “Sino ang may gawa nito sa anak ko?!”Nanginginig si Blondie habang sumasagot siya, “I-Isang lalaking nagngangalang Frank Lawrence.”“Sino siya?!”“Wala lang siya. Siya ang dating asawa ng may-ari ng Lane Holdings.”“Dating asawa…?” Nagulat si Leo.Hindi siya nangahas na maglihim ng kahit ano kay Leo, agad na sinabi ni Blondie kay Leo ang lahat ng nangyari noong araw na iyon, pati na ang pagkakaroon ng interes ni Robin kay Helen at ang kagustuhan niyang ikama si Helen.Sinuntok ni Leo ang pader dahil dito, at nag-iwan ito ng isang butas.“Maswerte siya na gusto siya ng anak ko,” ang sabi niya bago siya tumingin ng matalim kay Blondie. “Para saan ang binabayad ko sa’yo? Hindi ba dapat pinoprotektahan mo si Robin gamit ang buhay mo?”“Ah… uh…” Nautal si Blondie.Sumigaw si Leo, “Ipakain siya sa mga isda.”Dalawang maskuladong lalaki ang
Nagbabasa si Vicky ng mga dokumento sa Turnbull Villa noong napahinto siya dahil sa mga sinabi ni Helen.“Anong pinagsasabi mo?” Ang tanong niya.Agad na sinabi ni Helen kay Vicky ang lahat ng nangyari kanina at nagmakaawa siya, “Pakiusap, Ms. Turnbull. Ikaw lang ang makakapagligtas kay Frank ngayon.”Naningkit lamang ang mga mata ni Vicky, hinahaplos ng kanyang mga daliri ang kanyang baba habang nag-iisip siya ng malalim.Di kalaunan, nagtanong siya, “Nasa panganib ang buhay ni Frank dahil iniligtas ka niya. Tapos humihingi ka ng tulong sa’kin? Hindi ba parang sumosobra ka na?”Hindi makaimik si Helen ngunit muli niyang sinubukang kumbinsihin si Vicky. “Alam ko na nagsimula ang problema dahil sa’kin, pero wala talaga akong magagawa para tulungan siya…”“At paano ko naman naging kasalanan ‘yun?”Nabigla si Helen sa sinabi ni Vicky. “H-Hahayaan mo na lang bang mamatay si Frank?”“Problema ko pa ba ‘yun?” Nagtanong si Vicky.“Ano… Sige, kung ayaw mong tumulong. Ayos lang!” Nagal
Nagtanong si Trevor, “Dapat ba nating tawagan ang mga tauhan natin, Mr. Lawrence?”Kumunot ang noo ni Frank, puno ng pagnanais pumatay ang kanyang mga mata.Gayunpaman, sinabi niya na, “Hindi, ayos lang. Pupunta na ako sa Skymex Club ngayon—papatayin ko silang lahat kapag sinaktan nila si Helen.”At pagkatapos nito, ibinaba niya ang tawag at umalis siya, binuksan niya ang mga malalaking pinto ng suite gamit ng isang sampal ng kanyang palad.Isang walang hugis na enerhiya ang umiikot sa kanya, halos hindi mapigilan ang napakalakas na pwersa sa loob nito.-Pagbaba ni Helen sa Skymex Club, agad siyang dinala ng mga goons, na naghihintay sa labas, papunta sa opisina sa taas noong nakita nila siya.Pumasok siya at nakita niya si Leo na nakatayo sa harap ng pader na gawa sa salamin.Sa taas na anim na talampakan, matipunong pangangatawan, at malalim na pilat sa kanyang mukha na dumadaan mula sa kanyang anit hanggang sa kanyang mga labi, kikilabutan ang sinumang makakakita sa kanya.
Nang humupa ang alikabok, nakita ng lahat si Frank na nakatayo doon.Tiningnan siyang maigi ni Leo. “Sino ka?”Hindi sumagot si Frank.Sa halip, tumingin siya kay Helen na nasa sahig, at nagtanong, “Ikaw ang nanakit sa kanya?”Samantala, halos lumuwa ang mga mata ni Robin nang makita niya si Frank at agad niyang tinuro si Frank habang sumisigaw siya, “Dad! Siya ‘yun! Siya yung hayop na gumawa sa’kin nito! Huwag mo siyang hahayaang makatakas!”Huminga ng malalim si Leo, puno ng galit ang kanyang mga mata. “Magaling. Hindi mo na ako pinahirapan na hanapin ka.”Sa kabilang banda, pulang-pula ang mga mata ni Frank, kumuyom ang kanyang mga kamao habang malinaw niyang sinabi na, “Nagtatanong ako.”“Hmph.” Suminghal si Leo. “Ano naman kung sinaktan ko siya?”“Kung ganun, mamatay ka na!” Sumigaw si Frank at sinugod niya si Leo ng parang isang missile, at bumulusok ang alikabok sa likod niya.“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Leo sa gulat—napakabilis nun!Gayunpaman, hindi rin siya baba
Sa isang wasiwas ng machete, hiniwa ni Frank si Leo. At pagkatapos nito, bumagsak ang top dog ng West City. Sa di kalayuan, nanginginig si Robin habang pinagmamasdan niya ang bangkay ng kanyang ama, hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.Walang makakatalo sa kanyang ama—paano siya namatay ng ganun na lang?! Gayunpaman, magmadali siyang tumakas mula sa malaimpyernong opisina, ngunit sinipa siya ni Frank papunta sa sahig. “Pakiusap maawa ka, Frank—nagkamali ako! Hindi ko dapat ginulo si Helen. Pakiusap huwag mo akong patayin! Isa lang akong—-”Naglaho na ang lahat ng kayabangan ni Robin habang paulit-ulit siyang yumuyuko, at hinahampas niya ang kanyang ulo sa sahig. Siguradong pinagsisisihan na niya ang mga ginawa niya ngayon—-kung alam lang niya na pinoprotektahan si Helen ng isang elite na gaya ni Frank, nilayuan sana niya siya! Tumingin si Frank pababa sa kanya, kasing lamig ng yelo ang boses niya. “Huli na ang lahat.”At pagkatapos ng mga salitang iyon, humiwal
Lumapit si Sean sa tabi ni Helen, tiningnan niya siya ng may pag-aalala, “Ayos ka lang ba, Helen?”Kinuskos ni Helen ang kanyang ulo. “Ayos lang ako, pero hindi ba dapat nasa opisina ako ni Leo? Anong ginagawa niyo dito?”“Nag-aalala ako, kaya nagpasama ako kay Mr. Wesley papunta dito,” ang sagot ni Gina. “May ginawa ba sa'yo si Leo Grayson?”Hinawakan ni Helen ang kanyang pisngi, at pagkatapos ay ang kanyang mga damit. Tila walang ginawa sa kanya si Leo maliban sa sampalin siya ng ilang beses, dahilan upang maguluhan siya—-gusto siyang pagpira-pirasuhin ng lalaking ‘yun! “Ayos lang ako, pero bakit ako pinakawalan ni Leo?” Ang tanong niya. “Salamat sa tulong ni Mr. Wesley,” ang sabi ni Gina, nang mapagtanto niya ito at lumingon siya sa Skymex Club. “Kita mo? Isinara ng mga tauhan ng gobernador ang buong lugar.”Lumingon si Helen at nakita niya na maraming mga lalaking naka suot ng uniporme mula sa opisina ng gobernador ang nakatayo sa harap ng Skymex Club. Nagsimula namang