Pagkatapos niyang mag-isip ng sandali, huminga ng malalim si Frank at sinabing, "Ang harangin ang pagkita ng isang tao ay walang pinagkaiba sa pagpatay—kung napag-isipan mo nang ibigay sa kanila ang proyekto, Ms. Turnbull, wala akong dahilan para sabihin sa’yo na huwag ‘yun gawin."Ngumiti si Vicky kay Frank habang pinagmamasdan siya. "Sa tingin ko ayaw mo lang silang pahirapan ng husto. Marahil may nararamdaman ka pa para kay Ms. Lane?""Kung ‘yan ang tingin mo sa’kin..." Tiningnan siya ni Frank. "Wala akong masasabi tungkol diyan.""Hindi mo ba naisipang tumanggap ng panibagong kasintahan ngayong single ka na Mr. Lawrence?"Umiling si Frank. "Hindi ako interesado."Sumimangot si Vicky—medyo hindi nakakatuwa ang sagot niya.Gayunpaman, hindi niya ipinilit ang tungkol dito.Tiyak na hindi niya mamadaliin ang mga bagay dahil kakahiwalay lang ni Frank kay Helen ilang araw pa lang ang nakakaraan."Well, sigurado ako na mas interesado ka sa mga herbal treasure," ang sabi niya, binu
Doon lamang napansin ni Helen ang camera sa taas niya, na may pulang ilaw na kumukurap nang paulit-ulit. Samantala, nagpatuloy si Vicky, “Sa totoo lang, ayaw ko talagang ibigay sa'yo ang Western Project. Kaya nakakapanghinayang na mayroong tao na ayaw bumagsak ang Lane Holdings, at wala akong magagawa tungkol dun—kaya pumunta ka sa Turnbull Tower pagkaraan ng ilang araw para pirmahan ang kontrata.”Gayunpaman, hindi kayang magsaya ni Helen kahit na sinabi sa kanya ni Vicky na nakuha niya ang kontrata. Sinungitan niya si Vicky nang sabihin niya na, “Hindi magandang mag-espiya sa iba, Ms. Turnbull.”Sa loob ng security room, humagikhik lamang si Vicky. “Kaya kong alamin kung gaano karaming beses ka gumamit ng banyo sa loob ng isang araw kung gusto ko. Palalampasin ko ito sa pagkakataong ito, kaya mag-iingat ka kapag nagsalita ka ulit ng hindi maganda tungkol sa’kin.”Beep, beep, beep—Noong tahimik na ibinaba ni Helen ang kanyang phone, nagtanong si Gina ng may pagtataka, “Sino ‘
Sinabi ni Sean na, “Hayaan mo na yung inutil na ‘yan, Helen—gabi na, at malamang pagod ka. Nag-book ako ng isang VIP room sa hotel para sa’tin, kaya bakit hindi kayo magpahinga ng mom mo?”“Oo, syempre—pagod na pagod ako.” Agad na sumang-ayon si Gina at sinimulan niyang akayin si Helen. “Tara na, dear.”Gayunpaman, nanatili si Helen sa kanyang kinatatayuan. “Mom, hindi.”Alam na alam niya kung ano ang gusto ni Sean, ngunit hindi pa siya handang magsimula ng panibagong relasyon sa ngayon. Tiningnan ni Gina si Helen. “Anong ibig mong sabihing, hindi? Wala ka nang asawa na naghihintay sa'yo sa bahay. Bakit nag-aabala ka pa?”Nang makita ni Sean na pagkakataon na niya ito, agad itong sinamantala ni Sean. “Tama ‘yun, Helen. Pwede rin nating pag-usapan ang tungkol sa kontrata ngayong gabi.”Bagama't mukhang walang pakialam si Frank habang nakatayo siya sa malapit, puno ng galit ang kanyang mga salita. “Payo ko lang sa'yo, Helen—umuwi ka na.”Ilang araw pa lang ang nakakaraan mula noo
Mayroong isang mesa sa bulwagan, kung saan marami nang tao ang nakaupo sa paligid nito. Ngumiti si Vicky. “Ipapakilala kita sa kanila, Frank. Ito si Gerald Simmons, ang Chief of General Affairs ng Riverton.”Tumango ang lalaking may kwadradong panga kay Frank, at tumango siya bilang tugon. “Mr. Simmons.”Kasabay nito, lumibot si Vicky sa mesa, isa-isa niyang ipinakilala ang mga panauhin, ang bawat isa sa kanila ay mayaman at mahalagang indibidwal sa Riverton. “Ang Chief ng commerce guild ng Riverton.”“Ang Head ng Skyblade Dojo ng Riverton.”“Ang may-ari ng Flora Hall.”Pagkatapos batiin ni Frank ang bawat isa sa kanila, sa wakas ay ipinakilala na siya ni Vicky. “Ito si Frank Lawrence, ang taong nabanggit ko kanina.”Ang sabi ng Head ng Skyblade Dojo ng Riverton, “Nakikita ko na isa kang mahusay na martial artist.”“Hindi naman,” ang sagot ni Frank. “Kaunti lang ang alam niya.”Hindi pinaalam ni Vicky ang tungkol sa pinalakas na bersyon ng Boltsmacker habang sinabihan naman
Puno ng kumpiyansa ang mukha ni Frank. “Hindi lang ‘yun, Mr. Simmons. Nagigising ka tuwing umaga na masakit ang mga kalamnan mo at namamanhid ang mga braso't binti mo.”Huminga ng malalim si Gerald at seryoso siyang tumingin kay Frank. “Paano mo nalaman?”Hindi pa siya nasusuri ng batang ito—sinabi ba sa kanya ni Vicky ang tungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya? “Kitang-kita ito sa mukha mo, Mr. Simmons,” ang sabi ni Frank. Suminghal si Gerald. “Sa mukha ko? Kung ganun sabihin mo sa'kin, anong sakit ko?”“Isang coronary artery disease,” ang sabi ni Frank. “Kung malubha ito, tantya ko lalala ang kondisyon mo sa loob ng tatlong araw, kaya dapat kang magpagamot sa lalong madaling panahon.”Natahimik ang bulwagan dahil sa mga salitang iyon bago nagsimulang tumawa ng malakas ang lahat. Naningkit ang mga mata ni Vicky dahil dito—nagkamali ba si Frank? Imposible ‘yun! Sa mga sandaling iyon, kinausap ng pinuno ng Skyblade Dojo ng Riverton si Frank at natawa. “Sinabi sa'yo ni
Kasabay nito, umuungol at namimilipit si Peter sa may kama sa Riverton General. Hindi siya makagalaw dahil naka-plaster ang buong braso niya, habang humahagulgol si Gina, nadurog ang kanyang puso. “Anong nangyari, Peter? Sinong nanakit sa’yo?”Galit na sinabi ni Sean, “Sabihin mo sa'kin kung sino ang may gawa nito sa'yo. Gagantihan ko sila para sa'yo.”“Sino pa ba?!” Sumigaw si Peter. “Yung hayop na Frank Lawrence na ‘yun ang may gawa nito sa’kin!”Nagulat si Helen. “Pero nasa Verdant Hotel si Frank mula pa kanina…”“Inutusan niya ang mga tausan niya para saktan ako!” Nagalit si Peter. Yung totoo, binugbog siya ni Barney noong nakahanda na siyang pumunta sa Verdant Hotel. Habang sinabi mismo ni Barney kay Peter na si Frank ang nag-utos sa kanya, hindi binanggit ni Peter ang katotohanan na siya ang naunang nag-utos kay Barney na saktan si Frank.Gayunpaman, pinaghinalaan ni Helen ang kwento niya. “Bakit naman magpapadala ng mga tauhan si Frank para saktan ka?”Alam ni Helen na
Umiling si Frank. “Hindi.”Nakahinga ng maluwag si Helen, at huminahon ang kanyang mga kamao. Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Helen, at sinabi niya na, “Frank, humihingi ako ng tawad sa'yo para sa ginawa ng kapatid ko. Hindi makatwiran ang ginawa ni Peter—huwag ka sanang bumaba sa lebel niya.”Para sa kanila, tapos na ang lahat pagkatapos ng kanilang divorce. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Hindi ko gagawin ‘yun. Dapat tantanan niya ako kung alam niya ang makakabuti sa kanya,” ang sabi ni Frank. “Babalaan ko siya,” sumang-ayon si Helen.Pagkakuha niya sa gamot ni Peter at umalis, hindi siya pinigilan ni Frank habang mabagal siyang naglalakad palayo. Bigla siyang hinarang ng isang blonde na lalaki, na nakangisi. “Sandali kang, Ms. Lane.”Tinitigan ni Helen ang lalaki ng may pag-aalinlangan. “Sino ka?”“Hindi na mahalaga kung sino ako,” ang nakangiting sinabi ni Blonde. “Matagal ka nang gusto ng boss ko at gusto ka niyang makausap.
Hindi mapigilan ni Sean na ngumiti habang tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya. ‘Isang perpektong damsel-in-distress plot! Mukhang gustong-gusto talaga ako ng nasa taas… Siguradong makukuha ko na ang loob ni Helen!’Samantala, nakahawak si Blondie sa kanyang dibdib.Dahil alam niyang hindi niya kayang talunin si Sean, dinuro niya siya at sumigaw siya, “Siraulo ka! Huwag kang magtatangkang umalis ng bayan! Pupunta dito ang boss ko at bubugbugin ka niya!”Inilagay lamang ni Sean ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Sige lang, maghihintay ako dito. Siguraduhin mo lang na babalik ka.”Nagulat si Blondie na malakas pa rin ang loob ni Sean na magsalita at nagmadali siyang humingi ng tulong.“Hmph.” Suminghal si Sean bago siya humarap kay Helen ng may pag-aalala. “Ayos ka lang ba?”Tumango si Helen, nakapako ang kanyang mga mata kay Frank.Inisip niya na ililigtas siya ni Frank kapag kailangan niya siya, ngunit sa huli, tumayo lamang si Frank doon, at hindi kumilos.Sumama ang kan
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H
Malinaw na alam na alam ni Helen kung sino ang nagdala sa kanya sa gulong ito. Kahapon lang, nang nagbalik si Peter, inisip niya sandaling pwede niya siyang bigyan ng trabaho hindi kagaya ni Cindy, ngunit binenta siya nito sa isang kurap. “Nataga na kita kung hindi lang kita kapatid!” Sigaw ni Helen. Napangiwi kang si Peter sa sarili niya nang nakayuko. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganito si Frank, at lalapit na sana siya para pakalmahin siya… ngunit siya na mismo ang yumakap sa kanya nang umiiyak, “Bakit, Frank?! Bakit ganito ang pamilya ko…?”“Ayos lang yan. Nandito ako.” Tinapik siya ni Frank sa likod habang maingat siyang dinadamayan. “P-Pasensya na, ate. Napilitan lang ako…” utal ni Peter sa sandaling iyon. “Kalimutan mo na yan. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo,” sagot ni Helen, nang parang pa ring isang girlboss habang mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at pinunasan ang mga luha niya. Habang tinataboy si Peter, bumuntong-hininga siya. “Pwede kang ma
Kahit na ganun, bumuntong-hininga si Larry habang nagsimula siya, “Nagkataong nakita ko ang babaeng iyon sa isang business trip sa Talnam. L-Lumapit siya sa'kin, at pinilit akong mag-invest sa dalawang piraso ng lupa na sinabi niyang kikita nang malaki. Naloko ako, at nilayasan niya ako ilang araw lang ang nakaraan habang tangay-tangay ang malaking parte ng ari-arian ng kumpanya ko..” Umubo nang malakas si Larry, na halatang naaalis sa galit habang nagtapos siya, “H-Hindi ako mag-aalala sa pag-akyat ng Lanecorp kung hindi dahil doon…”“Ganun ba.” Tumango si Frank sa mga sinabi ni Larry nang napagtanto niya ito. Sabi ni Larry, nakilala niya si Juno sa Talnam… Kung ganun, Talnamese siya?“S-Siya nga pala, Mr. Lawrence….”Nang makitang interesado si Frank kay Juno, mabilis na nagdagdag si Larry para lang makaligtas, “Allergic ang babaeng iyon sa lilies… at sa matinding lebel pa nga.”“Matinding allergy sa mga lily?” Bumulong si Frank habang tinandaan niya ito—mukhang tama siyang p
Banal na ang katawan ni Frank, pero ang pure vigor niya ay nanatiling Birthright rank. Bulong niya sa sarili niya nang naglalakbay ang isipan niya. “Kapag natuto akong sumakay sa ulap at gumamit ng salamangka, talaga bang magiging banal na ako? O kaya… Ascendant rank?”Hindi kaya lumampas na ang katawan niya sa Ascendant rank at nakarating sa Transcendent rank?At kakaunti lang ang mga Ascendant rank sa buong Draconia! Kahit na ganun, natauhan si Frank, tumingin sa mga sangganong nakaluhod sa kanya, at suminghal. “Layas.”“Oo, oo, oo… Aalis na kami ngayon din…”“Dali, tara na…”Nakatayo lang si Frank at hindi hinabol ang mga sanggano habang tumakas silang lahat. Hindi siya ganun kauhaw sa dugo. Kahit na nararapat na mamatay ang mga lalaking iyon, nawalan na sila ng kagustuhang lumaban at hindi sila hadlang para kay Frank kaya hindi siya nabahala. “Tama na yan.” Hinablot ni Frank si Peter sa kwelyo at hinila siya palayo kay Larry nang para ba siyang isang pusa. Duguan at
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.