Lumapit si Sean sa tabi ni Helen, tiningnan niya siya ng may pag-aalala, “Ayos ka lang ba, Helen?”Kinuskos ni Helen ang kanyang ulo. “Ayos lang ako, pero hindi ba dapat nasa opisina ako ni Leo? Anong ginagawa niyo dito?”“Nag-aalala ako, kaya nagpasama ako kay Mr. Wesley papunta dito,” ang sagot ni Gina. “May ginawa ba sa'yo si Leo Grayson?”Hinawakan ni Helen ang kanyang pisngi, at pagkatapos ay ang kanyang mga damit. Tila walang ginawa sa kanya si Leo maliban sa sampalin siya ng ilang beses, dahilan upang maguluhan siya—-gusto siyang pagpira-pirasuhin ng lalaking ‘yun! “Ayos lang ako, pero bakit ako pinakawalan ni Leo?” Ang tanong niya. “Salamat sa tulong ni Mr. Wesley,” ang sabi ni Gina, nang mapagtanto niya ito at lumingon siya sa Skymex Club. “Kita mo? Isinara ng mga tauhan ng gobernador ang buong lugar.”Lumingon si Helen at nakita niya na maraming mga lalaking naka suot ng uniporme mula sa opisina ng gobernador ang nakatayo sa harap ng Skymex Club. Nagsimula namang
Sumimangot si Frank—humingi ng tulong si Helen kay Vicky? Kung ganun ‘yun pala ang dahilan kung bakit nagpunta dito si Yara! Gayunpaman, bago niya masabi kay Helen ang tungkol kay Yara at Vicky, itinulak siya palayo ni Helen. Mabilis niyang nasalo ang kamay ni Helen. “Mayroong hindi pagkakaunawaan dito—”“Tama na. Bahala ka kung gusto mong maging tuta ni Vicky Turnbull.” Kumawala si Helen mula sa kanya at naglakad siya paalis sa inis. Tiningnan naman siya ng masama ni Gina. “Ayos lang sa'kin na sabihin sa'yo na tinawagan ni Helen si Ms. Turnbull, pero wala siyang pakialam kung mamatay ka. Pero nagmakaawa pa rin kay Leo Grayson ang anak ko para sa'yo—patay ka na sana ngayon kung hindi dahil sa kanya!”Inirapan niya si Frank, at umalis siya kasama si Sean, na may malaking ngiti sa kanyang mukha dahil siya ang pinakamasayang tao doon. Samantala, naiwang nakatayo doon si Frank, at nag-iisip. Nagulat siya na pumunta si Helen kay Leo upang magmakaawa para sa kanya—talagang nagk
Subalit, litong-lito si Dan noong dumating siya sa bahay ni Gerald nang makita niya na walang tigil ang kanyang pag-ubo, at paminsan-minsan ay dumudura ng dugo. “Dan, bakit lumubha ng ganito ang kondisyon ko?” Ang tanong ni Gerald.Walang magawa si Dan kundi haplusin ang kanyang balbas at magtanong, “Hindi maganda ang lagay ng pulso mo. May kinain ka bang hindi maganda nitong mga nakaraan?”Paulit-ulit na umiling si Gerald. “Wala… at ininom ko ang gamot gaya ng sinabi mo sa’kin…”Lalong naguluhan si Dan dahil dito, at nagsalita siya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, “Kakaiba ang mga sintomas mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.”“Ano?! Paanong nangyari ‘yun?!” Sumigaw si Tidus Simmons, at hinawakan niya ang kanyang mga braso. “Ikaw ang pinakamahusay na manggagamot sa Riverton! Kailangan mong iligtas ang tatay ko!”“Ayaw ko ring may mangyaring masama sa kanya,” ang mapait na sinabi ni Dan. “Pero may mga limitasyon ako, at…”Humina ang kanyang boses, ngunit ang
Biglang may kumatok sa pinto niya noong sandaling iyon, at binuksan ni Frank ang pinto at nakita niya ang isang lalaking hindi niya kilala.Gayunpaman, halata sa suot niyang mamahaling suit na hindi siya isang ordinaryong tao, at mayroong isang malaking bodyguard na nakasuot ng itim sa likod niya.“Sino ka?” Ang tanong ni Frank.Hindi nag-aksaya ng oras si Tidus at agad siyang nagtanong, “Frank Lawrence? Ako ang anak ni Gerald Simmons.”Agad na naunawaan ni Frank kung bakit siya nandito. “Mukhang mas malala pa sa inaasahan ko ang kondisyon ng tatay mo.”Agad na hinablot ni Tidus ang kanyang kolyar. “May ginawa ka sa kanya, hindi ba?!”Maayos ang kalagayan ng kanyang ama sa kabila ng pagkakaroon niya ng sakit ngunit bigla siyang nalagay sa bingit ng kamatayan matapos niyang makilala ang binatang ito!Duda siya na inosente ang binatang ito!Ngumiti lamang si Frank. “Maraming iba’t ibang sakit ang dinaramdam ng tatay mo, mula noong mapinsala ang kanyang dibdib noong kabataan niya.
Agad na tumakbo papunta sa may pintuan ang lahat, ngunit hindi nila makita si Frank.Tanging si Tidus lamang ang nandoon, na nakahawak sa kanyang braso at gumegewang habang nagmamadali siya pabalik.“Tidus? Nasaan si Frank?” Agad na nagtanong si Kenny.“Wala. Sinabi ng mayabang na hayop na ‘yun na napinsala ang dibdib ng tatay ko at malapit na siyang mamatay,” galit na galit na nagsalita si Tidus. “Gusto niyang personal na magpunta ang tatay ko sa kanya—makikipagtalo sana ako, pero dinis-locate niya ang balikat ko!”“Ano?!” Sumigaw sa galit si Kenny. “Napakayabang niya! Dadalhin ko siya dito ng mag-isa!”“Sandali lang!” Biglang sumigaw si Dan at tumakbo siya palapit kay Tidus. “Anong sinabi mo? Paano niya nalaman ang tungkol sa aksidente ng tatay mo noong bata pa siya?!”Nagulat si Tidus. “Hindi, puro kalokohan lang ang sinasabi niya. Walang nabanggit na ganun ang tatay ko…”Bumuntong-hininga si Dan. “Yung totoo, nangyari talaga ‘yun, pero ang pagkakaalam namin ay magaling na s
Nagtataka sila Peter, Gina, at Helen kung sino ang nakita ni Sean. Tumingin sila habang papunta si Sean sa malaking grupo ng mga tao sa may entrance, na sumisipsip ng parang isang mababang alipin.Namutla si Gina. “S-Sino ang mga taong ‘yun?”Maging si Sean mismo ay iginagalang sila!Di nagtagal ay naningkit ang mga mata ni Helen.Hindi niya nakilala ang iba maliban sa isa—si Norman Schmidt.“Ang isa sa kanila ay ang chief ng commerce guild ng Riverton,” ang sabi niya. “Hindi ko na kilala yung iba.”Mukhang inggit na inggit si Peter—kailan kaya niya makakasalamuha ang mga bigatin ng gaya ng ginagawa ni Sean?“Hayy,” bumuntong-hininga siya. “Nakakausap pa niya ang chief ng commerce guild ng Riverton… Grabe!”“Wow!” Sumigaw sa tuwa si Gina at humarap siya kay Helen ng may seryosong tingin. “Isa siyang espesyal na lalaki, nagagawa niyang makisalamuha sa mga bigatin. Nakikita mo ba kung gaano kalawak ang kanyang impluwensya? Kailangan mo siyang makuha sa lalong madaling panahon!”
Sa inis niya, nagsalita si Tidus sa galit, “Magkano ba ang gusto mo?! Kaya ka naming bayaran—sabihin mo lang ang halaga!”Suminghal si Frank. “Walang halaga sa’kin ang pera.”“Kung ganun, anong gusto mo?” Ang tanong ni Norman—mayroong tao sa mundo na ayaw ng pera? Kalokohan!“Isang Myriad Hue Snow Lotus mula sa Sky Peak,” ang sagot ni Frank, “o isang Radiant Panacea Cap ng South Sea. Mayroon ba kayo ng mga ito?”“Anong…”Ang parehong mga bagay na binanggit ni Frank ay mas bihira pa kaysa sa ginto—lilipas ang buong buhay ng mga tao ng hindi nakikita ang mga ito, lalo na ang makuha ang mga ito.“Wala ako ng alin man sa mga ito,” ang sagot ni Tidus. “Pero gamutin mo ang tatay ko, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang mga ito.”“Binibigyan mo ba ako ng isang IOU?” Ang tanong ni Frank.“Hindi namin makukuha ang mga ito agad-agad,” ang paliwanag ni Tidus. “Hindi mo ba kami pwedeng bigyan ng oras?”Sa sandaling iyon, tumingin si Dan kay Gerald, na palala ng palala an
”Ang sarap nito sa pakiramdam!” Ang sabi ni Gerald habang naglalakad siya palapit kay Frank at yumuko siya. “Mr. Lawrence, humihingi ako ng paumanhin sa kakitiran ng isip ko noon. Malaki ang naging kasalanan ko sa'yo.”“Walang problema dun, Mr. Simmons, “ Kalmadong sumagot si Frank. “Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang isang manggagamot.”“Talino at kabutihan—isa kang mabuting ehemplo sa henerasyon mo,” Masayang humalakhak si Gerald at inilabas niya ang isang debit card. “Mayroon itong lamang limang milyon—ituring mo itong isang munting regalo mula sa’kin.”Umiling si Frank. “Si Mr. Zimmer na ang nagbayad para sa’yo.”Nang marinig niya na nabanggit ang kanyang pangalan, naiilang na ngumiti si Dan. “Ikinalulungkot ko na muntik nang mamatay si Gerald dahil sa kakulangan ko ng kakayahan. Maswerte kami na nakilala ka namin, Mr. Lawrence!”Bigla siyang nasabik—iniisip niya na maaari niyang gayahin ang anumang technique na gagamitin ni Frank upang gamutin si Gerald, ngunit nagawa n
Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya
Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang
Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos
Nakadagdag lang sa karisma ni Clarity ang nunal sa ilalim ng mata niya. Ang totoo, maraming lalaki ang hindi makakatiis sa kanya. “Anong problema, Frank?” Para bang naramdaman ni Helen na may mali sa screen at bahagyang kumunot ang noo niya. “Wala lang.” Umiling si Frank nang nag-aalangang bumitaw kundi ay tiyak na magseselos at magkakamali ng akala si Helen. Ngunit sa kanila ng kaba niya, hindi siya sasayaw sa tono ni Clarity. Naintindihan niyang habang mas maganda ang babae, mas lalo silang mapanganib. Kagaya nito, tiyak na may binabalak siya kapag mukha siyang intresado sa isang tao. At nilinaw ng pagpunta sa kanya ni Clarity nang dalawang beses na hindi ito nagkataon lang, at may binabalak siya. Samantala, binuksan ni Helen ang presentation file sa kabilang linya at pinakilala ang proyekto nang may propesyonal na script. “Ms. Clarity, gumuhit kami ng mga plano at blueprint para sa resort na hinihiling mo. Tignan niyo…”Inabot nang mas mababa sa sampung minuto ang u
Umubo si Helen at nagsabing, “Ipapadala ko sa'yo ang address. Pwede ka nang pumunta roon. Tandaan mo, pipirma ka ng kontrata, pero pagkatapos lang ng video conference. Naiintindihan mo?”“Oo,” tango ni Frank, pagkatapos ay lumingon sa mapayapang mansyon at bumuntong-hininga. Lumabas na bumiyahe siya nang ganito kalayo para ang sa tsaa…Kahit na ganun, hindi siya nagpaligoy-ligoy at nagmaneho papunta sa address na binigay sa kanya ni Helen sakay ng Maybach niya. Nang pumasok siya sa itinakdang café kalahating oras ang nakalipas, nakita niya ang isang pamilya na mukha roon at nagulat siya. “Ikaw yung nasa Waver Street…”Si Clarity nga iyon. Nakasuot siya ng hapit na itim na palda at blouse na may mababang kwelyo at eleganteng umiinom ng kape niya. Ngumiti ang mga pulang labi niya nang nakita niya si Frank, tapos dinilaan niya ang mga daliri niya habang makarisma siyang nagsabi, “Nagulat akong ang aga nating nagkita, pogi.”Hindi napaatras si Frank, kundi nagulat lang siya. Tu
Sumuko na sa wakas si Frank sa pagtataka niya at kumunot ang noo niya. “Tinawag mo ko rito para lang uminom ng tsaa?!”Inisip niyang maigi ang tatay niya sa biyahe papunta rito, ang nagsusumamong mga mata niya at ang pagsasabi niyang nabibilang na ang mga araw niya…“Ano, may problema ba?”Ngumiti si Godwin pagkatapos uminom ng tsaa niya. “Magaling magtimpla ng tsaa si Silverbell. Pwede mo siyang utusang magtimpla nito para sa'yo mula ngayon.”“Bahala ka sa buhay mo!” Suminghal si Frank at tumalikod para umalis. Inisip niyang kahit papaano ay ipapaliwanag ng tatay niya ang sarili niya, ngunit trinato na naman siya nitong parang bata kagaya ng kadalasan niyang ginagawa, at walang sinabi. Nanood si Silverbell habang umalis siya at nag-aalalang tumingin kay Godwin, “Ayos lang ba talaga to?”“Ano namang hindi ayos dito?”Ngumiti si Godwin at uminom ulit ng tsaa. “Wag kang mag-alala—iniwan ko na ang lahat ng dapat kong iwan sa kanya, at kagaya ng sabi nila, masaya ang walang nalal
Mag-isang umalis si Frank sa Turnbull Estate sa sumunod na araw. Wala siyang sinabihan kung saan siya pupunta habang mag-isa siyang nagmaneho sa labasan ng Morhen. Maliit lang ang mansyon pero nakatayo ito sa gitna ng maliit na gubat—isang tahimik at malinis na lugar malayo sa maingay na siyudad. Kumalma ang puso ni Frank makita niya lang ito, at umapak siya siya sa front door. Naamoy niya ang bango ng tsaang nagmumula sa drawing room. Isang sinauna at pamilyar na boses ang nagmula sa pinto niya. “Ah, nandito ka.”“Oo,” sagot ni Frank habang pumasok siya para makita ang ama niya, ang Lord of Southern Woods, na nakaupo nang maayos. Mayroon siyang antigong tasa sa tabi ng mga daliri niya at naamoy ni Frank ang bango nito kanina. “Maupo ka.” Isang magandang anino ang lumitaw mula sa kung saan dala ang isa pang tasa ng tsaa at magalang itong nilapag sa kabilang dulo kung saan nakaupo si Godwin Lawrence. Lumingon si Frank para makitang siya ay walang iba kundi si Silverbell,
Nagpatuloy si Walter, “Nang kinuha ako ng Martial Alliance, si Mr. Lawrence ang kumilos. Pinagbantaan niya ang chief nilang si Lady Silverbell, sinabi niyang lalabanan niya sila roon kapag tumanggi silang protektahan ako!”“At pumayag dito si Lady Silverbell, kahit na mangangahulugan itong mahaharap siya sa galit ng mayor ng Morhen. Habang hawak nga niya ako, marami siyang kwinento sa'kin tungkol kay Mr. Lawrence, at napansin kong tayo pala ang hindi nararapat para sa kanya.”Habang lumingon siya at namomroblemang tumingin kay Frank, pinunasan ni Walter ang luha niya habang nagtanong siya nang may humihikbing boses, “Pasensya na, pero pwede ba kitang asahang magaan si Vicky mula ngayon? Ayos lang bang hilingin ito mula sa'yo?”“Syempre naman ayos lang.” Ngumiti si Frank habang paulit-ulit na tumango. “Oh, salamat…” bumuntong-hininga si Walter. “Anomang mangyari ngayon, Frank… May tahanan ka saan man ako mapunta.”“Sige,” tumango si Frank habang nakaramdam siya ng init sa puso niy
Nang napansin ang pagpapasalamat ni Walter, ngumiti si Frank ngunit umiling siya—wala lang ito. Kahit na ganun, nakaramdam siya ng pagsisisi para kay Silverbell. Tiyak na pinagbayad siya para sa paghawak niya kay Walter. Sa kabilang banda, mabilis na ipinahayag ng Turnbull elders at executives ang pagtutol nila sa pagpapasalamat ni Walter kay Frank. “Walter, dahil kay Titus Lionheart kaya nakabalik ka nang ligtas! Pinatay niya ang sarili niyang kapatid sa ngalan ng hustisya at binunyag ang katotohanan. Kung hindi ay nakakulong ka pa rin!”“Oo nga! Bakit mo papasalamatan si Frank? Kung hindi nilinaw ni Titus ang hindi pagkakaintindihang ito, hindi ka makakabalik sa'min.”“Nakakuha siguro siya ng magandang salita mula sa mayor.”“Tsk, tsk. Mukhang seryoso si Titus kay Vicky at sa pamilya natin. Pinatay niya ang sarili niyang kapatid sa ngalan ng hustisya!”“Siguro kasi si Walter ang tatay ni Vicky, di ba?”“Oh, ang tapat niya talaga! Sayang naman, Vicky…”“Heh. Hindi kagaya