Sa isang wasiwas ng machete, hiniwa ni Frank si Leo. At pagkatapos nito, bumagsak ang top dog ng West City. Sa di kalayuan, nanginginig si Robin habang pinagmamasdan niya ang bangkay ng kanyang ama, hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan.Walang makakatalo sa kanyang ama—paano siya namatay ng ganun na lang?! Gayunpaman, magmadali siyang tumakas mula sa malaimpyernong opisina, ngunit sinipa siya ni Frank papunta sa sahig. “Pakiusap maawa ka, Frank—nagkamali ako! Hindi ko dapat ginulo si Helen. Pakiusap huwag mo akong patayin! Isa lang akong—-”Naglaho na ang lahat ng kayabangan ni Robin habang paulit-ulit siyang yumuyuko, at hinahampas niya ang kanyang ulo sa sahig. Siguradong pinagsisisihan na niya ang mga ginawa niya ngayon—-kung alam lang niya na pinoprotektahan si Helen ng isang elite na gaya ni Frank, nilayuan sana niya siya! Tumingin si Frank pababa sa kanya, kasing lamig ng yelo ang boses niya. “Huli na ang lahat.”At pagkatapos ng mga salitang iyon, humiwal
Lumapit si Sean sa tabi ni Helen, tiningnan niya siya ng may pag-aalala, “Ayos ka lang ba, Helen?”Kinuskos ni Helen ang kanyang ulo. “Ayos lang ako, pero hindi ba dapat nasa opisina ako ni Leo? Anong ginagawa niyo dito?”“Nag-aalala ako, kaya nagpasama ako kay Mr. Wesley papunta dito,” ang sagot ni Gina. “May ginawa ba sa'yo si Leo Grayson?”Hinawakan ni Helen ang kanyang pisngi, at pagkatapos ay ang kanyang mga damit. Tila walang ginawa sa kanya si Leo maliban sa sampalin siya ng ilang beses, dahilan upang maguluhan siya—-gusto siyang pagpira-pirasuhin ng lalaking ‘yun! “Ayos lang ako, pero bakit ako pinakawalan ni Leo?” Ang tanong niya. “Salamat sa tulong ni Mr. Wesley,” ang sabi ni Gina, nang mapagtanto niya ito at lumingon siya sa Skymex Club. “Kita mo? Isinara ng mga tauhan ng gobernador ang buong lugar.”Lumingon si Helen at nakita niya na maraming mga lalaking naka suot ng uniporme mula sa opisina ng gobernador ang nakatayo sa harap ng Skymex Club. Nagsimula namang
Sumimangot si Frank—humingi ng tulong si Helen kay Vicky? Kung ganun ‘yun pala ang dahilan kung bakit nagpunta dito si Yara! Gayunpaman, bago niya masabi kay Helen ang tungkol kay Yara at Vicky, itinulak siya palayo ni Helen. Mabilis niyang nasalo ang kamay ni Helen. “Mayroong hindi pagkakaunawaan dito—”“Tama na. Bahala ka kung gusto mong maging tuta ni Vicky Turnbull.” Kumawala si Helen mula sa kanya at naglakad siya paalis sa inis. Tiningnan naman siya ng masama ni Gina. “Ayos lang sa'kin na sabihin sa'yo na tinawagan ni Helen si Ms. Turnbull, pero wala siyang pakialam kung mamatay ka. Pero nagmakaawa pa rin kay Leo Grayson ang anak ko para sa'yo—patay ka na sana ngayon kung hindi dahil sa kanya!”Inirapan niya si Frank, at umalis siya kasama si Sean, na may malaking ngiti sa kanyang mukha dahil siya ang pinakamasayang tao doon. Samantala, naiwang nakatayo doon si Frank, at nag-iisip. Nagulat siya na pumunta si Helen kay Leo upang magmakaawa para sa kanya—talagang nagk
Subalit, litong-lito si Dan noong dumating siya sa bahay ni Gerald nang makita niya na walang tigil ang kanyang pag-ubo, at paminsan-minsan ay dumudura ng dugo. “Dan, bakit lumubha ng ganito ang kondisyon ko?” Ang tanong ni Gerald.Walang magawa si Dan kundi haplusin ang kanyang balbas at magtanong, “Hindi maganda ang lagay ng pulso mo. May kinain ka bang hindi maganda nitong mga nakaraan?”Paulit-ulit na umiling si Gerald. “Wala… at ininom ko ang gamot gaya ng sinabi mo sa’kin…”Lalong naguluhan si Dan dahil dito, at nagsalita siya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, “Kakaiba ang mga sintomas mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.”“Ano?! Paanong nangyari ‘yun?!” Sumigaw si Tidus Simmons, at hinawakan niya ang kanyang mga braso. “Ikaw ang pinakamahusay na manggagamot sa Riverton! Kailangan mong iligtas ang tatay ko!”“Ayaw ko ring may mangyaring masama sa kanya,” ang mapait na sinabi ni Dan. “Pero may mga limitasyon ako, at…”Humina ang kanyang boses, ngunit ang
Biglang may kumatok sa pinto niya noong sandaling iyon, at binuksan ni Frank ang pinto at nakita niya ang isang lalaking hindi niya kilala.Gayunpaman, halata sa suot niyang mamahaling suit na hindi siya isang ordinaryong tao, at mayroong isang malaking bodyguard na nakasuot ng itim sa likod niya.“Sino ka?” Ang tanong ni Frank.Hindi nag-aksaya ng oras si Tidus at agad siyang nagtanong, “Frank Lawrence? Ako ang anak ni Gerald Simmons.”Agad na naunawaan ni Frank kung bakit siya nandito. “Mukhang mas malala pa sa inaasahan ko ang kondisyon ng tatay mo.”Agad na hinablot ni Tidus ang kanyang kolyar. “May ginawa ka sa kanya, hindi ba?!”Maayos ang kalagayan ng kanyang ama sa kabila ng pagkakaroon niya ng sakit ngunit bigla siyang nalagay sa bingit ng kamatayan matapos niyang makilala ang binatang ito!Duda siya na inosente ang binatang ito!Ngumiti lamang si Frank. “Maraming iba’t ibang sakit ang dinaramdam ng tatay mo, mula noong mapinsala ang kanyang dibdib noong kabataan niya.
Agad na tumakbo papunta sa may pintuan ang lahat, ngunit hindi nila makita si Frank.Tanging si Tidus lamang ang nandoon, na nakahawak sa kanyang braso at gumegewang habang nagmamadali siya pabalik.“Tidus? Nasaan si Frank?” Agad na nagtanong si Kenny.“Wala. Sinabi ng mayabang na hayop na ‘yun na napinsala ang dibdib ng tatay ko at malapit na siyang mamatay,” galit na galit na nagsalita si Tidus. “Gusto niyang personal na magpunta ang tatay ko sa kanya—makikipagtalo sana ako, pero dinis-locate niya ang balikat ko!”“Ano?!” Sumigaw sa galit si Kenny. “Napakayabang niya! Dadalhin ko siya dito ng mag-isa!”“Sandali lang!” Biglang sumigaw si Dan at tumakbo siya palapit kay Tidus. “Anong sinabi mo? Paano niya nalaman ang tungkol sa aksidente ng tatay mo noong bata pa siya?!”Nagulat si Tidus. “Hindi, puro kalokohan lang ang sinasabi niya. Walang nabanggit na ganun ang tatay ko…”Bumuntong-hininga si Dan. “Yung totoo, nangyari talaga ‘yun, pero ang pagkakaalam namin ay magaling na s
Nagtataka sila Peter, Gina, at Helen kung sino ang nakita ni Sean. Tumingin sila habang papunta si Sean sa malaking grupo ng mga tao sa may entrance, na sumisipsip ng parang isang mababang alipin.Namutla si Gina. “S-Sino ang mga taong ‘yun?”Maging si Sean mismo ay iginagalang sila!Di nagtagal ay naningkit ang mga mata ni Helen.Hindi niya nakilala ang iba maliban sa isa—si Norman Schmidt.“Ang isa sa kanila ay ang chief ng commerce guild ng Riverton,” ang sabi niya. “Hindi ko na kilala yung iba.”Mukhang inggit na inggit si Peter—kailan kaya niya makakasalamuha ang mga bigatin ng gaya ng ginagawa ni Sean?“Hayy,” bumuntong-hininga siya. “Nakakausap pa niya ang chief ng commerce guild ng Riverton… Grabe!”“Wow!” Sumigaw sa tuwa si Gina at humarap siya kay Helen ng may seryosong tingin. “Isa siyang espesyal na lalaki, nagagawa niyang makisalamuha sa mga bigatin. Nakikita mo ba kung gaano kalawak ang kanyang impluwensya? Kailangan mo siyang makuha sa lalong madaling panahon!”
Sa inis niya, nagsalita si Tidus sa galit, “Magkano ba ang gusto mo?! Kaya ka naming bayaran—sabihin mo lang ang halaga!”Suminghal si Frank. “Walang halaga sa’kin ang pera.”“Kung ganun, anong gusto mo?” Ang tanong ni Norman—mayroong tao sa mundo na ayaw ng pera? Kalokohan!“Isang Myriad Hue Snow Lotus mula sa Sky Peak,” ang sagot ni Frank, “o isang Radiant Panacea Cap ng South Sea. Mayroon ba kayo ng mga ito?”“Anong…”Ang parehong mga bagay na binanggit ni Frank ay mas bihira pa kaysa sa ginto—lilipas ang buong buhay ng mga tao ng hindi nakikita ang mga ito, lalo na ang makuha ang mga ito.“Wala ako ng alin man sa mga ito,” ang sagot ni Tidus. “Pero gamutin mo ang tatay ko, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang mga ito.”“Binibigyan mo ba ako ng isang IOU?” Ang tanong ni Frank.“Hindi namin makukuha ang mga ito agad-agad,” ang paliwanag ni Tidus. “Hindi mo ba kami pwedeng bigyan ng oras?”Sa sandaling iyon, tumingin si Dan kay Gerald, na palala ng palala an